In 1999, a Senate Blue Ribbon investigation
produced the testimony indicating that the people at the Centennial
Exposition project were asking contractors for LAKAS campaign
contributions because they were
Ang isang madalas gamiting basehan kung bakit OK lang daw maliitin ang EDSA 3 (and by extension, the massacre) ay dahil hindi daw alam ng milyon kataong nagpunta doon ang kanilang ginagawa. Kesyo dahil daw kulang sa pinag-aralan ang karamihan ng nagpunta roon ay mga nagamit lang daw o hindi raw naiintindihan talaga ang isyu. Talaga lang ha?
Those who were gullible enough to join EDSA 2—at least those who were not part of the conspirators who aimed for nothing but power grab—had no idea that the "People Power" 2 power grab was cooked up early enough during Erap’s term--that Ramos' camp expressed plan to use Centennial Expo funds to block Erap's election, that the elites and Cardinal Sin cooked up the Erap-ouster plan Oplan Excelsis, that the imperialist United State at least gave the blessing to coup plot, that the texting messages to go to EDSA was centralized.
Moreover,the gullible mob and fans of EDSA 2 also amazingly buy the storyline that their "People Power" was "bloodless." Hanggang ngayon, marami sa kanila ang hindi alam o hindi matanggap na tinakot ng mga conspirators ang kampo ni Pangulong Erap na dadanak ng dugo at sina D._.M. “whistle-blower” Chavit Singson, First Gentle—g at seditious na mga pinunong militar ay may napakadugong Plan B kung sakaling magmatigas ang nakaupo. Kung ito man ay naging bloodless ito ay dahil nagparaya o/at umalis ng Malacanang si Estrada dahil ang pwersang nagluto ng EDSA 2 ay handang pumatay.
Hindi kaya dahil sa ang karamihan ng taga-EDSA 2 ay middle class ay mas malaki ang consumption nila ng propaganda material ng dilaw na media kung kaya ay mas madali silang napaikot ng mga manggaagaw ng kapangyarihan? Ayon sa Amerikanong linguist, cognitive scientist, pilosopo at aktibista na si Noam Chomsky, ang mga mas mataas ang pinag.aralan ay mas maraming propagandang tinatanggap sa pangkahalatan dahil mas madalas silang magbasa. Chaomsky's 'Manufacturing Consent' theory is essentially saying that (mainstream) media content is structured to restrict the expression of dissenting voices as part of a system of indoctrination under a supposed 'democratic' free press. Nakita ito sa Vietnam War. Sinulat ni Chaomsky:
Sino nga ba ang talagang estups o napaikot o hindi alam ang kanilang ginagawa? Ang taga-EDSA 3, na karamihan ay masang Pilipino/a, na nagtatanggol lang ng tunay at walang
daya nilang inihalal at ayaw lumabas ng mga prosesong nakasaad sa Saligang Batas, nga ba? O ang taga EDSA 2 na inabandona ang impeachment process at nagluklok ng sinasabing “Most
Corrupt President in Philippine History,” na nagumpisa ng ‘culture of
impunity at nagbigay sa Pilipino ng isa sa pinakamataas na electric
power rates sa buong mundo?
HERMAN TIU-LAUREL: "Let me paraphrase the oft-quoted saying that those
who do not learn from history are doomed to repeat its mistakes.
Recently we had May 1st, Labor Day. But there was another very
significant event on that day ten years ago in our history... an event
that many seem to desire to forget, many seem to want to erase from our
the pages of Philippine history. It was a day when the masses of the
Filipino people genuinely, the massses of the Filipino people expressed
themselves and let their voice be heard. This is not just the laboring
class. This is not just the general population. This is what it called
itself the "Poor People Power." Do you still remember that? That was
EDSA 3.
"And so we will not let this month pass and the date
May 1 pass without recalling those crucial events that led to the EDSA 3
march-protest and, in fact, some would say "massacre." Do you still
remember the blood that was shed on that day? Many people want us to
forget but we will not forget.... a dozen or more died without being
remembered."
