Showing posts with label Gloria Macapagal Arroyo. Show all posts
Showing posts with label Gloria Macapagal Arroyo. Show all posts

Monday, April 22, 2013

Ang Nasirang Pangako ng UP at ang Pagpapakamatay ni Kristel


Kristel Pilar Mariz P. Tejada

Nausyaming Iskolar ng Bayan, UP Manila.
Nagpakamatay, biktima ng direksyong privatization ng edukasyon sa UP.

______

Mayo 10, 2012 - nag-enroll sa unang taon sa kolehiyo si Kristel.
- Nilagay siya sa Bracket D ng Socialized Tuition and Financial Assistance Program (STFAP)--ibig sabihin, kailangang magbayad ng P300 bawat unit.
- P9,172.50 ang kaubuang tuition, P2,795.50 lamang ang naibayad sabay kuha ng P6,377.00 na utang sa Office of Student Affairs.

Nobyembre 2012, naglabas ng kautusan ang UP Manila na nagbabawal na papasukin sa klase ang mga estudyanteng hindi makabayad sa oras.

Disyembre 19, 2012 pa lang nakabayad ng buo ang mga Tejada sa utang nila ng Unang Semestre. Ikalawang semestre ng S.Y. 2012-2013, unang taon pa lamang niya sa kolehiyo, napabilang si Kristel sa hindi makapasok dahil hindi makabayad si tatay na nagmamaneho ng taxi at nanay na taumbahay.

Marso 13, 2013, napilitang mag-Leave of Absence si Kristel. Sinurrender niya, ayon sa patakaran, ang kanyang UP I.D., Student # 2012-21614... Sinasabing malamang ikinadurog ito ng kanyang puso.

Marso 15, 2013, bandang alas tres ng umaga, natagpuang walang malay si Kristel. Nagsulat muna sa kanyang FB account na parang isang publikong paalam--na sana daw ay 'ma-miss siya'--bago uminom ng silver cleaner. Sinugod sa ospital pero deklaradong patay na nang dumating.

______


Ang nangyari kay Kristel, na dapat ay Iskolar ng Bayan dahil estudyante siya ng Unibersidad ng Pilipinas, pangunahing state university sa bansa, ay sumasalamin sa lalong pumapangit na estado ng edukasyon--ang komersyalisasyon ng mataas na edukasyon sa ilalim ng mga Dilaw. 


Bakit ang Dilaw ang Epal

Umpisa ng STFAP, Cory

Panahon ni Cory Aquino nagumpisa ang STFAP na kaakibat sa pagtrato sa UP bilang kalahating pribadong unibersidad. Itinaas ang tuition sa P300 kada unit para sa matataas ang kategorisasyon (Brackets 1-9 pa noon). Mabulaklak ang mga pambobolang ipinalabas noon ng UP upang palabasing kailangan ang STFAP. Kesyo raw para masuportahan ng mga mayayaman ang mga mahihirap na mag-aaral. Kasabay ay ang pagtaas ng base tuition sa P300 kada unit.

Matapos ang pito o walong taon, lumitaw na sa isang na pagaaral ang naging masamang epekto ng STFAP, ng mataas na tuition. Kumonti ang bilang ng mga nagtatagal at mga tumutuloy na pumasok sa mga pumasa sa UPCAT o entrance exam nito. Ako nga lamang ay dapat kumuha ng mas mataas na pag-aaral, kung wala ang epal na STFAP. Ayon sa 2007/2008 na pag-aaral:

"Statistically speaking, the STFAP has been unable to attract the lower income students to enter and further stay in UP. Since it was originally introduced in 1989, the trend has been towards increased Bracket 6-9 students, with majority belonging to the (highest-income) Bracket 9 population."


Lumalang STFAP, Sisihin ang EDSA 2

Mula sa paguumpisa ng STFAP na 'socialized' subalit tagong taas-tuition sa panahon ni Cory, sa ilalim naman ng Pekeng/Ilehitimong "Pangulo" Gloria Macapagal-Arroyo, na iniluklok ng mga seditious na epal na nagtanggal sa tunay na halal na si Joseph Erap Estrada noong 2001, tumindi ito. Binago at pinahigpit ang STFAP kung kaya ang dating qualified na maging libre sa basic tuition fees sa lumang sistema ay kinailangan nang magbayad.

Noong S.Y. 2007-2008, sa ilalim ng Restructured STFAP ay itinaas ng tumataginting na tatlong beses ang matrikula bawat unit: P1,000 kada unit na sa base/default Bracket 'B' at P1,5000 sa Bracket 'A.' Kung nasa 'poverty threshold' ang pamilya mo, o kumikita ng mga P10,500 kada buwan pababa, maari kang maging full iskolar na walang matrikula at maari pang may allowance SUBALIT napakahigpit ng proseso. Kung may tumutulong na kamag-anak sa iyo ay isasama ito, at pati ang pagkakaroon ng cellphone na SOP na sa buhay ngayon ay ibibilang at malamang sa hindi ay itataas ang iyong bracket. Ang bill ng kuryente ay hindi dapat tumaas sa P200! Hindi katakatakang kakaunti ang ang nasa kategoryang ito dahil bukod pa nga sa sadyang sobrang higpit ay sobrang baba ng deklaradong kita/income ng 'poverty threshold.' Wisyo na lamang, mahirap maging marunong kung malnourished ang iyon katawan.

Sa pangkalahatan, sa ilalim ng pinahigpit na STFAP sa panahon ni Arroyo, mas lalo pang kumonti ang mga iskolar, ang mga mahihirap na marurunong/deserving sanang pangunahing magaaral sa UP. Hindi mahirap makita na malaki ang naging papel ng Restructured STFAP sa lalong pagbaba ng bilang ng mga buong iskolar ng bayan, o iyong mga hindi na kinailangang magbayad ng matrikula. Ayon sa pagaaral ng Collegian, ang opisyal na organ ng UP, isa bawat limang undergraduate na estudyante ng UP ay nasa kategoryang libre ang tuition noong 1991 subalit pagdating ng 2010 ay isa na lamang kada 100 ang hindi kinailangang magbayad ng matrikula!


Mas Grabeng STFAP, BS Aquino


Sa ilalim naman ni 'Pangulo' A_Noy Aquino, na sinasabing ayon sa ilang mapri-prinsipyong personalidad ay nandaya sa HOCUS-PCOS na halalan ng Mayo 10, 2010, hindi napigil, kundi pinagpatuloy, ang pagtahak sa kontra-demokratikong mala-pribadong edukasyon sa U.P. Sa mga pahayag nito ay nilinaw niyang kanyang mala-kapitalistang plano para UP. Nais daw niya itong maging “self-sufficient and financially independent” at "income-generating, na tinatawag daw na “rationalization of public education policy.”

Kung kaya nga't sa panahon po ni 'Pangulong' Abs ay itinaas lang naman ang default bracket sa 'A' ayon sa 'Revised STAFP.' Ang ibig sabihin nito ay lahat ng estudyanteng pumapasok sa UP ay awtomatikong ang kategorisasyon nila ay ang magbayad ng P1,500 kada unit tuition pa lamang. Kung 21 units ang load mo, P31,500 ang babayaran mo sa matrikula pa lamang kada semestre. Kung mali ang iyong kategorisasyon ay ikaw ang maghabol, ang magsumite ng mga katunayang dapat sa mababang kategorya ka. 'Deferred' pa rin yata ang implementasyon nito dahil sa mga protesta subalit ilang taon nang nang lumabas ang kautusan at naghihintay na lamang ng tamang 'timing' o pag nalansi na muli nila ang atensyon ng publiko.

May mga ilang nalalagay naman sa kategoryang bracket E at D, o full scholar at kalahati/konting iskolar subalit kung noong unang ipinatupad ito ay mahigpit na, hirayain kung gaano mas humigpit ang proseso ngayon bago maging Bracket 'D' o 'E' ang isang estudyante. Malapit-lapit na sa pagpasok ng kamelyo sa butas ng karayom. Ebidensya dito ay ang kaso mismo ni Kristel na inilagay sa Bracket 'D' kahit na isang buwan pa lang nagkakatrabaho ng matino ang kanyang itay nang maging freshman ito sa UP.

Maaring ibang usapan na ang dayaan sa halalang pampanguluhan subalit ang walang duda ay sumabog sa mukha ng kasalukuyang administrasyon na ito ang mas malupit na komersyalisasyong polisiya nito sa edukasyon nang magpakamatay nga si Kristel. Ang matatawag na diretso at malapit na pinagmulan ng kanyang pasyang kitling ang kanyang buhay ay ang nabanggit ko na ngang kontrobersyal na Nobyembre 2012 na bagong patakaran ng UP Manila na nagbawal sa pagpapapasok ng mga mag-aaral na may unsettled fees/loans sa kalagitnaan ng school year.


Masisisi ba si Kristel?

Labis bang nakakapagtaka ba na ang isang fresh(wo)man na magaaral ng UP kung saan karaniwan na ang mataas ang ambisyon at agresibo sa pagabot ng mga pangarap ay pinanghinaan ng loob at nagpasyang magpatiwakal matapos itulak na mag-LOA/patigilin sa pag-aaral sa gitna ng semestre dahil sa hindi makabayad ng matrikula? Alalahanin na UP ang pinaguusapang paaralan, undergraduate na kurso at hindi medisina. UP, uulitin ko, UP--hindi lang isang tinitingalang unibersidad kundi matagal na kilala bilang unibersidad ng bayan dahil iskolar ang mga marurunong na nag-aaral dito. Sabi nga eh, 'Mahirap ka ngunit marunong ka? Tamang-tama ka sa UP, iha.'

Punong-puno siguro ng pangarap at mga plano ang yagit lamang subalit marunong na si Kristel dahil sa pagkakapasa niya sa UP. Biruin mo, kahit dukha ang pamilya ay nagawa niyang makapasok sa UP. Nagawa niyang maging isa sa mga pinagpalang magagaling na nakapasa sa 'very competitive' na UPCAT na pagsusulit dito. Ambisyon siguro niyang maging isa sa mga mahuhusay sa larangan niya. Magiging matagumpay, paglilingkuran ang bayan at lalo na, maiaahon ang kanyang minamahal na mga magulang sa kahirapan, mapagaral ang mga nakakabatang kapatid. Malamang pinaniwalaan niya na ang kanyang angking talino kasama ang pagsisikap ay sapat na upang maabot ang kanyang mga pangarap. After all, she's a UP 'iskolar ng bayan,' right?

Subalit masaklap na natanto ni Kristel na hindi pala ganoon, na hindi pala siya iskolar ng bayan, na hindi siya sasagutin ng UP, ng pamahalaan dahil lamang marunong siya at nakapasa siya sa UP. Ang Unibersidad ng Pilipinas ngayon ay hindi ang UP ng mga Dekada 50, 60, 70, at maging 80. Ang malaking pangako ng UP na papagtapusin ang mga marurunong na anak ng bayan ay ibinaon, ibinabaon ng mga Dilaw... ng mga Dilaw na tuta ng Kalbong Agila kung saan ang commercialized education nito ay nagtutulak sa ilang mag-aaral na mabaon sa utang kundi ang magtrabaho bilang mga gigolo o prosti para matustusan lang ang pag-aaral.

