Tuesday, December 31, 2013

Bagong Taon, Palakasin ang Makabayang Paniniwala

Sa taong 2014--na sakop ang pagdiriwang ng bansa ng BONI@150--salubungin ho natin ang pagpasok ng Bagong Taon na may paniniwala na tunay tayong mangingibabaw hindi lamang sa di maiiwasang paghagupit na pwersa ng Kalikasan kundi lalo na sa mga masasama.ngunit.mapagkunwaring pwersang nagpapaikot sa atin at sumisipsip sa ating lakas...

Nasa imaheng ito ng aktibistang alagad ng sining na si Federico Boyd Sulapas Dominguez ang lahat na yata ng kahilingan para sa magandang kahihinatnan ng bayan na adhikain ng ating mga bayaning totoo, lalo na ng mga Katipunero/a, mga progresibo at makamasang pwersa sa kasalukuyan, kabilang na siguro ang PKP-MLM (CPP-NDF), maaring sina Pangulong Joseph Estrada, atbp., at ng blog na ito at kadikit na Taga-Ilog News sa Facebook.




Pansinin n'yo po ang lalim at lawak ng ipinahihiwatig ng guhit na ito:

1. Patas ang papel ng babae at lalaki sa ating kasaysayan at pagkabansa dahil may balanse ng gender kahit na mga lalaki naman talaga ang nagumpisa ng Himagsikan noon at ngayon(?--yung CPP-NDF?).

2. Industriyalisasyon kasabay ng maunlad na Agrikultura--siyang dapat lamang.

3. Pinakamahalaga siguro ay Nagapi si Kalbong Agila! Tingnan ninyo ang background sa gitna, nakalugmok at may luha ng dugo ang tantads na imperyalistang kumitil ng napakarami sa atin at ginawang zombie, kundi tahasang traydor, ang marami sa ating kababayan noon at ngayon.

4. Makikita rin sa parang background sa bandang ibaba, iyung alanganing kulay dilaw-luntian ang pagpapakita ng di-magandang kasaysayan ng bayan--kahirapan, kagutuman, masaker, sakunang mukhang dulot ng kalikasan, mga kalbong kagubatan--na mula dito ay bumangon at umunlad/tumaas tayo.

Napakalalim na mga simbolismo, at napakagandang pangyayaring isinalarawan, na magkatotoo sana kung tayong lahat na Pilipino/Tagalog/Taga-Ilog/Maharlika ay magsasama-sama.

Mabuhay ang ating lahi, ang ating Supremo Andres Bonifacio at kanilang mga adhikain sa Katipunan! Basbasan sana tayo ni Bathala ngayong 2014.

____

Pinagkunan ng Imahe:

Federico Boyd Sulapas Dominguez

.

Monday, April 22, 2013

Ang Nasirang Pangako ng UP at ang Pagpapakamatay ni Kristel


Kristel Pilar Mariz P. Tejada

Nausyaming Iskolar ng Bayan, UP Manila.
Nagpakamatay, biktima ng direksyong privatization ng edukasyon sa UP.

______

Mayo 10, 2012 - nag-enroll sa unang taon sa kolehiyo si Kristel.
- Nilagay siya sa Bracket D ng Socialized Tuition and Financial Assistance Program (STFAP)--ibig sabihin, kailangang magbayad ng P300 bawat unit.
- P9,172.50 ang kaubuang tuition, P2,795.50 lamang ang naibayad sabay kuha ng P6,377.00 na utang sa Office of Student Affairs.

Nobyembre 2012, naglabas ng kautusan ang UP Manila na nagbabawal na papasukin sa klase ang mga estudyanteng hindi makabayad sa oras.

Disyembre 19, 2012 pa lang nakabayad ng buo ang mga Tejada sa utang nila ng Unang Semestre. Ikalawang semestre ng S.Y. 2012-2013, unang taon pa lamang niya sa kolehiyo, napabilang si Kristel sa hindi makapasok dahil hindi makabayad si tatay na nagmamaneho ng taxi at nanay na taumbahay.

Marso 13, 2013, napilitang mag-Leave of Absence si Kristel. Sinurrender niya, ayon sa patakaran, ang kanyang UP I.D., Student # 2012-21614... Sinasabing malamang ikinadurog ito ng kanyang puso.

