Showing posts with label Katipunan. Show all posts
Showing posts with label Katipunan. Show all posts

Friday, November 30, 2012

Pagwawasto sa 8 Mito Patungkol kay Supremo at sa Katipunan (Bonifacio Series VIII)

IKA-30 Nobyembre 2012. Kaarawan na naman (kahapon) ni Supremo Andres Bonifacio y de Castro, ang tunay na Unang Pangulo ng bayang Pilipinas/Tagalog/Maharlika/Taga-Ilog.  Sa susunod na na taon na nga ang malaking paggunita ng ika-150  kapanganakan ng pinakamagiting at pinakamatayog na bayaning lumaban para sa ating kalayaan at pagkabansa. Subalit bakit ba tila napakarami ang hindi tunay na nakakakilala sa kanya, o maling-mali ang kaalaman ukol sa kanyang pagkatao at mga ginawa, at ginawa sa kanya noong huling buwan ng kanyang buhay? Sa panahon niya ay may mga nagkalat ng paninirang propaganda ukol sa Supremo subalit hindi ba dapat na naiwasto na ang mga kasinungalingang iyon sa ngayon? Ang nangyari pa nga ay lumawak pa ang mga paninira na tila ba buhay at kumikilos pa ang mga kagaya ni Daniel Tirona ng Magdalo...

Lampas isang siglo na mula nang kanyang itatag, sampu ng iba pang mga dakilang nagtaguyod, ang samahang naghanda ng paglaban para sa kalayaan at bumuo ng Pamahalaang Himagsikan, ang Kataastaasang Kagalanggalangang Katipunan nang manga Anak nang Bayan o KKK. Matagal nang nalimbag ang mga sulatin ng tatlo sa mga patas at mas mapapagkatiwalaang mga "primary sources" ukol sa Katipunan at sa Supremo--mula kay Hen. Santiago Alvarez, at Gat Apolinario Mabini, at sa limitadong antas, kay  Hen. Artemio Ricarte. Nailabas na rin ang mga sulat ni Bonifacio kay Gat Emilio Jacinto na nagbubunyag ng mga sigalot sa pagitan ng sangguniang Magdiwang at Magdalo sa Kabite. Subalit bakit namamayagpag ang mga maling kaalaman ukol sa Supremo sa ating sistemang pangedukasyon at mainstream na media.

Ang mga maling kwentong ito ukol kay Supremo ay nakahalo sa mga iba pang kaalaman ukol sa kanya at madalas pa nga ay mas nangingibabaw dahil mukhang hawak ng mga kontra-Bonifacio ang mga ahensyang pangkaalaman--ang edukasyon at ang media. Ayon sa historyador na si Prop. Michael Charlestone Chua, "mga pwersang panlipunan na ayaw maituro ang mga aral nina Bonifacio at ng Katipunan." Pinakamainam ngang paraan para mabara ang pagpapahalaga sa Katipunan ay siraan ang pangunahing nagtaguyod at nagpalakad nito. Anu-ano ba itong tinutukoy kong pangit na propaganda ukol sa Supremo? Narito ang mga pangunahing maling kaalaman na masasabing nakakapanggigil dahil sa sobrang pagkataliwas o paninira nito sa pagkatao at naging buhay ni Bonifacio.



I.  Wala raw pinag-aralan o mahina daw ang ulo ni Supremo.

Mukhang walang sariling mga bait ang naniniwala dito dahil may mangmang bang 1.) nakapagtatag at nakapagpalakas ng tagong samahan sa ilalim ng mapanikil na kolonyal na pamahalaan, at 2.) nakapagbasa ng mga librong nasa ibang wika (Les Miserables at Biography of American Presidents)? Bukod pa sa kanyang magagandang makabayang sulatin tulad ng Pag-Ibig Sa Tinubuang Lupa, Dekalogo, Dapat Mabatid ng Mga Tagalog, atbp.  Talas ng isip sa pagplaplano at mga taktika upang ma-utakan o ma "outwit" ang kalaban ang ginamit ni Bonifacio. Sila ngang mga nagsasabi nito baka sa barangay lang nila magtatag ng panghimagsikang samahan ay huli na agad sila.:)

Kailangang banggitin na kung ihambing si Bonifacio kay Hen. Emilio Aguinaldo y Famy ay akala mo 'no read, no write' ang una at nakatapos ang huli. Ang katotohanan ay medyo nakakagulat sa mga nauto ng pwersang dilaw sa kasaysayan at media: self-educated ang Supremo at nakatuntong lamang sa high school itong si Aguinaldo.

Mas marunong pa nga pagdating sa mataas na kaalamang pangpamahalaan itong si Bonifacio kaysa kay Aguinaldo. Kitang-kita ang kamangmangan ni Aguinaldo pagdating sa usapang pamahalaan noong "Republika ng Biak na Bato" na itinatag nito bago tinalikuran ang Himagsikan at tumakbo sa Hong Kong (hanggang makipagusap sa mga Amerikano). Ang Saligang Batas ng Biak na Bato ay halos buong-buong kinuha sa Konstitusyon ng Cuba--99.9% plagiarized, ika nga. Nakakahiya. Ihambing ito sa ginawang pagtutol ni Bonifacio sa Saligang Batas na inihain ni Hen. Edilberto Evangelista sa kanya noong bandang Disyembre 1896. Batay sa sinulat ni Hen. Alvarez, tinanggihan ni Bonifacio na gamitin ang konstitusyon para sa pamahalaang Katipunan dahil nakita niyang malapit ito sa gawa ng Kastilang si Antonio Maura. 

Sabi nga ni Mabini, si Bonifacio ay isang "sagacious" na pinuno at "had no less schooling than any of those elected in the aforesaid assembly."  Tinutumbok dito ni Mabini ang kontrobersyal na Tejeros Convention kung saan nakaikot ang hindi lang isang malaking kasinungalingan ukol kay Bonifacio.

II. "Natalo" daw ni Aguinaldo si Bonifacio sa Kumbensyong Tejeros.

Maaring natalo sa bilangan ngunit hindi sa tunay na halalan ang Supremo dahil ang Tejeros Convention ang pinakaunang madayang halalan sa kasaysayan ng ating pagkabansa. Ang unang HOCUS-PCOS, unang 'Hello Garci' kumbaga.  Nakasulat kina Ricarte, Alvarez, at sa mga sulat ni Bonifacio ang pandarayang naganap sa halalan.

Bago pa man simulan ang halalan sa Tejeros ay nagsumbong kay Bonifacio si Diego Mojica, isang opisyal ng Katipunan, Magdiwang, ukol sa may mga laman nang mga balota, ayon sa memoirs ni Alvarez. Pre-filled ballots, ika nga. Matapos ang halalan ay agad na gumawa ng deklarasyon si Ricarte na nagkaroon ng dayaan at kahit nahalal siya ay ayaw sana niyang magkaroon ng bahagi sa "pamahalaang" iyon. Sinulat din ni Alvarez na patagong sumumpa sa tungkulin sina Aguinaldo, at sa harap pa ng isang Kastila, o turuan-ng-Kastila na pari. Nakasulat din mismo ang pandarayang ito sa mga sulat ni Bonifacio kay Jacinto.

III. Kaya daw nag-walk out si Bonifacio sa halalan sa Tejeros ay dahil hindi nito matanggap ang "pagkatalo" kay Aguinaldo at ito ay lumayo na.

Napakalaking kasinungalingan nito sa dalawang kadahilanan. Una, nagalit si Bonifacio dahil ayaw kilalanin ni Tirona ang kanyang pagkapanalo bilang Kalihim na Pang-loob (Interior Secretary) samantalang iginiit niya bago umpisahan ang halalan na dapat igalang ng lahat ang anumang kakalabasan nito, na sinanggayunan naman ng mga delegado. Ininsulto siya ni Tirona na kesyo hindi bagay maging Kalihim dahil hindi nakatapos o hindi ito abogado (Ngek! Ano naman kaya yung high-school level na si "Pangulong" Aguinaldo?). Ito ay malinaw na nagpapakita ng kawalang paggalang nila Tirona sa boses ng tao--kung ipapalagay na hindi nagkaroon ng dayaan.

Karaniwang punto ng maling propaganda sa panahong kasalukuyan ay kesyo ang pagkagalit ni Bonifacio ay nagpapakita ng pagkainsulto niya, ng kanyang pagkapikon. Subalit kahit naman kanino mangyari ang pangit na taktikang iyon ay maiinsulto. Kailangang isa-alang-alang ang pagkatao nitong si Tirona. May nauna nang kasalanan itong si Tirona na itinuturong nagpakalat ng mga mapanirang poison letters laban kay Supremo noong huling bahagi ng Disyembre 1896, ayon sa mga sinulat ni Alvarez. Dagdag pa, si Tirona ay isang kalahating traydor na sumuko sa mga Kastila dalawang linggo lang makalipas ang Tejeros.

Pangalawa, ang totoo ay ilang pag-uusap at pakikipagtulungan pa ni Bonifacio kay Aguinaldo ang nangyari matapos ang Tejeros. Noong unang linggo ng Abril ay tinanggap pa nga ni Bonifacio sa kanyang opisina sa Naic itong sina Emilio at Baldomero Aguinaldo, ayon pa rin kay Alvarez. Binendisyunan pa nga kamo ni Bonifacio ang pagpapahiram ng Magdiwang, kung saan malapit si Bonifacio, ng mga armas nang hilingin ng Magdalo upang gamitin daw sa pakikipaglaban sa Kastila.

IV. Talunang pinunong militar daw itong si Bonifacio samantalang magaling daw si Aguinaldo.

Hindi totoong walang naipanalo si Bonifacio dahil ang mga naunang labanan ng mga Katipunero ay naipanalo nito. Ngayon, kung bakit hindi naging matagumpay ang Pangkalahatang Pag-aalsa noong Agosto 29/30 ng 1896 ay maisisisi sa ilang mga kadahilanan kabilang ang hindi pagsulpot ng grupo ni Aguinaldo, partikular ang pinamumunuan ni Fernandez. Kung baga, nasira ang plano.

Kasinungalingan ding basta-basta sabihin na mas magaling si Aguinaldo kay Bonifacio bilang heneral. Bakit kanyo? 1.) Manila, na sentro ng kapangyarihang kolonyal, ang hinawakan ni Bonifacio, na ang ibig sabihin ay mas mahigpit ang depensa dito at mas malakas ang pwersa ng kalaban dito. Mahirap talagang ipanalo. Samantala, 2.) si Aguinaldo nga ay nanalo sa labanan sa Imus noong Setyembre 1896 subalit nang ibinaling na ng Kastila sa Kabite ang pwersa nito ay kumaripas ng takbo itong si Aguinaldo papunta sa pagsuko/pakikipagkasundo sa Biak-na-Bato sa huling bahagi ng 1897.

Idagdag din na 3.) maliit na bahagi ng Kabite ang hawak ng Magdalo ni Aguinaldo kung ihahambing sa sakop ng Magdiwang nila Alvarez. Sa unang bagsak ng pagbaling ng Kastila sa Kabite noong Pebrero 1897 ay mas maraming mga bayan ang nalagas sa teritoryo ng Magdalo na umatras pa nga patungo, at nagkanlong, sa mga nasasakupan ng Magdiwang. Sa katunayan, sa panahong isinailalim sa kanggarong korte militar si Bonifacio ay tumatakbo noon ang Magdalo mula sa pagsalakay ng Kastila.

Ang totoo ay 4.) may taal na katalinuhang pulitiko-militar ang Supremo, ayon sa historyador at antropologong si Dok Zeus Salazar. May pangkalahatang plano ng Himagsikan si Bonifacio na binubuo ng apat na kaisipan. Ito ay ang a) mabilisang paghihimagsik na pupugot sa ulo/sentro ng banyagang kapangyarihan; b) pagsasama-sama ng bayan upang mapatupad ang pagsakote sa Maynila; c) sakaling mabigo ang paghihimagsik, ang pag-atras ng mga rebolusyonaryo sa mga 'real' o ilihan, o mga kampong "komunidad na may tanggulan malapit sa bayan"; d) sa maramihan, ang mga ilihan ay pabaitang na lunsaran ng ala-gerilya na pag-atake mula sa kanayuhan patungo sa militar na ulo ng Kastila na epektibong ginamit ng maraming heneral at mismong sumalo kay Aguinaldo sa Real ng Biyak na Bato.

V. Ang Katipunan daw ay samahan lamang, si Aguinaldo raw ang unang Pangulo ng bansa (at hindi daw si Bonifacio).

Ito marahil ang pinakamalaking kalokohang kasinungalingan patungkol sa naging pagkatao, nagawa at tagumpay ni Bonifacio. Ang totoo: bago inilunsad ang Pangkahalatang Pag-aaklas laban sa Kastila ay ginawang Panghimagsikang Pamahalaan ang Katipunan, kabilang ang pagtatatag ng hukbong sandatahan nito, at paghalal ng mga opisyal sa pamumuno ni Pangulong Bonifacio. May watawat pa nga at pambansang awit na inihanda, ang Marangal na Dalit ng Katagalugan na kinomisyon ng Supremo kay Julio Nakpil y Garcia.


