Showing posts with label Philippines. Show all posts
Showing posts with label Philippines. Show all posts

Friday, November 30, 2012

Pagwawasto sa 8 Mito Patungkol kay Supremo at sa Katipunan (Bonifacio Series VIII)

IKA-30 Nobyembre 2012. Kaarawan na naman (kahapon) ni Supremo Andres Bonifacio y de Castro, ang tunay na Unang Pangulo ng bayang Pilipinas/Tagalog/Maharlika/Taga-Ilog.  Sa susunod na na taon na nga ang malaking paggunita ng ika-150  kapanganakan ng pinakamagiting at pinakamatayog na bayaning lumaban para sa ating kalayaan at pagkabansa. Subalit bakit ba tila napakarami ang hindi tunay na nakakakilala sa kanya, o maling-mali ang kaalaman ukol sa kanyang pagkatao at mga ginawa, at ginawa sa kanya noong huling buwan ng kanyang buhay? Sa panahon niya ay may mga nagkalat ng paninirang propaganda ukol sa Supremo subalit hindi ba dapat na naiwasto na ang mga kasinungalingang iyon sa ngayon? Ang nangyari pa nga ay lumawak pa ang mga paninira na tila ba buhay at kumikilos pa ang mga kagaya ni Daniel Tirona ng Magdalo...

Lampas isang siglo na mula nang kanyang itatag, sampu ng iba pang mga dakilang nagtaguyod, ang samahang naghanda ng paglaban para sa kalayaan at bumuo ng Pamahalaang Himagsikan, ang Kataastaasang Kagalanggalangang Katipunan nang manga Anak nang Bayan o KKK. Matagal nang nalimbag ang mga sulatin ng tatlo sa mga patas at mas mapapagkatiwalaang mga "primary sources" ukol sa Katipunan at sa Supremo--mula kay Hen. Santiago Alvarez, at Gat Apolinario Mabini, at sa limitadong antas, kay  Hen. Artemio Ricarte. Nailabas na rin ang mga sulat ni Bonifacio kay Gat Emilio Jacinto na nagbubunyag ng mga sigalot sa pagitan ng sangguniang Magdiwang at Magdalo sa Kabite. Subalit bakit namamayagpag ang mga maling kaalaman ukol sa Supremo sa ating sistemang pangedukasyon at mainstream na media.

Ang mga maling kwentong ito ukol kay Supremo ay nakahalo sa mga iba pang kaalaman ukol sa kanya at madalas pa nga ay mas nangingibabaw dahil mukhang hawak ng mga kontra-Bonifacio ang mga ahensyang pangkaalaman--ang edukasyon at ang media. Ayon sa historyador na si Prop. Michael Charlestone Chua, "mga pwersang panlipunan na ayaw maituro ang mga aral nina Bonifacio at ng Katipunan." Pinakamainam ngang paraan para mabara ang pagpapahalaga sa Katipunan ay siraan ang pangunahing nagtaguyod at nagpalakad nito. Anu-ano ba itong tinutukoy kong pangit na propaganda ukol sa Supremo? Narito ang mga pangunahing maling kaalaman na masasabing nakakapanggigil dahil sa sobrang pagkataliwas o paninira nito sa pagkatao at naging buhay ni Bonifacio.



I.  Wala raw pinag-aralan o mahina daw ang ulo ni Supremo.

Mukhang walang sariling mga bait ang naniniwala dito dahil may mangmang bang 1.) nakapagtatag at nakapagpalakas ng tagong samahan sa ilalim ng mapanikil na kolonyal na pamahalaan, at 2.) nakapagbasa ng mga librong nasa ibang wika (Les Miserables at Biography of American Presidents)? Bukod pa sa kanyang magagandang makabayang sulatin tulad ng Pag-Ibig Sa Tinubuang Lupa, Dekalogo, Dapat Mabatid ng Mga Tagalog, atbp.  Talas ng isip sa pagplaplano at mga taktika upang ma-utakan o ma "outwit" ang kalaban ang ginamit ni Bonifacio. Sila ngang mga nagsasabi nito baka sa barangay lang nila magtatag ng panghimagsikang samahan ay huli na agad sila.:)

Kailangang banggitin na kung ihambing si Bonifacio kay Hen. Emilio Aguinaldo y Famy ay akala mo 'no read, no write' ang una at nakatapos ang huli. Ang katotohanan ay medyo nakakagulat sa mga nauto ng pwersang dilaw sa kasaysayan at media: self-educated ang Supremo at nakatuntong lamang sa high school itong si Aguinaldo.

Mas marunong pa nga pagdating sa mataas na kaalamang pangpamahalaan itong si Bonifacio kaysa kay Aguinaldo. Kitang-kita ang kamangmangan ni Aguinaldo pagdating sa usapang pamahalaan noong "Republika ng Biak na Bato" na itinatag nito bago tinalikuran ang Himagsikan at tumakbo sa Hong Kong (hanggang makipagusap sa mga Amerikano). Ang Saligang Batas ng Biak na Bato ay halos buong-buong kinuha sa Konstitusyon ng Cuba--99.9% plagiarized, ika nga. Nakakahiya. Ihambing ito sa ginawang pagtutol ni Bonifacio sa Saligang Batas na inihain ni Hen. Edilberto Evangelista sa kanya noong bandang Disyembre 1896. Batay sa sinulat ni Hen. Alvarez, tinanggihan ni Bonifacio na gamitin ang konstitusyon para sa pamahalaang Katipunan dahil nakita niyang malapit ito sa gawa ng Kastilang si Antonio Maura. 

Sabi nga ni Mabini, si Bonifacio ay isang "sagacious" na pinuno at "had no less schooling than any of those elected in the aforesaid assembly."  Tinutumbok dito ni Mabini ang kontrobersyal na Tejeros Convention kung saan nakaikot ang hindi lang isang malaking kasinungalingan ukol kay Bonifacio.

II. "Natalo" daw ni Aguinaldo si Bonifacio sa Kumbensyong Tejeros.

Maaring natalo sa bilangan ngunit hindi sa tunay na halalan ang Supremo dahil ang Tejeros Convention ang pinakaunang madayang halalan sa kasaysayan ng ating pagkabansa. Ang unang HOCUS-PCOS, unang 'Hello Garci' kumbaga.  Nakasulat kina Ricarte, Alvarez, at sa mga sulat ni Bonifacio ang pandarayang naganap sa halalan.

Bago pa man simulan ang halalan sa Tejeros ay nagsumbong kay Bonifacio si Diego Mojica, isang opisyal ng Katipunan, Magdiwang, ukol sa may mga laman nang mga balota, ayon sa memoirs ni Alvarez. Pre-filled ballots, ika nga. Matapos ang halalan ay agad na gumawa ng deklarasyon si Ricarte na nagkaroon ng dayaan at kahit nahalal siya ay ayaw sana niyang magkaroon ng bahagi sa "pamahalaang" iyon. Sinulat din ni Alvarez na patagong sumumpa sa tungkulin sina Aguinaldo, at sa harap pa ng isang Kastila, o turuan-ng-Kastila na pari. Nakasulat din mismo ang pandarayang ito sa mga sulat ni Bonifacio kay Jacinto.

III. Kaya daw nag-walk out si Bonifacio sa halalan sa Tejeros ay dahil hindi nito matanggap ang "pagkatalo" kay Aguinaldo at ito ay lumayo na.

Napakalaking kasinungalingan nito sa dalawang kadahilanan. Una, nagalit si Bonifacio dahil ayaw kilalanin ni Tirona ang kanyang pagkapanalo bilang Kalihim na Pang-loob (Interior Secretary) samantalang iginiit niya bago umpisahan ang halalan na dapat igalang ng lahat ang anumang kakalabasan nito, na sinanggayunan naman ng mga delegado. Ininsulto siya ni Tirona na kesyo hindi bagay maging Kalihim dahil hindi nakatapos o hindi ito abogado (Ngek! Ano naman kaya yung high-school level na si "Pangulong" Aguinaldo?). Ito ay malinaw na nagpapakita ng kawalang paggalang nila Tirona sa boses ng tao--kung ipapalagay na hindi nagkaroon ng dayaan.

Karaniwang punto ng maling propaganda sa panahong kasalukuyan ay kesyo ang pagkagalit ni Bonifacio ay nagpapakita ng pagkainsulto niya, ng kanyang pagkapikon. Subalit kahit naman kanino mangyari ang pangit na taktikang iyon ay maiinsulto. Kailangang isa-alang-alang ang pagkatao nitong si Tirona. May nauna nang kasalanan itong si Tirona na itinuturong nagpakalat ng mga mapanirang poison letters laban kay Supremo noong huling bahagi ng Disyembre 1896, ayon sa mga sinulat ni Alvarez. Dagdag pa, si Tirona ay isang kalahating traydor na sumuko sa mga Kastila dalawang linggo lang makalipas ang Tejeros.

Pangalawa, ang totoo ay ilang pag-uusap at pakikipagtulungan pa ni Bonifacio kay Aguinaldo ang nangyari matapos ang Tejeros. Noong unang linggo ng Abril ay tinanggap pa nga ni Bonifacio sa kanyang opisina sa Naic itong sina Emilio at Baldomero Aguinaldo, ayon pa rin kay Alvarez. Binendisyunan pa nga kamo ni Bonifacio ang pagpapahiram ng Magdiwang, kung saan malapit si Bonifacio, ng mga armas nang hilingin ng Magdalo upang gamitin daw sa pakikipaglaban sa Kastila.

IV. Talunang pinunong militar daw itong si Bonifacio samantalang magaling daw si Aguinaldo.

Hindi totoong walang naipanalo si Bonifacio dahil ang mga naunang labanan ng mga Katipunero ay naipanalo nito. Ngayon, kung bakit hindi naging matagumpay ang Pangkalahatang Pag-aalsa noong Agosto 29/30 ng 1896 ay maisisisi sa ilang mga kadahilanan kabilang ang hindi pagsulpot ng grupo ni Aguinaldo, partikular ang pinamumunuan ni Fernandez. Kung baga, nasira ang plano.

Kasinungalingan ding basta-basta sabihin na mas magaling si Aguinaldo kay Bonifacio bilang heneral. Bakit kanyo? 1.) Manila, na sentro ng kapangyarihang kolonyal, ang hinawakan ni Bonifacio, na ang ibig sabihin ay mas mahigpit ang depensa dito at mas malakas ang pwersa ng kalaban dito. Mahirap talagang ipanalo. Samantala, 2.) si Aguinaldo nga ay nanalo sa labanan sa Imus noong Setyembre 1896 subalit nang ibinaling na ng Kastila sa Kabite ang pwersa nito ay kumaripas ng takbo itong si Aguinaldo papunta sa pagsuko/pakikipagkasundo sa Biak-na-Bato sa huling bahagi ng 1897.

Idagdag din na 3.) maliit na bahagi ng Kabite ang hawak ng Magdalo ni Aguinaldo kung ihahambing sa sakop ng Magdiwang nila Alvarez. Sa unang bagsak ng pagbaling ng Kastila sa Kabite noong Pebrero 1897 ay mas maraming mga bayan ang nalagas sa teritoryo ng Magdalo na umatras pa nga patungo, at nagkanlong, sa mga nasasakupan ng Magdiwang. Sa katunayan, sa panahong isinailalim sa kanggarong korte militar si Bonifacio ay tumatakbo noon ang Magdalo mula sa pagsalakay ng Kastila.

Ang totoo ay 4.) may taal na katalinuhang pulitiko-militar ang Supremo, ayon sa historyador at antropologong si Dok Zeus Salazar. May pangkalahatang plano ng Himagsikan si Bonifacio na binubuo ng apat na kaisipan. Ito ay ang a) mabilisang paghihimagsik na pupugot sa ulo/sentro ng banyagang kapangyarihan; b) pagsasama-sama ng bayan upang mapatupad ang pagsakote sa Maynila; c) sakaling mabigo ang paghihimagsik, ang pag-atras ng mga rebolusyonaryo sa mga 'real' o ilihan, o mga kampong "komunidad na may tanggulan malapit sa bayan"; d) sa maramihan, ang mga ilihan ay pabaitang na lunsaran ng ala-gerilya na pag-atake mula sa kanayuhan patungo sa militar na ulo ng Kastila na epektibong ginamit ng maraming heneral at mismong sumalo kay Aguinaldo sa Real ng Biyak na Bato.

