Matagal nang pangyayari ito, higit isang dekada na, subalit wala pa ring kapani-paniwalang kasagutan. MGA panatikong Muslim na terorista kaya ang may sala sa pagsabog ng Bus sa EDSA o si Dating Pangulong Fidel V. Ramos a.k.a. TABAKO, katulad ng F-I-D-E-L bombings noong Rizal Day 2000????
Ang mga pagsabog sa iba't ibang bahagi ng Metro Manila kabilang ang LRT noong Disyembre 30, 2000--kalagitnaan ng "Erap Resign" Movement na pinamumunuan nina dating Pangulong Ramos at Pangulo Cory Aquino, noon ay Bise-Presidente Gloria Arroyo at Cardinal Jaime Sin, at mga elit na negosyante at opisyal ng militar--ay kumitil sa buhay ng nasa 22 Pilpino at nagdulot ng kapinsalaan sa mahigit 100 pang katao. Ito ay dali-daling isinisi nila Ramos at Cory sampu ng "civil" evil society, ng mga nagpapatanggal kay Pangulong Joseph "Erap" Estrada sa administrasyon ng huli.
Ang mga pagsabog sa iba't ibang bahagi ng Metro Manila kabilang ang LRT noong Disyembre 30, 2000--kalagitnaan ng "Erap Resign" Movement na pinamumunuan nina dating Pangulong Ramos at Pangulo Cory Aquino, noon ay Bise-Presidente Gloria Arroyo at Cardinal Jaime Sin, at mga elit na negosyante at opisyal ng militar--ay kumitil sa buhay ng nasa 22 Pilpino at nagdulot ng kapinsalaan sa mahigit 100 pang katao. Ito ay dali-daling isinisi nila Ramos at Cory sampu ng "civil" evil society, ng mga nagpapatanggal kay Pangulong Joseph "Erap" Estrada sa administrasyon ng huli.
Ayon kay Herman Tiu-Laurel,
mukhang ang talaga daw may pakana sa Rizal Day Bombings na sinisisi sa
ilang Muslim na terorista ay si dating Pangulongf Fidel V. Ramos at
mga puwersang anti-Erap.
When one tries to put together stories of the F-I-D-E-L bombings of nine years, other questions cannot help but be raised: Why were the anti-Erap forces seemingly anticipating some big thing during that period? Why were there not only fingerprints of the MILF, but also the AFP and PNP’s all over the operations of Al Ghozi and company, while FVR’s goodwill over these groups run the gamut of favors, including the Narciso Ramos Highway, which became the MILF’s turf? And why were juicy promotions given to major Edsa II police players, such as Ebdane and Mendoza, when all of them allegedly figured prominently in the mysteries that attended that day’s sinister conspiracy?
F-I-D-E-L bombings: Nine years later
http:// www.tribuneonline.org/ commentary/ 20091228com4.html
http://
Nang
mapatalsik na ng mga conspirators at mga estups sa EDSA 2 si Pangulong
Erap ay matagal pa bago natukoy daw ng awtoridad kung sino ang may
pakana ng krimen. Bago naalis sa pwesto ang halal na si Estrada,
lumabas sa imbestigasyon ng kanyang pamahalaan ng ang Moro Islamic
Liberation Front (MILF). Sa sumunod na pamahalaan ni Arroyo ay inabot ng
may maraming taon bago isinara ang kaso.Noong 2003 ay may nahuling
isang kasapi ng special operations ng MILF at umaming may kinalaman sa
isang antas ng mga pambobomba noong Rizal Day ng 2000. Kinasuhan
ito ng maraming kaso ng pagpatay at tangkang pagpatay subalit' makaraan
ang tatlong taon ay nilinis ng pamahalaan ni Arroyo ang pangalan ng
MILF, gayun din ang MNLF, dahil ang teroristang grupong Jemaah Islamiyah
raw ang may pakana talaga sa pambobomba. Tatlong kasapi ng grupo ang
hinatulang may sala at pinarusahan ng hanggang 20 taon ng
pagkakabilanggo noong 2009.
May hustisya nga kayang nakamit sa naging imbestigasyon at hatol ukol sa Rizal Day Bombings? Patuloy na may mga nagdududa kung taga Jemaah Islamiya nga
ba ang may pakana ng karumal-dumal na mga pambobombang iyon. Bakit
dalawang beses natukoy ang MILF sa magkaibang imbestigasyon ng
pamahalaan, may umamin pa nga at sa huli ay napawalang-sala rin?
Natatandaan ko na noong inilabas ng Philippine National Police sa ilalim
noong ni PNP Chief Panfilo Lacson ang resulta ng imbestigasyon ay
ibinalik pa ng MILF ang sisi sa pamahalaan ni Estrada na para bang
synchronized sa mga gustong magpabagsak kay Erap noon.