Nakakapagtakang hindi kinikilala sa opisyal na kasaysayan (na tinuturo sa mga paaralan at binabangit ng media) ang halalan sa Katipunan na nagluklok kay Bonifacio bilang pinuno ng bansang naghihimagsik. Ito ay ibinalita sa Kastila-Amerikanong pahayagang "La Ilustración Española y Americana" (1897, Vol. I) kung saan pinakita pa ang larawan ni Bonifacio na may caption na "'Presidente' de la Republica Tagala." Sinulat din ito sa kaparehong taon ng Kastilang historyador na si Jose M. del Castillo. Nilagay nito sa kanyang "El Katipunan" or "El Filibusterismo en Filipinas" ang kinalabasan ng halalan sa Katipunan kung saan napili si Bonifacio bilang Supremo/Pangulo, si Jacinto bilang State Secretary, at iba pa.

Kung tutuusin ay dapat na tingnan bilang  malakas na pagbakas sa pagka-Pangulo ni Bonifacio at pagiging pamahalaan (na pang-Himagsik) ng Katipunan ang dalawang Kastilang batis na ito. Kung titingnan mula sa teoryang 'national perspective,' dapat si Aguinaldo na nakipagkasundo sa kanilang pamahalaang (Kastila) ang kilingan nila at hindi si Bonifacio na siyang puno't dulo ng Rebolusyon. Kung bakit itinatatwa ito ng mainstream na kasaysayan ng Pilipinas ay lubhang nakakapagtaka, taliwas sa lohiko.

Sabihin pa, may pagpapatibay din ito mula sa mga lokal na batis. Isinulat ni Alvarez na noong pinipilit nila Baldomero Aguinaldo na magtatag ng (bagong) pang-himagsikan pamahalaan ay sinagot nina Bonifacio na hindi ito kailangan dahil pamahalaan na ang Katipunan. Ipinahiwatig din ni Mabini na ang Katipunan ay pamahalaan sa ilalim ni Bonifacio nang sinulat niya sa kanyang memoirs na kriminal na insubordinasyon ni Aguinaldo ang pag-utos na "asasinasyon" (pagpatay) sa Supremo.

VI. May karapatan daw hatulan ng kampo ni Aguinaldo si Bonifacio na kanila daw isinailalim sa 'hustisya.'


Isang nakakapangilabot na pares ng kasinungalinan. Mula umpisa ay pagligpit na sa Supremo ang pakay ng kampo ni Aguinaldo. Isinulat ni Alvarez na 'dead or alive,' patay o buhay, ang utos na pagdukot kay Bonifacio. Ang mga inutusan ni Aguinaldo--sina Kol. Agapito Bonzon o alyas Intong, Felipe Topacio, at Jose Paua o Instik Pawa (may kasalukuyang historyador ang nagsasabing kasama si Lazaro Makapagal)--ay malugod pa nga ilang tinanggap (bilang mga kapatid sa Katipunan) ni Bonifacio ngunit patraydor na binaril at sinaksak nila ang Supremo sa tinuluyan nito sa Indang, Kabite.

Patraydor na pagdaklot ang ginawang panghuli sa Supremo dahil walang legal na kapangyarihan ang "pamahalaan" kuno ni Aguinaldo. Bakit ko nasabi ito?  1.) Walang bisa ang halalang Tejeros dahil una (a), pinawalang bisa ito ni Bonifacio na presiding officer ng kumbensyon. Pangalawa (b), nagkaroon ng dayaan sa Tejeros batay sa ulat ni Mojica at sa deklarasyon ni Ricarte na nagsabing nagkaroon ng "dirty or shady practices in the manner" ng halalan at napilitan lamang siyang sumumpa sa nakuhang posisyon na Pinuno ng Himagsikang Hukbong Sandatahan dahil tinakot siyang papatayin, ayon na rin sa kanyang deklarasyon. Pangatlo (c), kung kinikilala ng karamihan ang pagka-"panalo" ni Aguinaldo, sana ay hindi ito patagong nanumpa bilang "Pangulo." Pang-apat (d), naglabas din si Bonifacio at apatnapung iba pang Katipunero ng Acta de Tejeros na nagpapawalang bisa sa marumi at ma-anomalyang Kumbensyong Tejeros isang araw matapos ang halalang ito. Maaring may ilang pumirma na bumaligtad at kumampi kay Aguinaldo, katulad ni Hen. Pio del Pilar, subalit hindi nawala ang bisa nito dahil mas marami ang nanatili at nagkapirmahan nga.

2.) Sa yugto ng panghuli at pagkulong, at paglilitis ay walang hustisyang natamo sina Bonifacio. Pagmaltrato ang natamo si Supremo at kapatid na lalaki nitong nabuhay (noong dinaklot sila) na si Procopio. Pinagbawalan ang pagbisita sa makipot at madilim na bartolina, hindi nilapatan ng lunas ang mga sugat, at kung pinakain man ay "pagkaing hindi na dapat sabihin" ang binigay, ayon kay Alvarez. Ma-anomalya rin at patago ang ginawang 'paglilitis' kay Bonifacio. Kangaroo court martial, ika nga. Tumataginting na lutong makaw ang makikita ng kahit sinong may wisyo na makakabasa ng tala ng paglilitis, kahit yung 'opisyal' na bersyon pa at kahit hindi alam ang 'dead or alive' na utos ni Aguinaldo.

Meron ba naman patas na hukom na ang a) presiding officer (Mariano Noriel) ay pinangunahan ang kalalabasan at tinawag na ang intensyon ni Bonifacio ay "evil and treacherous," at ang b) abogadong itinakda nila sa Supremo, defense attorney (Placido Martinez), ay hinusgahan rin ang nasasakdal at sinabi ring "evil" daw ang binalak nito? Idagdag pa na ang auditor ng hukom militar ay si Baldomero Aguinaldo na pinsan ng biktima raw ng planong pagpatay ng Supremo.

VII. Duwag daw sa harap ng kamatayan ang Supremo.


Hindi iilan ang kumakagat o medyo kumakagat sa malaking kalokohang ito kahit na alam ng madla ang katapangan ng bayaning naglakas ng loob na pangunahan ang humawak ng balisong at baril upang wakasan ang pagkaalipin ng bayan at ilunsad ang bagong umaga nito bilang isang bansa. Sukdulang taliwas sa pagiging "El Marat Filipino," ika nga ng El Renacimiento--matapang na manghihimagsik, mapusok na patriotiko--ang pagiging duwag daw ng Supremo nang papaslangin na siya. Talaga nga yatang natatalo rin ang wisyo ng paulit-ulit na pagbigkas o paglimbag ng kasinungalingan.

Walang kredibilidad kung tutuusin ang pinagmulan ng mga pahayag na ito--ang berdugong si Lazaro Makapagal. Walang kredibilidad ang kanyang mga pahayag ukol sa mga huling sandali ng Supremo hindi lang dahil siya ang pinuno ng berdugong inatasan ng kampo ni Aguinaldo kundi dahil 1.) paiba-iba ang pahayag niya sa mga pangyayari; 2.) wala sa mga kapwa berdugo niya ang nagpatotoo sa mga kwento nito; at 3.) taliwas ang ilang mga detalye niya doon mismo sa tala ng kanilang kampo ukol sa paglilitis sa Supremo.

Nagmakaawa raw, umiyak, o sinubukang tumakbo mula sa kanyang kapalaran si Bonifacio nang papatayin na siya. Tatlong magkakasalungat na pahayag na ito ang pinakawalan ni Makapagal ng mga huling taon ng dekada 1920 sa mga naging panayam kay Alvarez (inilabas ng 1927), sa Philippine Free Press (1928), at kay Jose P. Santos (1929). Halimbawa, sa pangalawang bersyon nito ay sinabi niyang nang dinala nila sa bundok ang Supremo ay may isang sugat lamang ito, sa braso--isang litaw na kasinungalingan dahil kahit sa opisyal na tala ay nakalagay na may sugat sa lalamunan si Bonifacio dala ng pagkakasaksak dito noong dinaklot ito.

Kung paano nangyari na ang mga imposibleng pahayag na ito ay binibigyan diin sa mga aklat pangkasaysayan o sa media ay isang malaking katanungan. Ang mas kapani-paniwala siguro ay ang isang kwentong magsasabing sinubukan silang agawan ng armas at patayin ng Supremo dahil sa kanilang paglapastangan sa Katipunan at tunay na katarungan.

Subalit ang katawan ni berdugo Makapagal ay walang sugat, walang tanda ng paglaban ng Supremo. Masasagot ng pagwawasto ng isa pang mito ukol kasaysayan ni Bonifacio ang puntong ito.

VIII. Pinatay daw sa "execution" gamit ang pagbaril si Supremo.

Lubos na nakakapagtaka na ito ang kwentong kumalat at pinalaganap sa loob ng maraming dekada, malamang kasabay ng mga kalokohang pahayag ni Makapagal, samantalang si Mabini, na naging malapit kay Aguinaldo, ay ASASINASYON ang tawag sa ginawa ng kampo ni Aguinaldo kay Bonifacio. Pag sinabing execution, ito ay dapat bukas sa madla dahil bunsod ito ng paglilitis, ng proseso ng bukas na paghahanap ng katarungan. Ang ginawa ay Bonifacio ay hindi execution dahil patago ito, mula pa sa paglilitis kung kailan ipinagbawal ang anumang pagbisita sa kanya at Procopio, hanggang sa dalhin sila sa bundok ng Buntis sa Kabite. Inilayo pa, sinadyang pinaslang ang magkapatid na Bonifacio kung saan walang makakasaksi. Kahit idahilang itinago nila ito mula sa Kastila, gaano ba kahirap magtawag ng magiging tagapanood at madaliang ipatupad ang hatol--sa mismong kuta pa nila para maiwasang mahuli ng mga Kastila?

Hindi execution kundi asasinasyon dahil patraydor ang pagpaslang. Bakit kaya? Dahil takot na maaring magdulot ng pagkakawatak-watak ng mga rebolusyonaryo ang tagpong pagpatay sa Supremo? Kung talagang nanalo sa Tejeros si Aguinaldo at malinis ang paglilitis at may kasalanan ang Supremo, walang dapat kinatakutan. Mayroon pa kayang itinago?

Walang duda na hindi execution kundi asasinasyon. At ang mas nakakahindik pang kasinungalinang na dapat itama ay kung anong armas ang ginamit ng mga berdugo.

"A putol a paa, di dadapa// a putol a tenga, di bibingi..." o malapit dito na naglalaman ng mga linyang nagbabanggit ng mga putol na bahagi ng katawan ng Supremo. Kakatwang kwento ukol kay Bonifacio dahil hindi polisiya ng Katipunero ang sadyang putol-putulin ang katawan ng kalaban; sumikat ilang dekada na ang nakakaraan at may bersyon pa nga nitong matatagpuan mismo sa Maragondon court house. Noong 1918 ay inilabas ang forensics na ulat ng mga doktor mula sa Unibersidad ng Pilipinas at nila Hen. Guillermo Masangkay (isa sa mga opisyal ng Katipunang pamahalaan) at Epifanio de los Santos ukol sa natagpuang buto na dineklara nila na kay Bonifacio batay sa best available science ng panahon na iyon. Tumutugma din ang katangian ng mga butong nahukay sa family history ng mga Bonifacio, kabilang ang kakaibang gawi ng Supremo: ang mga ngipin ay "maliit at makinis" na akala mo kinikil--na tugma sa kagawian ni Bonifacio na paghasa sa kanyang mga ngipin sa baba katapat ng incisors, ayon na rin sa pahayag ng kapatid nitong si Esperidiona. Ang nagbunsod kay Masangkay na hanapin ang Supremo ay ang sumbong ng ilan sa mga dating tauhan ni Makapagal na pinatay daw sa pagtataga ang Supremo na  nakasakay sa duyan at mahina na. Ang natagpuan nilang buto sa Kabite ay tugma rin sa sumbong sa kanya batay sa tama ng bayoneta at bolo at pagkakaroon ng biyak sa bungo. Huling dekada ng siglo 1900s ay nagsaliksik gamit ang oral history approach si Prop. Daniel Aragon mula sa Unibersidad ng Pilipinas ukol sa putol-putol na kwento. Lumalabas sa kanyang pag-aaral na kwentong bayan--batay sa saling-kwento ng mga Kabitenyong nakakita sa berdugo team ni Makapagal o nakasilip sa aktwal na pagpaslang sa magkapatid na--pinahirapan bago pinatay at maaring pinutulan ng ilang bahagi ng katawan si Supremo at inilakbay upang ilipat (malamang nakatali ang paa't kamay sa kawayan mula Bundok Buntis papuntang Nagpatong).