May isang naging UP instructor na tinira ang ginawa ni Kristel at sinulat dito sa FB sa wikang Ingles na 'hindi lang naman ang UP ang mapapasukan, na may iba pang kolehiyo/universidad na mura subalit mainam ang turo.' Hindi makatotohan ang pahayag ng taong ito na tapos din sa UP dahil alam nating ito ang pinakamataas ang kalidad ng edukasyon sa mga publikong paaralan at isa pa nga sa pinakamataas ang antas sa buong kapuluan. Pangalawa, ang taong ito, palibhasa ay elit, ay hindi naiintindihan ang dakilang pangako (noon) ng UP--ang papagaralin ng halos libre ang mga mahihirap subalit mahuhusay/marurunong na kabataan.

Punong-puno ng pangarap si Kristel, nakahawak sa lumang pangako ng UP na siyang inaakala pa rin ng karamihan sa mga Pilipino. Nagulantang nang malamang abo na pala ang pangako. Wala palang pinanghahawakan si Kristel. UP ID na nga lang, kinuha pa. Hindi tulad ni instructor na ipinanganak na napapaligiran ng pilak, walang ibang maasahan si Kristel at pamilya nito. Inabandona siya ng UP, ng pamahalaan. Sa pananaw niya ay gumuho ang kanyang mundo. Nagpasya siyang tapusin na ito.




Socialized or Privatized?

Maganda sana ang ideyang socialized education subalit sa kaso ng STFAP, lumalabas na sa pangalang lamang ito at ang tunay na tagong-pakay ay ang pribatisasyon ng pag-aaral sa UP.

1. Ang proseso at basehan ng bracketing ay sobrang higpit. Napakahirap mapabilang sa full scholar. May mga balitang dahil sa kulang ang pondong binibigay ng pamahalaan ay kinokontian na lamang ang mga nasa bracket E. Sa orihinal na STFAP, may bentilador ka lang yata ay basehan na iyon para mawala ka na sa pinakamababang bracket, ang libre tuition (at may allowance). Sa Restructured STFAP, dapat di tumaas sa P200 ang bayarin mo sa Meralco. Sa ngayon, nakita natin ito kung paanong si Kristel na bago lang nagkatrabaho ang tatay at katagal bago nabayaran ang student loan ay nasa Bracket "D."

2. Kaakibat ng STFAP ang pagtaas ng matrikula at patuloy pang pagtaas nito. Nagagamit pang batayan ng ibang mga unibersidad at kolehiyo ang tumataas na tuition sa UP upang bigyang dahilan ang sarili nilang mga pagtataas ng matrikula. Sa katunayan sa ngayon ay mas mataas pa ang matrikula ng UP kaysa sa average kahit sa Metro Manila. Maituturing na kahanay na ng mga pribadong paaralang ang UP, na mura lamang ng may P300 piso kada unit sa mga matrikula ng hindi nalalayo sa University of Sto. Tomas (P1,249/unit) at Far Eastern University (P1,308/unit). Kung maipapatupad pa nga ng todo ang bagong STFAP scheme kung saan Bracket 'A' o P1,500/unit ang default ay mas mahal pa nga ang tuition ng UP kaysa FEU o UST.

Ang sobrang higpit na patakarang kategorisasyon sa STFAP at mataas na matrikula--lumalabas na alinsunod sa patakarang quasi-pribatisasyon--ang mga pangunahing dahilan kung bakit nauubos na ang mga iskolar sa UP. Ibig sabihin nito, mayayaman na ang karamihan sa populasyon ng (dating) unibersidad ng bayan. Isang dagdag pagpapatunay po na halos wala nang mahirap sa UP ay ang karanasan ng ng aking anak. Sa isang asignatura, nasa kalahati ng kaklase niya ay mga milyonaryo at ang ilan ay nagbibilang lang naman po ng kotse.


Paglalagom

Ang patakarang 'no tuition, mag-LOA ka' na diretsong nagbunsod para kitlin ni Kristel P. Tejada ang kanyang buhay ay mabigat at unprecedented para sa isang pampublikong unibersidad ngunit lakas loob na ipinatupad ng mga bataan ni Aquino sa UP Manila. Malalakas ang loob dahil mukhang ang STFAP sa ilalim ni BS Aquino ay nakarating na o malapit na sa huling mga yugto ng planong pribatisasyon ng UP na niluto lampas dalawang dekada na ang nakakaraan sa panahon ng nanay nito.

Sa pagdaan ng dekada, ng lampas 20 taon na pagpapatupad ng STFAP, makikita na kunwa o front lamang and pagiging 'socialized' ng STFAP patungo sa planong pribatisasyon/quasi-privatization ng UP, kundi ng buong mataas na edukasyon sa bayan. Kung aalalahaning isang state university ang UP, ang pinakamagaling/matayog na pampublikong paaralan sa kolehiyo, makikitang isang malaking anomalya ang taas ng tuition at pagkakaroong ng kakaunti lamang mga iskolar sa ilalim ng STFAP. Mukhang sa pangalan lamang 'socialized' ang scheme ng STFAP at ito ay isang kontra-demokratikong programang na tumatarget sa mayayaman bilang kliyente papunta sa tunay na landas nito na pribatisasyon.

Hinuhusgahan ang puno sa bunga nito. Kung mainam talaga ang STFAP na niluto, pinalawig, at pinahigpit nga mga Dilaw, eh di sana sa ilang dekadang pagpapatupad nito kahit papaano ay hindi kumonti, kundi man dumami, ang mga buong iskolar, ang mga mahihirap na mag-aaral sa UP. Sa pagpapatiwakal nga ni Kristel ay nalagasan pa ng isa ang maliit na bilang na mga yagit na populasyon sa UP.

Sana ay magkaroon naman ng makabuluhang bunga ang pagkitil ni Kristel sa sarili nitong buhay. Makita sana ng bayan na ang STFAP ay panlilinlang gamit ang terminong 'socialized' at propagandang pagsuporta kuno sa pagaaral ng mga mahihirap. Kabaligtaran ang kinalabasan--ang unti-unting pagkaubos ng full scholarsl sa UP. Ang polisiyang 'rationalization of education' nila Abs Aquino ay isang gibberish propaganda para sa pagkomersyo ng edukasyon. Ito ay paglabag ng mga Dilaw sa ating Saligang Batas. Atas ng Konstitusyon ng 1987 sa pamahalaan na gawing accessible ang edukasyon, hindi ang gawing mahal ito o iasa sa kapitalismo. Ang STFAP ang dapat abandonahin ng estado, hindi ang pangako ng UP.


_____

Mga Batis

An Assessment and Review of the New Tuition and Socialized Financial Assistance Program . http://images.cdcsc0708.multiply.multiplycontent.com/attachment/0/Ry2WCwoKCt8AAFFtA1g1/An%20Assessment%20and%20Review%20of%20the%20New%20Tuition%20and%20SFAP.ppt?nmid=65951927

Crisostomo, Vencer. [UPDATE: UP responds] Back-to-school: New tuition bracketing scheme hikes UP tuition by P500/unit. http://thepoc.net/commentaries/16101-back-to-school-new-tuition-bracketing-scheme-hikes-up-tuition-by-p500unit.html

Dizon, David. Tejada suicide highlights STFAP flaws. http://www.abs-cbnnews.com/nation/03/19/13/coed-suicide-highlights-flaws-stfap-classification

Shattered Dreams. http://www.mb.com.ph/article.php?aid=4379&sid=22&subid=72#.UV4A7xzZjOo

STFAP Bulletin for the Alphabetic Bracketing Scheme. http://stfap.up.edu.ph/stfaponline/page.php?content=bulletin&prevpage=%2Fstfaponline%2F

UP: Student's death an 'isolated case'
http://ph.news.yahoo.com/up--student-s-death-an--isolated-case--080853513.html

UP Manila has ‘Day of Mourning’ in remembrance of Kristel Tejada. http://www.theglobaldispatch.com/up-manila-has-day-of-mourning-in-remembrance-of-kristel-tejada-77800/

UP-Mindanao students bat for abolition of STFAP. http://davaotoday.com/main/2013/03/21/up-mindanao-students-bat-for-abolition-of-stfap/

Youth, groups mourn Tejada’s death, hold black protest. http://bulatlat.com/main/2013/03/21/youth-groups-mourn-tejada’s-death-hold-black-protest/

Friday, March 22, 2013

Iwasto ang Dayaang Tejeros Convention, Iboykot ang mga Halalang PCOS

22 ng Marso. Kumbensyon ng Tejeros. 1897. Ito ang unang nagtampok sa pambababoy, pagtapak, pagbabale-wala sa tunay na tinig ng bayan--nagpatalsik at nagbigay daan sa walang katarungang paglilitis at pagpatay sa Supremo Andres Bonifacio. Dahil sa Tejeros Convention na nagbigay momentum sa kasulasulasok na pambabasura sa napakahalagang sangkap ng demokrasya, ang halalan, hanggang ngayon ay dala-dala ito ng ating sistema pulitikal, naging kaugalian na yata ang pandaraya at pagtanggap dito. Kaya naman parang bale-wala ang krimeng conspiracy ng mga epal nang patalsikin ang hindi nandayang si Pangulong Erap Estrada, nang dayain ni Gloria Arroyo si Fernando Poe, Jr. noong 2004, nang dayain si Erap ng sabwatan nina BS Aquino, Arroyo, at CIA noong 2010. Kaya naman ang mga kampo ng mga mismong kumundina o biniktima ng mga halalang nabanggit ay kataka-takang sumasabak na naman sa halalan ngayon.

Ano po ba mga kuya at ate, nagkaroon nga po ba ng dayaan sa 2 huling eleksyon? Tatlong bagay lang ang magpapaliwanag ng muling pagtakbo ng kampo nila Poe, Jamby Madrigal, Jc de los Reyes, Erap, at Kaliwa. Una (1), nalito lamang sila sa kanilang alegasyon noon. Pangalawa (2), nagsinungaling lamang sila na nagkadayaan--na wala naman yata sa pagkatao nila. Pangatlo (3), meron silang alam na kanilang inililihim sa bayan.

Tejeros - Unang Pandaraya

Balik muna po tayo sa kauna-unahang madayang halalan sa bayang palaban na upang makamtan ang kalayaan... Ang araw na ito, Marso 22, 116 taon na ang nakakaraan, ang Unang Madayang Halalan sa ating bayan. Hindi unang halalan ng Bayan, ng ating lahi dahil ang maituturing na una ay ginanap noong Agosto 1896 nang binuo ang manghihimagsik na pamahalaan ng Katipunan, ang Pamahalaang Tagalog (Pilipinas/Taga-Ilog/Maharlika). Subalit ang Kumbensyong Tejeros ang unang nagtampok ng pambabasura sa boto ng mga Pilipino.

Maaring tawagin itong coup d'etat, ayon sa salita ng historyador na Dok Zeus Salazar, na ginamitan ng elemento ng pandaraya. Bago pa man magsimula ang Kumbensyong Tejeros, inulat na ni Diego Mojica, isang opisyales ng Katipunan, Magdiwang, na may mga nakasulat nang mga pangalan sa balota na dapat ay blanko. Lumabas na nanalo raw pangulo si Emilio Aguinaldo at kahit lumabas din ang pangalan ng Supremo ay ginulo ito ng isang Daniel Tirona taliwas sa napagkasunduan kaya dineklara itong bale-wala ni Bonifacio.

Naglabas kaagad ng deklarasyon na nagkadayaan sa Tejeros si Hen. Artemio Ricarte, na sa mga sumunod na araw, ayon kina Hen. Santiago Alvarez, ay tinakot upang manumpa sa 'pamahalaan' ni Aguinaldo. Naglabas ng pangkontrang Acta de Tejeros sila Bonifacio kahit na nagkaroon pa rin ng mga pag-uusap ang dalawang kampoo paksyon ng KKK sa Kabite (pinahiram pa nga ng Magdiwang ng mga sandata ang balasubas na Magdalo sa paglaban sa Kastila). Sumunod, nag-utos si Aguinaldo na daklutin, patay o buhay ang Supremo, ayon pa rin sa ulat ni Alvarez. Nilitis na salat sa katarungan si Bonifacio at kapatid nito at patagong pinatay sa bundok ng Kabite, baka tinadtad pa. 