V. Ang Katipunan daw ay samahan lamang, si Aguinaldo raw ang unang Pangulo ng bansa (at hindi daw si Bonifacio).

Ito marahil ang pinakamalaking kalokohang kasinungalingan patungkol sa naging pagkatao, nagawa at tagumpay ni Bonifacio. Ang totoo: bago inilunsad ang Pangkahalatang Pag-aaklas laban sa Kastila ay ginawang Panghimagsikang Pamahalaan ang Katipunan, kabilang ang pagtatatag ng hukbong sandatahan nito, at paghalal ng mga opisyal sa pamumuno ni Pangulong Bonifacio. May watawat pa nga at pambansang awit na inihanda, ang Marangal na Dalit ng Katagalugan na kinomisyon ng Supremo kay Julio Nakpil y Garcia.


Nakakapagtakang hindi kinikilala sa opisyal na kasaysayan (na tinuturo sa mga paaralan at binabangit ng media) ang halalan sa Katipunan na nagluklok kay Bonifacio bilang pinuno ng bansang naghihimagsik. Ito ay ibinalita sa Kastila-Amerikanong pahayagang "La Ilustración Española y Americana" (1897, Vol. I) kung saan pinakita pa ang larawan ni Bonifacio na may caption na "'Presidente' de la Republica Tagala." Sinulat din ito sa kaparehong taon ng Kastilang historyador na si Jose M. del Castillo. Nilagay nito sa kanyang "El Katipunan" or "El Filibusterismo en Filipinas" ang kinalabasan ng halalan sa Katipunan kung saan napili si Bonifacio bilang Supremo/Pangulo, si Jacinto bilang State Secretary, at iba pa.

Kung tutuusin ay dapat na tingnan bilang  malakas na pagbakas sa pagka-Pangulo ni Bonifacio at pagiging pamahalaan (na pang-Himagsik) ng Katipunan ang dalawang Kastilang batis na ito. Kung titingnan mula sa teoryang 'national perspective,' dapat si Aguinaldo na nakipagkasundo sa kanilang pamahalaang (Kastila) ang kilingan nila at hindi si Bonifacio na siyang puno't dulo ng Rebolusyon. Kung bakit itinatatwa ito ng mainstream na kasaysayan ng Pilipinas ay lubhang nakakapagtaka, taliwas sa lohiko.

Sabihin pa, may pagpapatibay din ito mula sa mga lokal na batis. Isinulat ni Alvarez na noong pinipilit nila Baldomero Aguinaldo na magtatag ng (bagong) pang-himagsikan pamahalaan ay sinagot nina Bonifacio na hindi ito kailangan dahil pamahalaan na ang Katipunan. Ipinahiwatig din ni Mabini na ang Katipunan ay pamahalaan sa ilalim ni Bonifacio nang sinulat niya sa kanyang memoirs na kriminal na insubordinasyon ni Aguinaldo ang pag-utos na "asasinasyon" (pagpatay) sa Supremo.

VI. May karapatan daw hatulan ng kampo ni Aguinaldo si Bonifacio na kanila daw isinailalim sa 'hustisya.'


Isang nakakapangilabot na pares ng kasinungalinan. Mula umpisa ay pagligpit na sa Supremo ang pakay ng kampo ni Aguinaldo. Isinulat ni Alvarez na 'dead or alive,' patay o buhay, ang utos na pagdukot kay Bonifacio. Ang mga inutusan ni Aguinaldo--sina Kol. Agapito Bonzon o alyas Intong, Felipe Topacio, at Jose Paua o Instik Pawa (may kasalukuyang historyador ang nagsasabing kasama si Lazaro Makapagal)--ay malugod pa nga ilang tinanggap (bilang mga kapatid sa Katipunan) ni Bonifacio ngunit patraydor na binaril at sinaksak nila ang Supremo sa tinuluyan nito sa Indang, Kabite.

Patraydor na pagdaklot ang ginawang panghuli sa Supremo dahil walang legal na kapangyarihan ang "pamahalaan" kuno ni Aguinaldo. Bakit ko nasabi ito?  1.) Walang bisa ang halalang Tejeros dahil una (a), pinawalang bisa ito ni Bonifacio na presiding officer ng kumbensyon. Pangalawa (b), nagkaroon ng dayaan sa Tejeros batay sa ulat ni Mojica at sa deklarasyon ni Ricarte na nagsabing nagkaroon ng "dirty or shady practices in the manner" ng halalan at napilitan lamang siyang sumumpa sa nakuhang posisyon na Pinuno ng Himagsikang Hukbong Sandatahan dahil tinakot siyang papatayin, ayon na rin sa kanyang deklarasyon. Pangatlo (c), kung kinikilala ng karamihan ang pagka-"panalo" ni Aguinaldo, sana ay hindi ito patagong nanumpa bilang "Pangulo." Pang-apat (d), naglabas din si Bonifacio at apatnapung iba pang Katipunero ng Acta de Tejeros na nagpapawalang bisa sa marumi at ma-anomalyang Kumbensyong Tejeros isang araw matapos ang halalang ito. Maaring may ilang pumirma na bumaligtad at kumampi kay Aguinaldo, katulad ni Hen. Pio del Pilar, subalit hindi nawala ang bisa nito dahil mas marami ang nanatili at nagkapirmahan nga.

2.) Sa yugto ng panghuli at pagkulong, at paglilitis ay walang hustisyang natamo sina Bonifacio. Pagmaltrato ang natamo si Supremo at kapatid na lalaki nitong nabuhay (noong dinaklot sila) na si Procopio. Pinagbawalan ang pagbisita sa makipot at madilim na bartolina, hindi nilapatan ng lunas ang mga sugat, at kung pinakain man ay "pagkaing hindi na dapat sabihin" ang binigay, ayon kay Alvarez. Ma-anomalya rin at patago ang ginawang 'paglilitis' kay Bonifacio. Kangaroo court martial, ika nga. Tumataginting na lutong makaw ang makikita ng kahit sinong may wisyo na makakabasa ng tala ng paglilitis, kahit yung 'opisyal' na bersyon pa at kahit hindi alam ang 'dead or alive' na utos ni Aguinaldo.

Meron ba naman patas na hukom na ang a) presiding officer (Mariano Noriel) ay pinangunahan ang kalalabasan at tinawag na ang intensyon ni Bonifacio ay "evil and treacherous," at ang b) abogadong itinakda nila sa Supremo, defense attorney (Placido Martinez), ay hinusgahan rin ang nasasakdal at sinabi ring "evil" daw ang binalak nito? Idagdag pa na ang auditor ng hukom militar ay si Baldomero Aguinaldo na pinsan ng biktima raw ng planong pagpatay ng Supremo.

VII. Duwag daw sa harap ng kamatayan ang Supremo.


Hindi iilan ang kumakagat o medyo kumakagat sa malaking kalokohang ito kahit na alam ng madla ang katapangan ng bayaning naglakas ng loob na pangunahan ang humawak ng balisong at baril upang wakasan ang pagkaalipin ng bayan at ilunsad ang bagong umaga nito bilang isang bansa. Sukdulang taliwas sa pagiging "El Marat Filipino," ika nga ng El Renacimiento--matapang na manghihimagsik, mapusok na patriotiko--ang pagiging duwag daw ng Supremo nang papaslangin na siya. Talaga nga yatang natatalo rin ang wisyo ng paulit-ulit na pagbigkas o paglimbag ng kasinungalingan.

Walang kredibilidad kung tutuusin ang pinagmulan ng mga pahayag na ito--ang berdugong si Lazaro Makapagal. Walang kredibilidad ang kanyang mga pahayag ukol sa mga huling sandali ng Supremo hindi lang dahil siya ang pinuno ng berdugong inatasan ng kampo ni Aguinaldo kundi dahil 1.) paiba-iba ang pahayag niya sa mga pangyayari; 2.) wala sa mga kapwa berdugo niya ang nagpatotoo sa mga kwento nito; at 3.) taliwas ang ilang mga detalye niya doon mismo sa tala ng kanilang kampo ukol sa paglilitis sa Supremo.

Nagmakaawa raw, umiyak, o sinubukang tumakbo mula sa kanyang kapalaran si Bonifacio nang papatayin na siya. Tatlong magkakasalungat na pahayag na ito ang pinakawalan ni Makapagal ng mga huling taon ng dekada 1920 sa mga naging panayam kay Alvarez (inilabas ng 1927), sa Philippine Free Press (1928), at kay Jose P. Santos (1929). Halimbawa, sa pangalawang bersyon nito ay sinabi niyang nang dinala nila sa bundok ang Supremo ay may isang sugat lamang ito, sa braso--isang litaw na kasinungalingan dahil kahit sa opisyal na tala ay nakalagay na may sugat sa lalamunan si Bonifacio dala ng pagkakasaksak dito noong dinaklot ito.

Kung paano nangyari na ang mga imposibleng pahayag na ito ay binibigyan diin sa mga aklat pangkasaysayan o sa media ay isang malaking katanungan. Ang mas kapani-paniwala siguro ay ang isang kwentong magsasabing sinubukan silang agawan ng armas at patayin ng Supremo dahil sa kanilang paglapastangan sa Katipunan at tunay na katarungan.

Subalit ang katawan ni berdugo Makapagal ay walang sugat, walang tanda ng paglaban ng Supremo. Masasagot ng pagwawasto ng isa pang mito ukol kasaysayan ni Bonifacio ang puntong ito.

VIII. Pinatay daw sa "execution" gamit ang pagbaril si Supremo.

Lubos na nakakapagtaka na ito ang kwentong kumalat at pinalaganap sa loob ng maraming dekada, malamang kasabay ng mga kalokohang pahayag ni Makapagal, samantalang si Mabini, na naging malapit kay Aguinaldo, ay ASASINASYON ang tawag sa ginawa ng kampo ni Aguinaldo kay Bonifacio. Pag sinabing execution, ito ay dapat bukas sa madla dahil bunsod ito ng paglilitis, ng proseso ng bukas na paghahanap ng katarungan. Ang ginawa ay Bonifacio ay hindi execution dahil patago ito, mula pa sa paglilitis kung kailan ipinagbawal ang anumang pagbisita sa kanya at Procopio, hanggang sa dalhin sila sa bundok ng Buntis sa Kabite. Inilayo pa, sinadyang pinaslang ang magkapatid na Bonifacio kung saan walang makakasaksi. Kahit idahilang itinago nila ito mula sa Kastila, gaano ba kahirap magtawag ng magiging tagapanood at madaliang ipatupad ang hatol--sa mismong kuta pa nila para maiwasang mahuli ng mga Kastila?

Hindi execution kundi asasinasyon dahil patraydor ang pagpaslang. Bakit kaya? Dahil takot na maaring magdulot ng pagkakawatak-watak ng mga rebolusyonaryo ang tagpong pagpatay sa Supremo? Kung talagang nanalo sa Tejeros si Aguinaldo at malinis ang paglilitis at may kasalanan ang Supremo, walang dapat kinatakutan. Mayroon pa kayang itinago?

Walang duda na hindi execution kundi asasinasyon. At ang mas nakakahindik pang kasinungalinang na dapat itama ay kung anong armas ang ginamit ng mga berdugo.