Tumutugma o may mga mahahalagang pagkakatugma ang kwentong putol-putol/pananaga sa sumbong kay Hen. Masangkay ng tauhan ni berdugo Makapagal, sa resulta ng 1918 forensics, at sa oral history mula sa Maragondon ukol sa patagang pagpaslang kay Bonifacio. Samantala, lumalabas na malaking kasinungalingan ang self-serving na mga paiba-iba at nagkokontrahang mga pahayag ni Makapagal, na taliwas rin sa dokumentadong katapangan ni Bonifacio at mismo sa ilang detalye ng opisyal na tala ng kanila court martial.

Hindi sa pagbaril kundi sa PAGTAGA winakasan ng mga berdugo nila Aguinaldo ang buhay ng magkapatid na bayaning Bonifacio. Pinahirapan ang hindi na makalaban-laban na nanghihina nang Supremo (dahil sa hindi nilunasang pagkaka-baril at pananaksak dito sa Indang), pinagtataga hanggang  maputol malamang ang ilang bahagi ng katawan, at pinagtakpan ang krimen sa pamamagitan ng paglipat sa ibang bahagi ng kabundukan.

Mas Patas at May Kredibilidad na mga Batis


Ang karamihan ng nalahad dito ay batay kina Hen. Alvarez, Hen. Ricarte, at Gat Mabini. Sina Mabini, Hen. Alvarez, at Hen. Ricarte ay mga pinagkaatiwalaan at dinadakilang mga personalidad na nakadaupang palad  mismo ni Pangulong Bonifacio. Kung sa patas ay patas ang tatlong ito dahil sa mga kapwa malalapit din kay Hen. Aguinaldo ang mga ito. Si Mabini, siyempre pa, ay naging Kalihim at tagapayo ni Aguinaldo. Si Alvarez ay naging kaibigan ng kontrobersyal na pinuno at kapwa Kabiteno pa nito. Si Ricarte naman ay tanyag sa prinsipyo nito laban sa imperyalistang Amerikano at sa pagdakila nito kina Rizal at Bonifacio habang naka-exile sa bansang Hapon kahit na may nagsasabing tuluyan daw itong kumampi sa kampo ni Aguinaldo at palihim pang nagpayo na tuluyang iligpit si Bonifacio noong 1897.

Ang tungkol sa mga pahayag ni berdugo Lazaro Makapagal, kapatid na babae ni Supremo, at paghukay sa mga buto ni Bonifacio ay mga nalathala sa pahayagan na kinalap ng mga mananaliksik ng Pambansang Komisyon (Suriang) Pangkasaysayan sa loob ng mahabang panahon (at inilabas na may kinikilingang opinyon ni G. Ambeth Ocampo, naging pinuno nito sa panahon ng administrasyon ni Gloria Macapagal Arroyo). Ang tungkol sa oral history naman ng mga taga-Maragondon, lalawigan ng Kabite ay mula sa pag-aaral ni Prop. Daniel Aragon, isang Kabitenyo. Sa madaling salita, ang mga primary sources ay mga patas at masasabi pa ngang kataka-takang hindi pumapanig sa kampo ni Aguinaldo. Ang mga lathain namang naglalaman ng mga pahayag mula 1920s at ang Kastilang website ay naglimbag lamang ng kanilang mga panayam o sipi (ng imahe ni Bonifacio mula sa lathaing "La Ilustración Española y Americana"). May iba ring pinagkunan, tulad ng mga libro o libro ng historyador na sina Milagros Guerrero at Dok Zeus Salazar, sinasabing 'Ama ng Pantayong Pananaw.'

Pagwawakas

Kung ano raw ang ating kainin, iyon tayo. Kung ano ang pinapakain sa atin o kinakain ng ating mga isip, iyon ang ating kamalayan. Sa terminolohiya ng information systems,  GIGO--garbage in, garbage out. Kung tahi-tahi at kathang-propaganda ang pagkakakilala sa mga bayani at kontra-bayani, lalabas na mito ang ating kamalayang pagkabansa.

Masidhi, malakas, at maimpluwensya ang mga nagpapakalat ng kasinungalingang paninira at pagmemenos sa Pangulong Bonifacio at sa Katipunan. Marami sila, hindi iilan, hindi lamang si Hen. Aguinaldo na hindi malayong napaikot din ng mas mapanggamit/mapanlinlang dito dahil wala pa itong edad 30 nang mga panahong inagawan niya ng kapangyarihan at pinapaslang ang Supremo. May mga pwersang panglipunan nga na ayaw maituro ang mga wasto o moral na mga aral ng Katipunan. Dagdagan ko pa na may mga pwersa sa ating lipunan na ayaw maparusahan sa mga kasalanan nila sa Supremo, sa Katipunan at mga turo at prinsipyo nito, at sa bayan.

Kung hindi tayo mag-iingat sa mga pinapayagaan nating pumasok natin sa kaisipan, magiging mga manikang pinapaikot lang tayo ng mga pwersang gahaman, makasarili at kalaban ng katotohanan. Hindi tayo makakarating sa kalagayang maayos kung saan buo ang ating kamalayang Pilipino at namamayani ang kapatiran, katarungan, kalayaang tunay, at kaunlarang nag-iingat sa kalikasan. Kung maiwawasto ang pagkakasulat sa kasaysayan ukol kay Supremo at Katipunan na pangunahing kumilos para sa ating kalayaan at pagkabansa, malamang ay maisunod na ang iba pa at maiwasto na rin sa wakas ang kasalukuyan nating kalahating-mitong historiograpiya. Sa ganoong paraan ay baka mapagkaisa na ang ating lahi sa kabansaang hindi tuta, bukas ngunit katutubo at makakalikasan, at makatarungan sa lahat.



HUWAG Hong Kalimutan, Pagtuntong ng Taon 2013 isang buwan mula ngayon ay BONIFACIO 150 NA! Magkita-kita ho tayong muli. :)


*********

Mainam din hong basahin ang mga piling iba pa sa Bonifacio Series:

The HACKING of the SUPREMO, Unang Bahagi (Bonifacio Series VII). http://forthephilippines.blogspot.com/2012/05/hacking-of-supremo-unang-bahagi.html

Andres Bonifacio, Unang Pangulo ng 'Pilipinas': Setting the Historiographic Record Straight (Bonifacio Series VI). http://forthephilippines.blogspot.com/2011/12/andres-bonifacio-unang-pangulo-ng.html

Tragedy of the Katipunan (Bonifacio Series IV). http://forthephilippines.blogspot.com/2011/05/tragedy-of-katipunan-assassination-cum.html

Gat Andres Bonifacio: The Anti-Colonial National Hero of the Philippines (Bonifacio Series I). http://forthephilippines.blogspot.com/2008/11/andres-anti-colonial-national-hero-of.html




***********

Mga Batis:

Alvarez, Santiago. The Katipunan and the Revolution: Memoirs of a General: with the original Tagalog text. Paula Carolina S. Malay. Trans. Ateneo de Manila University Press, 1992. http://books.google.com/books/about/The_katipunan_and_the_revolution.html?id=F3q-krDckHwC

Artemio Ricarte Declaration date 24 March 1897. Filipiniana.net. http://www.filipiniana.net/publication/artemio-ricarte-declaration-dated-24-march-1897/12791881635983

Chua, Michael Charlestone. XIAOTIME, 29 November 2012: UNDRESS BONIFACIO, Ang Supremo Bilang Pinunong Militar. http://xiaochua.wordpress.com/2012/11/29/xiaotime-29-november-2012-undress-bonifacio-ang-supremo-bilang-pinunong-militar/

Guerrero, Milagros, Emmanuel Encarnacion, and Ramon Villegas. Andres Bonifacio and the 1896 Revolution. In Sulyap Kultura. National Commission for Culture and the Arts, 1996. NCCA Site. 16 June 2003. http://www.ncca.gov.ph/about-culture-and-arts/articles-on-c-n-a/article.php?i=5&subcat=13

La Revolución filipina (1896-1898).  http://www.museo-oriental.es/ver_didactica.asp?clave=138&loc=0

Ocampo, Ambeth. Bonifacio’s teeth, Rizal’s breath. Inquirer.net. March 9, 2012. http://opinion.inquirer.net/24571/bonifacio’s-teeth-rizal’s-breath

Ocampo, Ambeth. The execution of Bonifacio. Inquirer.net. May 15, 2009. http://opinion.inquirer.net/inquireropinion/columns/view/20090515-205102/The-execution-of-Bonifacio

Ocampo, Ambeth. Urban Legends. Inquirer.net. March 13, 2012. http://opinion.inquirer.net/24903/urban-legends

Retana, Wenceslao. "El Marat Filipino," El Renacimiento, 26 de Marzo 1908

Salazar, Zeus A. Kasaysayan ng Kapilipinuhan: Bagong Balangkas. Lungsod ng Quezon. 2004 Disyembre. http://www.google.com.ph/url?

________________. Si Bonifacio bilang Pinunong Militar. http://blog-by-taga-ilog-news.blogspot.com/2012/05/si-bonifacio-bilang-pinunong-militar.html

Sunday, May 13, 2012

The HACKING of the SUPREMO, Unang Bahagi (Bonifacio Series VII)

Updated May 15, 2012

ANG pagdaklot, paglilitis, at pagpaslang kay Gat Andres Bonifacio y de Castro, pangunahing nagtatag at nagpalakas ng, at Supremo ng Kataastaasang Kagalanggalangang Katipunan nang manga Anak nang Bayan ang isa sa mga pinakapangit at kasuklam-suklam na bahagi ng kasaysayan ng Pilipinas/Tagalog/Taga-Ilog/Maharlika. Paano nga naman nangyari na ang namuno ng rebolusyon, ang 'Ama ng Himagsikan' laban sa Kastila, ang pangunahing naghangad ng, at kumilos upang makamit, ang ating kasarinlan at pagkabansa ay nilitis at hinatulan ng kamatayan?

Masalimuot ang usaping ito at maraming papasok na mga katanungan.  1) Pasok dito kung lehitimo ang resulta ng halalan sa Tejeros Convention na sinasabi ng kampo ni Aguinaldo na nagbigay ng kapangyarihan sa kanya upang maging "Pangulo" ng itinatag nitong "Republika ng Pilipinas" bilang paghalili daw sa posisyon at kapangyarihan ng Supremo at (pamahalaan ng) Katipunan. Nagkadayaan sa Tejeros, ayon sa Kabitenyo at opisyal ng Katipunan na si Diego Mojica at kay Hen. Artemio Ricarte, at bukod pa dito ay pinawalang-saysay ni Bonifacio, na presiding officer ng Tejeros, ang naturang halalan.  2) Pasok din kung bakit patraydor ang pagdaklot sa magkapatid na Andres at Procopio Bonifacio at pagpaslang sa isa pang kapatid na si Ciriaco. Bukod sa 'dead or alive' ang utos ni Aguinaldo sa mga tauhan nito ay patraydor pa ang 'paghuli' kina Supremo na mainit pang tinanggap ang mga ito na mainit ilang oras bago sila atakihin, ayon kay Hen. Santiago Alvarez.  3) Pasok din kung bakit mas malinaw.sa.hindi na lutong makaw ang Hukom Militar na naglitis sa magkapatid: Si Aguinaldo ang bumuo ng korte; ang pinsan niyang si Baldomero Aguinaldo ay court auditor; at si Hen. Mariano Noriel, ulo ng hukom na ito, ay sa umpisa pa lang ng trial already asked the "Most Respected and Distinguished President" Aguinaldo to judge the extent of the evil and treacherous intentions of Andres Bonifacio; AT, maliban sa ilan pang iregularidad sa court proceedings, ang binigay na 'defense lawyer' na si Placido Martinez ay hinusgahan pang may sala at masama ang Supremo.  4) Bakit din pinabayaan--o isinagawa--ang makahayup na pagtrato sa angkang Bonifacio. Pinatay si Ciriaco; binaril at sinaksak si Gat Andres; tinangkang halayin, o talaga daw nahalay si Gregoria de Jesus; at itinapon sa isang madilim at maliit na bartolina ang magkapatid na Bonifacio na pinagbawalan ang pagbisita, hindi ginamot ang mga sugat (ni Supremo) at halos hindi pinakain at kung pinakain man ng kaunti, ito ay "pagkaing hindi na dapat sabihin," ayon sa paglalarawan ni Hen. Alvarez.