Dayaan Noon, Dayaan Hanggang Ngayon


Kaya naman dahil siguro sa momentum, o kaya ay sa buto ng kasamaan sa halalan na itinanim nina Aguinaldo, hindi na bago ang pandaraya sa Pilipinas na lumala pa sa panahon ng mga Dilaw. Kahit ang 1907 halalan noong Philippine Assembly [salin: kolonyal na instrumentong legislatiba ng imperyalista] ay madaya--by design o dahil sinadyang hindi pinaboto ang masa at nasa 1.5% lamang ng populasyon ang nakaboto--yaong ang mga may lupa o nakakapagsalita lamang ng wikang Kastila (at Ingles) ang pwede. Pero usapang Kalbong Agila na yan.

Sa panahon ng mga Dilaw lalo na ang huling dalawang dekada lumala ang pandaraya dahil pangmalakihan na ang sistemang gamit, hindi lamang ang 'tradisyonal' na pagboto ng patay o maramihang beses o pagpalit ng ballot boxes. Sa panahon ni Arroyo na bahagi ng Kanan at kasabwat ang Simbahan at ang Kaliwa sa pagpapatalsik kay Estrada noong EDSA 2, niluto ang halalan sa pagmanipula sa boto sa Maguindanao gamit ang Komisyoner ng COMELEC, katulong ang mga kampon nito sa Kongreso. Kinawawa si FPJ noong 2004, nagreklamo ng pandaraya ang kanyang kampo bago inatake.

Noong 2010, automated pa ang dayaan, ang boto ng buong bayan ay niluto, malinaw sa pwestong Pampanguluhan at naluklok si Abs Aquino, tinalo daw si Estrada na pumangalawa. Bago mag-concede si Erap ay tinira ng kampo niya ang pandaraya. Sila ang nagpauso ng 'HOCUS-PCOS' na tumutukoy sa automated electoral cheating. Ang mga tumakbo rin sa pampanguluhan na sina Sen. Jamby Madrigal at Konsehal Jc de los Reyes, kasama si G. Nicanor Perlas, ay kahanga-hangang nag-concede pero hindi kay BS Aquino dahil matapang nilang itinuro at kinundina ang pandaraya sa halalan gamit ang mga makinang PCOS. Kahit nga si Bro. Eddie Villanueva ay nagsalita rin kahit paano laban sa dayaang 2010. Ang kampong Kaliwa sa pamamagitan ni Prop. Joma Sison naman ang nagsiwalat ng mekanismo at naging pagplaplano ng dayaan--nagusap nga daw at nagplano ang tagong magkakakulay na si Arroyo, ang kapatid ni Abs na si Pinky Aquino.Abellada, at ang napakasamang Central Intelligence Agency ng bansang Kalbong Agila upang lutuin ang halalang Mayo 10, 2010 gamit ang PCOS na mga makina.




Eh Bakit Sumasali pa sa Halalang 2013?


Nakakapagtakang ngayong 2013 ay sumasali na naman sa halalan ang mga kampong ito. Ang anak ni FPJ na si Grace Poe Llamanzares ay tumatakbo pa sa ilalim ng Team Dilaw na kinabibilangan ng Liberal Party na may mga kasapi, kundi man ang buong party, na gumawa ng paraan sa Kongreso upang hindi mabilang ang kwestyunableng mga COCs o certificates of canvass. Sa 'Hello Garci' tapes ni Arroyo ay sinabi nitong may mga kakuntsaba siya sa Senado, atbp. na malamang ay kabilang si Sen. Kiko Pangilinan. Si Kiko na ni hindi naipanalo ang posisyong Kongresista sa Quezon City, na nanalo lamang gamit ang asawang si Sharon Cuneta, ay sirang-sra sa pagsasabi ng "NOTED" upang barahin ang kampo ni FPJ na nais lamang mabuksan ang COCs upang mapatunayan ang pandaraya sa halalan.

Si Pangulong Erap ay tumatakbo ngayong mayor sa Manila. Nagconcede na nga mismo kay BS Aquino at naging taga-suporta pa nito pero hindi maikakailang tinira noon ng kampo niya ang dayaan gamit ang PCOS. At madalas din nitong tinitira ang naging pandaraya kay FPJ, katulad noong kampanya ng 2010.

Si Madrigal naman ay isa pang ala-Grace Poe na tumatakbong senador ngayon doon pa sa ilalim ng partido ni BS Aquino. Malinaw na itong si Abs and kanyang tinira, kasama nga sina de los Reyes at Perlas, hanggang ilang buwan matapos itong umupo ng Malakanyang. Itong lang naman po ang sinabi ni Madrigal noong Hunyo 19, 2010 sa isang pitong-oras na forum, na matagal-tagal din niyang pinanindigan:

We wake up one day and the votes are set and we do not even know how our votes were counted. I think we owe it to ourselves to look for the truth. And we thank you for being here in search of the truth, so that each and every one of us can make our own conclusions, but we should not let democracy be assaulted if there is any question of the 2010 elections being fraudulently conducted.

Si de los Reyes ay tumatakbo ring senador, ngunit hindi sa ilalim ng dilaw kundi sa maprinsipyo niyang partidong Kapatiran. Isa ito sa naunang nag.concede kay BS Aquino subalit madalian niya itong binawi nang malaman ang mga pandaraya. Matagal-tagal ding tinira ni de los Reyes, kasama si Madrigal at Perlas, ang madayang halalan.

Sa panig naman ng Kaliwa, hindi tumatakbo si Ka Joma subalit ang mga kapanalig niya sa Pilipinas sa pangunguna ni Rep. Teddy Casino ng Bayan Muna. May mga humikayat sa kanya, o napagusapan ba nila, na ibokyot ang halalan subalit sumige pa rin.



Nalito, Nagsinungaling, o Ano ang Sikretong Meron?

Tulad nang nauna kong sinabi, may posibilidad na mga nalito o mga nagsinungaling lang ang mga kampong ito tungkol sa mga pandaraya noong 2004 at 2010 (may nagtuturo ng pagkakasabwat ng partido ng Dilaw, ni Aquino, sa pandaraya noong 2004). Subalit maari bang ang lahat ng mga ito ay mga sinungaling? Malamang sa oo ay hindi dahil si JC de los Reyes, at kahit papaano si Jamby din, kasama ang Kaliwa, ay kilalang mga mapriprinsipyo. Kahit si FPJ nang nagreklamo siya sa pandaraya, ay kilalang malinis pagdating sa bayan dahil unang una ay baguhan ito sa politika at sa pagkakaalam ng marami ay nakumbinsi lamang dahil sa pagmamahal niya sa bayan. Si Pangulong Erap naman ay kilalang hindi marunong mandaya pagdating sa halalan. Isa pa, patungkol sa halalang 2010, sabay-sabay bang nalito o nagsinungaling sina Jc, Jamby, (Perlas), at Ka Joma, at sa maikling panahon, si Erap? Lalo na si Ka Joma na pasok pa ang CIA sa kanyang pagsisiwalat. Malabo yatang mga nalito o nanloko, at nagkwentong kutsero sabay-sabay sila.

Ang mas may katuturang dahilan ng kanilang pagsali ngayon sa halalan kahit na maingay nilang tinira ang mga pandaraya ng 2004 (mukhang kasabwat ang Dilaw) at 2010 ay may alam, o plano kaya, sila na hindi sinasabi sa atin. Maari kayang nangako si A_Noy Aquino na ngayon ay hindi magkakadayaan at sa pampanguluhan lang iyon dahil alam na nga ng marami na kung ano ang gusto ng imperyalistang Amerika, iyon ang nasusunod dito sa Pinas. Sinabi sigurong ayaw lang kasi ng Kalbong Agila kay Erap dahil lumaban ito sa base militar at dahil ayaw din ng elit dito kaya dinaya nila ito noong 2010.

O maari kayang sinabihan ni Abs ang ilan sa mga tumatakbo ngayon sa partido niya na 'promise, babawi ako sa inyo sa naging pandaraya ko noong 2010 (o pagtatakip ng partido ko noong 2004) at ngayon ay sisiguraduhin kong panalo kayo.' Ngek!

Sa panig naman ng Kaliwa at ni Jc de los Reyes ay maari sigurong gusto lang nilang gamitin ang mikropono ng kandidatura para maitulak ang mga makabayan nilang hangarin. Ewan din natin. Sana nga ganoon lang at wala nang ibang tagong pakikipag-usap sa mga epal na Dilaw.




Iwasto ang Tejeros... Boykot!... Itanghal ang KKK


Subalit hindi pa rin siguro tama na magbulag-bulagan o isangtabi na lamang ang KRIMENG pangdaraya ng Kampo ng Dilaw. Paano na ang katotohanan, ang katarungan, ang tunay na nais ng taumbayan?

Siguro kung makakausap lamang tayo ngayon nina Supremo Andres Bonifacio, Sek./Hen. Emilio Jacinto, Tandang Sora, Gregoria de Jesus, sampu ng mga bayani sa mga Katipunero, sasabihin nilang balikan at itakwil ang Kumbensyong Tejeros at lahat ng dayaang sumunod dito. Magumpisa tayong muli, balikan at itanim at pagyamanin ang mga aral ng Katipunan na nagtuturo ng Kapatiran, Kagandang-Asal, at Wagas na Pagmamahal sa Bayan. Linisin ang sistema ng pamahalaan at ating mga kaisipan dahil sa pagtataguyod ng Bayan na malinis lamang maayos ang daan, mga dumadaan at malamang, ang kahihinatnan.

Siguro, sasabihin nina Bonifacio at tunay na Unang (Manghihimagsik) na Pamahalaan na iwasto ang Kumbensyong Tejeros at talikuran ang naging paguugaling pandaraya or pagwalang-bahala sa pandaraya sa halalan. Sasabihin siguro nilang mas mainam na IBOYKOT ang halalan 2013 at mga susunod pa hanggang luminis, tumayo ang Bagong Bansang tunay na demokratiko at Bayan ang pinaghahari.