"A putol a paa, di dadapa// a putol a tenga, di bibingi..." o malapit dito na naglalaman ng mga linyang nagbabanggit ng mga putol na bahagi ng katawan ng Supremo. Kakatwang kwento ukol kay Bonifacio dahil hindi polisiya ng Katipunero ang sadyang putol-putulin ang katawan ng kalaban; sumikat ilang dekada na ang nakakaraan at may bersyon pa nga nitong matatagpuan mismo sa Maragondon court house. Noong 1918 ay inilabas ang forensics na ulat ng mga doktor mula sa Unibersidad ng Pilipinas at nila Hen. Guillermo Masangkay (isa sa mga opisyal ng Katipunang pamahalaan) at Epifanio de los Santos ukol sa natagpuang buto na dineklara nila na kay Bonifacio batay sa best available science ng panahon na iyon. Tumutugma din ang katangian ng mga butong nahukay sa family history ng mga Bonifacio, kabilang ang kakaibang gawi ng Supremo: ang mga ngipin ay "maliit at makinis" na akala mo kinikil--na tugma sa kagawian ni Bonifacio na paghasa sa kanyang mga ngipin sa baba katapat ng incisors, ayon na rin sa pahayag ng kapatid nitong si Esperidiona. Ang nagbunsod kay Masangkay na hanapin ang Supremo ay ang sumbong ng ilan sa mga dating tauhan ni Makapagal na pinatay daw sa pagtataga ang Supremo na  nakasakay sa duyan at mahina na. Ang natagpuan nilang buto sa Kabite ay tugma rin sa sumbong sa kanya batay sa tama ng bayoneta at bolo at pagkakaroon ng biyak sa bungo. Huling dekada ng siglo 1900s ay nagsaliksik gamit ang oral history approach si Prop. Daniel Aragon mula sa Unibersidad ng Pilipinas ukol sa putol-putol na kwento. Lumalabas sa kanyang pag-aaral na kwentong bayan--batay sa saling-kwento ng mga Kabitenyong nakakita sa berdugo team ni Makapagal o nakasilip sa aktwal na pagpaslang sa magkapatid na--pinahirapan bago pinatay at maaring pinutulan ng ilang bahagi ng katawan si Supremo at inilakbay upang ilipat (malamang nakatali ang paa't kamay sa kawayan mula Bundok Buntis papuntang Nagpatong).

Tumutugma o may mga mahahalagang pagkakatugma ang kwentong putol-putol/pananaga sa sumbong kay Hen. Masangkay ng tauhan ni berdugo Makapagal, sa resulta ng 1918 forensics, at sa oral history mula sa Maragondon ukol sa patagang pagpaslang kay Bonifacio. Samantala, lumalabas na malaking kasinungalingan ang self-serving na mga paiba-iba at nagkokontrahang mga pahayag ni Makapagal, na taliwas rin sa dokumentadong katapangan ni Bonifacio at mismo sa ilang detalye ng opisyal na tala ng kanila court martial.

Hindi sa pagbaril kundi sa PAGTAGA winakasan ng mga berdugo nila Aguinaldo ang buhay ng magkapatid na bayaning Bonifacio. Pinahirapan ang hindi na makalaban-laban na nanghihina nang Supremo (dahil sa hindi nilunasang pagkaka-baril at pananaksak dito sa Indang), pinagtataga hanggang  maputol malamang ang ilang bahagi ng katawan, at pinagtakpan ang krimen sa pamamagitan ng paglipat sa ibang bahagi ng kabundukan.

Mas Patas at May Kredibilidad na mga Batis


Ang karamihan ng nalahad dito ay batay kina Hen. Alvarez, Hen. Ricarte, at Gat Mabini. Sina Mabini, Hen. Alvarez, at Hen. Ricarte ay mga pinagkaatiwalaan at dinadakilang mga personalidad na nakadaupang palad  mismo ni Pangulong Bonifacio. Kung sa patas ay patas ang tatlong ito dahil sa mga kapwa malalapit din kay Hen. Aguinaldo ang mga ito. Si Mabini, siyempre pa, ay naging Kalihim at tagapayo ni Aguinaldo. Si Alvarez ay naging kaibigan ng kontrobersyal na pinuno at kapwa Kabiteno pa nito. Si Ricarte naman ay tanyag sa prinsipyo nito laban sa imperyalistang Amerikano at sa pagdakila nito kina Rizal at Bonifacio habang naka-exile sa bansang Hapon kahit na may nagsasabing tuluyan daw itong kumampi sa kampo ni Aguinaldo at palihim pang nagpayo na tuluyang iligpit si Bonifacio noong 1897.

Ang tungkol sa mga pahayag ni berdugo Lazaro Makapagal, kapatid na babae ni Supremo, at paghukay sa mga buto ni Bonifacio ay mga nalathala sa pahayagan na kinalap ng mga mananaliksik ng Pambansang Komisyon (Suriang) Pangkasaysayan sa loob ng mahabang panahon (at inilabas na may kinikilingang opinyon ni G. Ambeth Ocampo, naging pinuno nito sa panahon ng administrasyon ni Gloria Macapagal Arroyo). Ang tungkol sa oral history naman ng mga taga-Maragondon, lalawigan ng Kabite ay mula sa pag-aaral ni Prop. Daniel Aragon, isang Kabitenyo. Sa madaling salita, ang mga primary sources ay mga patas at masasabi pa ngang kataka-takang hindi pumapanig sa kampo ni Aguinaldo. Ang mga lathain namang naglalaman ng mga pahayag mula 1920s at ang Kastilang website ay naglimbag lamang ng kanilang mga panayam o sipi (ng imahe ni Bonifacio mula sa lathaing "La Ilustración Española y Americana"). May iba ring pinagkunan, tulad ng mga libro o libro ng historyador na sina Milagros Guerrero at Dok Zeus Salazar, sinasabing 'Ama ng Pantayong Pananaw.'

Pagwawakas

Kung ano raw ang ating kainin, iyon tayo. Kung ano ang pinapakain sa atin o kinakain ng ating mga isip, iyon ang ating kamalayan. Sa terminolohiya ng information systems,  GIGO--garbage in, garbage out. Kung tahi-tahi at kathang-propaganda ang pagkakakilala sa mga bayani at kontra-bayani, lalabas na mito ang ating kamalayang pagkabansa.

Masidhi, malakas, at maimpluwensya ang mga nagpapakalat ng kasinungalingang paninira at pagmemenos sa Pangulong Bonifacio at sa Katipunan. Marami sila, hindi iilan, hindi lamang si Hen. Aguinaldo na hindi malayong napaikot din ng mas mapanggamit/mapanlinlang dito dahil wala pa itong edad 30 nang mga panahong inagawan niya ng kapangyarihan at pinapaslang ang Supremo. May mga pwersang panglipunan nga na ayaw maituro ang mga wasto o moral na mga aral ng Katipunan. Dagdagan ko pa na may mga pwersa sa ating lipunan na ayaw maparusahan sa mga kasalanan nila sa Supremo, sa Katipunan at mga turo at prinsipyo nito, at sa bayan.

Kung hindi tayo mag-iingat sa mga pinapayagaan nating pumasok natin sa kaisipan, magiging mga manikang pinapaikot lang tayo ng mga pwersang gahaman, makasarili at kalaban ng katotohanan. Hindi tayo makakarating sa kalagayang maayos kung saan buo ang ating kamalayang Pilipino at namamayani ang kapatiran, katarungan, kalayaang tunay, at kaunlarang nag-iingat sa kalikasan. Kung maiwawasto ang pagkakasulat sa kasaysayan ukol kay Supremo at Katipunan na pangunahing kumilos para sa ating kalayaan at pagkabansa, malamang ay maisunod na ang iba pa at maiwasto na rin sa wakas ang kasalukuyan nating kalahating-mitong historiograpiya. Sa ganoong paraan ay baka mapagkaisa na ang ating lahi sa kabansaang hindi tuta, bukas ngunit katutubo at makakalikasan, at makatarungan sa lahat.



HUWAG Hong Kalimutan, Pagtuntong ng Taon 2013 isang buwan mula ngayon ay BONIFACIO 150 NA! Magkita-kita ho tayong muli. :)


*********

Mainam din hong basahin ang mga piling iba pa sa Bonifacio Series:

The HACKING of the SUPREMO, Unang Bahagi (Bonifacio Series VII). http://forthephilippines.blogspot.com/2012/05/hacking-of-supremo-unang-bahagi.html

Andres Bonifacio, Unang Pangulo ng 'Pilipinas': Setting the Historiographic Record Straight (Bonifacio Series VI). http://forthephilippines.blogspot.com/2011/12/andres-bonifacio-unang-pangulo-ng.html

Tragedy of the Katipunan (Bonifacio Series IV). http://forthephilippines.blogspot.com/2011/05/tragedy-of-katipunan-assassination-cum.html

Gat Andres Bonifacio: The Anti-Colonial National Hero of the Philippines (Bonifacio Series I). http://forthephilippines.blogspot.com/2008/11/andres-anti-colonial-national-hero-of.html




***********

Mga Batis:

Alvarez, Santiago. The Katipunan and the Revolution: Memoirs of a General: with the original Tagalog text. Paula Carolina S. Malay. Trans. Ateneo de Manila University Press, 1992. http://books.google.com/books/about/The_katipunan_and_the_revolution.html?id=F3q-krDckHwC

Artemio Ricarte Declaration date 24 March 1897. Filipiniana.net. http://www.filipiniana.net/publication/artemio-ricarte-declaration-dated-24-march-1897/12791881635983

Chua, Michael Charlestone. XIAOTIME, 29 November 2012: UNDRESS BONIFACIO, Ang Supremo Bilang Pinunong Militar. http://xiaochua.wordpress.com/2012/11/29/xiaotime-29-november-2012-undress-bonifacio-ang-supremo-bilang-pinunong-militar/

Guerrero, Milagros, Emmanuel Encarnacion, and Ramon Villegas. Andres Bonifacio and the 1896 Revolution. In Sulyap Kultura. National Commission for Culture and the Arts, 1996. NCCA Site. 16 June 2003. http://www.ncca.gov.ph/about-culture-and-arts/articles-on-c-n-a/article.php?i=5&subcat=13

La Revolución filipina (1896-1898).  http://www.museo-oriental.es/ver_didactica.asp?clave=138&loc=0

Ocampo, Ambeth. Bonifacio’s teeth, Rizal’s breath. Inquirer.net. March 9, 2012. http://opinion.inquirer.net/24571/bonifacio’s-teeth-rizal’s-breath

Ocampo, Ambeth. The execution of Bonifacio. Inquirer.net. May 15, 2009. http://opinion.inquirer.net/inquireropinion/columns/view/20090515-205102/The-execution-of-Bonifacio

Ocampo, Ambeth. Urban Legends. Inquirer.net. March 13, 2012. http://opinion.inquirer.net/24903/urban-legends

Retana, Wenceslao. "El Marat Filipino," El Renacimiento, 26 de Marzo 1908

Salazar, Zeus A. Kasaysayan ng Kapilipinuhan: Bagong Balangkas. Lungsod ng Quezon. 2004 Disyembre. http://www.google.com.ph/url?

________________. Si Bonifacio bilang Pinunong Militar. http://blog-by-taga-ilog-news.blogspot.com/2012/05/si-bonifacio-bilang-pinunong-militar.html

Friday, July 13, 2012

Isang Paglalarawan ng American Colonial MisEducation

Unang inilimbag noong Mayo 2012, inayos


HINDI ko rin minsan masisi kung bakit may ilan/marami sa tabi-tabi na pag nakakanti ang imperyalistang Kalbong Agila ay na.hi-highblood, nagagalit, minsan ay nagmumura pa... Balikan po natin ang mga itinuro sa atin noong American Colonial Period.

The emblem of Bald Eagle IMPERIALISM. The primary tool of imperialism--COLONIAL misEDUCATION.... Sa ginawang Brainwashing sa ating mga ninuno o mga lola at lola, magtataka pa ba tayo na hindi alam ng iba/marami diyan ang Philippine-American WAR (1899-1914) at ang alam lang ay Filipino-American "FRIENDSHIP"????




Ang Watawat daw ba naman nila--mga Amerikano--ay itinurong siyang Atin din, ayon sa kaliwang bahagi ng larawan sa itaas.... Matapos madugo nilang nakawin ang ating kasarinlan gamit ang nakakasuka de kakatwang Treaty of Paris at rasista de malupit nilang militar na kumitil sa lampas milyong Pilipino/Pilipina (directly & indirectly). Kabilang lang naman po sa mga biktima ng kasamaan at kasakiman sa yamang lupa/tubig/teritoryo ng imperyalista ay sina Hen. Macario Sakay, Hen. Lucio San Miguel, at Hen. Gregorio del Pilar noong Digmaang Pilipino-Amerikano. Makaraang magpatupad ang Estados Unidos ng FLAG Law of 1907 na nagbabawal sa paglantad ng bandila ng Republika (ni Aguinaldo) o ng Katipunan, ituturo na ang Stars & Stripes daw ang ating bandila!!!???