Subali't sa kasalukuyan, ang maaring pinakamainit na mga katanungan ay may kinalaman sa mismong araw ng pagkitil nila ng buhay ng magkapatid na Bonifacio. Ano nga ba ang mga nangyari noong ika-10 ng Mayo 1897. Dito, ang may potensyal maging pinaka.nakakagimbal ay kung paano nga ba talaga pinatay ng kampo nila Aguinaldo sina Supremo?




"Ang Wakas ni Andres Bonifacio" ni Carlos Valino Jr.

Nanalo sa  1963 Andres Bonifacio Centennial Art Contest
Pinagkunan: Tragedy of the Revolution (akda ni Adrian E. Cristobal) via Prop. Michael Chua



Tulang Putol-Putol
ANDRES BONIFACIO
ATAPANG NA TAO
A putol a paa, di dadapa
a putol a tenga, di bibingi
a putol a kamay, di papasma
a putol a ulo, di tatakbo
a putol a buho, di kakalbo
a putol a sinturon, di huhubo
a putol a itak, di iiyak
a putol a buhay, di mamamatay

Ang nasa itaas ay ang unang bahagi ng tula na may dalawang klase ng bersyon. Ilang bersyon na nito ang nalabas, sumikat sa loob ng mahaba-habang panahon, mga ilang dekada na. Sa pagaala.ala ng historyador na si Prop. Danilo Aragon ng Unibersidad ng Pilipinas, noong 1960s pa ay naririnig na niya ito at lumaganap pa raw noong dekada 70s; maaring dati pa ay naririnig na ito. Masasabing dalawang klase lamang silang lahat--isang puno ng paggalang at isang may kabastusan sa huli.

Anupaman, nakakapagtaka ang tema ng tulang ito ukol sa Ama ng Himagsikan, ang Supremo ng Katipunan na si Gat Andres. Putol-putol. Bakit pinaguusapan ang pagtadtad ng katawan ng tao, ang pagtadtad kay Supremo??? Ang mga Katipunero ba noong panahon ng liderato ni Bonifacio ay pinagpuputol-putol ang katawan ng kalaban? Ang pagputol-putol ba ang itinurong istilong militar ng Supremo sa mga Katipunero??? Oo nga at ang ilan/karamihan sa mga naghimagsik na Katipunero ay walang mga baril kaya bolo, itak ang gamit at sa ganitong uri ng malapitang labanan ay hindi maiiwasan kung minsan na may natatapyas siguro ng bahagi ng katawan--ang mga tinatawag na extremities lalo na. Subalit hindi naman iyon ang layunin mismo--hindi na lang naiiwasan kung minsan. Nagkaroon man ng grupong Tadtad na kalahating manghihimagsik at kalahating kulto o ano man, ito naman ay nangyari sa bahaging Visayas at hindi talaga noong Himagsikan kundi noong pakikipagdigma natin laban sa imperyalistang Amerikano. Ang malinaw, walang patakarang pagtatadtad na ginawa ang mga Katipunero sa panahon ni Bonifacio.


Bakit nga may Putol-Putol?

Kung ganoon ay bakit putol-putol ang tema ng tula na nakapaskil sa museo ng pinagdausan ng paglilitis nila Supremo sa ilalim ng 'kangaroo court' na Hukom Militar? Bumalik tayo sa putol-putol... kung walang ganitong polisiya o istilo ang KKK, eh bakit tadtaran ng katawan ng nga tao ang usapan sa tulang ito, na sumikat-sikat pa nga raw. Sa totoo, kahit ako ay natatandaan ko na noong maliit ako naging sikat o kasabihan ang tulang may bahaging "Andres Bonifacio, atapang a tao" (o dili kaya ay "Andres Bonifacio, atapang na tao"?).

Kung hindi gawain ang pagtadtad ng katawan ng kaaway noong Himagsikan sa panahon ng Supremo, ang pinahihiwatig kaya ng tulang iyan ay si Bonifacio ang pinagputol-putol??? Ito nga mismo ang kontrobersyal na thesis ng ilang historyador sa tunay at kasuklam-suklam na ginawa ng kampo ni Aguinaldo, o ng mga berdugo ng Heneral ng Magdalo, sa Ama ng Himagsikan.

Sa usapin ukol sa pagpatay kay Supremo, ang natural na sisiyasatin ay ang mga nakakita--ang mga pumatay mismo, ang mga berdugo, at mga testigo o nakakita. Sa kaso nila Gat Andres at Procopio Bonifacio, walang ibang nakakita--at least officially--kundi ang mga berdugo lamang. Dito ang susi ay sina Major Lazaro Makapagal at apat daw na kawal na kasama nitong nagpatupad ng utos na pagpatay ng hukom ni Aguinaldo. Si Makapagal ay siya ring inatasan bilang Kalihim ng naglitis na Hukom Militar nila Aguinaldo. Sa kwento ni Alvarez, ayon daw kay Makapagal ay tumanggap siya ng utos na magdala ng kasamang kawal at dalhin ang magkapatid na Bonifacio, at huminto sa paanan ng bundok (Buntis) upang basahin ang nakaselyadong sulat na naglalaman ng susunod pa nilang mga gagawin.


Berdugong 'Maawain,' Nangmaltrato at Sinungaling!

Hindi isa, hindi dalawa, kundi tatlo ang bersyon ng kwento ni Lazaro Makapagal ukol sa pagberdugo niya sa magkapatid na Bonifacio--at dahil sa ang mahahalagang bahagi ay nagkokontrahan ang mga ito at hindi tugma sa pagkatao ng Supremo ay mapagdududahan ng maigi hindi lang ang mga kwento kundi ang nagkuwento mismo.

Bihira siguro, kung meron man, sa isang moral na tao na makakaya ang trabaho ng berdugo na pagkitil ng buhay ng tao--maliban na lamang kung ito ay pusong bato, likas na matigas ang loob, ika nga. Subali't batay sa kanya mismong sariling paglalarawan ng pagtupad daw niya sa kautusan ni Aguinaldo at ang naghusgang military 'kangaroo' court kung saan isang opisyal din ang isa pang dugong Aguinaldo, siya raw, si Makapagal, ay maawain. Siya raw ay naawa ng lubos sa magkapatid na Bonifacio nang sila ay papatayin na.

Sa unang bersyon ni Makapagal, ayon sa pagkakakwento kay Hen. Alvarez (na serialized, unang nalathala noong 1927), nanangis daw si Procopio samantalang tumulo daw ang luha ng Supremo. Ganito daw:

 ...tumanggap [si Makapagal] ng utos na magsama ng mga kawal; pag-ingatang mabuti at dalhin ang Magkakapatid sa bundok ng Buntis... Sumapit sila sa paanan ng bundok... mahigpit na pinaguutos na barilin ang magkapatid... nanangis na payakap ang Procopio sa Andres at anya: "Kuya, paano tayo?" Ang Andres ay di nakakibo. Tumungo na lamang at humik na umaagos ang mapapait na luha sa dalawang mata, samantalang siya ay tumalikod sa di mabantang kababagan; bagay na nang mapaharap ay tapus na ang putok ng kanyang mga kawal; bulagta at patay ang kaawa-awang Magkapatid na Bonifacio, ...iginalang [ni Lazaro] at pinagyama sa paraang magagawa ang mga bangkay.


Maj. Lazaro Makapagal, Berdugo
Iginalang at pinagyama daw ni Makapagal ang mga bangkay ng magkapatid na Bonifacio sa unang bersyo ng kanyang kwento at nang baguhin niya ang kwento niya sa susunod na bersyon ay naging maawain pa rin daw siya. Sa pangalawang bersyon nitong si Makapagal kung saan pinakikita na naman niya na nadurog raw ang puso sa kanyang habag kina Gat Andres at Procopio, humingi pa raw siya ng tawad sa Supremo matapos unahing patayin si Procopio ayon na rin sa utos: "I replied that I was sorry, but it was my military duty to follow the order," sabi daw ni berdugo.

Mahirap paniwalaang si Makapagal, ang berdugo o pinuno ng mga berdugo, ay naging maawain sa magkakapatid na Bonifacio dahil bilang bahagi ng Hukom Militar i ay minaltrato nila ang Supremo at kapatid nito, maliban pa nga na hitik ito sa pagsisinungaling sa kanyang mga bersyon. Kung talagang kinaawaan niya ang mga Bonifacio, sana ay gumawa siya ng paraaan, kinausap niya ang Hukom na ipagamot ang mga sugat ni Gat Andres, pakainin sila ng maayos at bigyang karapatang tumanggap ng bisita. Walang ganitong nakatala kahit sa records ng Hukom nila.

Bakit hindi nila naisip na ipagamot si Gat Andres samantalang may mga malubha itong sugat? Ang tunay na maawain, hindi pababayaang hindi malunasan ang malulubhang sugat ng kahit sinong nasa ilalim ng poder nito. kahit na nga pa 'preso' ito. Liban na lamang kung alam nilang masasayang lang ang paglunas dahil alam na nila noong una pa na papatayin na din lang naman ito dahil nga moro-moro lang ang palabas na paglilitis. In which case, then, Makapagal was certainly no kind-hearted executioner but a power-grabbing, kangaroo-court-martial conspirator.

Taong 1928 lumabas sa Philippine Free Press ang ikalawang bersyon ni Lazaro kung saan sinabi nito na isa lang ang sugat ni Bonifacio: "Procopio and Andres were not taken to Tala hill bound but free. Andres had only one wound, in one of his arms."  Isa lang ang sugat? Itong puntong ito ay tahasang kumokontra sa opisyal na court martial records kung saan nakalagay na may malubhang sugat si Bonifacio sa bandang lalamunan: "However they killed one brother of the "Supremo" and left the latter in the tribunal (town-hall) at Yndang in a serious condition as a result of wounds received in the larynx."  Kung ang bersyon ng kampo nila na pinalalabas na nanlaban sina Bonifacio at hitik sa pasimpleng pagiinsulto sa Ama ng Himagsikan (na laging may kasamang quote-unquote marks ang pagsulat sa "Supremo") ay nagsasaad na tinamaan ng masama sa larynx si Gat Andres, ibig sabihin ay huling-huling na nagsinungaling ang hepe ng berdugo.

It's extremely difficult to believe any of Lazaro Makapagal's three accounts of the killing of the Supremo and brother Procopio because of the myriad of lies as shown by the glaring conflicts in in all three of his shifting stories. It is even more difficult to believe his claim that he was an executioner who presented a soft heart to Gat Andres and Procopio for the simple reason that he was part of the Aguinaldo camp that maltreated the Bonifacios during their seizure, imprisonment, and trial. Additionally, details on his stories do not jibe even with the records of their very own military court.


Kasinungalinangang Paninira sa Supremo

Marami pang hindi tugma sa iba't-ibang kwento ni Makapagal ukol sa kanyang pagpaslang ss Supremo kaya talagang mahirap seryosohin ito subalit kahit ibai.ba ang bersyon ay hawig ang tulis ng mga ito pagdating sa paninira sa pagkabayani ni Bonifacio. Ang unang bersyon ng kuwentong berdugo ito ay naglalarawan na duwag o hanggang iyak na lang si Bonifacio subali't ang ikalawa at susunod pang ikatlong bersyon nito ilang dekada matapos ang kanyang pag.berdugo ay lubusang sumisira sa matapang na pangalan ni, o pagkakakilanlan bilang manghihimagsik na pinuno kay, Supremo.

Sa pangalawang bersyon ni Makapagal, hindi lang ala-talunang umiyak si Bonifacio kundi tinangka pa raw nitong umeskapo! Sa bersyon nitong si Makapagal kung saan pinakikita na naman niya na nadurog raw ang puso sa kanyang habag kina Gat Andres at Procopio, ito rin ang isa sa dalawang bersyon na lalong nagpapakita na duwag daw sa pagharap sa kamatayan ang Supremo. Ayon kay Makapagal ay una nilang pinatay si Procopio sa pamamagitan ng pagbaril sa likod. Nang isusunod na daw ang Supremo ay:

Andres Bonifacio tried to escape, but he could not go far because of the thick shrubbery around. One of the soldiers reached him, firing at him from behind and shooting him in the back. After digging one more grave with our bayonets and bolos, we buried Andres in it.