Subali't mukhang may mga itinatagong katotohanan ukol sa Rizal Day Bombings.
Mukhang may kinalaman ang ilang shadowy operators sa militar o pulis sa
mga pangyayari dahil isang security guard ng LRT at tatay ng isa sa mga
biktima, si Crisel Acusin, ang nagsabing isang linggo bago ang
pangyayari ay biglang inalis ang serbisyo ng bomb-sniffing na mga aso.
Dagdag pa, sabi nga daw ng isang opisyal ng isang Muslim na
non-governmental organization o NGO, mga "fall guys" daw ang hinuli,
kinasuhan, at hinatulan sa kaso.
Nguni't ano ang kinalaman ni Fidel "Tabako" Ramos dito? Maaring
ginamit nila Ramos ang pagsabog noong Araw ni Rizal para sa
destabilization efforts sa pamahalaang Estrada. Si Ramos ay hinahabol ng
pamahalaang Estrada doon in connection with the Centennial Expo Scam.
Dagdag pa, si Ramos ay kilalang galit kay Erap. It is no secret how Ramos strongly disapproved of Estrada's
ascendancy as President. In 1999, a Senate Blue Ribbon investigation
produced the testimony indicating that the people at the Centennial
Exposition project were asking contractors for LAKAS campaign
contributions because they were "desperate in (sic) coming up with all means and money to prevent Erap from winning in the elections."
Tandaan
na ang mga nagpatalsik kay Erap ay matatas na opisyal ng exehutibo,
Korte Suprema, militar at pinamumunuan nga nina Ramos, Aquino, at
Arroyo. AT may isa pang pwersang nasa likod ng sedisyon ng EDSA 2 at ito
ay hindi basta-basta--ang Estados Unidos. Si Ramos ang Pangulong
masasabing pinakamalapit sa imperyalista lIban kay Presidente Ramos
Magsasay at maaring ito ang operator ng U.S. para mapatalsik si Erap.
Mayroong
ilang pagtutukoy na makikita ukol sa papel ng Kalbong Agila sa EDSA 2.
Isang iginagalang na mamamahayag ang nagsiwalat ukol sa kinalamang ng
Kalbong Agila sa pagpapatalskik kay Estrada ay si G. Luis Teodoro, na
isa ring dating dean ng College of Mass Communication ng Unibersidad ng
Pilipinas. Ayon kay Teodoro: "Gloria
Macapagal -Arroyo came to power in 2001 with the help of the US and its
local allies in the Church, the military and the business community." Medyo
nakakagulat, sa totoo, ang isinulat na ito ni Teodoro dahil siya ay
kilalang galit o ayaw kay Estrada subali't beterano na sa pamamahayag,
maraming "sources" at mapagkakatiwalaan ang ngayon ay kolumnista rin ng
Business World at Bulatlat.
Ang
isa pa ay ang kaduda-dudang sobrang accuracy ng 1999 na prediksyon ng
isang Amerikanong private 'intelligence' firm, ang Stratfor (Strategic
Forecasting) sa pagbagsak ng pamahalaang Estrada. Sinabi ba naman ng
Stratfor na hindi raw makakatapos ng termino si Erap at ma-i-impeach daw ito. Ang predikson ng Stratfor na ito ay noong Nobyembre 1999 nang
wala pang jueteng expose ni Chavit Singson at lalong wala pang
impeachment court! Mahirap paniwalaang 'intelligence' na kaalaman
lamang ito dahil daig pa propeta sa pagiging bullsyes. Sabihin pa,
makaraang ang dalawang taon mula pagpapatalsik kay Erap ay naglabas ng
balita ang Daily Tribune (Abril 7, 2002) na nagtutukoy kina Ramos at dating national security adviser nito na si Jose Almonte ay "in the thick of providing Stratfor with the information predicting the fall of then President Estrada…”
Maaring
ang mismo pamahalaang ng Kalbong Agila, or at least the dreaded Central
Intelligence Agency (CIA), ang gumamit sa Stratfor para mag.foment ng
destabilization. Maari ri namang ang kampo lang ni Ramos ang gumamit
dito. O kaya ay maaring maagkasabwat ang Estados Unidos at sina Ramos.
Bakit kanyo? Dahil si Tabako, sabi nga ng isang retiradong militar na
aking kaibigan sa isang social networking site, ay isang pasimpleng
Amboy mula't sapul ng career o paghahasa sa military career nito.
Nag-aral
at nagtapos ng apat na kurso si Fidel Ramos sa West Point (United
States Military Academy) noong ang tatay nito ay Ambassador to the US.