Kasama sa pang-uuto sa atin ay ang pagtuturo ng kanilang BANYAGANG WIKA. Sinasabi nga ng linguistic determinism theory: worldview is determined/influenced by verbal language and/or a language's structures grammar-wise, inherent ontologies, and distinctions semantics-wise. Dagdag pa ay patriarchal ang wikang ito, di tulad ng ating wikang Pilipino/Tagalog na patas sa kababaihan kahit papaano. Opo, patriarchal dahil sa wikang Ingles ay ang lalaking kasarian ang 'norm'-- "chairman," "mankind," atbp. Kahit hanggang ngayon ay inirereklamo ng mga feminista ang patuloy na sexism ng wika/lipunang Amerika. Sa madaling salita, dahil wikang Ingles ang pinagamit sa atin (at hanggang ngayon ay isa sa opisyal na wika), worldview ng mga Kano ang nananaig sa atin imbes na ang sa atin, kabilang ang pagiging taliwas sa ating kalinangang at kulturang mabait o patas sa kababaihan.

Ang Pilipinas/Tagalog/Taga-Ilog/Maharlika ang kauna-unahang malayang bansa na biniktima ng malupit na militar nito. May mga nauna nang sinakop ang Estados Unidos katulad ng Hawaii subali't ang ating bayan ang unang lumaban ng todo at nang may kagitingan (kahit may mga traydor mula Appari hanggang Jolo). And that United States has NOT yet apologized for their Fil.Am war crimes--stealing of our independence and our land, the rapes of Filipinas, the water cure tortures, reconcentration camps, the racist insults, the genocidal murders. Ang mga nasa ilalim ng patuloy na kontrol ng Kalbong Agila--ang mga colonial-minded, ika nga, walang alam kundi ihambing ang U.S. sa bansang Hapon na kesyo mas malupit daw, mas maraming pinatay, atbp. Hindi natin masisisi ng lubos kung bakit hindi nila makita o hindi alam na ang Hapon ay humingi na ng tawad sa mga ginawa nitong noong Ikalawang Digmaan Pandaigdig samantalang ang Amerika ay hindi pa? Ang Hapon ay nagbayad pa nga ng reparation sa atin kahit papaano. Japan, which was A.bombed by that imperialist nation, had the decency to apologize to the Filipinos. ... Wonder who are the real barbarians....

Dahil sa continuing o entrenched na colonial miseducation ay marami sa atin ang 'docile' o yumakap ng husto sa Amerika. Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig daw ay nagulat nga daw si Hen. Artemio Ricarte sa sobrang pro.Kano ng utak ng ating mga kababayan samantalang noong Fil.Am War ay kaaway na mananakop ang tingin sa Kalbong Agila...... Hanggang ngayon, dahil sa pamamagitan ng mga elit na traydor o walang pagpapahalaga sa bayan ay hawak nila ang, o malakas ang impluwensa nila sa, sistema, kabilang ang mahalagang educational system na makikita sa mali o baluktot na kasaysayang tinuro sa atin.... Fil.Am War na lamang, glossed over at justified na pananakop ng Amerika ang bersyong itinuro sa atin ng mainstream education subali't napakarami palang atrocities, napakasinungaling at mang.uuto pala ng Imperyalista.

Imulat po natin ang ating mga mata. Mahalin ang ating sariling wika, watawat, lahi, kasaysayang tunay. Sa atin hong mas mulat, subukan ho nating labanan ang patuloy na colonial miseducation gamit hindi lamang ang mga paaralan kundi pati ang yellow mainstream media. Alamin ang ating kasaysayan, ang kasaysayan ng ating relasyon sa "stateside" na bansa.


______


 

Celoza, Albert. Ferdinand Marcos and the Philippines: The Political Economy of Authoritarianism. Greenwood Publishing Group, 1997

Schirmer, Daniel B. and Stephen Rosskamm Shalom. The Philippines Reader: A History of Colonialism, Neocolonialism, Dictatorship, and Resistance. South End Press, 1987. Pages:


_____

Raw Photo Credit:
Paolo Paddeu

Thursday, May 03, 2012

Paano na ang Masaker ng EDSA TRES (3)?

KAHIT ANUMAN and politikal na Kulay o Pinanggalingan o Antas ng Buhay, Edukasyon, o Ideolohiya (malalim man o 'mababaw), lahat ho ay may karapatang mag.protesta, marinig ang boses, mag.EDSA, at mabigyang proteksyon ang kanilang Karapatang Pantao. Mabilang ang tinig na sa tunay na demokrasya ay nailalabas sa boto pag eleksyon at hindi mayurakan o mabalewala ang botong iyon.  Hindi mabubuo kailanman ang bayan kung "class" n'yo lamang ang may karapatan at ang iba ay wala. 

Kaya nakakapagtaka, kung hindi man nakakasulasok, kung bakit pilit ibinabaon sa kasaysayan ng bayan ang EDSA 3 "People Power." Labing-isang (11) taon na mula ang madugong pagpatay sa ilang nag-protesta noong EDSA 3 na sumiklab nang arestuhin ang tinanggal nila sa pwesto na si Pangulong Joseph Erap Estrada noong ika-25 ng buwan ng Abril 2001. Limang araw at gabi tumagal ang Ikatlong EDSA, April 26-Mayo 1, 2001. Mas marami pa ngang hindi hamak ang taong nagpunta sa EDSA Shrine bilang pagsuporta kay Erap at sa Saligang-Batas subali't bakit pilit na minemenos ang EDSA 3 at kinalilimutan pa ang mga NAMASAKER dito? Ano, sub-Filipino, sub-human mga nag.EDSA 3 at kayo lang ang may K????.... Kawikaan nga sa KATIPUNAN ni Supremo Andres Bonifacio y de Castro, lahat tayo ay magKAKAPATID, kaya lahat ay may Karapatang Pantao, karapatang mabilang at hindi mayurakan ang boto, karapatang mag.protesta, at karapatang mag.EDSA na hindi ma.masaker....

EDSA TRES (3)...for journalist Herman Tiu-Laurel, is:
...an event that many seem to desire to forget, many seem to want to erase from our the pages of Philippine history. It was a day when the masses of the Filipino people genuinely, the massses of the Filipino people expressed themselves and let their voice be heard. This is not just the laboring class. This is not just the general population. This was what it called itself the "Poor People Power." You still remember that? That was EDSA 3. And so we will not let this month pass and the date May 1 pass without recalling those crucial events that led to the EDSA 3 march-protest and, in fact, some would say "massacre." Do you still remember the blood that was shed on that day? Many people want us to forget but we will not forget.... a dozen or more died without being remembered.

The March & Massacre

The unsuccessful EDSA 3 of May 2001, a real revolution that aimed to rectify the fallacy of the EDSA 2 power grab but which pathetically failed because the elites arrogated unto themselves the exclusive claim to EDSA. Buried in history, its importance was both undermined and misread by the elites and the Left. Hitik sa suporta ng tao ang Ikatatlong EDSA. Walang binatbat ang pangalawa na nais nitong itama. Ayon sa nakasaksi at tumutok pa: "...yung ulo, lumanding na sa J.P. Laurel, yung buntot, naka.curve pa doon sa kanto ng... Aurora-Gilmore-Granada. Ganoong kahaba." 

Subali't hindi naging panangga laban sa pang-iinsulto at masaker ang dami ng "Poor People Power" na ito. Blood was let from the bodies of unnamed, unaccounted for fatal victims of EDSA 3. Lampas isang dekada na subali't wala pa ring katarungan at pilit inililibing sa kasaysayan ng bayan. Ni hindi nga alam kung ilan exactly ang namatay--mga labingdalawa (12) ang minimum na estimate pero marami ang nagsasabing higit pa. WALA kasing imbestigasyon sa masaker. Ganoon na lang. Wala.

Makikita dito sa video na EDSA 3 REVISITED na malinaw na may isang namamaril gamit ang .45 na baril at maraming dugo ang dumanak sa isang pa lamang na lugar na nakuhanan ng camera. May mga snipers pa! Ayon sa paglalahad ni Ronald Lumbao ay sa Sta. Mesa pa lang ay una na silang pinaputukan at doon unang dumanak ang dugo ng EDSA 3. Pagdating ng mga marcher.protesters sa Mendiola, nang nagdarasal sila ay nagpaulan ulit ng baril ang pulis o anu pang elementong kasama nila. It's not clear how many EDSA 3 supporters were exactly killed but I remember Sen. Edgardo Angara lamenting on TV why no investigation was made into the deadly operation. Bakit ganoon? Bakit walang katarungan at pilit bang binubura ang mga pangyayari. Ano yan, pag hindi ninyo tipo, pag hindi class, pag hindi mabango, pag hindi malalim daw ang idelohiya ay bale wala ang mga buhay ng mga pinatay ng estadong nang-agaw ng kapangyarihan walang dayang ibinigay ng karamihan sa taumbayan????



Backgrounder: EDSA 2 Power Grab

Earlier in January of the same year, a conspiracy of political, business, and military elites with connivance of the Catholic Church in general as well as the Left, extra-constitutionally deposed then-sitting President Estrada. They accused him of massive corruption, supposedly taking jueteng kickbacks and then forced into motion the impeachment of Erap. When it became clear that the Senate impeachment court would clear Erap of charges, the prosecution walked out and the conspirators abandoned the legal process. In the words of Chief Justice Cecilia Munoz Palma: 
The 1987 Constitution suffered. This happened when the ongoing impeachment trial of President Joseph Estrada, was unceremoniously disrupted and discontinued, and the issues on hand were brought to the streets. The rule of law was set aside and the rule of force prevailed.

Na ang EDSA 2 na nagpatalsik kay Estrada ay isang masamang kuntsabahan ay malinaw na lumabas makaraan ang samu't saring pag-aaral ng sari-saring mga entities at manunulat. No less than veteran journalist and former dean of University of the Philippines College of Mass Communications Luis Teodoro exposed that. Ayon kay Teodoro: "Gloria Macapagal -Arroyo came to power in 2001 with the help of the US and its local allies in the Church, the military and the business community." Former President Fidel V. Ramos, whom the Erap administration was chasing over the Centennial Expo and PEA-AMARI corruption scandals, is notorious for hating Erap and was found to have actually schemed to prevent the presidency of Estrada.  In 1999, a Senate Blue Ribbon investigation produced the testimony indicating that the people at the Centennial Exposition project were asking contractors for LAKAS campaign contributions because they were "desperate in (sic) coming up with all means and money to prevent Erap from winning in the elections."

Nang taon ding iyon ay lumabas ang mga ulat ni Emil Jurado ng Manila Standard na may nilulutong destabilization na pagkilos laban kay Estrada at gamit ang ilang media o media people dito. Pagkatapos, sa sumunod na taon ay naglabas ang Daily Tribune ng  balitang niluto sa palasyo ng Archbishop ng Manila ang  planong pagpapatalsik kay Erap. According to the 2000 report, "representatives of business groups and Catholic Church leaders as well as representatives of celebrated personalities, came together and met formally early this month to fine tune the plan to "constitutionally" oust President Estrada under "Oplan Excelsis."

Ang mga Kontra-Masa at Nagbulag-bulagan sa Masaker noong EDSA 3

Sinasabing ang kakulangan ng military component ang nagpaiba (at nagpatalo) sa EDSA 3 kung ihahambing sa dalawang naunang EDSA "People Power." Subali't may isa pang mahalagang elemento na kaiba sa EDSA 3-- sa naunang People Power ay HINDI ginamitang ng DAHAS ng nakaupo ang mga nagprotesta samantalang sa EDSA 3 ay walang puso ginamitan ng kamay na bakal, ng nagmasaker na kamay na bakal ang mga nagprotesta. Dito makikita kung sino talaga ang moral, ang kahit papaano ay may pagmamahal sa bayan at/o paggalang sa demokrasya.