Sobrang taliwas ang bahagi ng kwentong ukol sa reaksyon ng Supremo nang papatayin na siya kung ihahambing sa orihinal na kwento ni Makapagal. Malinaw na may pagsisinungaling sa isa sa bersyon nito, kung hindi man sa lahat ng tatlong bersyon niya... Unang-una, paano makakatakbo ang Supremo samantalang sobrang hina na nito dahil nasaksak nga sa lalamunan at nabaril at hindi nga ginamot. Hindi nga iilan sa nag.a.analisang mga historyador at eksperto ang natatawa sa pagiging imposible ng bahaging nakatakbo pa raw si Gat Andres. Ang pagdala sa Supremo at kapatid nito sa bundok Buntis (o Tala) noong Mayo 10, 1897 ay nakita ng ilang mga testigo ayon sa ilang ulat kaya mahirap bilhin ang kwento ni Makapagal na parang pinalakad nila ang Supremo. Isipin na lamang na kung ang sugatang si Gat Andres ay dinala papunta sa Naik para sa isang pre-trial hearing sakay ng isang duyan ay lalong ganoon din ang nangyari nang papatayin na siya makaraan ang ilang linggo dahil hindi naman siya pinagamot... at ginutom pa nga daw ayon kay Hen. Alvarez. Lohiko na lamang ang paandarin at makikita ang kabuktutan ng uncorroborated na mga salaysay ni Makapagal.

At hindi sa pangalawa nagtatapos ang bersyon ng kwento ng berdugo dahil may isa pa. Itong bersyon na ito ay pandagdag detalye daw sa 1928 na bersyon subali't ibang iba na naman ang bahagi ukol sa pagtanggap ng Supremo sa napipintong pagpatay sa kanya. Masama pa, sobrang gustong palabasin ni Makapagal na sukdulan sa karuwagan si Bonifacio at nagmakaawa pa raw sa kanya! Dito daw sa ikatatlong bersyon niya na binigay niya matapos ang isang taon ay hindi lang takbo kundi pagluhod pa raw ang ginawa ng Supremo upang magmakaawang buhayin siya! Dito sa bersyon ito ng berdugo, kahit isa ay wala nang kumagat.


Imposible Duwag si Supremo

Sa mga loopholes at pagpapalit-palit ng kwento, malinaw na nagsisinungaling si Makapagal at layon lamang nitong sirain ang matayog na pangalan ni Bonifacio... liban na lamang siguro kung nag.uulyanin na si Makapagal noon o kaya naman ay pinaluwag ng kanyang 'demons' ang mga turnilyo ng kanyang isip. Subali't dahil walang ulat na nag.uulyanin na o di kaya ay nagde.delusyon si Makapagal nang panahon iniba nito ang kanyang mga sumunod na pahayag, mas lohikal na isiping nagsinungaling ito sa isa o lahat ng pahayag niya tungkol sa kontrobersyal na papel niya sa pagkitil ng buhay ng ni Gat Andres Bonifacio (partikular sa reaksyon ng magkapatid na Bonifacio sa pagpatay sa kanila).

Bakit kanyo? Unang una, consistent siya sa pagpapakita na naawa siya sa magkapatid subali't palala pa nang palala ang pagsasalarawan niya ng reaksyon ni Gat Andres sa napipintong pagpapatupad na 'execution' na hatol ng korte ni Aguinaldo. Kita ang intensyon sa paiba-ibang kwento: siyang berdugo ang maawain at si Supremo ay duwag sa harap ng kamatayan. Sa pagaa.analisa ni Prop. Aragon, hindi kapani-paniwala ang pagiging mahabagin daw ni Makapagal dahil noong nagkita sila ni Gat Gregoria de Jesus matapos na nilang patayin ang Supremo, ang sinabi nito sa huli ay kaya daw dala niya ang damit ng Supremo ay upang malabhan ito. Malala pa, nang hirap na hirap na ginalugod ng Lakambini ng Katipunan ang kabundukan upang makita ang labi ng asawa nito, sana ay nahabag si Makapagal at itinuro na nito ang pinaglibingan nila kay Supremo.

Pangalawa, taliwas sa matapang, sobrang tapang, na imahe ng Supremo ang mga salaysay ni Makapagal lalo na ang huling dalawa. Paano namang nangyari na ang pangunahing nagumpisa at nagplano ng marahas na pamamaraan upang humiwalay ang bayan sa nanakop na Kastila ay naging duwag? Legendary nga ang tapang ni Bonifacio na humarap sa maraming labanan at nauna nga mismong sumalang sa pakikipagdigma sa pagsiklab ng Himagsikan. Halos ibuwis din nito ang kanyang buhay mailigtas lang ang kaibigan niyang si Gat Emilio Jacinto. May kuwento si Alvarez ukol sa kahandaang mamatay ng Supremo para sa pakikibaka sa Inang Bayan. Isang beses na naglalakbay sila sa kabundukan ng Maragondong sakay ang kani.kanilang mga kabayo ay kakatwang nahulog si Bonifacio sa kabayo dahil sa pag.iwas sa mga nakaharang na mga sangay na kahoy--kahit na siya ang may pinakamababang kabayo. Napagisip daw silang lahat kung paano nangyari ang gayun samantalang dali.dali daw tumayo si Gat Andres at sinambit ang sumusunod:

Ito'y pamahiin ng Matatanda sa pagkatalo. Marahil kung tayo'y kulanging.palad na talunin ng mga Kaaway, at hanggan sa dakong ito'y usigin, dito na ako mamamatay at mababaon.

Si Bonifacio na sumusugod dala ang gulok at baril at tinawag ng pahayagang El Renacimiento na "El Marat Filipino" ay isang duwag? Malayo sa katotohanan. Ang sabihin ni Makapagal, kung hindi lang nasugatan nila si Supremo ay baka kinailangang igapos nila ito bago patayin dahil baka may madali itong isa sa kanila bago nila ito mapabagsak.

It is very hard to believe someone who gives an account whose description of the object of his 'execution' is completely antithetical to the known character of the latter. This is especially so when he has been found to be lying in other details, when all of his accounts virtually conflict with each other and that the changes he made in his subsequent accounts occured twice within only some two years (Makapagal could have narrated his original story to Alvarez years before its publication in 1927). Note that the shifts his stories zero in on the point of Bonifacio's reaction to his impending 'execution' amidst the former's selective consistency on the point of his supposed pity for the Supremo and Procopio. Kung maraming kasinungalingan at nag.iiba ang mahalagang bahagi sa iba't ibang bersyon ng pangunahing berdugo, ang ibig sabihin lang nito, maliban sa halatang layuning paninira sa bayaning pangalan ni Bonifacio, may pilit itinatago itong si Makapagal.


Ang Pagtadtad sa Supremo?

Sa bahagi nang pagharap ni Supremo sa kamatayan, angat ang kasinungalingan ni Makapagal kaya ito ring marahil bandang bahagi ng pagpatay ang naglalaman ng kung anong masidhing itinatago. Balik tayo sa tula (o naging lumang awit pa nga raw yata, ayon sa isang may beterano at retiradong historyador) na may temang putol-putol. Ang pilit kayang pinagtatakpan ni Makapagal sa mga kasinungalingan at hindi.tugma.sa.realided na mga mahahalagang puntos sa kanyang tatlong bersyon ay ang maaring katotohanan ng kagimbal-gimbal at mala-hayup na pagkatay na ginawa nilang pagpatay sa Supremo?


Masangkay Team Forensics


Newspaper clipping on exhumation of  Bonifacio bones
Ang talagang unang naglabas, o nagpasikat, na pinatay daw ang Supremo hindi sa pagbaril kundi sa pagkatay ay si Hen. Guillermo Masangkay, kaibigan ni Bonifacio at nagsilbing militar na hepe noong Katipunan. Ayon kay Masangkay, dalawang sundalong tauhan ni Makapagal (na sa pamamahagi ng historyador na si Prop. Michael Charlestone Chua, ay kasama sa berdugo team)  ang nagsakay sa noon-aymalubha-na-ang-lagay na si Bonifacio  sa duyan at pinatay gamit ang bolo at bayoneta. Noong 1918, bumuo ng forensic team si Masangkay at si Epifanio de los Reyes at naghukay ng pinaniniwalaan nilang mga buto ng Supremo ayon sa mga detalyeng itinuro ng testigo o pinagkwentuhan ng testigo. Sinuri ang mga buto ng mga doktor na sina Sixto de los Angeles, Fidel Cuanjunco at Augusto Atenas sa Unibersidad ng Pilipinas. Wala pa namang DNA testing noon at batay sa best available science sa bansa, ang pag.describe sa mga buto na may mga tama ng bayoneta at bolo at may fractured skull ayon na rin sa sumbong sa kanya, ay nagkumbinsi kina Masangkay na talagang kay Bonifacio nga ang mga buto.

Pinaniwalaan din ng nakakabatang kapatid ng Supremo na si Esperidiona na tunay nga ang mga buto batay sa mga ngipin na hasa. Naisulat daw noong Nobyembre 28, 1926 na isyu ng dyaryong "Pagkakaisa" na kinukumpirma ni Esperidiona na naghahasa ng ngipin ang kanyang kuya Andres gamit ang tapayan at ito ay tugma sa "maliit at makinis" na natagpuang babang ngipin sa harap ng mga incisors. Tugma rin ang isang basag na ngipin na nakita sa bangkay dahil ayon kay Esperidiona ay may nabasag na ngipin ang Supremo habang nililinis ang baril nito.


Makapagal Refutes the Bones of Contention, Ambeth Seconds the Motion


Hen. Masangkay at ang pinaniniwalaang
bungo ni Supremo Bonifacio

Hindi nakakapagtaka, pinabulaanan ni Lazaro Makapagal na iyon nga ang mga buto ni Gat Andres. Ang nakakapagtaka, mas binigyang halaga ni Ambeth Ocampo, kolumnista at dating pinuno ng National Historical Institute (ngayon ay National Historical Commission of the Philippines) ang mga paiba-iba at uncorroborated na kwento ni Makapagal. Kesyo daw hindi naman fully confirmed ng medico-legal na kay Supremo daw iyon samantalang malaking tulong na ang pagsusuri noon sa pagkakakilanlan sa mga buto at dahil nga wala pang DNA testing noon. Na kesyo bakit daw hindi ipinaalam ang lakad nina Masangkay sa balo nito--samantalang may bagong asawa at mga anak na noon si Gat Gregorio de Jesus at may tatalo pa ba sa kapatid sa pagkilala ng remains lalo't mas matagal nakasama ni Esperidiona si Gat Andres kung ihahambing sa asawa nito. Kesyo kung totoo daw na buto ni Supremo iyon ay bakit daw hindi rin nakita ang mga buto ni Procopio, na isang bagay na kakatwang tinatanong ng isang maraming alam sa kasaysayan dahil alam niyang nasa bundok Nagpatong ang historical marker ni Bonifacio--ibig sabihin, posibleng nilipat lamang ang mga buto ng Supremo, na talagang sinusulat naman ng ibang historyador. Na kesyo mas 'authoritative' daw si Lazaro dahil nandoon siya mismo--hello, mahirap bang makita na batay sa motive principle, hindi maasahan na ituro ng isang berdugo kung alin o saan talaga naroroon ang mga buto ng pinatay nito lalo na't pinagsusupetsahan na pakatay, imbes na pabaril, ang ginawa nito. Na kesyo hindi raw medico.legal experts sina Masangkay at EDSA--isa pang 'hello,' kasi po ay naroroon ang dalawa bilang history experts/resource persons AT kaya nga may mga doktor na nagsuri sa mga buto eh.

Sa madaling salita, nakakapagtakang mas pinaniniwalaan ni Ocampo ang paiba.iba, walang suporta, at sinungaling o puno.ng.loopholes na mga kuwentong berdugong at may vested interest pa na si Makapagal. Samantala, ang forensic team nila Masangkay at EDSA ay may mga ebidensya o suportang family history at mga eksperto pa... subali't minenos lang ni Ocampo pabor kay Makapagal. Dagdag pa, maliban sa mga butong nahukay at pagsusuri dito ay may mga magsasaka ring testigo sa pagkatay daw na pagpatay sa Supremo, ayon sa libro daw ni Adrian Cristobal. Hindi lohikal na tingnan na kapani.paniwala si Makapagal kung kaya hindi na rin siguro nakakagulat na nawala na lamang ang mga butong nahukay, na kasama raw nabomba noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, sa poder ng pang.kasaysayang mga ahensya ng pamahalaan.


Pag.aaral ni Aragon


Sa pananaliksik ni Aragon sa isyu, gumamit siya ng metodolohiyang batay o ayon sa tinatawag na oral history. Local oral history to be exact because his interviewees all came from Maragondon, Cavite. Dalawa sa apat na kinapanayam niya ay nagkuwento na batay sa kanilang mga ninuno/magulang at "kwentong bayan" ay pinahirapan ang Supremo: sina Potenciano Villaran, edad 64; Sonny Villaran, 46; Guillermo Quini-quini, 83; at Lauro Abayon, 35.