_____

Mga Batis:

Alvarez, Santiago. The katipunan and the revolution: memoirs of a general : with the original Tagalog text. Paula Carolina S. Malay. Trans. Ateneo de Manila University Press, 1992. http://books.google.com/books/about/The_katipunan_and_the_revolution.html?id=F3q-krDckHwC

Artemio Ricarte Declaration date 24 March 1897. Filipiniana.net. http://www.filipiniana.net/publication/artemio-ricarte-declaration-dated-24-march-1897/12791881635983

The “Acta de Tejeros”. http://kasaysayan-kkk.info/docs.adt.230397.htm

The Assassination of Bonifacio and Antonio Luna. Exerpts from Julio Nakpil's 'Apuntes Sobre La Revolucion Filipina' (Notes on the Philippine Revolution). http://www.oocities.org/valkyrie47no/himno.htm

Bonifacio, Andres. “Letters to Emilio Jacinto.” In The Writings and Trial of Andres Bonifacio, trans. Teodoro A. Agoncillo and S. V. Epistola. Manila: Antonio J. Villegas; Manila Bonifacio Centennial Commission; University of the Philippines, 1963. 13-22. http://bonifaciopapers.blogspot.com/2005/09/bonifacio-andres_112726277825094355.html

21 May. http://philippines-islands-lemuria.blogspot.com/2012/05/21-may.html

In Search of the Truth of the May 10, 2010 Philippine Automated Elections. http://forthephilippines.blogspot.com/2010/06/in-search-of-truth-of-may-10-2010.html

Foreign Powers Coercing the Filipino Masses for a Noynoy "Presidency"?
http://forthephilippines.blogspot.com/2010/05/foreign-powers-coercing-filipino-masses.html

The Tragedy of the Katipunan: The Supremo's Assassination-cum-Executio
n (Bonifacio Series IV). http://jesusabernardo.newsvine.com/_news/2011/05/10/6619505-the-tragedy-of-the-katipunan-the-supremos-assassination-cum-execution-bonifacio-series-iv

Andres Bonifacio, Unang Pangulo ng 'Pilipinas': Setting the Historiographic Record Straight (Bonifacio Series VI). http://forthephilippines.blogspot.com/2011/12/andres-bonifacio-unang-pangulo-ng.html

The HACKING of the SUPREMO, Unang Bahagi (Bonifacio Series VII). http://forthephilippines.blogspot.com/2012/05/hacking-of-supremo-unang-bahagi.html

Sunday, December 23, 2012

Batong Pinampukpok ng Simbahan Katolika sa Sariling Ulo

SIMBANG GABI 2012. Nega sa Malacanang ang homily ng kaparian. Malapit o kasing nega ng homily 12 taon na ang nakakaraan noong kapanahuang Simbang Gabi 2000 nang pinapatalsik nila Cardinal Jaime Sin si Pangulong Joseph "Erap" Estrada (dahil kesyo raw korap ito, ayon kay D.O.M. warlord, tax-evader at mambubugbog-asawang si Chavit Singson). Ngayong 2012, ang administrasyon ni "Pangulong" A_Noy Aquino y Hocus Pcos ang tinitira dahil sa pagtutulak nito sa RH o Reproductive Health Bill.

Walang tinag ang pamahalaan ni Abs Aquino. Tinakot na nga ng Simbahang Katolika ng Pilipinas na mangangampanya laban sa mga sumusuporta sa RH bill ay matigas pa rin at puro media feelers pa na ipapasa na nga raw talaga ang noon ay panukalang batas. Sabi pa nga ni Kongresista Lagman, alipores ng mga dilaw mula kay Gloria Arrobo hanggang kay Abs Aquino, pag naipasa na ang RH bill ay susuportahan din daw ito ng Simbahan katulad daw sa nangyari sa ibang bansa. At nakakagulat na ipinasa nga ang RH Bill kahit ang tagal at ang lakas ng ingay ng Simbahan laban dito.

Magtataka ba tayo na mukhang wala nang takot ang pamahalaang Dilaw sa Simbahan ngayong HOCUS PCOS na ang botohan? Ano pa nga naman ang ipangtatakot ng Simbahan eh kakuntsaba ito sa pagpapauso na balewalain ang tinig ng mamamayan at daanin sa gawa-gawang surveys, paghawak sa media at pagdoktor ng boto ang paglagay ng bataan nila sa Malacanang. Nag-boomerang nga lang sa mga wala-sa-lugar-makialam na mga Obispo.

Ang Simbahan na mula panahon ng Kastila, mula walang-basehang Treaty of Paris ng imperyalistang Kalbong Agila hanggang 'magsarili' daw ang Pilipinas...ang pangunahing layunin yata ay kontrolin ang Malacanang. Ang Simbahan nitong nakaraang tatlong dekada (kung isasama ang EDSA 1), ay masyadong pumapel sa pamahalaan ng Pilipinas. Pakikialam na pangunahing kasama ang usaping integridad sa botohan. 


2000/2001Oplan Excelsis/EDSA 2

Tama ba ang ginawa ng Simbahan na kasama sa pagplaplanong tangggalin ang tunay-na-ibinotong si Estrada via Oplan Excelsis na binuo noong bandang 2000 pa? Sabagay, sina Cardinal Vidal at Fr. Sonny Ramirez ay mukhang tutol sa ginawa nila Cardinal Sin subalit sa pangkalahatan ay kakuntsaba ng seditious, kontra-Erap na mga elemento ang Simbahan. Kasama si Cardinal Sin sa kampanya nina Gloria Arrobo,  Fidel 'Tabako' Ramos, at Cory Aquino na pababain si Erap, sampu ng maraming madre at mga pribadong paaralang Jesuita/Katolika, atbp. na inutusang pumunta sa EDSA ang mga mag-aaral nito.

2004 Hello Garci

Iwinasto ba ng Simbahan ang mali at seditious na ginawa nito noong 2000/2001 laban kay Erap nang ipiniliit na iluklok ng Kongreso si Arrobo noong 2004 at "Noted" lamang at hindi binilang ang mga (certificates of canvass) botong kinuwestyon ni Fernando Poe Jr. (FPJ)? Sabihin pa ay ibinunyag nina National Bureau of Investigation Deputy Director Samuel Ong ang 'Hello Garci' na pandaraya laban kay FPJ subalit patuloy pa ring sinuportahan ng Simbahan ang pamahalaang Arroyo? Bakit noong 2001, isang dirty old man na tax-evader at warlord na si Chavit lang ang 'nagbunyag' ng katiwalian daw ay tinarbaho na nila pagpapatanggal sa malinis na umupong si Erap samantalang sa "Hello Garci" na expose ay may tape recording pa ng pandaraya ni Arrobo ay nagpasya silang huwag makialam?

2010 HOCUS PCOS

Sinuportahan ba ng Simbahan ang kampanya nila G. JC de los Reyes, masugid na tagasunod pa naman nito, sa kampanya (noon) laban sa HOCUS PCOS 2010. Kabilang sa kampanya ang mga iginagalang na si G. Nicanor Perlas, si Sen. Jamby Madrigal, mga computer programmers at si Ka Joma Sison na nagbunyag nga na kakuntsaba ng mga Aquino si Arrobo at CIA. Lohiko na lamang ang gamitin kung nagkadayaan nga noong 2010--kung ang pag-withdraw lang ng P200 sa ATM kailangan ng digital signature, Pcos na pagboto pa kaya?


Ang Simbahan at Politikal na (Im)Moralidad


Akala ng Simbahang Katolika sa bansa natin na may basbas sila ni Bathala upang yurakan, balewalain, paglaruan ang tunay na tinig ng taumbayan. Hindi ba binabasa ng mga Obispong Katoliko ang Bibliya kung saan nakalagay na 'Ibigay kay Caesar ang dapat sa kanya' o malapit dito? Ang alam ko sa relihiyon ay moralidad ang itinuturo at dito sa lupa, may tatatas pa bang moralidad sa paggalang sa pangkalahatan/maramihang tinig ng bawat isa, maliit o mataas?

Masama ang magpatalsik ng nakaupong Pangulo na malinis na ibinoto ng taumbayan at ni hindi pa nangangalahati sa termino subalit ginawa ito ng Simbahan noong EDSA 2 Power Grab. Masama rin ang sumuporta sa bukas na nandaya ng boto, katulad ni Arrobo noong 2004 Hello Garci pero ginawa rin ito ng Simbahan. Nitong huling 2010 na halalan ay tikom na tikom ang bibig ng Simbahan kahit na mga mapapagkatiwalaang mga tao at grupo ay umalma na may dayaan Hocus Pocos.

Kapag hindi napag-init ng Simbahan ang mga tao laban sa kapapasang batas na RH, baka unti-unti nang mawawala ang impluwensya nito sa bayang Pilipino/Tagalog/Taga-Ilog/Maharlika. Aral ito na matagal nang dapat natutunan ng Simbahang inilagak dito ng banyagang Kastila apat na siglo na ang nakakaraan. Ang gumamit ng mali o masamang paraan sa kahit mainam pang layunin, babalik sa taga-gawa. Marami ring malilinis na kasapi ang Katolisismo sa bansa subalit sa kanaisan ng mga namumuno sa Simbahan na hawakan o impluwensyahan ang Malacanang, mukhang napukpok ito sa ulo ng sariling bato...

karma de hocus pcos, de hello garci, de oplan excelsis....

_________


Mga Batis/Iba Pang Basahin:


Look Back: 'Oplan Excelsis' plot to oust then-RP President Joseph Estrada hatched in 2000. http://jesusabernardo.newsvine.com/_news/2009/10/10/3369444-look-back-oplan-excelsis-plot-to-oust-then-rp-president-joseph-estrada-hatched-in-2000

Manalo, Charlie V. and Baldo, Gerry. House Passes RH on Final Reading, 133-79. The Daily Tribune. 18 Dec. 2012. http://www.tribune.net.ph/index.php/headlines/item/8297-house-passes-rh-on-final-reading-133-79

Perlas, Nicanor. Unelected and Illegal Government. 1 July 2010. Nicanor Perlas Site. http://blog-by-taga-ilog-news.blogspot.com/2010/07/unelected-and-illegal-government-of.html

Perlas, Nicanor. Beware and Overcome [YELLOW] Media Manipulation. May 2010. http://blog-by-taga-ilog-news.blogspot.com/2010/05/beware-and-overcome-yellow-media.html

In Search of the Truth of the May 10, 2010 Philippine Polls. http://jesusabernardo.newsvine.com/_news/2010/06/27/4572236-in-search-of-the-truth-of-the-may-10-2010-philippine-polls

The Ghost of FPJ: Beware the Liberal Party? http://jesusabernardo.newsvine.com/_news/2009/11/07/3472672-the-ghost-of-fpj-beware-the-liberal-party

The Impunity of the Pro-Noynoy SWS Survey. http://jesusabernardo.newsvine.com/_news/2010/07/26/4753863-the-impunity-of-the-pro-noynoy-sws-survey

Will the Filipino bishops undo an Arroyo wrong? August 2006. Published at Sobriety for the Philippines Blog 4 May 2007. http://forthephilippines.blogspot.com/2007/05/archived-article-august-2006-will.html

______

Raw photo credit (Katedral ng Manila):


http://en.wikipilipinas.org/images/c/c8/Manila_%28Cathedral%294.jpg

Friday, November 30, 2012

Pagwawasto sa 8 Mito Patungkol kay Supremo at sa Katipunan (Bonifacio Series VIII)

IKA-30 Nobyembre 2012. Kaarawan na naman (kahapon) ni Supremo Andres Bonifacio y de Castro, ang tunay na Unang Pangulo ng bayang Pilipinas/Tagalog/Maharlika/Taga-Ilog.  Sa susunod na na taon na nga ang malaking paggunita ng ika-150  kapanganakan ng pinakamagiting at pinakamatayog na bayaning lumaban para sa ating kalayaan at pagkabansa. Subalit bakit ba tila napakarami ang hindi tunay na nakakakilala sa kanya, o maling-mali ang kaalaman ukol sa kanyang pagkatao at mga ginawa, at ginawa sa kanya noong huling buwan ng kanyang buhay? Sa panahon niya ay may mga nagkalat ng paninirang propaganda ukol sa Supremo subalit hindi ba dapat na naiwasto na ang mga kasinungalingang iyon sa ngayon? Ang nangyari pa nga ay lumawak pa ang mga paninira na tila ba buhay at kumikilos pa ang mga kagaya ni Daniel Tirona ng Magdalo...