DOCUMENTARY: President Erap Estrada Arrest,
April 25, 2001... thousands of police in attendance outraged Filipinos
who witnessed the spectacle converged at the EDSA Shrine in an
unprecedented mass action. Yet against all consideration for their human
rights, the hundreds of thousands of innocent Filipinos... parted this
action were mercilessly and violently dispersed (EDSA 3, May 1, 2001 -
camera zooms on ).
HTL: ...that was a one-minute clip but you
could already sense, what I sensed I think as I was watching it in
retrospect, the, the reality of the blood and the gruesome violence that
was used against the poor who were unarmed, maybe(?) at worse, they had
stones because they were compelled to pick up stones to fight back. But
you saw the countless guns that barked (?) on that day. At sa totoo
lang, hindi natin alam kung ilan ang talagang nasawi doon... Mayo 1
nagmartsa tungo sa Malacanang....
RONALD LIMBAO: Una, ang
pinanggalingan naman talaga noon ay ang panggigipit nila kay Pangulong
Estrada at iyong, ah, pagsasamasama ng naghaharing-uri, ng Simbahan at
ng mayayaman para patalsikin si Pangulong Erap Estrada. Nakikita namin
na yung kuntsabahan ay talagang isinagawa upang agawan ang masang
mamamayan na naghalal kay Pangulong Erap ng kapangyarihan... na siyang
may taglay at tangan noong si Pangulong Erap ang nanalo. Kung kaya't sa
aming paniniwala, hindi nila inaasunto si Pangulong Erap o inaakusahan
kung siya man ay may kasalanan o wala. Ang gusto lang talaga nila ay
maalis si Pangulong Erap sapagkat hindi nila inaasahan na magkakaroon ng
ganoong penomenon na ang mga mahihirap ay hindi na nila kayang
madiktahan sa political process o sa, sa electoral process dito sa ating
lipunan. Nagulat siguro sila at namangha na meron palang kapangyarihang
ganoon ang mga mahihirap.
Kaya noong siya [Pangulong Erap] ay
inaresto, nagalit ang mga mahihirap na nagdepensa ng matagal na panahon.
Natatandaan mo siguro Ka Mentong [na] bago pa man nagkaroon sila ng
EDSA 2 doon ay nagkaroon na ng pagdedepensa ang mga mamamayan. Nakita
natin iyong mga pangyayari sa Middle East ngayon, unang-unang nagpakita
ng kapangyarihan ang mga mahihihirap na talagang kung sino ang dapat na
nakakarami ay siyang pakinggan sa lipunan. Nguni't parang hindi ganoon
ang pangyayari dito sa ating bansa. Kaya pinilit nilang inaresto si
Pangulong Erap dahil ito ang tanging hustipikasyon para siya maalis. At
noong hindi na mapiligan ng masang mamamayan, ng masang mahihirap ang
galit, doon nga lumabas na ang EDSA 3.
Limang araw kami doon sa
EDSA [nagsimula sa Abril 25/26]. Limang araw na nandodoon kami. Nakita
naman siguro ng lahat sa pamamagitan ng tanging media na nag.cover noon,
na iyong bilang noon ay mas mahigit pa kumpara doon sa EDSA 2. Ang
ikinagagalit ng mga tao noong panahon na iyon, kung kaya lumabas nang
husto ang sobrang galit ay yung tanging nag.co.cover na media ay
tinutukan pa ng tangke... ang Net 25, iyon ang nagbunsod ng matinding
galit.
HTL: Ilang APC (Armore Personal Carrier) ang dumating
doon? ...Eh yung mga malalaking media naman, ABS-CBN, GMA-7, ano naman
ang reaksyon ng masa? Kasi importante rin iyon...