Tapos, bago bago pa lang ito sa Philippine Army ay pinadala na naman sa Estados Unidos para
sa dagdag na pagdalubhasa-- mag-specialize sa SPECIAL FORCES nang ito
ay magtapos ng Special Forces/Pay Operations/Airborne sa Fort Bragg,
North Carolina (kung saan matatagpuan ang Psychological Warfare Center
na ngayon ay (now U.S. Army Special Operations Command ). Pagkatapos
niya dito ay binuo niya ang Philippine Army Special Forces Company
(Airborne) noong Hunyo 1962, na isang elit na paratroop unit na bihasa
hindi lang sa 'community development' kundi sa paglaban sa mga rebeldeng
komunista.
Kaya
nga itong si Tabako ang 'Father of Special Forces' at maging ng 'Jungle
Fighters' sa buong Hukbong Sandatahan ng Pilipinas hanggang maging
Chief of Staff ito. Kasama at "bayani" pa nga raw ito ng Philippine
Expeditionary Forces to Korea (PEFTOK) na isang Cold War na contingent
ng Kalbong Agila noong Korean War. Isa pang pagtututang pagsisilbing
ginawa nito para sa imperyalistang Estados Unidos ay bilang kasapi ng
Philippine Civic Action Group, Republic of Vietnam (Second PHILCAGV)
noong Vietnam War. Dagdag pa, naging kasapi o kasapi rin itong si Ramos
ng tinatawag na CARLYLE Group, ang isa sa pinakamalaking defense
contractor ng Estados Unidos na may interes sa Asia. Ayon sa manunulat
na si Dan Briody: "Carlyle has established itself as the gatekeeper
between private business interests and U.S. defense spending. And as the
Carlyle investors watched the World Trade towers go down, the group's
prospects went up."
Sa
madaling salita, maaring si Ramos ang operator o isa sa mga pangunahing
operator ng Estados Unidos upang mapadali ang pagpapatalsik kay Estrada
mula 1999 (o mula pagkakaupo pa siguro nito matapos ang halalan ng
1998). Ang Rizal Day Bombings ay isa sa mga pangyayaring naghasik
daw ng takot sa mga foreign investors, maliban pa sa mga Pilipino
mismo, noong kasagsagan ng seditious na pagkilos upang tanggalin si Erap
sa puwesto. Subali't malalaman pa kaya ng taumbayan kung sino talaga
ang may pakana ng karumal-dumal na terorismong iyon taon pa naman sa
kabayanihan ni Gat Jose Rizal? Sabi nga ni Ka Mentong:
In the final analysis, the question that matters is “Cui bono?” or “Who benefits?” It is clear that all the Edsa II players benefited and to this day do not want the real questions answered. No wonder mainstream media are also silent about this....XXXX
Will we ever get to the truth while an Edsa II government remains in power?
F-I-D-E-L bombings: Nine years later
http:// www.tribuneonline.org/ commentary/ 20091228com4.html
http://
_________
Ilang mga Batis:
Rizal Day bombings. http://en.wikipedia.org/wiki/Rizal_Day_bombings
Lone suspect in Rizal Day bombings ordered freed by court. http://www.philstar.com/Article.aspx?articleId=89959
Teodoro, Luis. The stake in our hearts. 13 Feb. 2009. http://www.luisteodoro.com/the-stake-in-our-hearts/
"History of Fort Bragg, 1950s". http://www.bragg.army.mil/ Fort Bragg’s online website. http://www.bragg.army.mil/Directorates/Directorate-of-Public-Works/Environment-Division/Forestry/Documents/INRMP(01-05).aspx
Florentino-Hofilena and Ian Sayson. Centennial Expo: Convenient Cover for Election Fundraising. (1999, June 14-16). Philippine Center for Investigative Journalism. http://www.pcij.org/stories/1999/expo.html
Is PGMA Being Unfair To The Afp And Pnp?
http://www.rpdev.org/Default/Ramos_Legacy/Articles?performAction=Display&article_id=4
Tuazon, Bobby. Current US Hegemony In Asia Pacific. http://www.converge.org.nz/abc/pr28-84.html
Briody, Dan. Carlyle's way: Making a mint inside "the iron triangle" of defense, government, and industry. 8 Jan. 2002. http://www.ratical.org/ratville/CAH/linkscopy/CarlylesWay.html
Why Gloria Denied Superferry 14 Was A Terrorist Attack. 29 May 2006. http://philippinecommentary.blogspot.com/2006/05/why-gloria-denied-superferry-14-was.html
Fuller, Ken. Stratfor hacked. Daily Tribune. http://www.tribuneonline.org/commentary/20120306com5.html
No comments:
Post a Comment