Lampas isang siglo na mula nang kanyang itatag, sampu ng iba pang mga dakilang nagtaguyod, ang samahang naghanda ng paglaban para sa kalayaan at bumuo ng Pamahalaang Himagsikan, ang Kataastaasang Kagalanggalangang Katipunan nang manga Anak nang Bayan o KKK. Matagal nang nalimbag ang mga sulatin ng tatlo sa mga patas at mas mapapagkatiwalaang mga "primary sources" ukol sa Katipunan at sa Supremo--mula kay Hen. Santiago Alvarez, at Gat Apolinario Mabini, at sa limitadong antas, kay  Hen. Artemio Ricarte. Nailabas na rin ang mga sulat ni Bonifacio kay Gat Emilio Jacinto na nagbubunyag ng mga sigalot sa pagitan ng sangguniang Magdiwang at Magdalo sa Kabite. Subalit bakit namamayagpag ang mga maling kaalaman ukol sa Supremo sa ating sistemang pangedukasyon at mainstream na media.

Ang mga maling kwentong ito ukol kay Supremo ay nakahalo sa mga iba pang kaalaman ukol sa kanya at madalas pa nga ay mas nangingibabaw dahil mukhang hawak ng mga kontra-Bonifacio ang mga ahensyang pangkaalaman--ang edukasyon at ang media. Ayon sa historyador na si Prop. Michael Charlestone Chua, "mga pwersang panlipunan na ayaw maituro ang mga aral nina Bonifacio at ng Katipunan." Pinakamainam ngang paraan para mabara ang pagpapahalaga sa Katipunan ay siraan ang pangunahing nagtaguyod at nagpalakad nito. Anu-ano ba itong tinutukoy kong pangit na propaganda ukol sa Supremo? Narito ang mga pangunahing maling kaalaman na masasabing nakakapanggigil dahil sa sobrang pagkataliwas o paninira nito sa pagkatao at naging buhay ni Bonifacio.



I.  Wala raw pinag-aralan o mahina daw ang ulo ni Supremo.

Mukhang walang sariling mga bait ang naniniwala dito dahil may mangmang bang 1.) nakapagtatag at nakapagpalakas ng tagong samahan sa ilalim ng mapanikil na kolonyal na pamahalaan, at 2.) nakapagbasa ng mga librong nasa ibang wika (Les Miserables at Biography of American Presidents)? Bukod pa sa kanyang magagandang makabayang sulatin tulad ng Pag-Ibig Sa Tinubuang Lupa, Dekalogo, Dapat Mabatid ng Mga Tagalog, atbp.  Talas ng isip sa pagplaplano at mga taktika upang ma-utakan o ma "outwit" ang kalaban ang ginamit ni Bonifacio. Sila ngang mga nagsasabi nito baka sa barangay lang nila magtatag ng panghimagsikang samahan ay huli na agad sila.:)

Kailangang banggitin na kung ihambing si Bonifacio kay Hen. Emilio Aguinaldo y Famy ay akala mo 'no read, no write' ang una at nakatapos ang huli. Ang katotohanan ay medyo nakakagulat sa mga nauto ng pwersang dilaw sa kasaysayan at media: self-educated ang Supremo at nakatuntong lamang sa high school itong si Aguinaldo.

Mas marunong pa nga pagdating sa mataas na kaalamang pangpamahalaan itong si Bonifacio kaysa kay Aguinaldo. Kitang-kita ang kamangmangan ni Aguinaldo pagdating sa usapang pamahalaan noong "Republika ng Biak na Bato" na itinatag nito bago tinalikuran ang Himagsikan at tumakbo sa Hong Kong (hanggang makipagusap sa mga Amerikano). Ang Saligang Batas ng Biak na Bato ay halos buong-buong kinuha sa Konstitusyon ng Cuba--99.9% plagiarized, ika nga. Nakakahiya. Ihambing ito sa ginawang pagtutol ni Bonifacio sa Saligang Batas na inihain ni Hen. Edilberto Evangelista sa kanya noong bandang Disyembre 1896. Batay sa sinulat ni Hen. Alvarez, tinanggihan ni Bonifacio na gamitin ang konstitusyon para sa pamahalaang Katipunan dahil nakita niyang malapit ito sa gawa ng Kastilang si Antonio Maura. 

Sabi nga ni Mabini, si Bonifacio ay isang "sagacious" na pinuno at "had no less schooling than any of those elected in the aforesaid assembly."  Tinutumbok dito ni Mabini ang kontrobersyal na Tejeros Convention kung saan nakaikot ang hindi lang isang malaking kasinungalingan ukol kay Bonifacio.

II. "Natalo" daw ni Aguinaldo si Bonifacio sa Kumbensyong Tejeros.

Maaring natalo sa bilangan ngunit hindi sa tunay na halalan ang Supremo dahil ang Tejeros Convention ang pinakaunang madayang halalan sa kasaysayan ng ating pagkabansa. Ang unang HOCUS-PCOS, unang 'Hello Garci' kumbaga.  Nakasulat kina Ricarte, Alvarez, at sa mga sulat ni Bonifacio ang pandarayang naganap sa halalan.

Bago pa man simulan ang halalan sa Tejeros ay nagsumbong kay Bonifacio si Diego Mojica, isang opisyal ng Katipunan, Magdiwang, ukol sa may mga laman nang mga balota, ayon sa memoirs ni Alvarez. Pre-filled ballots, ika nga. Matapos ang halalan ay agad na gumawa ng deklarasyon si Ricarte na nagkaroon ng dayaan at kahit nahalal siya ay ayaw sana niyang magkaroon ng bahagi sa "pamahalaang" iyon. Sinulat din ni Alvarez na patagong sumumpa sa tungkulin sina Aguinaldo, at sa harap pa ng isang Kastila, o turuan-ng-Kastila na pari. Nakasulat din mismo ang pandarayang ito sa mga sulat ni Bonifacio kay Jacinto.

III. Kaya daw nag-walk out si Bonifacio sa halalan sa Tejeros ay dahil hindi nito matanggap ang "pagkatalo" kay Aguinaldo at ito ay lumayo na.

Napakalaking kasinungalingan nito sa dalawang kadahilanan. Una, nagalit si Bonifacio dahil ayaw kilalanin ni Tirona ang kanyang pagkapanalo bilang Kalihim na Pang-loob (Interior Secretary) samantalang iginiit niya bago umpisahan ang halalan na dapat igalang ng lahat ang anumang kakalabasan nito, na sinanggayunan naman ng mga delegado. Ininsulto siya ni Tirona na kesyo hindi bagay maging Kalihim dahil hindi nakatapos o hindi ito abogado (Ngek! Ano naman kaya yung high-school level na si "Pangulong" Aguinaldo?). Ito ay malinaw na nagpapakita ng kawalang paggalang nila Tirona sa boses ng tao--kung ipapalagay na hindi nagkaroon ng dayaan.

Karaniwang punto ng maling propaganda sa panahong kasalukuyan ay kesyo ang pagkagalit ni Bonifacio ay nagpapakita ng pagkainsulto niya, ng kanyang pagkapikon. Subalit kahit naman kanino mangyari ang pangit na taktikang iyon ay maiinsulto. Kailangang isa-alang-alang ang pagkatao nitong si Tirona. May nauna nang kasalanan itong si Tirona na itinuturong nagpakalat ng mga mapanirang poison letters laban kay Supremo noong huling bahagi ng Disyembre 1896, ayon sa mga sinulat ni Alvarez. Dagdag pa, si Tirona ay isang kalahating traydor na sumuko sa mga Kastila dalawang linggo lang makalipas ang Tejeros.

Pangalawa, ang totoo ay ilang pag-uusap at pakikipagtulungan pa ni Bonifacio kay Aguinaldo ang nangyari matapos ang Tejeros. Noong unang linggo ng Abril ay tinanggap pa nga ni Bonifacio sa kanyang opisina sa Naic itong sina Emilio at Baldomero Aguinaldo, ayon pa rin kay Alvarez. Binendisyunan pa nga kamo ni Bonifacio ang pagpapahiram ng Magdiwang, kung saan malapit si Bonifacio, ng mga armas nang hilingin ng Magdalo upang gamitin daw sa pakikipaglaban sa Kastila.

IV. Talunang pinunong militar daw itong si Bonifacio samantalang magaling daw si Aguinaldo.

Hindi totoong walang naipanalo si Bonifacio dahil ang mga naunang labanan ng mga Katipunero ay naipanalo nito. Ngayon, kung bakit hindi naging matagumpay ang Pangkalahatang Pag-aalsa noong Agosto 29/30 ng 1896 ay maisisisi sa ilang mga kadahilanan kabilang ang hindi pagsulpot ng grupo ni Aguinaldo, partikular ang pinamumunuan ni Fernandez. Kung baga, nasira ang plano.

Kasinungalingan ding basta-basta sabihin na mas magaling si Aguinaldo kay Bonifacio bilang heneral. Bakit kanyo? 1.) Manila, na sentro ng kapangyarihang kolonyal, ang hinawakan ni Bonifacio, na ang ibig sabihin ay mas mahigpit ang depensa dito at mas malakas ang pwersa ng kalaban dito. Mahirap talagang ipanalo. Samantala, 2.) si Aguinaldo nga ay nanalo sa labanan sa Imus noong Setyembre 1896 subalit nang ibinaling na ng Kastila sa Kabite ang pwersa nito ay kumaripas ng takbo itong si Aguinaldo papunta sa pagsuko/pakikipagkasundo sa Biak-na-Bato sa huling bahagi ng 1897.

Idagdag din na 3.) maliit na bahagi ng Kabite ang hawak ng Magdalo ni Aguinaldo kung ihahambing sa sakop ng Magdiwang nila Alvarez. Sa unang bagsak ng pagbaling ng Kastila sa Kabite noong Pebrero 1897 ay mas maraming mga bayan ang nalagas sa teritoryo ng Magdalo na umatras pa nga patungo, at nagkanlong, sa mga nasasakupan ng Magdiwang. Sa katunayan, sa panahong isinailalim sa kanggarong korte militar si Bonifacio ay tumatakbo noon ang Magdalo mula sa pagsalakay ng Kastila.

Ang totoo ay 4.) may taal na katalinuhang pulitiko-militar ang Supremo, ayon sa historyador at antropologong si Dok Zeus Salazar. May pangkalahatang plano ng Himagsikan si Bonifacio na binubuo ng apat na kaisipan. Ito ay ang a) mabilisang paghihimagsik na pupugot sa ulo/sentro ng banyagang kapangyarihan; b) pagsasama-sama ng bayan upang mapatupad ang pagsakote sa Maynila; c) sakaling mabigo ang paghihimagsik, ang pag-atras ng mga rebolusyonaryo sa mga 'real' o ilihan, o mga kampong "komunidad na may tanggulan malapit sa bayan"; d) sa maramihan, ang mga ilihan ay pabaitang na lunsaran ng ala-gerilya na pag-atake mula sa kanayuhan patungo sa militar na ulo ng Kastila na epektibong ginamit ng maraming heneral at mismong sumalo kay Aguinaldo sa Real ng Biyak na Bato.

V. Ang Katipunan daw ay samahan lamang, si Aguinaldo raw ang unang Pangulo ng bansa (at hindi daw si Bonifacio).

Ito marahil ang pinakamalaking kalokohang kasinungalingan patungkol sa naging pagkatao, nagawa at tagumpay ni Bonifacio. Ang totoo: bago inilunsad ang Pangkahalatang Pag-aaklas laban sa Kastila ay ginawang Panghimagsikang Pamahalaan ang Katipunan, kabilang ang pagtatatag ng hukbong sandatahan nito, at paghalal ng mga opisyal sa pamumuno ni Pangulong Bonifacio. May watawat pa nga at pambansang awit na inihanda, ang Marangal na Dalit ng Katagalugan na kinomisyon ng Supremo kay Julio Nakpil y Garcia.