RL: Doon nga
sila nagkaroon ng galit sapagkat hindi natin makita ang fairness doon sa
mga media na talagang nagpakita noong Ikalawang EDSA na iyon na raw ang
totoong tinig ng nakakaraming mamamayan sa ilalim ng demokrasya. Kung
kaya't parang gusto rin nating silang tanungin: ngayon na nagpapakita
rin ng kanyang kapangyarihan at opinyon ang masang mamamayan na
naka.tsinelas lamang, ang iba nakahubad nguni't Pilipino pa rin. Iyon
bang pagiging makahirap namin ay kasalanan at iyon ba ay hindi na dapat
na pakinggan sapagkat kami ay hindi nagkaroon ng balat na maputi, hindi
maganda ang aming amoy, at wala kaming magandang damit at hindi kami
nakasapatos na maganda at wala kaming kotse.
HTL: Ronald,
naalala ko, ewan ko kung ikaw... when I was in touch with you, hindi pa
naman tayo masyadong magkakilala noon... sino kaya ang tine.text ko o
tinatawagan ko na sabi ko 'bakit pa tayo mag.ma.martsa sa Malacanang,
panalo na tayo, tagumpay na tayo dahil mas marami nga kaysa EDSA 2,' I
don't think you were the one I was in touch with, ano? Hindi ko na
maalala, but anyway, that was my reaction kasi, ah, nandoon ako noong
unang araw, sabi ko hindi ito magtagagal so tawag ako sa bahay, pagka
medyo mag.disperse na uuwi na ako. Eh nakatatlong araw na ako doon,
palaki ng palaki pa eh. Noong panglimang araw, sabi ko panalo na ito,
tapos na ito. Wala nang argumento yung EDSA 2. Tapos yun, nabalitaan ko
na sa radyo, umuwi ako sandali, na nagma.martsa na, ang dami daw,
patungong Malacanang... Anyway, what happened there?
RL: Noong
gabi na iyon, nagkaroon ng pagpupulong ang political opposition kasama
ako. At noong panahon na iyon, dinedesisyonan nila na itigil na ang
protesta at pumunta na lamang sa eleksyon... sabi nga nila, wala naman
daw suporta ang militar kung kaya't hayaan na lamang na ang eleksyon ang
mag.resolba at magtapos ng isyu. Kaya lang, noong bumaba na ako, iyong
haba ng nilakad ko mula doon sa building na pinanggalingan ko hanggang
doon sa makapasok ako ulit sa stage, ang sabi sa akin ng mga tao: "Ka
Ronald, pagka umalis pa tayo dito, hindi na kami maniniwala sa inyo.
Kaya noong panahon na iyon, nakita ko na kung hindi magkakaroon ng
tuldok ang ginawa noong panahon na iyon, matatalo pa siguro iyung
political opposition during that time. Kinausap ko si Senator Enrile,
'Senator,' sabi ko 'baka po makaapekto pa po sa kampanya natin kapag
hindi po kami gumawa ng desisyon.'
HTL: Dahil magkakaroon na ng
eleksyon na noong taon na iyon, 2001, hindi ba? Senatorial [kampanya ng
senatorial noong panahon na iyon within two weeks].
RL: Kaya
nagpulong ang lahat ng leaders kung ano ang gagawin hanggang
napagdesisyunan na tumulak papuntang Malacanang sapagka't iyon na rin
naman talaga ang kagustuhan ng mga tao. Kasi para bang lumabas na
pinahiya lamang kami, na nandoon ang masang mahihirap nang matagal na
panahon, para bang tinakpan lang nila ang mukha nila, mata nila ng
ganito [nagmustra ng takip-mata/mukha], at parang wala lang nangyari. So
kung ang ibig sabihin, ang sinasabi nila ang demokrasya daw ay nakita
doon sa, ang direct democracy ay nakita sa EDSA 1 at EDSA 2, ngayong
[EDSA 3] ginawa ito ng mga mahihirap ay bakit hindi rin ito kilalanin
kagaya ng pagkilala doon sa EDSA 1 at EDSA 2.
HTL: OK and last
question before I go to Linggoy, iyong insidente na sa akin mahalaga,
ah, sabi yung mga aktibista ng EDSA 2 ay nangharang pa sa martsa ninyo.