Ayon kay Sonny Villaran batay sa kwento ng kanyang ama at sa kwentong bayan sa panahon ng lolo niya na nabuhay noong panahon ni Bonifacio, pinutol muna ang tainga at kamay ng Supremo at pinahirapan daw bago pinatay. Pagkapatay daw ay itinali sa kawayan ang natirang katawan (at sa isang bersyon ay nakasakay pa rin sa duyan) at nilipat sa Bundok Nagpatong. Dinagdag niya na hindi naman daw talaga nagkaroon ng paglilitis ang magkapatid na Bonifacio. Ayon naman kay Abayon, na hango rin sa kwentong bayan at sa mga sinabi noon ng kanyang lolo na ipinanganak ng mga 1910, ay pinahirapan nga ang Supremo at kahawig nang kwento ni Potentiano Villaran, ay inilipat din ang katawan nito na nakatali sa kawayan ang mga paa at kamay (na parang baboy); si Quini-quini, na pinakamatanda, ay may mga hindi na matandaan. Lahat ay nagkuwento na kung hindi sa bundok Buntis ay banda rito pinatay at para sa tatlo ay malinaw na nilipat lamang ang mga labi sa bundok Nagpatong dahil may nakakita ng krimen. Dagdag pa, sa pangkalahatan, lumabas na kaya kumilos sina Aguinaldo laban kay Bonifacio ay dahil may bantang na.perceive ang una, na 'masasapawan' o 'matatalo' ng pangkat ng Supremo ang una.

Napansin ni Aragon na ang iba sa kanyang nakapanayam ay parang takot magsalita. Sa pakiwari niya, maaring may makuha pa siyang impormasyon sa iba pa sa kanila kung wala lang siguro silang mga takot sa dibdib dahil sa sinapit ni Bonifacio. Herein, it is worth noting that Aragon's interviewees harbored some fear of expressing themselves despite the fact that Aragon himself is a Caviteno.


Tulang Bonifacio Putol-Putol bilang Pagtatama ng Kasaysayan?

Nasabi ko na na dalawa ang klase ng mga bersyon ng tulang putol-putol, ayon na rin kay Prof. Aragon. Narito ang medyo bastos na bersyon:

ANDRES BONIFACIO
A TAPANG A TAO
A putol a kamay, di tatakbo
a putol a ulo, di tatakbo
a putol a tenga, di tatakbo
a putol a uten, takbo a tulin.

Makikita sa bersyon na ito na putol-putol at katapangan pa rin ang ikinuwento. Ang salitang "uten," nga pala, ay isang pang-kantong salita na ang ibig sabihin ay ang ari o sekswal na bahagi ng lalaki. Kahit na medyo bastos ang bersyon na ito ay ipinalalabas pa rin na, sa normal na pangyayari (hindi kasama ang uten), ay walang duda ang katapangan ni Supremo Bonifacio. Pinagtatadtad na nga ay hindi pa rin daw tumakbo si Gat Andres. Kung iisipin, kung totoo man ang pagputol-putol sa Ama ng Himagsikan, hindi naman maaring makatakbo pa ito dahil nga malubha ang kalagayan niya dahil sa tinamong baril at saksak na hindi naman ginamot. Ang pinapalabas siguro dito at doon sa mas magalang na bersyon ay sa sobrang katapangan ni Gat Andres, kahit na pinagtatadtad siya ng mga tantads na berdugo ay hinarap niya ito ng buo ang loob, hindi umiyak, hindi nagmakaawa, ni hindi siguro tumalikod sa harap ng matatalas at malulupit na hagupit ng mga itak.

Subalit maaring may isa pang gustong ipahiwatig ang mga bersyon ng tulang Bonifacio putol-putol--ang pabulaanan ang mga kasinungalingan ni Lazaro Makapagal, hepe ng mga berdugo ng Mayo 10, 1897. Nasa 1960s nagumpisa ang tulang iyan at maaring mas maaga pa. Ang lahat ng bersyon ni Makapagal ukol sa paspaslang nila sa Supremo ay na.imprenta nang patapos na ang 1920s. Dahil mabagal pa ang pagkilos ng commication ng panahon na iyon dahil wala pang internet, low-tech at mabagal pa ang paglilimbag at kulang o mahina pa ang mass media, maaring inabot ng dekada ang pagkalat ng mga sinungaling o twisted na kwentong berdugo ni Makapagal. Nang kumalat na ang mga ito ay saka siguro nag.react sa pamamagitan ng tula ang isa o ilan sa mga nakasaksi o napagkwentuhan nito/nila upang pabulaanan ang kabulastugang kwento ni Lazaro.

Kung hindi man ang mga tunay na nakasaksi mismo, maaring ang isa o ilan sa mga anak nila o kapamilya, kapuso, o (batang) kapatid ang gumawa ng tula bilang tanging paraaan upang iparating sa madla hindi lamang ang kahindik-hindik na paraan ng pagpatay sa Supremo kundi pati na ang kahanga-hangang katapangang ipinamalas ni Bonifacio sa kabila ng malupit na karahasang ipinataw sa kanya. Marahil, kung sino man ang gumawa o mga gumawa ng unang tula na Bonifacio putol-putol ay natakot lumantad dahil umiwas magantihan dahil simpleng tao lamang siya/sila. Nakikita ang kaparehong takot sa kaso ng testigong kinapamayam ni Aragon. Natakot siguro dahil alam na ang kampo ni Aguinaldo ay malakas pa rin o may kapit sa kapangyarihan. Si Hen. Aguinaldo nga mismo ay lalo pang yumaman ng bigyan gantimpala ito ng Kolonyal na Pamahalaang Amerikano ng maraming hektaryang lupain sa Cavite. Maari ring kaya na kaya hindi sila lumantad upang isinawalat ang nakitang pagpatay kay Supremo ay dahil natakot mismo kay Makapagal, na baka sila ay tadtarin din nito kung ganoon nga. Marahil naisip nila na dahil tanging si Makapagal ang nagkukuwento sa kamatayan ni Bonifacio ay baka ipinaligpit na nito ang mga tauhan ka-berdugo niya. Maari rin kaya na isa/ilan sa mga nakapanayam ni Aragon sa Maragondon, o mga ninuno nito, ang nagpauso ng tula?...... Pero ang sabi nga ni Masangkay ay kasama raw sa berdugo team ni Makapagal ang umamin sa kanya tungkol sa pananadtad na ginawa sa Supremo. Kung totoo na kasamang berdugo ang nagsiwalat kay Hen. Masangkay, maari kayang sila ang nagpaumpisa ng tulang Bonifacio putol-putol?????

Batay sa pag.aaral ni Aragon ay medyo tugma sa oral history ang tula kahit na hindi naman talaga pinagputol.putol ang katawan ng Supremo at bagkus ay may ilang bahagi lamang na pinutol daw. Tama rin naman ng bahagya ang tungkol sa bahaging ulo ng tula dahil kahit hindi sinabing pinutol ito ayon sa lokal na impormasyon na nakalap ni Aragon, ay may katamaan ito dahil fractured nga raw ang bungong nahukay ng Masangkay team kung sakaling tama ang conclusions nila. Then again, it seems that the 'somewhat indecent' version seems to be accurate based on a combination of Aragon's oral history and Masangkay forensic reports--tinapyas nga daw ang tenga at kamay ng Supremo at may tama bayoneta o tama nga daw sa ulo.

Tungkol sa 'a putol a uten,' paano naman tayo nakakasiguro na wala nang ibang ginawa sina Makapagal pagkatapos sa bundok Buntis? How sure are we that, assuming the hacking did occur in Mt. Buntis, Aguinaldo's men did not continue with further desecration/hacking of the body of the Supremo? After all, Lazaro and 'executioner' cohorts did not bother to transfer Bonifacio's dead body to Mt. Nagpatong (where a historical marker is located) just to bury him there, right? Maski sabihing nilakbay ang katawan ni Supremo ng malayo upang itago ang kahayupang ginawa rito, hindi pa rin tayo nakakasiguro na hindi pinagpatuloy nila Makapagal ang pagtaga sa katawan nito. Pero siyempre, ang maaring magsilbing ebidensya dito ay ang nahukay na mga buto nina Hen. Masangkay noong 1918 na nawawala o nasira na daw sa pambobomba noong Pangalawang Digmaang Pandaigdig. Nasaan nga ba ang sipi ng mga dokumentasyon ng forensic report ng UP Manila sa hinukay na pinaniniwalaang Bonifacio bones?


"Assassination," NOT "Execution"

Ang konteksto ng pagpatay o paraan ng pagpatay sa magkapatid na Bonifacio ay nakapaloob sa kaduda-dudang paraan ng 'execution' na inatas ng Hukom Militar daw ng "Republika ng Pilipinas" ni Aguinaldo. Kung talagang nagkaroon ng tunay na paglilitis at execution nga ang hatol, bakit sinadyang ikinubli, dinala pa sa bundok ang pagpatay kina Supremo? Ang execution, tulad ng nangyari kay Jose Rizal, ay isang bukas na gawain dahil pagpapatupad ito ng bukas na gawaing paglilitis.
 
Bakit itinago, ikinubli, nilayo ang pagpaslang sa magkapatid na Gat Andres at Procopio? Kung idadahilan na panahon iyon ng labanan dahil tinutukan na nga ng pwersang Kastila ang Cavite, eh hindi ba mas malaking trabaho, mas matagal, at delikado pa na ilakbay ang papataying magkapatid? Tandaan na ang totoo ay mahinang.mahina na si Supremo noon at kinailangang pang buhatin ito sa duyan. Gaano ba kahirap na doon mismo sa kuta nila Aguinaldo ay palabasin lahat ang mga tao, at tumawag siguro ng ilang sibilyan kung wala, at ihilera ang magkapatid at madaliang barilin ng ilang beses. Kung sasabihing natatakot silang magkaroon ng dissension pag nakitang binaril ang Supremo, aba eh akala ko ba ay nanalo sa halalang Tejeros si Aguinaldo? Kung talagang ibinoto siya ng mga Katipunero noong Marso 1897 ay wala siyang dapat ipag.alala dahil malugod na tatanggapin ang hatol ng korteng kanyang binuo dahil may suporta siya.

Ito marahil patagong pagpatay sa Supremo ang dahilan kung bakit ang iba ay lutong makaw ang tingin sa paglilitis na ginawa sa kanila at kung bakit "assassination" at hindi "execution" ang tawag ni Gat Apolinario Mabini sa pagpatay kina Supremo. Kung asasinasyon ang utos, maari kayang pagpatay sa taga rin ang inatas kay Makapagal?

Ang sabi raw ng nagbunyag kay Hen. Masangkay, kaya raw dinaan sa taga ang Supremo ay upang makatipid sa bala. Parang hindi kapani.paniwala na ang pangunahing nagbuo at nagumpisa ng Katipunan ay titipirin sa bala--maliban nalang if it was done out of contempt or hatred and pure seditious evil. Kung talagang 'nagtitipid' lamang, ano na iyon pukpukan ng malakas ng isang beses ang nanghihina nang si Gat Andres at ibaon na sa libing? Bakit pahihirapan sa pamamagitan ng pananaga? Sinadyang iutos sa mga tauhan na tumutupad lamang sa dikta na "tipirin" sa bala bilang huling pagyurak, pag.insulto, pagbaboy sa tinitingala ng marami na si Supremo dahil sa takot nilang manaig, mapagisang muli ang pwersang Katipunan na hinati nila gamit ang dayaan sa halalang Tejeros.


Conclusion


Mahina nang Supremo, pinahirapan,
 pinatay sa pananaga at pananaksak, hindi sa pagbaril
Tandaan na walang nag.corroborate sa kwento ni Lazaro ukol sa paraan ng pagpatay nila sa magkapatid na Bonifacio kahit kailan. Ni isa sa mga kasama nitong sundalo ay walang sinulat o walang kilalang naipasang kuwento ng pagpapatotoo sa mga kaanak nito, apparently. Nakakapagtakang lumipas ang panahon ay walang ibang nagpatotoo sa kwento ni Makapagal. Kung sakaling lahat ng apat daw na berdurong kasamahan nitong sundalo ay nangamatay noong Himagsikan at Digmaang-Pilipino Amerikano (1899-1914), bakit mukhang walang napagkuwentuhang ang mga ito upang maging mabagi man lang ng oral history ng bahaging iyon ng Katipunan? May pinagtatakpan o itinatago ba at walang ibang nagsalita tungkol sa pangyayari kundi ang pinuno ng mga berdugo na si Makapagal?

Ang naglabas ng kwento mula sa dalawang sundalo daw ni Makapagal ay si Hen. Masangkay at hindi ito nag.co.corroborate sa shifting na kuwento ng hepe ng mga berdugo kundi tahasang kumokontra pa. Kung susuriin ang pagiging lone ranger at kawalan ng ibang dokumentasyon/pagpatotoo ni Makapagal; pagkontra nito sa sarili sa iba.ibang mga bersyon niya; malalaking loopholes sa mga pahayag niya ukol sa kwento ng pagberdugo sa dalawang magiting na magkapatid na Katipunero, ang malamang matanto ay may mga tinatago si Makapagal at marahil ay ang buong kampo ni Aguinaldo.