Nakakapagtakang hindi kinikilala sa opisyal na kasaysayan (na tinuturo sa mga paaralan at binabangit ng media) ang halalan sa Katipunan na nagluklok kay Bonifacio bilang pinuno ng bansang naghihimagsik. Ito ay ibinalita sa Kastila-Amerikanong pahayagang "La Ilustración Española y Americana" (1897, Vol. I) kung saan pinakita pa ang larawan ni Bonifacio na may caption na "'Presidente' de la Republica Tagala." Sinulat din ito sa kaparehong taon ng Kastilang historyador na si Jose M. del Castillo. Nilagay nito sa kanyang "El Katipunan" or "El Filibusterismo en Filipinas" ang kinalabasan ng halalan sa Katipunan kung saan napili si Bonifacio bilang Supremo/Pangulo, si Jacinto bilang State Secretary, at iba pa.

Kung tutuusin ay dapat na tingnan bilang  malakas na pagbakas sa pagka-Pangulo ni Bonifacio at pagiging pamahalaan (na pang-Himagsik) ng Katipunan ang dalawang Kastilang batis na ito. Kung titingnan mula sa teoryang 'national perspective,' dapat si Aguinaldo na nakipagkasundo sa kanilang pamahalaang (Kastila) ang kilingan nila at hindi si Bonifacio na siyang puno't dulo ng Rebolusyon. Kung bakit itinatatwa ito ng mainstream na kasaysayan ng Pilipinas ay lubhang nakakapagtaka, taliwas sa lohiko.

Sabihin pa, may pagpapatibay din ito mula sa mga lokal na batis. Isinulat ni Alvarez na noong pinipilit nila Baldomero Aguinaldo na magtatag ng (bagong) pang-himagsikan pamahalaan ay sinagot nina Bonifacio na hindi ito kailangan dahil pamahalaan na ang Katipunan. Ipinahiwatig din ni Mabini na ang Katipunan ay pamahalaan sa ilalim ni Bonifacio nang sinulat niya sa kanyang memoirs na kriminal na insubordinasyon ni Aguinaldo ang pag-utos na "asasinasyon" (pagpatay) sa Supremo.

VI. May karapatan daw hatulan ng kampo ni Aguinaldo si Bonifacio na kanila daw isinailalim sa 'hustisya.'


Isang nakakapangilabot na pares ng kasinungalinan. Mula umpisa ay pagligpit na sa Supremo ang pakay ng kampo ni Aguinaldo. Isinulat ni Alvarez na 'dead or alive,' patay o buhay, ang utos na pagdukot kay Bonifacio. Ang mga inutusan ni Aguinaldo--sina Kol. Agapito Bonzon o alyas Intong, Felipe Topacio, at Jose Paua o Instik Pawa (may kasalukuyang historyador ang nagsasabing kasama si Lazaro Makapagal)--ay malugod pa nga ilang tinanggap (bilang mga kapatid sa Katipunan) ni Bonifacio ngunit patraydor na binaril at sinaksak nila ang Supremo sa tinuluyan nito sa Indang, Kabite.

Patraydor na pagdaklot ang ginawang panghuli sa Supremo dahil walang legal na kapangyarihan ang "pamahalaan" kuno ni Aguinaldo. Bakit ko nasabi ito?  1.) Walang bisa ang halalang Tejeros dahil una (a), pinawalang bisa ito ni Bonifacio na presiding officer ng kumbensyon. Pangalawa (b), nagkaroon ng dayaan sa Tejeros batay sa ulat ni Mojica at sa deklarasyon ni Ricarte na nagsabing nagkaroon ng "dirty or shady practices in the manner" ng halalan at napilitan lamang siyang sumumpa sa nakuhang posisyon na Pinuno ng Himagsikang Hukbong Sandatahan dahil tinakot siyang papatayin, ayon na rin sa kanyang deklarasyon. Pangatlo (c), kung kinikilala ng karamihan ang pagka-"panalo" ni Aguinaldo, sana ay hindi ito patagong nanumpa bilang "Pangulo." Pang-apat (d), naglabas din si Bonifacio at apatnapung iba pang Katipunero ng Acta de Tejeros na nagpapawalang bisa sa marumi at ma-anomalyang Kumbensyong Tejeros isang araw matapos ang halalang ito. Maaring may ilang pumirma na bumaligtad at kumampi kay Aguinaldo, katulad ni Hen. Pio del Pilar, subalit hindi nawala ang bisa nito dahil mas marami ang nanatili at nagkapirmahan nga.

2.) Sa yugto ng panghuli at pagkulong, at paglilitis ay walang hustisyang natamo sina Bonifacio. Pagmaltrato ang natamo si Supremo at kapatid na lalaki nitong nabuhay (noong dinaklot sila) na si Procopio. Pinagbawalan ang pagbisita sa makipot at madilim na bartolina, hindi nilapatan ng lunas ang mga sugat, at kung pinakain man ay "pagkaing hindi na dapat sabihin" ang binigay, ayon kay Alvarez. Ma-anomalya rin at patago ang ginawang 'paglilitis' kay Bonifacio. Kangaroo court martial, ika nga. Tumataginting na lutong makaw ang makikita ng kahit sinong may wisyo na makakabasa ng tala ng paglilitis, kahit yung 'opisyal' na bersyon pa at kahit hindi alam ang 'dead or alive' na utos ni Aguinaldo.

Meron ba naman patas na hukom na ang a) presiding officer (Mariano Noriel) ay pinangunahan ang kalalabasan at tinawag na ang intensyon ni Bonifacio ay "evil and treacherous," at ang b) abogadong itinakda nila sa Supremo, defense attorney (Placido Martinez), ay hinusgahan rin ang nasasakdal at sinabi ring "evil" daw ang binalak nito? Idagdag pa na ang auditor ng hukom militar ay si Baldomero Aguinaldo na pinsan ng biktima raw ng planong pagpatay ng Supremo.

VII. Duwag daw sa harap ng kamatayan ang Supremo.


Hindi iilan ang kumakagat o medyo kumakagat sa malaking kalokohang ito kahit na alam ng madla ang katapangan ng bayaning naglakas ng loob na pangunahan ang humawak ng balisong at baril upang wakasan ang pagkaalipin ng bayan at ilunsad ang bagong umaga nito bilang isang bansa. Sukdulang taliwas sa pagiging "El Marat Filipino," ika nga ng El Renacimiento--matapang na manghihimagsik, mapusok na patriotiko--ang pagiging duwag daw ng Supremo nang papaslangin na siya. Talaga nga yatang natatalo rin ang wisyo ng paulit-ulit na pagbigkas o paglimbag ng kasinungalingan.

Walang kredibilidad kung tutuusin ang pinagmulan ng mga pahayag na ito--ang berdugong si Lazaro Makapagal. Walang kredibilidad ang kanyang mga pahayag ukol sa mga huling sandali ng Supremo hindi lang dahil siya ang pinuno ng berdugong inatasan ng kampo ni Aguinaldo kundi dahil 1.) paiba-iba ang pahayag niya sa mga pangyayari; 2.) wala sa mga kapwa berdugo niya ang nagpatotoo sa mga kwento nito; at 3.) taliwas ang ilang mga detalye niya doon mismo sa tala ng kanilang kampo ukol sa paglilitis sa Supremo.

Nagmakaawa raw, umiyak, o sinubukang tumakbo mula sa kanyang kapalaran si Bonifacio nang papatayin na siya. Tatlong magkakasalungat na pahayag na ito ang pinakawalan ni Makapagal ng mga huling taon ng dekada 1920 sa mga naging panayam kay Alvarez (inilabas ng 1927), sa Philippine Free Press (1928), at kay Jose P. Santos (1929). Halimbawa, sa pangalawang bersyon nito ay sinabi niyang nang dinala nila sa bundok ang Supremo ay may isang sugat lamang ito, sa braso--isang litaw na kasinungalingan dahil kahit sa opisyal na tala ay nakalagay na may sugat sa lalamunan si Bonifacio dala ng pagkakasaksak dito noong dinaklot ito.

Kung paano nangyari na ang mga imposibleng pahayag na ito ay binibigyan diin sa mga aklat pangkasaysayan o sa media ay isang malaking katanungan. Ang mas kapani-paniwala siguro ay ang isang kwentong magsasabing sinubukan silang agawan ng armas at patayin ng Supremo dahil sa kanilang paglapastangan sa Katipunan at tunay na katarungan.

Subalit ang katawan ni berdugo Makapagal ay walang sugat, walang tanda ng paglaban ng Supremo. Masasagot ng pagwawasto ng isa pang mito ukol kasaysayan ni Bonifacio ang puntong ito.

VIII. Pinatay daw sa "execution" gamit ang pagbaril si Supremo.

Lubos na nakakapagtaka na ito ang kwentong kumalat at pinalaganap sa loob ng maraming dekada, malamang kasabay ng mga kalokohang pahayag ni Makapagal, samantalang si Mabini, na naging malapit kay Aguinaldo, ay ASASINASYON ang tawag sa ginawa ng kampo ni Aguinaldo kay Bonifacio. Pag sinabing execution, ito ay dapat bukas sa madla dahil bunsod ito ng paglilitis, ng proseso ng bukas na paghahanap ng katarungan. Ang ginawa ay Bonifacio ay hindi execution dahil patago ito, mula pa sa paglilitis kung kailan ipinagbawal ang anumang pagbisita sa kanya at Procopio, hanggang sa dalhin sila sa bundok ng Buntis sa Kabite. Inilayo pa, sinadyang pinaslang ang magkapatid na Bonifacio kung saan walang makakasaksi. Kahit idahilang itinago nila ito mula sa Kastila, gaano ba kahirap magtawag ng magiging tagapanood at madaliang ipatupad ang hatol--sa mismong kuta pa nila para maiwasang mahuli ng mga Kastila?

Hindi execution kundi asasinasyon dahil patraydor ang pagpaslang. Bakit kaya? Dahil takot na maaring magdulot ng pagkakawatak-watak ng mga rebolusyonaryo ang tagpong pagpatay sa Supremo? Kung talagang nanalo sa Tejeros si Aguinaldo at malinis ang paglilitis at may kasalanan ang Supremo, walang dapat kinatakutan. Mayroon pa kayang itinago?

Walang duda na hindi execution kundi asasinasyon. At ang mas nakakahindik pang kasinungalinang na dapat itama ay kung anong armas ang ginamit ng mga berdugo.

