Saturday, May 05, 2012

Austronesyo at Arkipelagong PAGTUTOL sa Moro SUBSTATE

Mapa ng Pilipinas, pag hinati sa 'Bangsamoro'

BAKIT ba kailangang pang ihiwalay ang ating mga kapatid na Muslim sa pagtatayo ng MORO SUBSTATE???? Bakit gagamitin na namang panghiwalay ang relihiyon sa ating bayan? Bago naman dumating ang Islam (at naunang Hinduism, atbp.) ay iisang AUSTRONESYOng lahi na tayo. Ano ba ang meron? Usapang Base Militar, Yamang Lupa at baka pati Lumang Ginto ba????


Substate Batay sa Relihiyon!

Hindi maikakaila na relihiyon, ang Islam, ang basehan ng napagkasunduan o fina.finalize na substate ni "Pangulong" B.S. Aquino de Hocus Pcos at ang rebeldeng grupong maghahari.harian dito kung sakali, ang Moro Islamic Liberation Front (MILF). Ayon sa mga ulat, kasama sa napagkasunduan daw na 'preliminary decision points' ng GRP o pamahalaan ng Pilipinas at ng MILF  "that the people should be actively engaged in 'determining the role of Shariah courts and the Islamic principles of justice and fairness in the region to promote the efficient administration of justice.'" Ang ipinahihiwatig nito ay magkakaroon ng sariling judiciary ang substate--kahit labag sa 1987 na Konstitusyon--at ito ay magiging batay sa Islam.

Hindi kailanman lehitimong basehan ang relihiyon upang humiwalay dahil unang-una, sa Saligang Batas ng Pilipinas ay may 'separation of the church and the state.' Pangalawa, ang pag-sangayon sa Moro substate ay maaring maging precedent upang sumunod ang ibang grupo, mga lumad siguro, hanggang halos wala nang matira sa Republika... dahil sa relihiyon o kung ano pa man. 

Walang nagsasabi na wala, o na hindi dapat igalang, ang ilang mga pagkakaiba ng mga Muslim at iba't ibang mga grupong etniko sa bansa. Subalit hindi dapat pinalalaki ang pagkakaiba sa relihiyon o ginagawang dahilan para paghiwalayin tayo dahil ang kaibhan ng mga Pilipinong Muslim at Kristiano ay para lang ding kaibhan ng mga Lumad sa mga Kristiano o Muslim na kababayan natin. Natural lamang ang ganyan dahil ang pagkakaroon ng iba't ibang relihiyon ay kaganapang makikita sa alinmang sulok ng mundo. 

Kaya nga mayroon tayong Autonomous Region of Muslim Mindanao (ARMM) ay upang ma.accommodate ang anumang pagkakaiba ng pamumuhay o kultura. Hindi na kailangang bumuo ng ilegal o katraydurang substate na magpapalayo pa sa ating mga kapatid na Muslim. Dagdag pa, nakakatakot ang substate dahil statehood na ang susunod na antas nito. In other words, DISMEMBERMENT of the Republic looms if this Substate materializes.


Austronesyong Lahi at Kalinangan

Sa video sa ilalim ay makikita na ang mga buhay na pruweba ng ating common Austronesian heritage--mga elemento ng kalinangang Austronesyano na makikita mula Hilaga hanggang Timog ng Pilipinas (at iba pang kalahi natin sa Timog Silangang Asya, kontinental Asya, at Oceania/Dagat Pasipiko). Pangunahin sa mga elementong ito ay ang WIKA kung saan hawig ang pagbilang ng mga numero ng mga Ifugao, Tagalog region, Cebuano/a, at mga Maranaw, atbp. Ang magandang Vinta naman ng ating mga kapatid na Moro ay kasing ganda at kahawig ng mga bangka sa Iloilo at maging ng mga taga Indonesya, Tailandiya, Kiribati, at Micronesya.

Ang may akda ng isa sa mga batis ng video na naturan ay si Dok Zeus Salazar, iginagalang na historyador at antropologo, na nagsulat din ukol sa pagdating ng mga ninuno nating mga Austronesyano noong h-k. 7,000/5,000 BK h-k. 800 BK. May nauna nang sinaunang Pilipino noon, ang mga unang tao sa arkipelago, subalit ang mga Austronesyo ay mas culturally advanced na homo sapiens sapiens at siyang  nagdala ng  "mga kagamitan, kaalaman at kasanayan sa iba’t ibang larangan ng pamumuhay [na] magiging pinakabatayan o haligi ng uusbong na kalinangang Pilipino."


Merong nga bang Bangsamoro?