Civil Evil Society

Maliban kay Gloria Arroyo, Fidel V. Ramos, Cory C. Aquino, Jaime Cardinal Sin, mga heneral ng militar at kapulisan na sina Larry Mendoza at Angelo Reyes, ang mga Ayala's at iba pang seditious business people, ang evil Civil Society at pati ang Kaliwa ay may sala hindi lamang sa kuntsabahan na patalsikin ang tunay na hinalal na bayan kundi sa Pagpatay o Hindi Paghingi ng katarungan sa mga minasaker noong EDSA 3. The evil civil society people are also murderous in the sense that they looked the other way when Arroyo's government killed unnumbered pro-Erap protesters on May 1, 2001. They put the blame on the protesters and did not seek investigation on the deaths. Insultong umaatikabo pa nga ang pinukol sa masa ng EDSA 3. Pangisi pa ngang sinabi sa TV nitong si Alex Magno, guro sa Departamento ng Kasaysayan ng Unibersidad ng Pilipinas, na ang 'People Power' daw ng mga masa ay simpleng 'devoid of political power.'

Yellow Media

Kasama dito sa evil Civil Society ang Dilaw na mainstream media. Despite the sacrifice of blood let from the dispersal of Edsa 3, the media generally dismissed the urban revolution of the masses. Such media snootiness (if not heartlessness) against Erap's masa supporters is perhaps best represented by veteran journalist Rowena Carranza's article with a title that says it all: "Excuse me, Please Don't call it People Power III."

Activist and EDSA 3 leader Ronald Lumbao said articulated it well:

Doon nga sila nagkaroon ng galit sapagkat hindi natin makita ang fairness doon sa mga media na talagang nagpakita noong Ikalawang EDSA na iyon na raw ang totoong tinig ng nakakaraming mamamayan sa ilalim ng demokrasya. Kung kaya't parang gusto rin nating silang tanungin: ngayon na nagpapakita rin ng kanyang kapangyarihan at opinyon ang masang mamamayan na naka.tsinelas lamang, ang iba nakahubad nguni't Pilipino pa rin. Iyon bang pagiging makahirap namin ay kasalanan at iyon ba ay hindi na dapat na pakinggan sapagkat kami ay hindi nagkaroon ng balat na maputi, hindi maganda ang aming amoy, at wala kaming magandang damit at hindi kami nakasapatos na maganda at wala kaming kotse.
 
Misguided Left/Leftists

Even the leftist segment of the civil society did not bother to assail the violent dispersal at sa totoo ay kasama pa sila sa tangkang PAGHARANG sa mga EDSA 3 supporters na nag.martsa papuntang Malacanang. Ayon sa kuwento nina Ka Mentong, Larry Alcuaz, at Ronald Lumbao, sa San Beda patagong nagkumpol sina Randy David, Constantino, atbp. (at sina Satur Ocampo base sa sarili nitong ulat). Noong EDSA 2 Power Grab ay kasama sina Ocampo, et al. sa nagmartsa sa Malacanang na may halo pang pananakot sa pamahalaan ni Estrada. Bakit, sila lang ba ang may karapatang magmartsa sa Malacanang? Pag Poor People Power walang K?

Sabihin pa, lumabas na nagpagamit ang mga anti-EDSA 3 na grupo sa San Beda, nagpagamit sa pamahalaang Arroyo, kay Mike Arroyo na nagplanong mag.mobilize ng dating EDSA. Ayon kay Alcuaz, isang instigator ng EDSA 2, kumilos ang mga Arroyo para gamitin sa mobilization na pantapat sa EDSA 3 ang mga maiingay noong EDSA 2.


Sinful Church

 
Malakas na elemento ng EDSA 2 Power Grab na nanginsulto na pro-Erap na masa at, malala pa, ay walang pakialam sa minasaker noong EDSA 3, ay ang Simbahang Katokika dito sa Pilipinas. Sinful Cardinal Sin categorized them as the "great unwashed" not eligible for the holy Latin privilege of "vox populi, vox dei." Ang isang kuwarto mismo sa EDSA Shrine mismo ay ginamit ng mga power grab participants noong EDSA 2 subali't matapos ang EDSA 3 ay pinagbawal na ang pag-rally sa Shrine para hindi na raw maulit ang ginawa noong EDSA 3. Oo nga pala, ang mga eskwelahang nasa ilalim ng impluwensya ng Simnbahan katulad ng Ateneo University ay pinilit ang ang mga mag-aaral nito na pumunta sa EDSA 2 at may mga puwedeng magpatototo niya. Anupaman, ang Ateneo University at iba pang Katoliko raw na paaaralan ay sumigaw ba ng katarungan para sa mga namasaker noong EDSA 3?
 


Sino Nga Ba ang Hindi Alam ang Kanilang Ginagawa?

Ang isang madalas gamiting basehan kung bakit OK lang daw maliitin ang EDSA 3 (and by extension, the massacre) ay dahil hindi daw alam ng milyon kataong nagpunta doon ang kanilang ginagawa. Kesyo dahil daw kulang sa pinag-aralan ang karamihan ng nagpunta roon ay mga nagamit lang daw o hindi raw naiintindihan talaga ang isyu. Talaga lang ha?

Those who were gullible enough to join EDSA 2—at least those who were not part of the conspirators who aimed for nothing but power grab—had no idea that the "People Power" 2 power grab was cooked up early enough during Erap’s term--that Ramos' camp expressed plan to use Centennial Expo funds to block Erap's election, that the elites and Cardinal Sin cooked up the Erap-ouster plan Oplan Excelsis, that the imperialist United State at least gave the blessing to coup plot, that the texting messages to go to EDSA was centralized.

Moreover,the gullible mob and fans of EDSA 2 also amazingly buy the storyline that their "People Power" was "bloodless." Hanggang ngayon, marami sa kanila ang hindi alam o hindi matanggap na tinakot ng mga conspirators ang kampo ni Pangulong Erap na dadanak ng dugo at sina D._.M. “whistle-blower” Chavit Singson, First Gentle—g at seditious na mga pinunong militar ay may napakadugong Plan B kung sakaling magmatigas ang nakaupo. Kung ito man ay naging bloodless ito ay dahil nagparaya o/at umalis ng Malacanang si Estrada dahil ang pwersang nagluto ng EDSA 2 ay handang pumatay.

Hindi kaya dahil sa ang karamihan ng taga-EDSA 2 ay middle class ay mas malaki ang consumption nila ng propaganda material ng dilaw na media kung kaya ay mas madali silang napaikot ng mga manggaagaw ng kapangyarihan? Ayon sa Amerikanong linguist, cognitive scientist, pilosopo at aktibista na si Noam Chomsky, ang mga mas mataas ang pinag.aralan ay mas maraming propagandang tinatanggap sa pangkahalatan dahil mas madalas silang magbasa. Chaomsky's 'Manufacturing Consent' theory is essentially saying that (mainstream) media content is structured to restrict the expression of dissenting voices as part of a system of indoctrination under a supposed 'democratic' free press. Nakita ito sa Vietnam War. Sinulat ni Chaomsky:
Even at the peak of opposition to the U.S. war, only a minuscule portion of the intellectuals opposed the war out of principle—on the grounds that aggression is wrong. Most intellectuals came to oppose it well after leading business circles did—on the “pragmatic” grounds that the costs were too high.
Sino nga ba ang talagang estups o napaikot o hindi alam ang kanilang ginagawa? Ang taga-EDSA 3, na karamihan ay masang Pilipino/a, na nagtatanggol lang ng tunay at walang daya nilang inihalal at ayaw lumabas ng mga prosesong nakasaad sa Saligang Batas, nga ba? O ang taga EDSA 2 na inabandona ang impeachment process at nagluklok ng  sinasabing “Most Corrupt President in Philippine History,” na nagumpisa ng ‘culture of impunity at nagbigay sa Pilipino ng isa sa pinakamataas na electric power rates sa buong mundo?


The Forgotten, Unnamed Poor People Power Martyrs

EDSA 3, the more genuine People Power, not schemed by powerful conspirators only out to grab power. EDSA 3, the People Power that was more massive--in terms of EDSA street coverage and Filipinos amassed--that tried to undo the sacrilege of the pretender People Power, but was not allowed to. Nagprotesta sa EDSA 3 ang milyong Pilipino, na may suporta ng mas higit pa labas ng nasabing kalsada, dahil hindi sila natuwa na tinanggal si Erap hindi sa pamamagitan ng prosesong legal, ng impeachment court na kanilang inabandona, kundi sa pamamagitan ng kuntsabahan (ng mga political elites, Simbahan, business elites at mukhang pati Kalbong Agila) at paggamit sa hindi dapat nakikialam na militar. Ayon kay Lumbao:  
Kaya noong siya [Pangulong Erap] ay inaresto, nagalit ang mga mahihirap na nagdepensa ng matagal na panahon...  Nakita natin iyong mga pangyayari sa Middle East ngayon, unang-unang nagpakita ng kapangyarihan ang mga mahihihirap na talagang kung sino ang dapat na nakakarami ay siyang pakinggan sa lipunan. Nguni't parang hindi ganoon ang pangyayari dito sa ating bansa. Kaya pinilit nilang inaresto si Pangulong Erap dahil ito ang tanging hustipikasyon para siya maalis. At noong hindi na mapiligan ng masang mamamayan, ng masang mahihirap ang galit, doon nga lumabas na ang EDSA 3.

Ang EDSA 3 ay ang pagkilos na naglayong sanang itama ang kriminal na EDSA 2 Power Grab, ang extra.constitutional de 'stupid mob' na pang.aagaw ng lehitimong kapangyarihang mula sa malinis na boto ng taumbayan na binigay kay Pangulong Joseph Ejercito Estrada noong Halalan ng 1998. Nabigla ang taga-EDSA 2 sa pinakitang lakas ng pwersa ng EDSA 3. Sinubukang tapatang subali't hindi kinaya. Hinamak, ininsulto, walang raw "K," sabi ng mga pa-class, pa-intellectual, pa-powerful na power grabbers at hunghang na mga sumunod sa kanila noong EDSA 2. 

Higit sa panghahamak, ang iniluklok ng "peaceful" daw na EDSA 2, si Gloria Arroyo, ay ginamitan ng dahas ang walang kalaban-labang mga dukha na sumugod sa Malacanang--isang pagkilos na ginawa din naman ng  ng kampo nila noong Enero 2001. Ilan nga ba ang pinatay noong EDSA 3? Labindalawa o higit na higit pa? Sino-sino sila? Paano inilibing at saan? Alam ba ng mga pamilya nila? Baka tinakot pa ang mga pamilya ng mga biktima. Kasalanan ba nilang pinatay sila ng mga dmnyong pwersang nanaig noong EDSA 2? Ganoon na lang? Mga sub-humans, sub-Pilipino/a ba silang hindi na dapat bigyang katarungan? Kahit body count man lang, hindi n'yo ba kayang ibigay????





**********

Partial TRANSCRIPT of the Video "GNN/HTL EDSA 3 REVISITED" (URL: http://www.youtube.com/watch?v=sJ5QyUj0reI)

HERMAN TIU-LAUREL: "Let me paraphrase the oft-quoted saying that those who do not learn from history are doomed to repeat its mistakes. Recently we had May 1st, Labor Day. But there was another very significant event on that day ten years ago in our history... an event that many seem to desire to forget, many seem to want to erase from our the pages of Philippine history. It was a day when the masses of the Filipino people genuinely, the massses of the Filipino people expressed themselves and let their voice be heard. This is not just the laboring class. This is not just the general population. This is what it called itself the "Poor People Power." Do you still remember that? That was EDSA 3.

"And so we will not let this month pass and the date May 1 pass without recalling those crucial events that led to the EDSA 3 march-protest and, in fact, some would say "massacre." Do you still remember the blood that was shed on that day? Many people want us to forget but we will not forget.... a dozen or more died without being remembered."

DOCUMENTARY: President Erap Estrada Arrest, April 25, 2001... thousands of police in attendance outraged Filipinos who witnessed the spectacle converged at the EDSA Shrine in an unprecedented mass action. Yet against all consideration for their human rights, the hundreds of thousands of innocent Filipinos... parted this action were mercilessly and violently dispersed (EDSA 3, May 1, 2001 - camera zooms on ).