Marso 15, 2013, bandang alas tres ng umaga, natagpuang walang malay si Kristel. Nagsulat muna sa kanyang FB account na parang isang publikong paalam--na sana daw ay 'ma-miss siya'--bago uminom ng silver cleaner. Sinugod sa ospital pero deklaradong patay na nang dumating.

______


Ang nangyari kay Kristel, na dapat ay Iskolar ng Bayan dahil estudyante siya ng Unibersidad ng Pilipinas, pangunahing state university sa bansa, ay sumasalamin sa lalong pumapangit na estado ng edukasyon--ang komersyalisasyon ng mataas na edukasyon sa ilalim ng mga Dilaw. 


Bakit ang Dilaw ang Epal

Umpisa ng STFAP, Cory

Panahon ni Cory Aquino nagumpisa ang STFAP na kaakibat sa pagtrato sa UP bilang kalahating pribadong unibersidad. Itinaas ang tuition sa P300 kada unit para sa matataas ang kategorisasyon (Brackets 1-9 pa noon). Mabulaklak ang mga pambobolang ipinalabas noon ng UP upang palabasing kailangan ang STFAP. Kesyo raw para masuportahan ng mga mayayaman ang mga mahihirap na mag-aaral. Kasabay ay ang pagtaas ng base tuition sa P300 kada unit.

Matapos ang pito o walong taon, lumitaw na sa isang na pagaaral ang naging masamang epekto ng STFAP, ng mataas na tuition. Kumonti ang bilang ng mga nagtatagal at mga tumutuloy na pumasok sa mga pumasa sa UPCAT o entrance exam nito. Ako nga lamang ay dapat kumuha ng mas mataas na pag-aaral, kung wala ang epal na STFAP. Ayon sa 2007/2008 na pag-aaral:

"Statistically speaking, the STFAP has been unable to attract the lower income students to enter and further stay in UP. Since it was originally introduced in 1989, the trend has been towards increased Bracket 6-9 students, with majority belonging to the (highest-income) Bracket 9 population."


Lumalang STFAP, Sisihin ang EDSA 2

Mula sa paguumpisa ng STFAP na 'socialized' subalit tagong taas-tuition sa panahon ni Cory, sa ilalim naman ng Pekeng/Ilehitimong "Pangulo" Gloria Macapagal-Arroyo, na iniluklok ng mga seditious na epal na nagtanggal sa tunay na halal na si Joseph Erap Estrada noong 2001, tumindi ito. Binago at pinahigpit ang STFAP kung kaya ang dating qualified na maging libre sa basic tuition fees sa lumang sistema ay kinailangan nang magbayad.

Noong S.Y. 2007-2008, sa ilalim ng Restructured STFAP ay itinaas ng tumataginting na tatlong beses ang matrikula bawat unit: P1,000 kada unit na sa base/default Bracket 'B' at P1,5000 sa Bracket 'A.' Kung nasa 'poverty threshold' ang pamilya mo, o kumikita ng mga P10,500 kada buwan pababa, maari kang maging full iskolar na walang matrikula at maari pang may allowance SUBALIT napakahigpit ng proseso. Kung may tumutulong na kamag-anak sa iyo ay isasama ito, at pati ang pagkakaroon ng cellphone na SOP na sa buhay ngayon ay ibibilang at malamang sa hindi ay itataas ang iyong bracket. Ang bill ng kuryente ay hindi dapat tumaas sa P200! Hindi katakatakang kakaunti ang ang nasa kategoryang ito dahil bukod pa nga sa sadyang sobrang higpit ay sobrang baba ng deklaradong kita/income ng 'poverty threshold.' Wisyo na lamang, mahirap maging marunong kung malnourished ang iyon katawan.

Sa pangkalahatan, sa ilalim ng pinahigpit na STFAP sa panahon ni Arroyo, mas lalo pang kumonti ang mga iskolar, ang mga mahihirap na marurunong/deserving sanang pangunahing magaaral sa UP. Hindi mahirap makita na malaki ang naging papel ng Restructured STFAP sa lalong pagbaba ng bilang ng mga buong iskolar ng bayan, o iyong mga hindi na kinailangang magbayad ng matrikula. Ayon sa pagaaral ng Collegian, ang opisyal na organ ng UP, isa bawat limang undergraduate na estudyante ng UP ay nasa kategoryang libre ang tuition noong 1991 subalit pagdating ng 2010 ay isa na lamang kada 100 ang hindi kinailangang magbayad ng matrikula!