Ikaw ba ay nandoon at nakita mo mismo? Sina Randy David, ah si
Constantino ba daw kasama at ilan sa mga iyan, sa may San Beda raw.
RL: Noong paglapag namin, ng Mendiola, ay mayroon.... mga pulis na
nagsabi sa amin. Sa totoo, iyong nagbukas mismo ng harang ay mga pulis
na rin. Iyong pulis, nandodoon ako sa harapan, iyung pulis na rin mismo
ang nagsabi sa akin: "Ronald, hindi namin kayo maaring papasukin pero
para naman hindi kami mapahiya ay dumire-diretso na lang kayo,
i.overpower n'yo na lang kami." I couldn't remember the name of that
police...
HTL: and don't, hehe, he might get into trouble.
RL: And so, ang, pagkatapos na lumapag kami roon, sila na rin ang
nagsabi na "Ka Ronald, sabihan mo na lang mga tao mo na huwag nang
pakialaman ang mga nandoon sa San Beda na nagtatago." Sinabi nga niya
kung sino-sino ang mga pangalan. Nag.announce naman ako sa microphone na
kung meron mang kalaban doon, igalang na lang, hayaan na lamang....
Kaya lang, noong pinaputukan kami nang nag.open fire sila doon medyo...
Ang unang putok doon sa may malapit sa PUP, iyon ang unang dugo ng EDSA
[3]. Pagkatapos noong pagpasok namin...
HTL: PUP, so malayo pa sa Mendiola iyon. PUP nandoon pa sa Sta. Mesa... meroon nang unang putukan, ha?
RL: ...OO, doon ang putok, doon ang unang dugo, doon tinamaan. Pag baba
namin doon sa may malapit na sa may papasok nang 7-11, binira na naman
kami doon. Yung nakita ninyo [sa video clip] ah, .45 [caliber gun],
naka.45 na pumuputok, doon iyon sa may lugar na iyon. Pumuputok siya. In
fact, iyon, ang alam ko iyon ang tumestigo doon sa kaso ko na ang
sinasabi niya ay inagawan daw siya ng baril at hindi naman daw siya
pumuputok...
HTL: Eh siya nga ang nakahawak sa baril...
RL: Pagkatapos noon, pagbaba doon sa, naka, naka-landing na kami ng
Mendiola, nagkakagulo doon sa may San Beda--iyon ang tinatanong mo sa
akin--pero hindi na namin iyon inintindi. Ang ginawa, ang unang ginawa
ko roon, doon pagkalapag na pagkalapag namin ay mamuno ng dasal. Hindi
pa man natatapos ang dasal ko, binira na naman kami ng sunod-sunod na
putok. Pagkatapos, binira na naman kami ng sunod.sunod na, na tear gas.
HTL: Ah, OK, bago tayo matapos sa ating unang bahagi, si Linggoy, anong
recollection mo naman? Doon sa EDSA 2, instigador ka, with exclamation
point and so on. And then noong EDSA 3, anong, ah... noong unang araw o
unang gabi o pangalawang gabi, nag.text ako kay Linggoy dahil malapit
kami, sabi ko bakit wala ka dito? Nandito talaga ang masang Pilipino.
Akala ko para sa masa tayo. Iyon ang tinext ko kay Linggoy. Naalala mo
yun? (Linggoy: "Oo."). Oh, anyway, magkuwento ka na doon from there...
LINGGOY ALCUAZ: Anyway, ganito, iyung punto ng tinatanong mo, iyung mga
nasa San Beda, ito ang background noon. Ang backgrouond noon, before
April 25 kung kailan inaresto si Pangulong Erap, nakipagpulong ako kay
Marie xxx na anak ni Peping xxx. Ang sabi ko, nararamdaman ko,
aarestuhin na si Erap. So dapat meron tayong contingency plan, so ang
contingency plan namin, the moment na maaresto si Erap, that same night,
magmi.meetng kami. Saan? Sa EDSA Shrine, kasi mayroong kuwarto roon,
doon nag.mi.meeting noong EDSA 2. Unfortunately, noong inaresto si Erap,
yung crowds ng Erap supporters na nandoon sa Club Filipino Ave.,
pumunta ng EDSA Shrine. So nag.meeting na lang kami, but not that night,
the following day, doon po sa UP Parish, kay Fr. Robert Reyes.