HTL: ...that was a one-minute clip but you could already sense, what I sensed I think as I was watching it in retrospect, the, the reality of the blood and the gruesome violence that was used against the poor who were unarmed, maybe(?) at worse, they had stones because they were compelled to pick up stones to fight back. But you saw the countless guns that barked (?) on that day. At sa totoo lang, hindi natin alam kung ilan ang talagang nasawi doon... Mayo 1 nagmartsa tungo sa Malacanang....

RONALD LIMBAO: Una, ang pinanggalingan naman talaga noon ay ang panggigipit nila kay Pangulong Estrada at iyong, ah, pagsasamasama ng naghaharing-uri, ng Simbahan at ng mayayaman para patalsikin si Pangulong Erap Estrada. Nakikita namin na yung kuntsabahan ay talagang isinagawa upang agawan ang masang mamamayan na naghalal kay Pangulong Erap ng kapangyarihan... na siyang may taglay at tangan noong si Pangulong Erap ang nanalo. Kung kaya't sa aming paniniwala, hindi nila inaasunto si Pangulong Erap o inaakusahan kung siya man ay may kasalanan o wala. Ang gusto lang talaga nila ay maalis si Pangulong Erap sapagkat hindi nila inaasahan na magkakaroon ng ganoong penomenon na ang mga mahihirap ay hindi na nila kayang madiktahan sa political process o sa, sa electoral process dito sa ating lipunan. Nagulat siguro sila at namangha na meron palang kapangyarihang ganoon ang mga mahihirap.

Kaya noong siya [Pangulong Erap] ay inaresto, nagalit ang mga mahihirap na nagdepensa ng matagal na panahon. Natatandaan mo siguro Ka Mentong [na] bago pa man nagkaroon sila ng EDSA 2 doon ay nagkaroon na ng pagdedepensa ang mga mamamayan. Nakita natin iyong mga pangyayari sa Middle East ngayon, unang-unang nagpakita ng kapangyarihan ang mga mahihihirap na talagang kung sino ang dapat na nakakarami ay siyang pakinggan sa lipunan. Nguni't parang hindi ganoon ang pangyayari dito sa ating bansa. Kaya pinilit nilang inaresto si Pangulong Erap dahil ito ang tanging hustipikasyon para siya maalis. At noong hindi na mapiligan ng masang mamamayan, ng masang mahihirap ang galit, doon nga lumabas na ang EDSA 3.

Limang araw kami doon sa EDSA [nagsimula sa Abril 25/26]. Limang araw na nandodoon kami. Nakita naman siguro ng lahat sa pamamagitan ng tanging media na nag.cover noon, na iyong bilang noon ay mas mahigit pa kumpara doon sa EDSA 2. Ang ikinagagalit ng mga tao noong panahon na iyon, kung kaya lumabas nang husto ang sobrang galit ay yung tanging nag.co.cover na media ay tinutukan pa ng tangke... ang Net 25, iyon ang nagbunsod ng matinding galit.

HTL: Ilang APC (Armore Personal Carrier) ang dumating doon? ...Eh yung mga malalaking media naman, ABS-CBN, GMA-7, ano naman ang reaksyon ng masa? Kasi importante rin iyon...

RL: Doon nga sila nagkaroon ng galit sapagkat hindi natin makita ang fairness doon sa mga media na talagang nagpakita noong Ikalawang EDSA na iyon na raw ang totoong tinig ng nakakaraming mamamayan sa ilalim ng demokrasya. Kung kaya't parang gusto rin nating silang tanungin: ngayon na nagpapakita rin ng kanyang kapangyarihan at opinyon ang masang mamamayan na naka.tsinelas lamang, ang iba nakahubad nguni't Pilipino pa rin. Iyon bang pagiging makahirap namin ay kasalanan at iyon ba ay hindi na dapat na pakinggan sapagkat kami ay hindi nagkaroon ng balat na maputi, hindi maganda ang aming amoy, at wala kaming magandang damit at hindi kami nakasapatos na maganda at wala kaming kotse.

HTL: Ronald, naalala ko, ewan ko kung ikaw... when I was in touch with you, hindi pa naman tayo masyadong magkakilala noon... sino kaya ang tine.text ko o tinatawagan ko na sabi ko 'bakit pa tayo mag.ma.martsa sa Malacanang, panalo na tayo, tagumpay na tayo dahil mas marami nga kaysa EDSA 2,' I don't think you were the one I was in touch with, ano? Hindi ko na maalala, but anyway, that was my reaction kasi, ah, nandoon ako noong unang araw, sabi ko hindi ito magtagagal so tawag ako sa bahay, pagka medyo mag.disperse na uuwi na ako. Eh nakatatlong araw na ako doon, palaki ng palaki pa eh. Noong panglimang araw, sabi ko panalo na ito, tapos na ito. Wala nang argumento yung EDSA 2. Tapos yun, nabalitaan ko na sa radyo, umuwi ako sandali, na nagma.martsa na, ang dami daw, patungong Malacanang... Anyway, what happened there?

RL: Noong gabi na iyon, nagkaroon ng pagpupulong ang political opposition kasama ako. At noong panahon na iyon, dinedesisyonan nila na itigil na ang protesta at pumunta na lamang sa eleksyon... sabi nga nila, wala naman daw suporta ang militar kung kaya't hayaan na lamang na ang eleksyon ang mag.resolba at magtapos ng isyu. Kaya lang, noong bumaba na ako, iyong haba ng nilakad ko mula doon sa building na pinanggalingan ko hanggang doon sa makapasok ako ulit sa stage, ang sabi sa akin ng mga tao: "Ka Ronald, pagka umalis pa tayo dito, hindi na kami maniniwala sa inyo. Kaya noong panahon na iyon, nakita ko na kung hindi magkakaroon ng tuldok ang ginawa noong panahon na iyon, matatalo pa siguro iyung political opposition during that time. Kinausap ko si Senator Enrile, 'Senator,' sabi ko 'baka po makaapekto pa po sa kampanya natin kapag hindi po kami gumawa ng desisyon.'

HTL: Dahil magkakaroon na ng eleksyon na noong taon na iyon, 2001, hindi ba? Senatorial [kampanya ng senatorial noong panahon na iyon within two weeks].

RL: Kaya nagpulong ang lahat ng leaders kung ano ang gagawin hanggang napagdesisyunan na tumulak papuntang Malacanang sapagka't iyon na rin naman talaga ang kagustuhan ng mga tao. Kasi para bang lumabas na pinahiya lamang kami, na nandoon ang masang mahihirap nang matagal na panahon, para bang tinakpan lang nila ang mukha nila, mata nila ng ganito [nagmustra ng takip-mata/mukha], at parang wala lang nangyari. So kung ang ibig sabihin, ang sinasabi nila ang demokrasya daw ay nakita doon sa, ang direct democracy ay nakita sa EDSA 1 at EDSA 2, ngayong [EDSA 3] ginawa ito ng mga mahihirap ay bakit hindi rin ito kilalanin kagaya ng pagkilala doon sa EDSA 1 at EDSA 2.

HTL: OK and last question before I go to Linggoy, iyong insidente na sa akin mahalaga, ah, sabi yung mga aktibista ng EDSA 2 ay nangharang pa sa martsa ninyo. Ikaw ba ay nandoon at nakita mo mismo? Sina Randy David, ah si Constantino ba daw kasama at ilan sa mga iyan, sa may San Beda raw.

RL: Noong paglapag namin, ng Mendiola, ay mayroon.... mga pulis na nagsabi sa amin. Sa totoo, iyong nagbukas mismo ng harang ay mga pulis na rin. Iyong pulis, nandodoon ako sa harapan, iyung pulis na rin mismo ang nagsabi sa akin: "Ronald, hindi namin kayo maaring papasukin pero para naman hindi kami mapahiya ay dumire-diretso na lang kayo, i.overpower n'yo na lang kami." I couldn't remember the name of that police...

HTL: and don't, hehe, he might get into trouble.

RL: And so, ang, pagkatapos na lumapag kami roon, sila na rin ang nagsabi na "Ka Ronald, sabihan mo na lang mga tao mo na huwag nang pakialaman ang mga nandoon sa San Beda na nagtatago." Sinabi nga niya kung sino-sino ang mga pangalan. Nag.announce naman ako sa microphone na kung meron mang kalaban doon, igalang na lang, hayaan na lamang....

Kaya lang, noong pinaputukan kami nang nag.open fire sila doon medyo... Ang unang putok doon sa may malapit sa PUP, iyon ang unang dugo ng EDSA [3]. Pagkatapos noong pagpasok namin...

HTL: PUP, so malayo pa sa Mendiola iyon. PUP nandoon pa sa Sta. Mesa... meroon nang unang putukan, ha?

RL: ...OO, doon ang putok, doon ang unang dugo, doon tinamaan. Pag baba namin doon sa may malapit na sa may papasok nang 7-11, binira na naman kami doon. Yung nakita ninyo [sa video clip] ah, .45 [caliber gun], naka.45 na pumuputok, doon iyon sa may lugar na iyon. Pumuputok siya. In fact, iyon, ang alam ko iyon ang tumestigo doon sa kaso ko na ang sinasabi niya ay inagawan daw siya ng baril at hindi naman daw siya pumuputok...

HTL: Eh siya nga ang nakahawak sa baril...

RL: Pagkatapos noon, pagbaba doon sa, naka, naka-landing na kami ng Mendiola, nagkakagulo doon sa may San Beda--iyon ang tinatanong mo sa akin--pero hindi na namin iyon inintindi. Ang ginawa, ang unang ginawa ko roon, doon pagkalapag na pagkalapag namin ay mamuno ng dasal. Hindi pa man natatapos ang dasal ko, binira na naman kami ng sunod-sunod na putok. Pagkatapos, binira na naman kami ng sunod.sunod na, na tear gas.

HTL: Ah, OK, bago tayo matapos sa ating unang bahagi, si Linggoy, anong recollection mo naman? Doon sa EDSA 2, instigador ka, with exclamation point and so on. And then noong EDSA 3, anong, ah... noong unang araw o unang gabi o pangalawang gabi, nag.text ako kay Linggoy dahil malapit kami, sabi ko bakit wala ka dito? Nandito talaga ang masang Pilipino. Akala ko para sa masa tayo. Iyon ang tinext ko kay Linggoy. Naalala mo yun? (Linggoy: "Oo."). Oh, anyway, magkuwento ka na doon from there...

LINGGOY ALCUAZ: Anyway, ganito, iyung punto ng tinatanong mo, iyung mga nasa San Beda, ito ang background noon. Ang backgrouond noon, before April 25 kung kailan inaresto si Pangulong Erap, nakipagpulong ako kay Marie xxx na anak ni Peping xxx. Ang sabi ko, nararamdaman ko, aarestuhin na si Erap. So dapat meron tayong contingency plan, so ang contingency plan namin, the moment na maaresto si Erap, that same night, magmi.meetng kami. Saan? Sa EDSA Shrine, kasi mayroong kuwarto roon, doon nag.mi.meeting noong EDSA 2. Unfortunately, noong inaresto si Erap, yung crowds ng Erap supporters na nandoon sa Club Filipino Ave., pumunta ng EDSA Shrine. So nag.meeting na lang kami, but not that night, the following day, doon po sa UP Parish, kay Fr. Robert Reyes.

Ok, so ganito ang nangyari: kami ni Marie ang nagsimula ng meeting. So somewhere in the middle, hinayjack ng ibang evil society at ganito ang nangyari. Iyon pala, may bumubulong, galing yata kay Mike Arroyo, ang gusto nila ay gamitin kaming panangga. So ang gusto nila, dahil meron nang Erap supporters sa [EDSA] Shrine, na iyung mga dating Edsa Dos, yung mga COMPHILDO, etc., i.mobilize din sa Malacanang. OK, pero sa meeting proper, na.defeat ang suggestion na iyon dahil sabi, eh yung pagharang, trabaho ng pulis iyon, hindi natin trabaho. Ang ginawa nila, minaniobra, pag.adjourn ng meeting, tinawag ulit yung meeting at minanipula na magkaroon ng mobilization doon sa Mendiola. Pero this is already Saturday afternoon.