Sa paglalagom, makikita na patungkol sa mga pangyayari noong Mayo 10, 1897:

  1.  Maraming pagsisinungaling si Lazaro at iba-iba pa--tatlong bersyon--ang mga kwento nito ukol sa pagberdugo nila;
  2. Iginigiit ng tatlong iba't ibang bersyon ni Makapagal na siya ay maawain subalit hindi ito tugma sa pagkakaroon niya ng papel sa Hukom Militar na nagmaltrato sa mga Bonifacio, kabilang ang hindi paggamot sa malubhang sugat ng Supremo at halos paggutom sa magkapatid;
  3.  Pilit isinasalarawan din sa magkakaibang kwentong berdugo ni Makapagal ang nakakahiyang karuwagan daw ng Supremo sa harap ng kamatayan, isang bagay na halatang paninira lamang dahil sobrang taliwas sa dokumentadong katapangan ni Bonifacio;
  4. Malamang na ang dahilan sa mga kasinungalingan at paiba-ibang kwentong berdugo ni Makapagal--na ni isa ay walang mag.corroborate--ay dahil may tinatago itong kagimbal.gimbal sa bandang bahaging pagpatay kina Supremo;
  5. Ang tulang Bonifacio putol-putol, na ang isang kopya ay kakatwang naka.display pa sa Maragondon courthouse, ay nagpapahiwatig ng pagkatay na paraan ng pagpatay sa Supremo at maari ring ito ay paraan ng pagwawasto ng sukdulang paninira ni Makapagal na kesyo sobrang duwag daw si Gat Andres sa harap ng kamatayan;
  6. Na may mga kwentong hindi pinatay sa pamamaril ang Supremo kundi sa pananaga, at nauna na ngang naglabas nito si Hen. Masangkay matapos magsumbong daw ang dalawang kasamang  berdugo at nagsabing 'nagtitipid' daw sa bala kaya ginanoon ang Supremo;
  7. Noong 1918, ang forensic team nila Masangkay at EDSA ay nahukay ang pinaniwalaan nila at ni Esperidiona Bonifacio na buto ng Supremo batay sa best available forensic science sa bansa noong panahong iyon at inihambing sa family history ng Supremo;
  8. Na batay sa oral history na nakalalap sa Maragondon, Cavite, nasaksihan at naikuwento sa bayan na pinahirapan bago pinatay at maaring, may pinutol na ilang bahagi ng katawan ng Supremo at inilakbay papuntang bundok Nagpatong na nakatali ang paa't kamay sa kawayan;
  9. Kung pagsasamahin ang Maragondon oral history report ni Aragon at Masangkay report, tumutugma ito sa medyo bastos na Bonifacio putol.putol na tula;
  10.  Dagdag pa, kung totoo ang sumbong kay Hen. Masangkay na kaya raw tinaga ay upang 'makatipid' daw sa bila, ginawa iyon dahil inutos bilang huling pagyurak, pag.insulto, at pagbaboy kay Supremo dahil natakot silang manaig at mapagisang muli nito ang pwersang Katipunan na hinati nila gamit ang madayang halalang Tejeros.

Mukhang talagang may nangyaring katago-tago, kahindik-hindik sa mga bundok ng Maragondon noong Mayo 10, 1897. Hindi simpleng pagpatay, hindi 'execution,' kundi malamang ay asasinasyong de putol sa Supremo. Naghihintay pa rin ng ng pagsisiwalat, ng katarungan para sa Manghihimagsik... para sa bayan.


__________


Mga Batis:

ARAGON, DANILO. Isang Panimulang Pagsisiyasat sa Ibang Bersyon ng Pagpatay (Pagputol-Putol kay Andres Bonifacio). 2001.

Ang Madilim na Bahagi ng Kasaysayan.
http://jaredramos.tumblr.com/post/13525670805

Alvarez, Santiago. The katipunan and the revolution: memoirs of a general : with the original Tagalog text. Paula Carolina S. Malay. Trans. Ateneo de Manila University Press, 1992.
http://books.google.com/books/about/The_katipunan_and_the_revolution.html?id=F3q-krDckHwC 


 Guerrero, Milagros, Emmanuel Encarnacion, and Ramon Villegas. Andres Bonifacio and the 1896 Revolution. In Sulyap Kultura. National Commission for Culture and the Arts, 1996. NCCA Site. 16 June 2003. http://www.ncca.gov.ph/about-culture-and-arts/articles-on-c-n-a/article.php?i=5&subcat=13

 Artemio Ricarte Declaration date 24 March 1897. Filipiniana.net. http://www.filipiniana.net/publication/artemio-ricarte-declaration-dated-24-march-1897/12791881635983

Kalaw, Teodoro. The Courtmartial of Andres Bonifacio.
http://www.filipiniana.net/publication/the-courtmartial-of-andres-bonifacio/12791881583874/1/0

Ocampo, Ambeth. Bonifacio’s teeth, Rizal’s breath. Inquirer.net. March 9, 2012.
http://opinion.inquirer.net/24571/bonifacio’s-teeth-rizal’s-breath

Ocampo, Ambeth. The execution of Bonifacio. Inquirer.net. May 15, 2009.
http://opinion.inquirer.net/inquireropinion/columns/view/20090515-205102/The-execution-of-Bonifacio

Ocampo, Ambeth. Urban Legends. Inquirer.net. March 13, 2012.
http://opinion.inquirer.net/24903/urban-legends

Retana, Wenceslao. "El Marat Filipino," El Renacimiento, 26 de Marzo 1908


____


Tungkol sa Kuwadrong "Ang Wakas ni Andres Bonifacio":

Isang nakakapanghilakbot na obra maestra ng historikal na pintor na si Carlos Valino Jr. na nagwagi ng unang gantimpala sa 1963 Andres Bonifacio Centennial Art Contest. "Ang Wakas ni Andres Bonifacio" ay masusulyapan ngayon sa Bulwagang Katipunan ng Manila City Hall."
-- Prop. Michael Charlestone Chua


Pasasalamat ng Malaki kay Prop. @MICHAEL CHARLESTONE CHUA ng  De La Salle University, Manila para sa pagbibigay sipi ng kuwadro  at sa pagbibigay ng sipi ng papel ni Prop. Daniel Aragon! :)

....

Friday, January 06, 2012

Si Tandang Sora at ang Manghihimagsik na Pamahalaang Katipunan

 (Updated January 7, 2010)


MELCHORA Aquino. Ang bayaning tinatawag  na "Ina ng Katipunan." Ipinanganak noong 1812 sa ganitong araw, Enero 6, sa barrio Banlat, Caloocan. Ika-200 Taon ng Kapanganakan niya ngayon.

Walungpu at apat (84) na taon na si "Cabezang Melchora" (mas kilala ngayon bilang "Tandang Sora") nang naging buhay na testigo siya sa Sigaw ng Balintawak, sa pagpupunit ng manghihimagsik na Katipunero/a ng mga sedula. Nakasalamuha niya at pinatuloy sina Supremo at iba pang mga Katipunero/a  nang dumating sa Balintawak ang mga manghihimagsik. Ang kanyang kamalig ang naging lugar kung saan binuo ang Panghimagsikang Pamahalaan mula sa tagong samahan ng Kagalanggalangang Katipunan nang manga Anak nang Bayan.

Masasabing ang Katipunan na yugto ng buhay ni Melchora Aquino ay nagsimula noong bandang kalagitnaan ng Agosto 1896 nang pumunta ang mga pinuno ng Katipunan sa Kangkong, Balintawak at pinatawag dito ni Supremo Andres Bonifacio ang mga jefes generales ng Hukbo ng Katipunan, kabilang sina Mariano Llanera, Manuel Tinio, Aurelio Tolentino, Valentin Diaz, at Miguel Malvar.

Ang Balintawak ay hindi nakakapagtakang naging kampo ng mga Katipunero/a dahil hindi ito masyadong malayo sa Tondo at dahil may mga kamag-anak si Supremo Andres Bonifacio sa Caloocan. Maliban pa dito ay tago ang Balintawak noon dahil sa makapal na halamanan o kagubatan. Ang pinakamahalaga, maraming mga Katipunero/a ang nasa bandang hilaga ng Manila malapit dito--Caloocan, Montalban, at San Mateo. Ang unang pansamantalang pinagkutaan nina Bonifacio sa Balintawak (mula looban ng Caloocan) ay ang bahay ng mayaman na si Apolonio Samson sa Kangkong.

Photo Art: JB



Mga Naging Papel ni Tandang Sora sa Katipunan

Ano ang naging papel ni Tandang Sora sa Katipunan? Nakatira malapit sa Pook Kangkong sa Balintawak, partikular sa Pasong Tamo, si Tandang Sora (ayon kay Soledad Borromeo). Nang magpasya si Bonifacio na lisanin ang lugar ni Samson sa Kangkong sa takot na mahuli ng mga Kastila, lumipat sila sa Bahay Toro (Pasong Tamo) sa lugar ni Melchora Aquino.

Naging napakamakabayan at matulungin ni Melchora Aquino kahit na matanda na siya. Marami ang nakakaalam ngayon na nagpakain, nagpatuloy, nagbigay damit, at tumulong manggamot si Tandang Sora sa mga Katipunero/a. Itinago rin niya ang mga Katipunero/a sa mga kaaway na Kastila. Ayon kay Hen. Santiago Alvarez, si Cabesang Melchora ay naging kasing mapagbigay katulad ni Samson. "Like him, she also opened her granary and had plenty of rice pounded and animals slaughtered to feed us, " sinulat ni Alvarez.

Bukod pa sa mga nabanggit, si Tandang Sora ay sumali sa mga pulong ng Katipunan. Nagpupunta siya mismo sa katabing Kangkong para sa mga pulong at upang magbigay na rin ng mga pagkain at ibang pangangailangan ng manghihimagsik. Sa pagbubukas niya ng pinto kina Supremo Bonifacio, sa manghihimagsik na Katipunan, naging makasaysayan din ang kanyang kamalig sa tala ng ating pagkabansa.


Pamahalaang Manghihimagsik

Ayon kay Alvarez at bagong pagsasaliksik nila Milagros Guerrero, sa kamalig ni Cabezang Melchora noong bandang Agosto 24, 1896 naganap ang mahahalagang pasya at pagbabago/ transformation ng Katipunan mula isang tagong samahan na naghahangad na palayain ang bansa mula sa kolonyal na banyagang pamahalaan patungo sa isang panghimagsikang pamahalaan. Kabilang sa mga mahahalagang pangyayari sa lugar ni Melchora Aquino ay ang pagpapasya na umpisahan ang giyera ng kalayaan sa Agosto 29; ang pag-organisa ng panghimagsikang hukbo sa ilalim nila Aguedo del Rosario, Vicente Fernandez, Ramon Bernardo, at Gregorio Coronel; at ang ang pagplaplano ng taktika ng apat na brigadier generals.

May interesante ring kwento ng Katipunero/a na nangyari sa bahay ni Tandang Sora. Ayon kay Aurelio Tolentino, nang natutulog sina Bonifacio, Emilio Jacinto at iba pa sa bahay ni Melchora Aquino, may isang Katipunerong nanaginip ng isang mala.Birhen na babae kasama ang isang bata. Ang magandang babae ay nakasuot ng balintawak, isang native na damit at ang supling niya ay nakasaplot na ordinaryo o pangmasa, may hawak na bolo at sumigaw ng "kalayaan". Nilapitan ng Birhen ang taong nananaginip at nagbigay babala sa kung ano. Nagising ito at sinabi ang kanyang napanaginipan at kung kaya pinagpasyahang huwag agad tumuloy sa Manila. Ilang araw pa ay lumabas ang balita na ni.raid ng guardia civil ang imprenta ng Diario de Manila. Kung hindi daw dahil sa napanaginipan (sa bahay ni Tandang Sora), maaring nahuli si Bonifacio at pinatay/execute na ng Kastila, at hindi baka hindi natuloy o naantala ang rebolusyon.

Nang sumiklab na ang Himagsikan at hinahabol na ang mga Katipunero/a, tumulong si Cabezang Melchora sa pagtatago sa kanila. Sa kanyang maliit na tindahan daw tumatakbo ang mga Katipunero/a na kanyang ginagamot at pilit itinatago mula sa kaaway na Kastila.

Agad nahuli at pinahirapan daw si Tandang Sora ng mga Kastila bago pinatapon sa bandang Guam noong taong ding iyon. Pinilit siyang magsalita nguni't hindi niya kailanman pinagkanulo ang Himagsikan, ang Katipunan. Nasa ibang bansa man ang kanyang katawan, ang nasa isip niya ay ang kalayaan at ang mga Katipunero at Katipunerangng lumalaban upang makamit ito. Pinauwi siya ng bagong mananakop, ng imperyalistang Estados Unidos, noong 1903. Matanda at naging mahirap na si Melchora Aquino Binawian ng buhay ang Ina ng Katipunan noong Marso 1919 sa edad na 107.