Ok, so ganito ang nangyari: kami ni Marie ang nagsimula ng meeting. So
somewhere in the middle, hinayjack ng ibang evil society at ganito ang
nangyari. Iyon pala, may bumubulong, galing yata kay Mike Arroyo, ang
gusto nila ay gamitin kaming panangga. So ang gusto nila, dahil meron
nang Erap supporters sa [EDSA] Shrine, na iyung mga dating Edsa Dos,
yung mga COMPHILDO, etc., i.mobilize din sa Malacanang. OK, pero sa
meeting proper, na.defeat ang suggestion na iyon dahil sabi, eh yung
pagharang, trabaho ng pulis iyon, hindi natin trabaho. Ang ginawa nila,
minaniobra, pag.adjourn ng meeting, tinawag ulit yung meeting at
minanipula na magkaroon ng mobilization doon sa Mendiola. Pero this is
already Saturday afternoon.
Nguni't napakaliit ng
mobilization, nagka.ano.ano,... mag.assemble sa NPC, etc., hindi gumanda
iyong gusto ni FG [First Gentleman Mike Arroyo] na panangga, OK? Ah, by
Sunday, ang rumors ay yung political opposition--ibig sabihin sina
Senator Enrile--magpapakita ng solid mukha doon po sa EDSA at
magkakaroon ng military-civilian component. Pero hindi po natuloy iyon
noong Sunday.
HTL: OK, well, we have one minute before we take
our break. Ah, your latest column on Opinyon is "EDSA 3 Ten Years
Ago"... What's the gist of this column of yours?
LA: Hindi, ito
po ang kuwento ko from my side. Kung ano ang nakikita ko. Basically,
ang pinaka-importante ganito: No. 1, sa bilang ng tao, mas marami noong
EDSA 3 kaysa EDSA 2; Pangalawa, pagdating sa lawak ng area, mas malawak
kaysa noong EDSA 2; Pangatlo, kasi ako tinitingnan ko rin ang parking,
ano, obviously, yung EDSA 2, medyo maraming middle class, mas maraming
upper class, samantalang yung EDSA 3 ay talagang karamihan ay masa; OK,
ngayon, finally, noong gabi noong April 30, in fact nasa Manila
Peninsula kami, ang tumawag sa akin yung kapatid ko. Kasi ako kilala ko,
ang kapatid ko hindi ko kamukha, siya ang pumapasok sa... yung gusto
mong gawin ko, siya ang representative ko, nandoon siya, OK. Linggoy...
huwag na kayong magpuyat, yung mga tao dito they don't look like puwede
silang sumugod sa Malacanang. A few minutes later, siya naman umuwi na, a
few minutes later nabalitaan namin na kumikilos na yung crowd sa EDSA
Shrine patungong, hindi pa maliwanag. Kasi meroong papuntang Veterans,
may pupuntang Ortigas, may Shaw Blvd. bago nagkaroon ng ano... Ngayon,
yung kapatid ko saka ako, sinundan namin by, by car, yung martsa, ako sa
kanan, siya sa kaliwa hanggang doon sa Sta. Mesa. And from there, I
turned back. Ngayon, yung ulo, lumanding na sa J.P. Laurel, yung buntot,
naka.curve pa doon sa kanto ng Gilmore at, sorry,
Aurora-Gilmore-Granada. Ganoong kahaba.
HTL: We'll have to
take our break but we'll have more, including the documentary, after
this break... We are trying to compress a decade of history in just a
little less than an hour. So bear with us, ah, we've showed the
documentary clip on what happened during the march of EDSA 3 towards
Malacanang, the gory details, and now, we're going to show the
backgrouond that led to that EDSA 3... let's roll the documentary...
beginning with the impeachment at the Senate and leading to the EDSA 3.