Mas Grabeng STFAP, BS Aquino


Sa ilalim naman ni 'Pangulo' A_Noy Aquino, na sinasabing ayon sa ilang mapri-prinsipyong personalidad ay nandaya sa HOCUS-PCOS na halalan ng Mayo 10, 2010, hindi napigil, kundi pinagpatuloy, ang pagtahak sa kontra-demokratikong mala-pribadong edukasyon sa U.P. Sa mga pahayag nito ay nilinaw niyang kanyang mala-kapitalistang plano para UP. Nais daw niya itong maging “self-sufficient and financially independent” at "income-generating, na tinatawag daw na “rationalization of public education policy.”

Kung kaya nga't sa panahon po ni 'Pangulong' Abs ay itinaas lang naman ang default bracket sa 'A' ayon sa 'Revised STAFP.' Ang ibig sabihin nito ay lahat ng estudyanteng pumapasok sa UP ay awtomatikong ang kategorisasyon nila ay ang magbayad ng P1,500 kada unit tuition pa lamang. Kung 21 units ang load mo, P31,500 ang babayaran mo sa matrikula pa lamang kada semestre. Kung mali ang iyong kategorisasyon ay ikaw ang maghabol, ang magsumite ng mga katunayang dapat sa mababang kategorya ka. 'Deferred' pa rin yata ang implementasyon nito dahil sa mga protesta subalit ilang taon nang nang lumabas ang kautusan at naghihintay na lamang ng tamang 'timing' o pag nalansi na muli nila ang atensyon ng publiko.

May mga ilang nalalagay naman sa kategoryang bracket E at D, o full scholar at kalahati/konting iskolar subalit kung noong unang ipinatupad ito ay mahigpit na, hirayain kung gaano mas humigpit ang proseso ngayon bago maging Bracket 'D' o 'E' ang isang estudyante. Malapit-lapit na sa pagpasok ng kamelyo sa butas ng karayom. Ebidensya dito ay ang kaso mismo ni Kristel na inilagay sa Bracket 'D' kahit na isang buwan pa lang nagkakatrabaho ng matino ang kanyang itay nang maging freshman ito sa UP.

Maaring ibang usapan na ang dayaan sa halalang pampanguluhan subalit ang walang duda ay sumabog sa mukha ng kasalukuyang administrasyon na ito ang mas malupit na komersyalisasyong polisiya nito sa edukasyon nang magpakamatay nga si Kristel. Ang matatawag na diretso at malapit na pinagmulan ng kanyang pasyang kitling ang kanyang buhay ay ang nabanggit ko na ngang kontrobersyal na Nobyembre 2012 na bagong patakaran ng UP Manila na nagbawal sa pagpapapasok ng mga mag-aaral na may unsettled fees/loans sa kalagitnaan ng school year.


Masisisi ba si Kristel?

Labis bang nakakapagtaka ba na ang isang fresh(wo)man na magaaral ng UP kung saan karaniwan na ang mataas ang ambisyon at agresibo sa pagabot ng mga pangarap ay pinanghinaan ng loob at nagpasyang magpatiwakal matapos itulak na mag-LOA/patigilin sa pag-aaral sa gitna ng semestre dahil sa hindi makabayad ng matrikula? Alalahanin na UP ang pinaguusapang paaralan, undergraduate na kurso at hindi medisina. UP, uulitin ko, UP--hindi lang isang tinitingalang unibersidad kundi matagal na kilala bilang unibersidad ng bayan dahil iskolar ang mga marurunong na nag-aaral dito. Sabi nga eh, 'Mahirap ka ngunit marunong ka? Tamang-tama ka sa UP, iha.'

Punong-puno siguro ng pangarap at mga plano ang yagit lamang subalit marunong na si Kristel dahil sa pagkakapasa niya sa UP. Biruin mo, kahit dukha ang pamilya ay nagawa niyang makapasok sa UP. Nagawa niyang maging isa sa mga pinagpalang magagaling na nakapasa sa 'very competitive' na UPCAT na pagsusulit dito. Ambisyon siguro niyang maging isa sa mga mahuhusay sa larangan niya. Magiging matagumpay, paglilingkuran ang bayan at lalo na, maiaahon ang kanyang minamahal na mga magulang sa kahirapan, mapagaral ang mga nakakabatang kapatid. Malamang pinaniwalaan niya na ang kanyang angking talino kasama ang pagsisikap ay sapat na upang maabot ang kanyang mga pangarap. After all, she's a UP 'iskolar ng bayan,' right?