"A putol a paa, di dadapa// a putol a tenga, di bibingi..." o malapit dito na naglalaman ng mga linyang nagbabanggit ng mga putol na bahagi ng katawan ng Supremo. Kakatwang kwento ukol kay Bonifacio dahil hindi polisiya ng Katipunero ang sadyang putol-putulin ang katawan ng kalaban; sumikat ilang dekada na ang nakakaraan at may bersyon pa nga nitong matatagpuan mismo sa Maragondon court house. Noong 1918 ay inilabas ang forensics na ulat ng mga doktor mula sa Unibersidad ng Pilipinas at nila Hen. Guillermo Masangkay (isa sa mga opisyal ng Katipunang pamahalaan) at Epifanio de los Santos ukol sa natagpuang buto na dineklara nila na kay Bonifacio batay sa best available science ng panahon na iyon. Tumutugma din ang katangian ng mga butong nahukay sa family history ng mga Bonifacio, kabilang ang kakaibang gawi ng Supremo: ang mga ngipin ay "maliit at makinis" na akala mo kinikil--na tugma sa kagawian ni Bonifacio na paghasa sa kanyang mga ngipin sa baba katapat ng incisors, ayon na rin sa pahayag ng kapatid nitong si Esperidiona. Ang nagbunsod kay Masangkay na hanapin ang Supremo ay ang sumbong ng ilan sa mga dating tauhan ni Makapagal na pinatay daw sa pagtataga ang Supremo na  nakasakay sa duyan at mahina na. Ang natagpuan nilang buto sa Kabite ay tugma rin sa sumbong sa kanya batay sa tama ng bayoneta at bolo at pagkakaroon ng biyak sa bungo. Huling dekada ng siglo 1900s ay nagsaliksik gamit ang oral history approach si Prop. Daniel Aragon mula sa Unibersidad ng Pilipinas ukol sa putol-putol na kwento. Lumalabas sa kanyang pag-aaral na kwentong bayan--batay sa saling-kwento ng mga Kabitenyong nakakita sa berdugo team ni Makapagal o nakasilip sa aktwal na pagpaslang sa magkapatid na--pinahirapan bago pinatay at maaring pinutulan ng ilang bahagi ng katawan si Supremo at inilakbay upang ilipat (malamang nakatali ang paa't kamay sa kawayan mula Bundok Buntis papuntang Nagpatong).

Tumutugma o may mga mahahalagang pagkakatugma ang kwentong putol-putol/pananaga sa sumbong kay Hen. Masangkay ng tauhan ni berdugo Makapagal, sa resulta ng 1918 forensics, at sa oral history mula sa Maragondon ukol sa patagang pagpaslang kay Bonifacio. Samantala, lumalabas na malaking kasinungalingan ang self-serving na mga paiba-iba at nagkokontrahang mga pahayag ni Makapagal, na taliwas rin sa dokumentadong katapangan ni Bonifacio at mismo sa ilang detalye ng opisyal na tala ng kanila court martial.

Hindi sa pagbaril kundi sa PAGTAGA winakasan ng mga berdugo nila Aguinaldo ang buhay ng magkapatid na bayaning Bonifacio. Pinahirapan ang hindi na makalaban-laban na nanghihina nang Supremo (dahil sa hindi nilunasang pagkaka-baril at pananaksak dito sa Indang), pinagtataga hanggang  maputol malamang ang ilang bahagi ng katawan, at pinagtakpan ang krimen sa pamamagitan ng paglipat sa ibang bahagi ng kabundukan.

Mas Patas at May Kredibilidad na mga Batis


Ang karamihan ng nalahad dito ay batay kina Hen. Alvarez, Hen. Ricarte, at Gat Mabini. Sina Mabini, Hen. Alvarez, at Hen. Ricarte ay mga pinagkaatiwalaan at dinadakilang mga personalidad na nakadaupang palad  mismo ni Pangulong Bonifacio. Kung sa patas ay patas ang tatlong ito dahil sa mga kapwa malalapit din kay Hen. Aguinaldo ang mga ito. Si Mabini, siyempre pa, ay naging Kalihim at tagapayo ni Aguinaldo. Si Alvarez ay naging kaibigan ng kontrobersyal na pinuno at kapwa Kabiteno pa nito. Si Ricarte naman ay tanyag sa prinsipyo nito laban sa imperyalistang Amerikano at sa pagdakila nito kina Rizal at Bonifacio habang naka-exile sa bansang Hapon kahit na may nagsasabing tuluyan daw itong kumampi sa kampo ni Aguinaldo at palihim pang nagpayo na tuluyang iligpit si Bonifacio noong 1897.

Ang tungkol sa mga pahayag ni berdugo Lazaro Makapagal, kapatid na babae ni Supremo, at paghukay sa mga buto ni Bonifacio ay mga nalathala sa pahayagan na kinalap ng mga mananaliksik ng Pambansang Komisyon (Suriang) Pangkasaysayan sa loob ng mahabang panahon (at inilabas na may kinikilingang opinyon ni G. Ambeth Ocampo, naging pinuno nito sa panahon ng administrasyon ni Gloria Macapagal Arroyo). Ang tungkol sa oral history naman ng mga taga-Maragondon, lalawigan ng Kabite ay mula sa pag-aaral ni Prop. Daniel Aragon, isang Kabitenyo. Sa madaling salita, ang mga primary sources ay mga patas at masasabi pa ngang kataka-takang hindi pumapanig sa kampo ni Aguinaldo. Ang mga lathain namang naglalaman ng mga pahayag mula 1920s at ang Kastilang website ay naglimbag lamang ng kanilang mga panayam o sipi (ng imahe ni Bonifacio mula sa lathaing "La Ilustración Española y Americana"). May iba ring pinagkunan, tulad ng mga libro o libro ng historyador na sina Milagros Guerrero at Dok Zeus Salazar, sinasabing 'Ama ng Pantayong Pananaw.'

Pagwawakas

Kung ano raw ang ating kainin, iyon tayo. Kung ano ang pinapakain sa atin o kinakain ng ating mga isip, iyon ang ating kamalayan. Sa terminolohiya ng information systems,  GIGO--garbage in, garbage out. Kung tahi-tahi at kathang-propaganda ang pagkakakilala sa mga bayani at kontra-bayani, lalabas na mito ang ating kamalayang pagkabansa.

Masidhi, malakas, at maimpluwensya ang mga nagpapakalat ng kasinungalingang paninira at pagmemenos sa Pangulong Bonifacio at sa Katipunan. Marami sila, hindi iilan, hindi lamang si Hen. Aguinaldo na hindi malayong napaikot din ng mas mapanggamit/mapanlinlang dito dahil wala pa itong edad 30 nang mga panahong inagawan niya ng kapangyarihan at pinapaslang ang Supremo. May mga pwersang panglipunan nga na ayaw maituro ang mga wasto o moral na mga aral ng Katipunan. Dagdagan ko pa na may mga pwersa sa ating lipunan na ayaw maparusahan sa mga kasalanan nila sa Supremo, sa Katipunan at mga turo at prinsipyo nito, at sa bayan.

Kung hindi tayo mag-iingat sa mga pinapayagaan nating pumasok natin sa kaisipan, magiging mga manikang pinapaikot lang tayo ng mga pwersang gahaman, makasarili at kalaban ng katotohanan. Hindi tayo makakarating sa kalagayang maayos kung saan buo ang ating kamalayang Pilipino at namamayani ang kapatiran, katarungan, kalayaang tunay, at kaunlarang nag-iingat sa kalikasan. Kung maiwawasto ang pagkakasulat sa kasaysayan ukol kay Supremo at Katipunan na pangunahing kumilos para sa ating kalayaan at pagkabansa, malamang ay maisunod na ang iba pa at maiwasto na rin sa wakas ang kasalukuyan nating kalahating-mitong historiograpiya. Sa ganoong paraan ay baka mapagkaisa na ang ating lahi sa kabansaang hindi tuta, bukas ngunit katutubo at makakalikasan, at makatarungan sa lahat.



HUWAG Hong Kalimutan, Pagtuntong ng Taon 2013 isang buwan mula ngayon ay BONIFACIO 150 NA! Magkita-kita ho tayong muli. :)


*********

Mainam din hong basahin ang mga piling iba pa sa Bonifacio Series:

The HACKING of the SUPREMO, Unang Bahagi (Bonifacio Series VII). http://forthephilippines.blogspot.com/2012/05/hacking-of-supremo-unang-bahagi.html

Andres Bonifacio, Unang Pangulo ng 'Pilipinas': Setting the Historiographic Record Straight (Bonifacio Series VI). http://forthephilippines.blogspot.com/2011/12/andres-bonifacio-unang-pangulo-ng.html

Tragedy of the Katipunan (Bonifacio Series IV). http://forthephilippines.blogspot.com/2011/05/tragedy-of-katipunan-assassination-cum.html

Gat Andres Bonifacio: The Anti-Colonial National Hero of the Philippines (Bonifacio Series I). http://forthephilippines.blogspot.com/2008/11/andres-anti-colonial-national-hero-of.html




***********

Mga Batis:

Alvarez, Santiago. The Katipunan and the Revolution: Memoirs of a General: with the original Tagalog text. Paula Carolina S. Malay. Trans. Ateneo de Manila University Press, 1992. http://books.google.com/books/about/The_katipunan_and_the_revolution.html?id=F3q-krDckHwC

Artemio Ricarte Declaration date 24 March 1897. Filipiniana.net. http://www.filipiniana.net/publication/artemio-ricarte-declaration-dated-24-march-1897/12791881635983

Chua, Michael Charlestone. XIAOTIME, 29 November 2012: UNDRESS BONIFACIO, Ang Supremo Bilang Pinunong Militar. http://xiaochua.wordpress.com/2012/11/29/xiaotime-29-november-2012-undress-bonifacio-ang-supremo-bilang-pinunong-militar/

Guerrero, Milagros, Emmanuel Encarnacion, and Ramon Villegas. Andres Bonifacio and the 1896 Revolution. In Sulyap Kultura. National Commission for Culture and the Arts, 1996. NCCA Site. 16 June 2003. http://www.ncca.gov.ph/about-culture-and-arts/articles-on-c-n-a/article.php?i=5&subcat=13

La Revolución filipina (1896-1898).  http://www.museo-oriental.es/ver_didactica.asp?clave=138&loc=0

Ocampo, Ambeth. Bonifacio’s teeth, Rizal’s breath. Inquirer.net. March 9, 2012. http://opinion.inquirer.net/24571/bonifacio’s-teeth-rizal’s-breath

Ocampo, Ambeth. The execution of Bonifacio. Inquirer.net. May 15, 2009. http://opinion.inquirer.net/inquireropinion/columns/view/20090515-205102/The-execution-of-Bonifacio

Ocampo, Ambeth. Urban Legends. Inquirer.net. March 13, 2012. http://opinion.inquirer.net/24903/urban-legends

Retana, Wenceslao. "El Marat Filipino," El Renacimiento, 26 de Marzo 1908

Salazar, Zeus A. Kasaysayan ng Kapilipinuhan: Bagong Balangkas. Lungsod ng Quezon. 2004 Disyembre. http://www.google.com.ph/url?

________________. Si Bonifacio bilang Pinunong Militar. http://blog-by-taga-ilog-news.blogspot.com/2012/05/si-bonifacio-bilang-pinunong-militar.html

Sunday, July 29, 2012

Si Fidel Ramos, ang 'Rizal Day Bombings' at ang Kalbong Agila

Matagal nang pangyayari ito, higit isang dekada na, subalit wala pa ring kapani-paniwalang kasagutan. MGA panatikong Muslim na terorista kaya ang may sala sa pagsabog ng Bus sa EDSA o si Dating Pangulong Fidel V. Ramos a.k.a. TABAKO, katulad ng F-I-D-E-L bombings noong Rizal Day 2000????

Ang mga pagsabog sa iba't ibang bahagi ng Metro Manila kabilang ang LRT noong Disyembre 30, 2000--kalagitnaan ng "Erap Resign" Movement na pinamumunuan nina dating Pangulong Ramos at Pangulo Cory Aquino, noon ay Bise-Presidente Gloria Arroyo at Cardinal Jaime Sin, at mga elit na negosyante at opisyal ng militar--ay kumitil sa buhay ng nasa 22 Pilpino at nagdulot ng kapinsalaan sa mahigit 100 pang katao. Ito ay dali-daling isinisi nila Ramos at Cory sampu ng "civil" evil society, ng mga nagpapatanggal kay Pangulong Joseph "Erap" Estrada sa administrasyon ng huli.