Documentary: ...that incriminating evidence was contained in the second
envelope which was at the center of controversy of the trial. When the
majority of the senator.judges voted to exclude the second
envelope--correctly because it was not part of the formal
complaint--"the No votes have it" [Chief Justice Hilario Davide speaks
and pouts]... the prosecution... loses [much of Senate crowd walks out].
That was the signal for the conspiracy to close its ranks and marshall
all its resources in the military, the church, business and media, to
clinch the ouster.
It did so. And to avoid violence and..., he
[President Estrada] quietly moved out of Malacanang [video shows
Estrada and family waving farewell to supporters]. But he never once
suggested that he intended to resign.
[in an interview, Davide
speaks:] "I'll proceed to EDSA to administer the oath on the
Vice-President as acting President... as acting President"
[Gloria Macapagal Arroyo oathtaking at EDSA Ave. reads:] I accept the
privilege and responsibility to act as President... to act as
President."
In the ensuing confusion, the conspiracy swore
Gloria Arroyo into office against all tenets of the [1987] Constitution.
The Constitution provides that the sitting President can be replaced
only if he 1. resigns; 2. dies; 3. is incapacitated; or 4. is
[successfully] impeached. Not one of these four conditions existed when
the leader of the masses was uncemoniusly ousted.
Later in the
(Feb. 21, 2001, Manila Peninsula) dinner hosted by her co-conspirators
in the Council for Philippine Affairs or COPA, Arroyo paid tribute to
those who helped make the power grab possible. Arroyo: "Maybe I should
tell my version of some of the untold stories especially with regard to
the military. And now that it can be told, I thing I should mention who
they are. That group that I was meeting with since January was made up
of General Larry Mendoza and Col. C.P. Garcia and retired Gen. Rios
[applause] Art Carillo and he’s right there, [applause] Gen. Espinosa,
whom everybody knows is my dear friend [applause] and ‘Spine’ is there,
too, Gen. Braganza and actually ‘Boysie’ is another friend of mine….”
[Video shows a newspaper headline that reads: GMA admists meeting
military, defends Left."]
Leading luminaries in the
international community condemned the ouster. Among others, Supreme
Court Justice Cecilia Munoz Palma (Chairman, 1987 Constitutional
Commission) said: The 1987 Constitution suffered. This happened when the
ongoing impeachment trial of President Joseph Estrada, was
unceremoniously disrupted and discontinued, and the issues on hand were
brought to the streets. The rule of law was set aside and the rule of
force prevailed."
Writing for the International Herald
Tribune, Philip Bowring said: "Far from being a victory for democracy
that is being claimed by leaders of the Anti-Estrada Movement such as
Jaime Cardinal Sin, the evolution of [the Edsa 2] events have been a
defeat for due process."
An Asiaweek editorial read: Again,
therefore, whatever curious legal construction anyone may now attempt to
put on the ouster of Estrada, he was ousted by a military coup, with
the connivance of the leadership of the Roman Catholic Church and major
business groups. One loser among the coup makers will be the Archbishop
of Manila, Jaime Cardinal Sin, and his church."
Even the highly
respected Lee Kuan Yew, interviewed by The Straits Times (January 26,
2001) weighed in with his thoughts: "The change of power in the
Philippines was no boost for democracy because it was done outside the
constitution…"
It has been confirmed that sin disobeyed the
Vatican. (Video shows a newspaper headline that reads: "Sin oposed
Vatican order, pushed Edsa II." Barely a month after the sealed second
envelope was opned before the public on national television, revealing
the owner of the controversial bank account to be businessman Jaime
Dichaves and not the persecuted leader. (Video shows Malaya headline:
"2nd envelope confirms Dichaves' 'Velarde' claim."
The
conspiracy next resorted to blackmail and bribes in attempts to block an
Estrada return and secure Arroyo's legitimacy. (Video shows newspaper
news clip entitled "Erap free to leave RP, says DOJ). A Malacanang
emissary in the person of Justice Secretary Hernando Perez offered
first, a graceful exit in exchange for a signed resignation letter
(Video shows Estrada clip where he says: "I will not resign." and a
newspaper clip entitled "'Erap did not concede presidencel'"). And
second, at a later date, a quiet back door exit with assurances...