Subalit masaklap na natanto ni Kristel na hindi pala ganoon, na hindi pala siya iskolar ng bayan, na hindi siya sasagutin ng UP, ng pamahalaan dahil lamang marunong siya at nakapasa siya sa UP. Ang Unibersidad ng Pilipinas ngayon ay hindi ang UP ng mga Dekada 50, 60, 70, at maging 80. Ang malaking pangako ng UP na papagtapusin ang mga marurunong na anak ng bayan ay ibinaon, ibinabaon ng mga Dilaw... ng mga Dilaw na tuta ng Kalbong Agila kung saan ang commercialized education nito ay nagtutulak sa ilang mag-aaral na mabaon sa utang kundi ang magtrabaho bilang mga gigolo o prosti para matustusan lang ang pag-aaral.

May isang naging UP instructor na tinira ang ginawa ni Kristel at sinulat dito sa FB sa wikang Ingles na 'hindi lang naman ang UP ang mapapasukan, na may iba pang kolehiyo/universidad na mura subalit mainam ang turo.' Hindi makatotohan ang pahayag ng taong ito na tapos din sa UP dahil alam nating ito ang pinakamataas ang kalidad ng edukasyon sa mga publikong paaralan at isa pa nga sa pinakamataas ang antas sa buong kapuluan. Pangalawa, ang taong ito, palibhasa ay elit, ay hindi naiintindihan ang dakilang pangako (noon) ng UP--ang papagaralin ng halos libre ang mga mahihirap subalit mahuhusay/marurunong na kabataan.

Punong-puno ng pangarap si Kristel, nakahawak sa lumang pangako ng UP na siyang inaakala pa rin ng karamihan sa mga Pilipino. Nagulantang nang malamang abo na pala ang pangako. Wala palang pinanghahawakan si Kristel. UP ID na nga lang, kinuha pa. Hindi tulad ni instructor na ipinanganak na napapaligiran ng pilak, walang ibang maasahan si Kristel at pamilya nito. Inabandona siya ng UP, ng pamahalaan. Sa pananaw niya ay gumuho ang kanyang mundo. Nagpasya siyang tapusin na ito.




Socialized or Privatized?

Maganda sana ang ideyang socialized education subalit sa kaso ng STFAP, lumalabas na sa pangalang lamang ito at ang tunay na tagong-pakay ay ang pribatisasyon ng pag-aaral sa UP.

1. Ang proseso at basehan ng bracketing ay sobrang higpit. Napakahirap mapabilang sa full scholar. May mga balitang dahil sa kulang ang pondong binibigay ng pamahalaan ay kinokontian na lamang ang mga nasa bracket E. Sa orihinal na STFAP, may bentilador ka lang yata ay basehan na iyon para mawala ka na sa pinakamababang bracket, ang libre tuition (at may allowance). Sa Restructured STFAP, dapat di tumaas sa P200 ang bayarin mo sa Meralco. Sa ngayon, nakita natin ito kung paanong si Kristel na bago lang nagkatrabaho ang tatay at katagal bago nabayaran ang student loan ay nasa Bracket "D."

2. Kaakibat ng STFAP ang pagtaas ng matrikula at patuloy pang pagtaas nito. Nagagamit pang batayan ng ibang mga unibersidad at kolehiyo ang tumataas na tuition sa UP upang bigyang dahilan ang sarili nilang mga pagtataas ng matrikula. Sa katunayan sa ngayon ay mas mataas pa ang matrikula ng UP kaysa sa average kahit sa Metro Manila. Maituturing na kahanay na ng mga pribadong paaralang ang UP, na mura lamang ng may P300 piso kada unit sa mga matrikula ng hindi nalalayo sa University of Sto. Tomas (P1,249/unit) at Far Eastern University (P1,308/unit). Kung maipapatupad pa nga ng todo ang bagong STFAP scheme kung saan Bracket 'A' o P1,500/unit ang default ay mas mahal pa nga ang tuition ng UP kaysa FEU o UST.