Nguni't napakaliit ng mobilization, nagka.ano.ano,... mag.assemble sa NPC, etc., hindi gumanda iyong gusto ni FG [First Gentleman Mike Arroyo] na panangga, OK? Ah, by Sunday, ang rumors ay yung political opposition--ibig sabihin sina Senator Enrile--magpapakita ng solid mukha doon po sa EDSA at magkakaroon ng military-civilian component. Pero hindi po natuloy iyon noong Sunday.

HTL: OK, well, we have one minute before we take our break. Ah, your latest column on Opinyon is "EDSA 3 Ten Years Ago"... What's the gist of this column of yours?

LA: Hindi, ito po ang kuwento ko from my side. Kung ano ang nakikita ko. Basically, ang pinaka-importante ganito: No. 1, sa bilang ng tao, mas marami noong EDSA 3 kaysa EDSA 2; Pangalawa, pagdating sa lawak ng area, mas malawak kaysa noong EDSA 2; Pangatlo, kasi ako tinitingnan ko rin ang parking, ano, obviously, yung EDSA 2, medyo maraming middle class, mas maraming upper class, samantalang yung EDSA 3 ay talagang karamihan ay masa; OK, ngayon, finally, noong gabi noong April 30, in fact nasa Manila Peninsula kami, ang tumawag sa akin yung kapatid ko. Kasi ako kilala ko, ang kapatid ko hindi ko kamukha, siya ang pumapasok sa... yung gusto mong gawin ko, siya ang representative ko, nandoon siya, OK. Linggoy... huwag na kayong magpuyat, yung mga tao dito they don't look like puwede silang sumugod sa Malacanang. A few minutes later, siya naman umuwi na, a few minutes later nabalitaan namin na kumikilos na yung crowd sa EDSA Shrine patungong, hindi pa maliwanag. Kasi meroong papuntang Veterans, may pupuntang Ortigas, may Shaw Blvd. bago nagkaroon ng ano... Ngayon, yung kapatid ko saka ako, sinundan namin by, by car, yung martsa, ako sa kanan, siya sa kaliwa hanggang doon sa Sta. Mesa. And from there, I turned back. Ngayon, yung ulo, lumanding na sa J.P. Laurel, yung buntot, naka.curve pa doon sa kanto ng Gilmore at, sorry, Aurora-Gilmore-Granada. Ganoong kahaba.

HTL: We'll have to take our break but we'll have more, including the documentary, after this break... We are trying to compress a decade of history in just a little less than an hour. So bear with us, ah, we've showed the documentary clip on what happened during the march of EDSA 3 towards Malacanang, the gory details, and now, we're going to show the backgrouond that led to that EDSA 3... let's roll the documentary... beginning with the impeachment at the Senate and leading to the EDSA 3.

Documentary: ...that incriminating evidence was contained in the second envelope which was at the center of controversy of the trial. When the majority of the senator.judges voted to exclude the second envelope--correctly because it was not part of the formal complaint--"the No votes have it" [Chief Justice Hilario Davide speaks and pouts]... the prosecution... loses [much of Senate crowd walks out]. That was the signal for the conspiracy to close its ranks and marshall all its resources in the military, the church, business and media, to clinch the ouster.

It did so. And to avoid violence and..., he [President Estrada] quietly moved out of Malacanang [video shows Estrada and family waving farewell to supporters]. But he never once suggested that he intended to resign.

[in an interview, Davide speaks:] "I'll proceed to EDSA to administer the oath on the Vice-President as acting President... as acting President"

[Gloria Macapagal Arroyo oathtaking at EDSA Ave. reads:] I accept the privilege and responsibility to act as President... to act as President."

In the ensuing confusion, the conspiracy swore Gloria Arroyo into office against all tenets of the [1987] Constitution. The Constitution provides that the sitting President can be replaced only if he 1. resigns; 2. dies; 3. is incapacitated; or 4. is [successfully] impeached. Not one of these four conditions existed when the leader of the masses was uncemoniusly ousted.

Later in the (Feb. 21, 2001, Manila Peninsula) dinner hosted by her co-conspirators in the Council for Philippine Affairs or COPA, Arroyo paid tribute to those who helped make the power grab possible. Arroyo: "Maybe I should tell my version of some of the untold stories especially with regard to the military. And now that it can be told, I thing I should mention who they are. That group that I was meeting with since January was made up of General Larry Mendoza and Col. C.P. Garcia and retired Gen. Rios [applause] Art Carillo and he’s right there, [applause] Gen. Espinosa, whom everybody knows is my dear friend [applause] and ‘Spine’ is there, too, Gen. Braganza and actually ‘Boysie’ is another friend of mine….” [Video shows a newspaper headline that reads: GMA admists meeting military, defends Left."]

Leading luminaries in the international community condemned the ouster. Among others, Supreme Court Justice Cecilia Munoz Palma (Chairman, 1987 Constitutional Commission) said: The 1987 Constitution suffered. This happened when the ongoing impeachment trial of President Joseph Estrada, was unceremoniously disrupted and discontinued, and the issues on hand were brought to the streets. The rule of law was set aside and the rule of force prevailed."

Writing for the International Herald Tribune, Philip Bowring said: "Far from being a victory for democracy that is being claimed by leaders of the Anti-Estrada Movement such as Jaime Cardinal Sin, the evolution of [the Edsa 2] events have been a defeat for due process."

An Asiaweek editorial read: Again, therefore, whatever curious legal construction anyone may now attempt to put on the ouster of Estrada, he was ousted by a military coup, with the connivance of the leadership of the Roman Catholic Church and major business groups. One loser among the coup makers will be the Archbishop of Manila, Jaime Cardinal Sin, and his church."

Even the highly respected Lee Kuan Yew, interviewed by The Straits Times (January 26, 2001) weighed in with his thoughts: "The change of power in the Philippines was no boost for democracy because it was done outside the constitution…"

It has been confirmed that sin disobeyed the Vatican. (Video shows a newspaper headline that reads: "Sin oposed Vatican order, pushed Edsa II." Barely a month after the sealed second envelope was opned before the public on national television, revealing the owner of the controversial bank account to be businessman Jaime Dichaves and not the persecuted leader. (Video shows Malaya headline: "2nd envelope confirms Dichaves' 'Velarde' claim."

The conspiracy next resorted to blackmail and bribes in attempts to block an Estrada return and secure Arroyo's legitimacy. (Video shows newspaper news clip entitled "Erap free to leave RP, says DOJ). A Malacanang emissary in the person of Justice Secretary Hernando Perez offered first, a graceful exit in exchange for a signed resignation letter (Video shows Estrada clip where he says: "I will not resign." and a newspaper clip entitled "'Erap did not concede presidencel'"). And second, at a later date, a quiet back door exit with assurances... (Video shows a communication with the following highlighted: Perez asserted the government would no longer openly assist in the departure of the President but it would quietly do so. And like the first option, permission from the President to take out from the country such assets as he possessed or owned that were not under any claim of the government.") END OF VIDEO DOCU CLIP

HTL: And that back door exit that was offered to Erap, he was offered to take along everything, whatever he wants so long as he goes on exile. Erap refused that also and stayed to face the charges. Ah, we have to compress in the next 15 minutes all that we have to say about this. So I would... fast forward to... what are the lessons of history? After 2004, ah, Ronald Lumbao of Edsa 3, Linggoy Alcuaz of Edsa 2 got together in a new struggle against, now, the Gloria Macapagal regime.

AL: We'll try to have Edsa 4, 5, 6, Ok, that will never succeed... One lesson, on which side, the rebels or the status quo?

HTL: Both sides. As a nation, anong natutunan natin dito?

LA: ...hindi, praktikal ako eh. Sa status quo, yung gobyernong nakaupo, iyong incumbent, ang moral lesson, bago lumaki yung rally eh i.disperse mo na. Kasi ganoon po ang nangyari eh. Si Pangulong Erap, noong EDSA 2, hindi niya ginalaw yung rally noong... when it was small enough to disperse. Iyong EDSA 3, marahil kaya hindi na.disperse ay nasorpresa ang pamahalaan noong administrasyon ni Gloria nung yung mga supporter ni Erap na nandoon sa San Juan nang naaresto siya, tumuloy ng EDSA. Dahil ang akala nila, yung EDSA ay simbolismo iyon ng EDSA I, EDSA II. So they never expected na iyong mga supporters ni Erap doon pupunta... akala nila, sa Crame pupunta.

HTL: Ako before I go to... I'll bring out a few lessons. One, yung nagpapakita ng people power sa lansangan, napakahirap sabihin na iyon ang boses ng buong bansa kasi ang daming mga lugar at ang daming tao sa isang bansa at hindi magkakasya lahat kahit sa buong kahabaan ng EDSA, no? Second, napakahalaga ng media. And dapat talaga mabanggit iyan. So there are many more but with those two, I think two essentials are covered. So I now go to Ronald, anong lessons sa iyo?

RL: Siguro ang pinakamahalagang leksyon, na siya rin sigurong pinagmulan ng sobrang malaking problema sa korapsyon ay yung kapangyarihan ng militar na magdesisyun kung ang isa bang EDSA ay mananalo o hindi? Nakita natin iyan noong panahon ng EDSA 1 at panahon ng EDSA 2. Noong EDSA 3, eh talagang walang nagdesisyon na sumama. Naiintindihan natin ang dating Angie Reyes sapagkat eh wala pa siya halos na isang buwan doon sa puwesto ay... ibig sabihin, wala pa siyang pakinabang doon sa kanyang posisyon. Pero nakita natin pagkatapos dahil siya ang kinapitan ng husto ni Gng. Arroyo para manatili sila sa poder at hindi pansinin ang tinig ng taumbayan noong EDSA 3, nakita na lumabis naman ang pagmamalabis ng mga heneral na ginamit ni GMA para manatili siya sa poder ng kapangyarihan.

HTL: Dadagdag ko lang sa sinabi ninyong dalawa ito tapos dagdagan n'yo nang dalawa. Yung sinabi ni Ceclia Munoz Palma, the rule of force took over and the rule of law was set aside. Iyon ang nangyari sa EDSA 2, hindi ba? Na ang EDSA 3 nagprostesta subali't nang umasa sila na ang batas, yung batas iiral, hindi na nangyari at ang militar nga--yung sinasabi mo ngayon--ang nangibabaw....

____

MULI, NARITO PO ANG URL ng VIDEO na "GNN/HTL EDSA 3 REVISITED": http://www.youtube.com/watch?v=sJ5QyUj0reI

********






Mga Dagdag Batis:

 Carranza, Rowena. "Excuse me, Please Don't call it People Power III." Bulatlat. http://www.bulatlat.com/archive1/011excuse_me.htm


Chaomsky, Noam. Propaganda, American-style. http://www.zpub.com/un/chomsky.html

Key points in "Manufacturing Consent" a video about Noam Chomsky and American democracy. http://hope.journ.wwu.edu/tpilgrim/j190/Chomsky.summary.html


Florentino-Hofilena and Ian Sayson. Centennial Expo: Convenient Cover for Election Fundraising. (1999, June 14-16). Philippine Center for Investigative Journalism. http://www.pcij.org/stories/1999/expo.html

Rodis, Rodel. Estrada’s motive. Inquirer Global Nation. 09/24/2009. http://globalnation.inquirer.net/columns/columns/view/20090924-226724/Estradas-motive

Teodoro, Luis. The stake in our hearts. 13 Feb. 2009. http://www.luisteodoro.com/the-stake-in-our-hearts/

Cacho-Olivares. "Oust Estrada plot bared: Business, Church group behind 'Oplan Excelsis' "The Daily Tribune. 30 Oct. 2000. Originally posted in . Republished in http://www.network54.com/Forum/5345/viewall-page-213. Reposted further in Look Back: 'Oplan Excelsis' plot to oust then-RP President Joseph Estrada hatched in 2000. http://jesusabernardo.newsvine.com/_news/2009/10/10/3369444-look-back-oplan-excelsis-plot-to-oust-then-rp-president-joseph-estrada-hatched-in-2000?commentId=10000280



The Stupidity of the EDSA 2 “People Power” Gullibles Relived. http://jesusabernardo.newsvine.com/_news/2008/01/22/1246701-the-stupidity-of-the-edsa-2-people-power-gullibles-relived

The conspiracy of Edsa 2: how Gloria Arroyo managed not to let President Joseph Estrada finish his term. http://jesusabernardo.newsvine.com/_news/2008/02/25/1324358-the-conspiracy-of-edsa-2-how-gloria-arroyo-managed-not-to-let-president-joseph-estrada-finish-his-term



Photo credits:

Power Grab/EDSA 3 Documentary c/o GNN

BBC.com

Friday, March 23, 2012

The Most Dishonorable Bald Eagle Captors of the Capitulating Emilio Aguinaldo

NGAYONG araw, Marso 23, isandaan at labing-isang taon na ang nakakaraan ay bumagsak sa mga kamay ng imperyalistang Estados Unidos si Hen. Emilio Aguinaldo y Famy, Pangulo ng tumatakbong (First officially recognized) Republika ng Pilipinas noong kasagsagan ng Digmaang Pilipino-Amerikano (1899-1914). The Fil-Am War development showed the immorality and utter lack of honor of the Bald Eagle nation in its war conduct. As well, it revealed the lack of principle and patriotic resolve of the very de facto leader of our country when he rather readily swore allegiance to the enemy flag following his capture.