Ang argumento ng ilan na dapat pabayaan na lang humiwalay ang mga Muslim sa Timog dahil sila raw ay may sariling mundo o identidad ay masasabing walang basehan. Ayon nga kay Dok Salazar, may mga pagkakaiba rin ang iba't ibang mga tribo o grupong Muslim sa Mindanao:
Yung [sinasabing] "sariling mundo at identiy" kahit ngayon ay wala pa, kahit na nga sa relihiyon (liban siguro sa ilang nakapag-aral sa ibayong dagat na Muslim). Kahit ngayon ay may sariling pagkakalinlan (at marahil kakanyahan pa nga) ang mga Maranaw, Magindanaw, Samal at Tausog; walang duda rito. Yung mga aktibidad ng mga grupong natagurian ng mga Kastila na "Moro" ay gawa ng mga datu ng bawat grupong etnolingguwistikong "Muslim" o "nagiging Muslim". Hindi lahat ay mula Sulu. Nagsasalitan sa pagitan nito at ilang mga datu ng Kanlurang Mindanaw, kasama na ang mga Subanen at ilan pa...

Kahit ang mga rebeldeng grupong Muslim--ang naunang Moro National Liberation Front (MNLF) at ang MILF na siyang maghahari sa maaring matayong substate ay hindi naman iisa ang 'mundo,' ika nga at imbes ay may mga sari-sariling kalinangan at ideolohiya pa siguro. Nagkakatunggali din ang dalawang rebeldeng grupong Muslim na mga ito at matatandaan na ang MNLF ay tinanggap ang autonomy noong administrasyon ni Pangulong Fidel Ramos. Ayon nga kay Dok Salazar, "Kahit ngayon, may elementong 'etnolingguwistiko' ang pagkakaiba ng MNLF (Tausog) at MILF (Magindanaw)." Malalimang kaalamang pangkasaysayan ang kailangan. Ayaw kong pasukin ito dahil mas importante ang pagkakaisa at pagbubuklod..." 

Kahit  may mga ilang pagkakaiba man ang mga grupong etniko na Muslim sa Mindanao, at gayundin tayong mga Kristiano ang nakalakihan at mga Lumad ay may mga matingkad na pagkakapare-pareho rin. Tulad nga ng nasabi nang ating Austronesyong base race na makikita sa ating kaanyuan, wika, at artifacts. Ang isa pang mahalagang elemento na nagbubuklod sa mga mamamayan ng bayan ito na naghihiwalay naman sa atin sa iba nating kapitbahay na kapwa Austronesyo ay ang ating lupang tinubuan, ang ating arkipelago.


Bayang Hinubog din ng Geology

Ang geological na mga pangyayari libong taon na ang nakakalipas ay nagpapakita na nabuo ang ating kapuluaan nang mula sa malayong karagatan ay humantong sa bahaging ito ng Asya o Dagat Pasipiko at nag.INTEGRATE nang higit sa iba pang arkipelago sa mundo.
Around 54 million years ago, Manila and the rest of Luzon were underwater, located near where Australia is, he said. Mindanao, Palawan and Visayas were where Papua New Guinea is. But because of plate tectonic movements, the Philippines has become more integrated than any archipelago in the planet. The main islands of Luzon, Visayas and Mindanao came together, enabling the Philippines to develop a diversified geology, and such variety made it an area of accumulation for different species.
 

Malinaw dito na kung usapang Bathala, Creation/Paglikha, o kahit Evolution ang nais, malinaw sa mga hindi bulag na iisa at buklod ang kapuluan natin. Kung kaya nga batay sa atin Austronesyong lahi at kalinangan at nabuong kapuluan, dapat panatilihin ang Integridad ng REPUBLIKA ng Pilipinas/Tagalog/Taga-Ilog/Maharlika.


'Bangsamoro' bilang Panghati ng Kanluran

Itinatanggi nguni't kitang-kita ang kamay ng Kanluranin, pangunahin ang Kalbong Agila, sa   pagtutulak ng Moro substate upang hatiin ang Republika. Isinawalat ito ni dating Pangulong Joseph Estrada at marami pang ebidensyang na makikita tulad sa Wikileaks at mga ulat mismo ng front groups ng imperyalista. The Daily Tribune's Ninez Cacho-Olivares sums it up when she wrote in a recent editorial:
 ... both the US and the European Union — want the country to grant the MILF a substate that is even independent of the Philippines, as they can rely on the Muslim group, under a substate, for them to exploit the resources in the country without going through the high court... Gloria [Arroyo], in her time, was pressured by these foreign governments to forge an agreement with the MILF, providing them with an independent substate. She did, and the accord was voided by the SC.

Mga Pruweba ng Kuko ng Kalbong Agila

Sinabi ni Estrada noong 2010 na nasa likod nga ng MILF ang Estados Unidos dahil gusto nitong hatiin ang bansa dahil sa interes nito sa yamang mineral ng Mindanao at upang makapagtayong muli ito ng base militar dito sa bahaging ito ng mundo. Matatandaan na sa  panahon ni Arroyo ay nagkaroon ng pagdanak ng dugo nang magkaroong ng maliit na giyera dahil nagalit ang MILF nang ibasura nga ng Korte Suprema ang precursor ng substate,ang Memorandum of Agreement on Ancestral Domain o MoA-AD.