Ang sobrang higpit na patakarang kategorisasyon sa STFAP at mataas na matrikula--lumalabas na alinsunod sa patakarang quasi-pribatisasyon--ang mga pangunahing dahilan kung bakit nauubos na ang mga iskolar sa UP. Ibig sabihin nito, mayayaman na ang karamihan sa populasyon ng (dating) unibersidad ng bayan. Isang dagdag pagpapatunay po na halos wala nang mahirap sa UP ay ang karanasan ng ng aking anak. Sa isang asignatura, nasa kalahati ng kaklase niya ay mga milyonaryo at ang ilan ay nagbibilang lang naman po ng kotse.


Paglalagom

Ang patakarang 'no tuition, mag-LOA ka' na diretsong nagbunsod para kitlin ni Kristel P. Tejada ang kanyang buhay ay mabigat at unprecedented para sa isang pampublikong unibersidad ngunit lakas loob na ipinatupad ng mga bataan ni Aquino sa UP Manila. Malalakas ang loob dahil mukhang ang STFAP sa ilalim ni BS Aquino ay nakarating na o malapit na sa huling mga yugto ng planong pribatisasyon ng UP na niluto lampas dalawang dekada na ang nakakaraan sa panahon ng nanay nito.

Sa pagdaan ng dekada, ng lampas 20 taon na pagpapatupad ng STFAP, makikita na kunwa o front lamang and pagiging 'socialized' ng STFAP patungo sa planong pribatisasyon/quasi-privatization ng UP, kundi ng buong mataas na edukasyon sa bayan. Kung aalalahaning isang state university ang UP, ang pinakamagaling/matayog na pampublikong paaralan sa kolehiyo, makikitang isang malaking anomalya ang taas ng tuition at pagkakaroong ng kakaunti lamang mga iskolar sa ilalim ng STFAP. Mukhang sa pangalan lamang 'socialized' ang scheme ng STFAP at ito ay isang kontra-demokratikong programang na tumatarget sa mayayaman bilang kliyente papunta sa tunay na landas nito na pribatisasyon.

Hinuhusgahan ang puno sa bunga nito. Kung mainam talaga ang STFAP na niluto, pinalawig, at pinahigpit nga mga Dilaw, eh di sana sa ilang dekadang pagpapatupad nito kahit papaano ay hindi kumonti, kundi man dumami, ang mga buong iskolar, ang mga mahihirap na mag-aaral sa UP. Sa pagpapatiwakal nga ni Kristel ay nalagasan pa ng isa ang maliit na bilang na mga yagit na populasyon sa UP.

Sana ay magkaroon naman ng makabuluhang bunga ang pagkitil ni Kristel sa sarili nitong buhay. Makita sana ng bayan na ang STFAP ay panlilinlang gamit ang terminong 'socialized' at propagandang pagsuporta kuno sa pagaaral ng mga mahihirap. Kabaligtaran ang kinalabasan--ang unti-unting pagkaubos ng full scholarsl sa UP. Ang polisiyang 'rationalization of education' nila Abs Aquino ay isang gibberish propaganda para sa pagkomersyo ng edukasyon. Ito ay paglabag ng mga Dilaw sa ating Saligang Batas. Atas ng Konstitusyon ng 1987 sa pamahalaan na gawing accessible ang edukasyon, hindi ang gawing mahal ito o iasa sa kapitalismo. Ang STFAP ang dapat abandonahin ng estado, hindi ang pangako ng UP.


_____

Mga Batis

An Assessment and Review of the New Tuition and Socialized Financial Assistance Program . http://images.cdcsc0708.multiply.multiplycontent.com/attachment/0/Ry2WCwoKCt8AAFFtA1g1/An%20Assessment%20and%20Review%20of%20the%20New%20Tuition%20and%20SFAP.ppt?nmid=65951927

Crisostomo, Vencer. [UPDATE: UP responds] Back-to-school: New tuition bracketing scheme hikes UP tuition by P500/unit. http://thepoc.net/commentaries/16101-back-to-school-new-tuition-bracketing-scheme-hikes-up-tuition-by-p500unit.html

Dizon, David. Tejada suicide highlights STFAP flaws. http://www.abs-cbnnews.com/nation/03/19/13/coed-suicide-highlights-flaws-stfap-classification