(Video shows a communication with the following highlighted: Perez
asserted the government would no longer openly assist in the departure
of the President but it would quietly do so. And like the first option,
permission from the President to take out from the country such assets
as he possessed or owned that were not under any claim of the
government.") END OF VIDEO DOCU CLIP
HTL: And that back door
exit that was offered to Erap, he was offered to take along everything,
whatever he wants so long as he goes on exile. Erap refused that also
and stayed to face the charges. Ah, we have to compress in the next 15
minutes all that we have to say about this. So I would... fast forward
to... what are the lessons of history? After 2004, ah, Ronald Lumbao of
Edsa 3, Linggoy Alcuaz of Edsa 2 got together in a new struggle against,
now, the Gloria Macapagal regime.
AL: We'll try to have Edsa 4, 5, 6, Ok, that will never succeed... One lesson, on which side, the rebels or the status quo?
HTL: Both sides. As a nation, anong natutunan natin dito?
LA: ...hindi, praktikal ako eh. Sa status quo, yung gobyernong nakaupo,
iyong incumbent, ang moral lesson, bago lumaki yung rally eh i.disperse
mo na. Kasi ganoon po ang nangyari eh. Si Pangulong Erap, noong EDSA 2,
hindi niya ginalaw yung rally noong... when it was small enough to
disperse. Iyong EDSA 3, marahil kaya hindi na.disperse ay nasorpresa ang
pamahalaan noong administrasyon ni Gloria nung yung mga supporter ni
Erap na nandoon sa San Juan nang naaresto siya, tumuloy ng EDSA. Dahil
ang akala nila, yung EDSA ay simbolismo iyon ng EDSA I, EDSA II. So they
never expected na iyong mga supporters ni Erap doon pupunta... akala
nila, sa Crame pupunta.
HTL: Ako before I go to... I'll bring
out a few lessons. One, yung nagpapakita ng people power sa lansangan,
napakahirap sabihin na iyon ang boses ng buong bansa kasi ang daming mga
lugar at ang daming tao sa isang bansa at hindi magkakasya lahat kahit
sa buong kahabaan ng EDSA, no? Second, napakahalaga ng media. And dapat
talaga mabanggit iyan. So there are many more but with those two, I
think two essentials are covered. So I now go to Ronald, anong lessons
sa iyo?
RL: Siguro ang pinakamahalagang leksyon, na siya rin
sigurong pinagmulan ng sobrang malaking problema sa korapsyon ay yung
kapangyarihan ng militar na magdesisyun kung ang isa bang EDSA ay
mananalo o hindi? Nakita natin iyan noong panahon ng EDSA 1 at panahon
ng EDSA 2. Noong EDSA 3, eh talagang walang nagdesisyon na sumama.
Naiintindihan natin ang dating Angie Reyes sapagkat eh wala pa siya
halos na isang buwan doon sa puwesto ay... ibig sabihin, wala pa siyang
pakinabang doon sa kanyang posisyon. Pero nakita natin pagkatapos dahil
siya ang kinapitan ng husto ni Gng. Arroyo para manatili sila sa poder
at hindi pansinin ang tinig ng taumbayan noong EDSA 3, nakita na lumabis
naman ang pagmamalabis ng mga heneral na ginamit ni GMA para manatili
siya sa poder ng kapangyarihan.
HTL: Dadagdag ko lang sa
sinabi ninyong dalawa ito tapos dagdagan n'yo nang dalawa. Yung sinabi
ni Ceclia Munoz Palma, the rule of force took over and the rule of law
was set aside. Iyon ang nangyari sa EDSA 2, hindi ba? Na ang EDSA 3
nagprostesta subali't nang umasa sila na ang batas, yung batas iiral,
hindi na nangyari at ang militar nga--yung sinasabi mo ngayon--ang
nangibabaw....