Ang ginawang pagsisiwalat ni Estrada ay suportado mismo ng ulat ng isang quasi-governmental organization ng Kalbong Agila. Sa Pebrero 2008 na ulat ng United States Institute of Peace (USIP), inamin nito ang naging papel nila sa "peace process" sa Mindanao sa ilalim ni Arroyo. “In 2003 the US State Department …engaged the [USIP] to facilitate a peace agreement between the government of the Republic of the Philippines (GRP) and the MILF.” Ang USIP, dapat tandaan, ay nagsisilbi talagang instrumento ng foreign policy ng Estados Unidos dahil pinopondohan ito ng kanilang Kongreso at kabilang sa ex-officio na kasapi nito ay ang noon ay US State Secretary Condoleezza Rice at Defense Secretary Robert Gates.

Nang si Aquino na ang umupo ay binuhay ang MOA-AD sa pormang substate at tamang-tamang may mga panibagong ebidensya na lumabas na nagpapatibay sa gahamang interes ng U.S. at pagni.ninong nito sa MILF. Naglabas ang Wikileaks ng ulat na ang Kalbong Agila ay sobrang interesado sa Mindanao, partikular ang Liguasan Marsh sa Cotabato Basin na may  288,000 hektarya ang lawak at kontrolado ng MILF.Sa estimates daw ng U.S. ay nagkakahalaga ng mula $840 bilyon - $1 trilyon ang hindi pa nagagalaw na yamang mineral sa bahaging iyon ng Pilipinas.

Sa kasamaang palad, ang MILF, sa suporta marahil ng mga elit at nabubulagang 'patriotiko' na Muslim, ay nagpapagamit sa damuhong Kalbong Agila  sa pag.asang mabibigyan sila ng konting grasya ng imperyalista. Ayon sa ulat ng Philippine Center for Investigative Journalism, historically ay talagang may mga Moro na yumayakap sa kolonyal na puti, sa Estados Unidos, at ipinagkanulo pa ang kapwa Pilipinong Muslim nila. Makikita ito sa panahong itinutulak ang MOA-AD:
After faintly making noise about the U.S. military activities in Mindanao last February, for example, the MILF turned quiet after a visit from U.S. Ambassador Kristie Kenney. A number of influential Moros, many of them among those who have benefited from U.S. patronage, have unsurprisingly come out in support of U.S. military intervention in Mindanao.

LUZVIMINDA, ating Pilipinas/Taga-Ilog/Tagalog/Maharlika 

Huwag nating pabayaang mawasak ang Republika batay sa relihiyon o dahil sa pagtututa sa imperyalista. Huwag nating hayaang makialam ang Kanluranin, partikular ang Kalbong Agila, ang rasista at masidhing-pumatay na kaaway natin noong Digmaang Pilipino-Amerikano (1899-1914), mga bully na bansa, sa usaping autonomiya ng kapatid nating mga Moro.  Bukod pa nga sa pagiging katrayduran at labag sa 1987 na Saligang Batas ang nilulutong Substate.   

Kahit ang agham ng Geology na, sa mga nanniwala sa Diyos ay galing din naman sa taas, ay nangungusap na hindi dapat mahati ang Pilipinas, hindi dapat mawala ang Mindanao o bahagi nito sa Republika, hindi tayo dapat maghiwa-hiwalay. Kay Lumad, Muslim o Kristiano, pare-pareho tayong may DUGO at KALINANGANG AUSTRONESYANO at iisa ang ating KAPULUAN, ang pinagbuklod na higit na 7,000 mga isla ng Pilipinas/Tagalog/Tagailog/Maharlika.




 ____


Mga Batis:

Ang Pamanang Austronesyo (FILIPINO VERSION). http://www.youtube.com/watch?v=Y0hV-AVOfTg&feature=player_embedded#!

Deni Rose M. Afinidad, Staff Writer. The Philippines: The real origin of species? The Daily Tribune. 09/29/2011. http://www.tribuneonline.org/life/20110929lif1.html

Ninez Cacho-Olivares. Carving up the Republic. 04/26/2012. The Daily Tribune. http://www.tribuneonline.org/commentary/20120426com2.html

Philippine Center for Investigative Journalism. The U.S. and the Bangsamoro Struggle: Selfish determination vs Self-determination. 1 Sept. 2008. http://pcij.org/blog/2008/09/01/the-us-and-the-bangsamoro-struggle-selfish-determination-vs-self-determination


Salazar, Zeus. Kasaysayan ng Kapilipinuhan: Bagong Balangkas. 2004. http://bagongkasaysayan.multiply.com/journal/item/2?&show_interstitial=1&u=%2Fjournal%2Fitem

Sison, Joma. US Ambassador Kenney is Lying about US Involvement in MOA-AD Sham. http://www.josemariasison.org/?p=923

Bernardo, Jesusa. Salamat sa Pagtutol ni Erap sa Moro Substate. http://jesusabernardo.blogspot.com/2011/08/salamat-sa-pagtutol-ni-erap-sa-moro.html 


....

No comments:

Popular Posts