Aguinaldo was captured by imperialist American soldiers through a vile scheme involving trickery and the use of traitorous local mercenaries and two Philippine Republic army officers turned turncoats. Frederick Funston led the Bald Eagles who posed as prisoners of local Macabebe scouts who, in turn, pretended to form the reinforcements sent by Gen. Baldomero Aguinaldo and Gen. Urbano Lacuna in Palanan, Isabela. This method used by the U.S. military would be condemned by the Anti-Imperialist Americans, notably novelist Mark Twain who referred to Funston as having employed means "which would disgrace the lowest blatherskite that is doing time in any penitentiary."

Dapat alalahanin na sa Giyerang Pilipino-Amerikano noong nakaraang siglo ay nagpamalas ang mga kaaway na Kalbong Agila ng kanilang kahayupan. Noong una ay binubuhay pa ng mga Kano ang mahuhuling Pilipino pero kinalaunan nang ayaw magpa-awat ang magigiting na freedom fighters na Pinoy ay pinagpapapatay na lang nila ang natatalo nilang sumagupa sa kanila. Gumamit din sila ng brutal na torture tulad ng water torture, pagpatay kahit sa mga bata, concentration camps, at masaker kabilang sa mga Muslim sa Timog. Ang Samar, Batangas, at ang bundok ng Dajo ang tatlo sa mga piping lugar na nakakita ng kagimbal-gimbal na pagkitil ng buhay ng mananakop na Amerikano. Hindi nakakapagtakang siyam na Amerikanong sundalo ang naglabas ng open letter na nagsasabing: “the time has come to break the silence so that you will see the folly of ...fighting these people who are defending their country against the cruel American invasion....”

Maraming nag-aakala na ang mga Hapon noong Pangalawang Digmaang Pandaigdig ang tunay na malupit sa mga sumakop sa ating bayan. Kung isa-sang-alang-alang ang masidhing rasismo ng mga mga Amerikano, na tinawag pa tayong mga "savages" at mababa pa sa mga African American, ay mas barbaro sa kalupitan ang Kalbong Agila. Kahit papano ay hindi tayo tinuring na uncivilized na lahi ng mga Hapon. Kahit sabihin pang hindi lahat ng sundalo o opisyal na Amerikano ay rasista sa mga Pilipino, pinatupad ng imperyalista ang polisiyang pag-insulto sa ating lahi in the bid to justify its immoral, undemocratic conquest of our lands. Bald Eagle exponent of imperialism Sen. Albert J. Beveridge had the racist nerve to describe us as "not of a self-government race," and no less than fatso US President William Mckinley rationalized their conquest by claiming Filipinos are "unfit for self-government."

Sa mga hindi nakakaalam, ang Digmaang Pilipino-Amerikano (1899-1914), na sa matagal na panahon ay pilit na minamaliit ng Kalbong Agila bilang isang lamang "insureksyon" (nguni't napilitang itinama rin noong bandang 1980s sa records ng U.S. Library of Congress bilang "Philippine-American War), ay isa sa mga PINAKAMAHABA at PINAKAMALAKING giyerang pinasok nito labas sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ito ay kung pagbabasehan ang katotohanan na sa kasagsagan ng giyera ay nasa three quarters ng buong puwersa ng militar ng Amerika ay naka-deploy sa Pilipinas at umalis lamang ng buo ang mga sundalong Amerikano noong 1914.  

Maliban pa sa walang dangal na trickery ginamit ng Kalbong Agila, ang naging reaskyon ni Aguinaldo sa paghuli sa kanya ay nakakasulasok din. Instead of fighting the enemies to death if necessary as any military leader of a fighting nation is honorably expected to, he rather easily yielded to the imperialists. Ang masama pa, wala pang isang linggo mula nang mahuli ay sumumpa na ito katapatan sa kaaway na Estados Unidos.

Aguinaldo & Funston
Sinayang ni Aguinaldo ang pagkakataong linisin kahit papaano ang mga krimen niyang "asasinasyon" (terminong ginamit ni Apolinario Mabini) kina Supremo Andres Bonifacio at Hen. Antonio Luna, ika nga ni Julio Nakpil....na nagpatotoong siya rin ay pinagplanuhan ipapatay ni Aguinaldo. To quote Nakpil, it was "a cowardly act" not fighting his captors [and eventually swearing loyalty to the Bald Eagle]. Indeed, it was a cowardly act that demoralized the Philippine Republic soldiers and Katipuneros who kept fighting and laid to waste the bloody sacrifices of the likes of Gen. Gregorio del Pilar and men who let him escape while they delayed the pursuing imperialists.

Then again, his capture and swift swearing of fealty to the enemy only revealed Aguinaldo's true colors. A power-grabbing "leader" driven more by personal ambition and who coveted, and tried to maintain his hold on, the presidency by hook or by assassinating crook. By the way, Aguinaldo's full capitulation to the imperialist Americans got him handsomely paid--at least 300 hectares of choice friar lands that adjoin his Imus, Cavite hometown.

At hanggang ngayon ay narito pa rin ang mga pwersa ng Kalbong Agila sa bansang Pilipinas. Napatalsik nga ang mga Base Militar noon 1990s subali't ang mother treaty, ang RP-US Mutual Defense Treaty (MDT) [translation: really more of U.S. Imperialistic Defense] ay hindi ginagalaw. Kung kaya nga't nariyan pa rin ang Visiting Forces Agreement, ang tagong pakikialam tulad ng pagsira sa kandidatura at pagpatay kay Claro M. Recto at pagtutulak sa Moro substate, ang sinasabing tagong base militar sa Mindanao, ang panghahalay at pagpatay sa ilang mga Pilipina at Pilipino tulad ni Gregan Cardeño. Ang mga Aguinaldo ay hindi naman talaga nawala sa kapangyarihan o impluwensya kahit paano mula noon hanggang ngayon--pinaka-kilala na siguro si Cesar Virata, at hawak nila na naman ngayon ang lokal na kapangyarihan sa ilang bahagi ng Cavite.


At pati yung mga nauna nang yumakap sa kaaway na Amerikano mula sa kampo ni Aguinaldo, yang sina Pedro Paterno, Felipe Buencamino, at Cayetano Arellano--ang mga tulad nila ay namamayagpag pa rin. Ang pinakanakakasuka dito ay ang "Pangulo" B.S. Aquino na sinasabing iniluklok na patago ng--hulaan ninyo--Kalbong Agila sa pamamagitan ng kalokohang HOCUS PCOS na halalan noong Mayo 10, 2010 (nataong ika-113 na anibersaryo pa ng utos na pag-assassinate ni Aguinaldo sa inagawan-niya-ng-posisyon na si Supremo Andres Bonifacio)......... Ang nagsasabi lang naman na nakialam (na naman) ang Amerika sa halalan ng mga Pinoy ay ang rebolusyonaryong si Jose Maria Sison, ang Asian Nobel Prize recipient na si Nicanor Perlas, at ang napaka-ma.prinsipsyong at maka-simbahan na si JC de los Reyes.

Mukhang mawawala lamang ang damhong imperyalistang Kalbong Agila sa bayang ito pag ito ay bumagsak na. Ang ekonomiya niya ay medyo naghihingalo na kung kaya para na itong isang leong ulol de desperado na lahat ay gustong sakupin using puppet rebels in the guise of spreading and promoting "democracy" (yuk, our fallen freedom fighters should be tossing violently in their graves). Anupaman, hintay na lamang siguro tayong mga Pilipino/Tagalog/Taga-Ilog....

_____

 

Mga Batis:

Duka, C. Struggle for Freedom. Rex Bookstore.

Filipino Dies inside US Army Camp in Marawi. http://jesusabernardo.newsvine.com/_news/2010/03/10/4001355-filipino-dies-inside-us-army-camp-in-marawi-philippines-suicide-or-made-a-sex-pet

Ignacio, Abe, Enrique de la Cruz, Jorge Emmanuel and Helen Toribio. The Forbidden Book: The Philippine American War in Political Cartoons. T’Boli Publishing and Distribution, 2004 San Francisco. http://www.revolutionintheair.com/histstrategy/forbidbk.html

Julio Nakpil (1877-1960). http://www.oocities.org/valkyrie47no/julionakpil.htm

JUSTICE for GREGAN CARDEÑO MOVEMENT: Findings of the Mission. http://www.arkibongbayan.org/2010/2010-07July21-outnow/usoutnow.htm

Mabini, Apolinario. The Philippine Revolution. http://www.univie.ac.at/Voelkerkunde/apsis/aufi/history/mabini08.htm

Mallari, Mario. Erap: Bangsa Moro substate a mistake. 08/16/2011. http://www.tribuneonline.org/headlines/20110816hed4.html

Nicanor Perlas Biography. http://www.nicanor-perlas.com/About-Nicanor-Perlas/complete-biography.html

Nicanor Perlas's Facebook Status. 24 May 2010. http://www.facebook.com/profile.php?id=1797810896&v=wall&story_fbid=122128841151922&ref=mf

Olivarez, N. Noynoy ‘Amboy’ Aquino. http://www.tribuneonline.org/commentary/20110814com2.html

Simbulan, Roland. Covert Operations and the CIA's Hidden History in the Philippines. 18 Aug. 2000. Retrieved March 17, 2009,http://www.derechos.org/nizkor/filipinas/doc/cia.html.

Twain, Mark. Mark Twain's Autobiography. 1924. http://gutenberg.net.au/ebooks02/0200551h.html

Salamat, Marya. After 60 years, US-RP defense pact ‘proved useless, disadvantageous to Philippines’. http://bulatlat.com/main/2011/09/16/after-60-years-us-rp-defense-pact-proved-useless-disadvantageous-to-philippines/

Tiu-Laurel, H. The traitor class DIE HARD III Herman Tiu Laurel 08/08/2011. http://taga-ilog-news.blogspot.com/2011/08/traitor-class-die-hard-iii-herman-tiu.html

Bernardo, Jesusa. Foreign Powers Coercing the Filipino Masses for a Noynoy Aquino Presidency? http://jesusabernardo.newsvine.com/_news/2010/05/28/4382462-foreign-powers-coercing-the-filipino-masses-for-a-noynoy-aquino-presidency

_______. Salamat sa Pagtutol ni Erap sa Moro Substate. http://jesusabernardo.blogspot.com/2011/08/salamat-sa-pagtutol-ni-erap-sa-moro.html

_______. How Joma Sison first revealed the AQUINORROYO operations behind the May 10, 2010 automated poll fraud. How Joma Sison first revealed the AQUINORROYO operations behind the May 10, 2010 automated poll fraud

 

__________

Photo credits:

http://www.facebook.com/photo.php?fbid=1457117486591&set=t.100000402936380&theater

http://www.yonip.com/archives/history/history-000053.html  

http://www.freewebs.com/philippineamericanwar/thewarin19001901.htm


http://ecx.images-amazon.com/images/I/31BXQQ1MZJL._SL500_AA300_.jpg

Popular Posts