Ayon kay Herman Tiu-Laurel, mukhang ang talaga daw may pakana sa Rizal Day Bombings na sinisisi sa ilang Muslim na terorista ay si dating Pangulongf Fidel V. Ramos at mga puwersang anti-Erap.
When one tries to put together stories of the F-I-D-E-L bombings of nine years, other questions cannot help but be raised: Why were the anti-Erap forces seemingly anticipating some big thing during that period? Why were there not only fingerprints of the MILF, but also the AFP and PNP’s all over the operations of Al Ghozi and company, while FVR’s goodwill over these groups run the gamut of favors, including the Narciso Ramos Highway, which became the MILF’s turf? And why were juicy promotions given to major Edsa II police players, such as Ebdane and Mendoza, when all of them allegedly figured prominently in the mysteries that attended that day’s sinister conspiracy?
F-I-D-E-L bombings: Nine years later
http://www.tribuneonline.org/commentary/20091228com4.html


Nang mapatalsik na ng mga conspirators at mga estups sa EDSA 2 si Pangulong Erap ay matagal pa bago natukoy daw ng awtoridad kung sino ang may pakana ng krimen.  Bago naalis sa pwesto ang halal na si Estrada, lumabas sa imbestigasyon ng kanyang pamahalaan ng ang Moro Islamic Liberation Front (MILF). Sa sumunod na pamahalaan ni Arroyo ay inabot ng may maraming taon bago isinara ang kaso.Noong 2003 ay may nahuling isang kasapi ng special operations ng MILF at umaming may kinalaman sa isang antas ng mga pambobomba noong Rizal Day ng 2000. Kinasuhan ito ng maraming kaso ng pagpatay at tangkang pagpatay subalit' makaraan ang tatlong taon ay nilinis ng pamahalaan ni Arroyo ang pangalan ng MILF, gayun din ang MNLF, dahil ang teroristang grupong Jemaah Islamiyah raw ang may pakana talaga sa pambobomba. Tatlong kasapi ng grupo ang hinatulang may sala at pinarusahan ng hanggang 20 taon ng pagkakabilanggo noong 2009.

May hustisya nga kayang nakamit sa naging imbestigasyon at hatol ukol sa Rizal Day Bombings? Patuloy na may mga nagdududa kung taga Jemaah Islamiya nga ba ang may pakana ng karumal-dumal na mga pambobombang iyon. Bakit dalawang beses natukoy ang MILF sa magkaibang imbestigasyon ng pamahalaan, may umamin pa nga at sa huli ay napawalang-sala rin? Natatandaan ko na noong inilabas ng Philippine National Police sa ilalim noong ni PNP Chief Panfilo Lacson ang resulta ng imbestigasyon ay ibinalik pa ng MILF ang sisi sa pamahalaan ni Estrada na para bang synchronized sa mga gustong magpabagsak kay Erap noon. 

Subali't mukhang may mga  itinatagong katotohanan ukol sa Rizal Day Bombings. Mukhang may kinalaman ang ilang shadowy operators sa militar o pulis sa mga pangyayari dahil isang security guard ng LRT at tatay ng isa sa mga biktima, si Crisel Acusin, ang nagsabing isang linggo bago ang pangyayari ay biglang inalis ang serbisyo ng bomb-sniffing na mga aso.  Dagdag pa, sabi nga daw ng isang opisyal ng isang Muslim na non-governmental organization o NGO, mga "fall guys" daw ang hinuli, kinasuhan, at hinatulan sa kaso.

Nguni't ano ang kinalaman ni Fidel "Tabako" Ramos dito? Maaring ginamit nila Ramos ang pagsabog noong Araw ni Rizal para sa destabilization efforts sa pamahalaang Estrada. Si Ramos ay hinahabol ng pamahalaang Estrada doon in connection with the Centennial Expo Scam. Dagdag pa, si Ramos ay kilalang galit kay Erap. It is no secret how Ramos strongly disapproved of Estrada's ascendancy as President. In 1999, a Senate Blue Ribbon investigation produced the testimony indicating that the people at the Centennial Exposition project were asking contractors for LAKAS campaign contributions because they were "desperate in (sic) coming up with all means and money to prevent Erap from winning in the elections."

Tandaan na ang mga nagpatalsik kay Erap ay matatas na opisyal ng exehutibo, Korte Suprema, militar at pinamumunuan nga nina Ramos, Aquino, at Arroyo. AT may isa pang pwersang nasa likod ng sedisyon ng EDSA 2 at ito ay hindi basta-basta--ang Estados Unidos. Si Ramos ang Pangulong masasabing pinakamalapit sa imperyalista lIban kay Presidente Ramos Magsasay at maaring ito ang operator ng U.S. para mapatalsik si Erap.

Mayroong ilang pagtutukoy na makikita ukol sa papel ng Kalbong Agila sa EDSA 2. Isang iginagalang na mamamahayag ang nagsiwalat ukol sa kinalamang ng Kalbong Agila sa pagpapatalskik kay Estrada ay si G. Luis Teodoro, na isa ring dating dean ng College of Mass Communication ng Unibersidad ng Pilipinas. Ayon kay Teodoro: "Gloria Macapagal -Arroyo came to power in 2001 with the help of the US and its local allies in the Church, the military and the business community." Medyo nakakagulat, sa totoo, ang isinulat na ito ni Teodoro dahil siya ay kilalang galit o ayaw kay Estrada subali't beterano na sa pamamahayag, maraming "sources" at mapagkakatiwalaan ang ngayon ay kolumnista rin ng Business World at Bulatlat.

Ang isa pa ay ang kaduda-dudang sobrang accuracy ng 1999 na prediksyon ng isang Amerikanong private 'intelligence' firm, ang Stratfor (Strategic Forecasting) sa pagbagsak ng pamahalaang Estrada. Sinabi ba naman ng Stratfor na hindi raw makakatapos ng termino si Erap at ma-i-impeach daw ito. Ang predikson ng Stratfor na ito ay noong Nobyembre 1999 nang wala pang jueteng expose ni Chavit Singson at lalong wala pang impeachment court!  Mahirap paniwalaang 'intelligence' na kaalaman lamang ito dahil daig pa propeta sa pagiging bullsyes. Sabihin pa, makaraang ang dalawang taon mula pagpapatalsik kay Erap ay naglabas ng balita ang Daily Tribune (Abril 7, 2002) na nagtutukoy kina Ramos at dating national security adviser nito na si Jose Almonte ay "in the thick of providing Stratfor with the information predicting the fall of then President Estrada…” 

Maaring ang mismo pamahalaang ng Kalbong Agila, or at least the dreaded Central Intelligence Agency (CIA), ang gumamit sa Stratfor para mag.foment ng destabilization. Maari ri namang ang kampo lang ni Ramos ang gumamit dito. O kaya ay maaring maagkasabwat ang Estados Unidos at sina Ramos. Bakit kanyo? Dahil si Tabako, sabi nga ng isang retiradong militar na aking kaibigan sa isang social networking site, ay isang pasimpleng Amboy mula't sapul ng career o paghahasa sa military career nito. 

Nag-aral at nagtapos ng apat na kurso si Fidel Ramos sa West Point (United States Military Academy) noong ang tatay nito ay Ambassador to the US. Tapos, bago bago pa lang ito sa Philippine Army ay pinadala na naman sa Estados Unidos para sa dagdag na pagdalubhasa-- mag-specialize sa SPECIAL FORCES nang ito ay magtapos ng Special Forces/Pay Operations/Airborne sa Fort Bragg, North Carolina (kung saan matatagpuan ang Psychological Warfare Center na ngayon ay (now U.S. Army Special Operations Command ). Pagkatapos niya dito ay binuo niya ang Philippine Army Special Forces Company (Airborne) noong Hunyo 1962,  na isang elit na paratroop unit na bihasa hindi lang sa 'community development' kundi sa paglaban sa mga rebeldeng komunista. 

Kaya nga itong si Tabako ang 'Father of Special Forces' at maging ng 'Jungle Fighters' sa buong Hukbong Sandatahan ng Pilipinas hanggang maging Chief of Staff ito. Kasama at "bayani" pa nga raw ito ng Philippine Expeditionary Forces to Korea (PEFTOK) na isang Cold War na contingent ng Kalbong Agila noong Korean War. Isa pang pagtututang pagsisilbing ginawa nito para sa imperyalistang Estados Unidos ay bilang kasapi ng Philippine Civic Action Group, Republic of Vietnam (Second PHILCAGV) noong Vietnam War. Dagdag pa, naging kasapi o kasapi rin itong si Ramos ng tinatawag na CARLYLE Group, ang isa sa pinakamalaking defense contractor ng Estados Unidos na may interes sa Asia. Ayon sa manunulat na si Dan Briody: "Carlyle has established itself as the gatekeeper between private business interests and U.S. defense spending. And as the Carlyle investors watched the World Trade towers go down, the group's prospects went up."

Sa madaling salita, maaring si Ramos ang operator o isa sa mga pangunahing operator ng Estados Unidos upang mapadali ang pagpapatalsik kay Estrada mula 1999 (o mula pagkakaupo pa siguro nito matapos ang halalan ng 1998). Ang Rizal Day Bombings ay isa sa mga pangyayaring naghasik daw ng takot sa mga foreign investors, maliban pa sa mga Pilipino mismo, noong kasagsagan ng seditious na pagkilos upang tanggalin si Erap sa puwesto. Subali't malalaman pa kaya ng taumbayan kung sino talaga ang may pakana ng karumal-dumal na terorismong iyon taon pa naman sa kabayanihan ni Gat Jose Rizal? Sabi nga ni Ka Mentong:
In the final analysis, the question that matters is “Cui bono?” or “Who benefits?” It is clear that all the Edsa II players benefited and to this day do not want the real questions answered. No wonder mainstream media are also silent about this....XXXX

Will we ever get to the truth while an Edsa II government remains in power?


F-I-D-E-L bombings: Nine years later
http://www.tribuneonline.org/commentary/20091228com4.html






_________


Ilang mga Batis: 

Rizal Day bombings. http://en.wikipedia.org/wiki/Rizal_Day_bombings

Lone suspect in Rizal Day bombings ordered freed by court. http://www.philstar.com/Article.aspx?articleId=89959

Teodoro, Luis. The stake in our hearts. 13 Feb. 2009. http://www.luisteodoro.com/the-stake-in-our-hearts/

"History of Fort Bragg, 1950s". http://www.bragg.army.mil/ Fort Bragg’s online website. http://www.bragg.army.mil/Directorates/Directorate-of-Public-Works/Environment-Division/Forestry/Documents/INRMP(01-05).aspx

Florentino-Hofilena and Ian Sayson. Centennial Expo: Convenient Cover for Election Fundraising. (1999, June 14-16). Philippine Center for Investigative Journalism. http://www.pcij.org/stories/1999/expo.html

Is PGMA Being Unfair To The Afp And Pnp?
http://www.rpdev.org/Default/Ramos_Legacy/Articles?performAction=Display&article_id=4

 
Tuazon, Bobby. Current US Hegemony In Asia Pacific. http://www.converge.org.nz/abc/pr28-84.html

Briody, Dan. Carlyle's way: Making a mint inside "the iron triangle" of defense, government, and industry. 8 Jan. 2002. http://www.ratical.org/ratville/CAH/linkscopy/CarlylesWay.html

Why Gloria Denied Superferry 14 Was A Terrorist Attack. 29 May 2006. http://philippinecommentary.blogspot.com/2006/05/why-gloria-denied-superferry-14-was.html

 Fuller, Ken. Stratfor hacked. Daily Tribune. http://www.tribuneonline.org/commentary/20120306com5.html

Popular Posts