*Ang Kangkong, Bahay Toro, Pasong Tamo, at Gulod ay pawang mga bahagi ng Balintawak na nasa loob naman ng Caloocan noong panahon ng Kastila

______

Mga Batis:

Alvarez, Santiago V. The katipunan and the revolution:
memoirs of a general : with the original Tagalog text. Ateneo de Manila University Press, December 1992.

Borromeo-Buehler, Soledad & Borromeo, Soledad Masangkay. The cry of Balintawak:
a contrived controversy : a textual analysis with appended documents. Ateneo de Manila University Press, 1998

Character Education. Rex Bookstore, Inc.


Donato, Tony. Sino ang Nakakatanda kay Tandang Sora.
http://banlawkasaysayan.multiply.com/journal/item/2?&show_interstitial=1&u=%2Fjournal%2Fitem

Guerrero, Milagros, Emmanuel Encarnacion, & Ramon Villegas. Andres Bonifacio and the 1896 Revolution. 2003, June 16.
http://www.ncca.gov.ph/about-culture-and-arts/articles-on-c-n-a/article.php?i=5&subcat=13

Duka, E. Struggle for Freedom' 2008 Ed. Rex Bookstore.


Ileto, Reynaldo Clemena. Pasyon and revolution:

popular movements in the Philippines, 1840-1910. Ateneo de Manila University Press, December 1979.

Language Arts for the Filipino Learners: An Intergrated Language and Reading Work-a-Text for Grade Four: Volume One. Rex Bookstore, Inc. 


 Paraiso, Bryan Anthony. Tandang Sora: Profile of A Courageous Mother. http://www.nhi.gov.ph/index.php?option=content&task=view&id=744


Raw Photo Credits:

http://www.bsp.gov.ph/bspnotes/evolution/BSPNotes/EnglishSeries.pdf 
http://philippinestamps.net/RP1969.htm

http://i685.photobucket.com/albums/vv219/flowingrhythms/IMG_0004-1.jpg

http://homebodyhubby.files.wordpress.com/2009/12/singko-at-diyes-02.jpg?w=470  
http://www.banknoteworld.com/banknotes/philippines/PhilippinesP139-100Pesos-L1949-donatedsb_f.jpg

Friday, December 30, 2011

Heroe/Hero o Bayani: Rizal o Bonifacio



Itong sampaksaan ukol sa kaibahan nila Gat Andres Bonifacio at Gat Jose Rizal, kung sino sa kanila ang dapat tanghaling Pambansang Bayani/National Hero, ay nakapaikot sa kaibhan ng mga konseptong HEROE (Spanish for "hero"/hero ay isang Kanluraning konsepto ng martir) at BAYANI mula sa dalawa sa pinakamagaling na historyador na ating panahon. Napakaganda ng sinabi dito nina Dok Zeus Salazar at Dok Milagros Guerrero bilang sagot sa tanong na kung si Rizal ba o si Boni ang kanila, o dapat, na tinatanghal bilang pambansang bayani. (Ang hero ay isang banyagang konsepto na ang ibig sabihin ay isang tao with exceptional courage and nobility and strength or who fights for a cause kailangan subali't walang nakalagay na dapat kasama ang bayan.......unlike our katutubo concept of "bayani, bagani, wani, ihi, berani," etc).

Ipinaliwanag nila Salazar at Guerrero dito sa talakayang naganap ng nakalipas na Nobyembre 26 sa National Teachers' College sa Manila ang kaibahan ng "heroe" (Kastila ng 'hero') sa "bayani." (Maaring kumilos ang HEROE with his compatriots in mind) subali't mag-isa ang kilos nito. Sa kabilang banda, ang BAYANI ay kumikilos bilang tugon sa pangangailangan ng bayan at kasama ang bayan o representatives o ilang kasapi nito. In English, the BAYANI responds to a collective need and seeks/musters collective effort to address the need of the people/state (liberation from oppression, material/etc. needs)

BAYANI, hindi kailangan o hindi martir, dahil kumikilos kaisa ang bayan.... Si Jose Rizal ay HEROE, martir, (madalas) nag-iisa, nag-iisang kumilos (para sa akin, nagtatag ng La Liga subali't umalis/tumakbo para magsilbi sa Espana sa Cuba at itinakwil ang Himagsikang 1896). Si Andres Bonifacio ay BAYANi dahil kaisa niya ang taumbayan/Katipunero sa paglutas ng kolonyal na suliranin (pagbubusabos ng Kastila sa atin) upang mabigyang ginhawa ang bayan....Kaya nga ang pagtawag sa mga OFW bilang mga "bagong bayani" ay tugma raw, ayon kay Dok Salazar, ay dahil kahit delikadong mangibang bayan ay sumige pa rin ang mga OFW upang makatulong magbigay kaginhawahan sa bayan.

Ayon kay Dok Guerrero, walang pagtatalo--si Jose Rizal ay HERO/E samantalang si Andres Bonifacio ay BAYANI.....(kasi nga ang hero ay isang banyagang konsepto na ang ibig sabihin ay isang tao with exceptional courage and nobility and strength or who fights for a cause kailangan subali't mag-isa ang kilos nito). Sa kabilang banda, si Bonifacio ay BAYANI na batay sa katutubo/Austronesian na konsepto ay kumikilos bilang tugon sa pangangailangan ng bayan at kasama ang bayan o representatives o ilang kasapi nito. 

Ang maaring mas makakakumbinsing katibayan ng kaibhan na ito ay ang katotohanang sinulat ni Rizal ang kanyang dalawang obra maestra (Noli Me Tangere at El Filibusterismo) sa wikang Kastila......Ibig sabihin, wala o kakaunti lamang ang nakakaintindi sa kanya sa kanyang panahon. Ipinaliwanag ni Dok Guerrero na kahit mga translations o salin ng mga libro ni Rizal ay hindi tugmang -tugma because they cut down his works dahil sila rin mismo ay hindi lubusang naintindihan si Rizal.

Bale ang mga Kastila lang halos ang nakaintindi kay Rizal (kaya ginusto at isinakatuparan ng mga ito na patayin siya) at HINDI ang mga Indio/Pilipino/Tagalog/Taga-ilog ....... samantalang si Bonifacio ay pinagsumikapang mapukaw ang pag.aalab ng mga Indio upang lalong mahalin at ipaglaban ang kapakanan ng bayan pamamagitan ng tatlong tanong sa seremonya ng pagsapi sa Katipunan.
  • Tanong 1: Ano ang kalagayan ng bansa noong sinaunang panahon?
    • (Sagot 1: Bago dumating ang mga Espanyol, matiwasay ang pamumuhay ng mga mamamayan, maayos ang kalakalan at may sapat na yaman at ari-arian na tangan ang bawat isa)
  • Tanong 2: Ano naman ang kalagayan nito ngayon?
    • (Ang mga di mabilang na pang-aabuso at di makatarungang pamamahala ng mga Espanyol sa Pilipinas.)
  • Tanong 3: Ano ang magiging kalagayan nito sa hinaharap?


Sa pagpapaliwanag ni Dok Guerrero, sa pamamagitan ng pang-historiograpiyang tatlong tanong na ito, napagigting ni Bonifacio ang pag-aalab ng mga tao na mag-alay ng kanilang sama-samang pagkilos upang maisaayos ang bayan. Dagdag pa, naituro rin dito ni Supremo na alamin ang kasaysayan ng bayan, partikular bago dumating ang dayuhang mananakop.

**************

Insights: 

Kaya nga siguro identified si Supremo Bonifacio sa masa ay dahil siya ay isang tunay na bayani in the native/Austronesian sense. Isa siyang tunay na bayani/bagani/wani/ihi/berani na kasama o katuwang ang, at pumupukaw sa damdamin ng, taumbayan sa kanyang pagkilos upang matulungan o mabigyang kaginhawahan ang bayan ng walang hinihinging kapalit. Tandaan na ang identification ni Bonifacio sa masa ay ay naganap o nagaganap sa kabila ng katotohanang 1) siya ay may dugong Kastila, at 2) naglalaro sa middle- to lower-middle class ang kanyang antas sa lipunan (silang magkakapatid ay may maliit na negosyo ng tungkod at pamaypay).


Sa kabilang banda, ang isang puna kay Jose Rizal ay isa itong bayani na elit/ilustrado at para sa nasa kapwa niya mataas na antas ng lipunan. Tama ang napansin ni Dok Salazar na sa mga pagsasalarawan kay Rizal ay lagi itong nag-iisa, partikular ang mga monumento nito. Sa mga litrato o pagguhit paminsan-minsan ay nakikita rin si Rizal na kasama ang kapwa niya propagandista na sina Marcelo H. del Pilar, Graciano Lopez-Jaena at si Antonio Luna. Subali't iilan lamang ang ganitong pagsasalarawan at walang dudang kaunti pa rin ang kanyang kasama.


Maaring sabihin na kaya nag-iisa ang pagsasalarawan kay Rizal ay dahil pagbibigay galang ito o pagkilala sa kanyang tanging kagalingan. Ang tanong eh mainam o tama ba ang ganyang klaseng pagkilala--veneration on a pedestal??? Ang sagot dito ay "oo" kung ang Kanluraning konsepto ng hero/heroe ang pinaguusapan...and this is exactly the polarity between the bayani and the hero, the sharp contrast between Bonifacio and Rizal.


While Bonifacio was inseparable from the people, from the Himagsikan that the Indios/Filipinos/Taga-Ilog voluntarily organized and launched through the democratic Katipunan secret-society-turned-revolutionary government, Rizal had a disconnect from the people. Apart from not being able to directly discourse with the people on the critical topic of revolution owing to the Spanish language of his Noli and  works, Rizal actually shunned the Himagsikan ng mga Anak ng Bayan, even lambasting it and calling it "highly absurd."


Walang duda na isang patriot na hero si Rizal na may malasakit sa kapakanan ng bayan at naniniwala naman sa isang hinaharap na idealistic na pag-aaklas ng taumbayan. Subali't dahil walang mapapagkatiwalaang batis na nagsasabing naging bahagi siya ng Katipunan, ng Himagsikan ng 1896, bukod pa sa tahasang kinastigo nga niya ito, hindi siya naging kaisa ng taumbayan sa manghihimagsik na paraan upang mabigyang kaginhawan ang bayan. In short, Rizal is not a bayani.
It is Bonifacio who is the bayani because the Supremo did not only work for the people but also with the people. Kasama niya ang tao sa Katipunan na kanyang pinalakas. Nakinig siya sa, at iginalang niya, ang taumbayan sa kapasyahang ilunsad ang Himagsikan. Matapos nabuking na ng mga Kastila ang Katipunan, hindi lamang ang Supremo ang nagpasya na ituloy na ang rebolusyon noong Agosto 24, 1896 kundi pati kapwa niya mga Katipunero sa pagpupulong ng Kataastaasang Kapulungan o National Assembly ng KKK.*


Rizal is a great patriot, no doubt. Rizal crystallized and helped popularized the idea of independence for the Filipinos through his masterpieces. Rizal became a martyr articulating but not really pursing this idea. While his execution is believed to have served to further fan the flames of the revolution, he did disown and publicly or officially condemn the Himagsikan of 1896. Hindi nakiayon at lalong hindi nakiisa si Gat Rizal sa pagkilos ng Mga Anak ng Bayan. Isipin na walang nakasulat sa anumang diksyunaryong Kanluranin na ang (banyagang konsepto na) "hero" ay dapat na kumikilos kasama ang taumbayan. Wala ngang pagtatalo, Rizal is a HERO.


Bonifacio is also a great patriot who was at least partly inspired by Rizal. Going beyond Rizal, beyond patriotism, the Supremo of the KKK gave life and blood to the idea of independence by calling upon the people to move, to band together, towards a national struggle to liberate the country from the yoke of three hundred years of colonial oppression. Sa kanyang walang imbot na pagpapalakas ng Katipunan, at paglulunsad ng Himagsikan, kasama ang rebolusyonaryong pamahalaan at sandatahang lakas ng Mga Anak ng Bayan, ipinakita ni Bonifacio ang kanyang pagiging BAYANI.


_______


Dagdag na mga Batis:
Guerrero, Milagros, Emmanuel Encarnacion, & Ramon Villegas. Andres Bonifacio and the 1896 Revolution. 2003, June 16. http://www.ncca.gov.ph/about-culture-and-arts/articles-on-c-n-a/article.php?i=5&subcat=13
Joaquin, Nick. Anatomy of the Anti-Hero. http://joserizal.info/Reflections/joaquin.htm
 

Popular Posts