Shattered Dreams. http://www.mb.com.ph/article.php?aid=4379&sid=22&subid=72#.UV4A7xzZjOo

STFAP Bulletin for the Alphabetic Bracketing Scheme. http://stfap.up.edu.ph/stfaponline/page.php?content=bulletin&prevpage=%2Fstfaponline%2F

UP: Student's death an 'isolated case'
http://ph.news.yahoo.com/up--student-s-death-an--isolated-case--080853513.html

UP Manila has ‘Day of Mourning’ in remembrance of Kristel Tejada. http://www.theglobaldispatch.com/up-manila-has-day-of-mourning-in-remembrance-of-kristel-tejada-77800/

UP-Mindanao students bat for abolition of STFAP. http://davaotoday.com/main/2013/03/21/up-mindanao-students-bat-for-abolition-of-stfap/

Youth, groups mourn Tejada’s death, hold black protest. http://bulatlat.com/main/2013/03/21/youth-groups-mourn-tejada’s-death-hold-black-protest/

Friday, March 29, 2013

Panata ng mga Kalalakihan - Gawin Ninyo pang Sexual Penitence/Fidelity


Isang repost ng artikulo ko sa FB noong Biyernes Santo ng isang taon, 2012.

Ngayong BIYERNES SANTO, dito sa Pilipinas, sa bandang Gitnang Luzon lalo na, maraming kalalakihan na Kristiyanong Katoliko ang dumaan sa mabigat na pisikal na pahirap. Ginaya ang Pasyon ni Hesukristo. Naisip ko lamang na mas maganda siguro kung sasamahan ito ng KALINISAN din sa bahaging GITNANG BABA ng mga kalalakihang ito dahil sexually ay malinis naman si Hesus, di ba?

Ayon sa kanilang panata, maraming kalalakihan ang ginaya ang Pasyon, ang sinasabing pahirap kay Poong Hesukristo papunta sa Golgotha kung saan ipinako ito. May ilang Pilipinong nagpapako, may ilang nagpasan ng krus subali't karamihan ng nagpanata ay naghampas o nagpahampas sa likod, pati sa likod ng binti, at ang iba ay sa dibdib pa. Burillos daw ang matatalim na dulo ng ginamit na panghampas habang naglalakad ng nakatapak, hindi sa lupa kundi sa mas mainit na semento, papunta ng simbahan. Penitensya. Good Friday flagellation sa wikang Inglis.


Mula sa isang nauna kong artikulo:

"Locals supposedly call the Good Friday penitents “kandarapa.” The mortification ritual is part of the kandarapa's “panata” or religious pledge, often made either in the bid to make God forgive or their sins or to ask for some difficult favor for themselves or some loved ones. The ritual serves as a reenactment of the passion of Jesus Christ while on the way to his crucifixion. The prostrate move, with arms outstretched and legs held straight together, symbolizes Christ's crucifixion on the cross."

http://jesusabernardo.newsvine.com/_news/2010/04/05/4118457-philippine-lent-2010-from-the-lens-of-a-doubting-patriot


Hindi biro ang panatang ito. Mainit ang panahon, mainit ang sementong tinatapakan habang naglalakad ng nakatapak. Matatalim ang dulo ng karamihang panghampas kung kaya't nagsusugat ang mga likod ng mga matatapang na kalalakihang ito. Sa hindi katagalan ay nagdurugo na ang mga likod at mapulang mapula na sa dugo ang mga katawan. Sa mga hindi nakakaalam ay maari pang isiping prop na dugo lamang ang nakikita. Sa mga hindi sanay ay nakakangiwi ang nasasaksihan. Kung malapit ka sa mga nagpepenitensyang ito ay hindi nakakapagtakang matilamsikan ka ng kanilang mga dugo. Walang reklamo kang maririnig subali't napakasakit at napakahirap siguro. May ilang halos himatayin subali't hindi titigil, magpapahinga lang ng kaunti upang kumuha ng lakas at mapagpatuloy ang panatang penitensyon.

Walang matanda kang makikitang nagpepenitensya ng ganito dahil hindi naman talaga kakayanin ng mga mahinina. Marami ay matitipuno ang katawan; may mga payat ng kaunti subali't malalakas ang physique. Itong mga tipo rin kalalakihan na ito ang masasabing nasa peak ng kanilang sexual prowess.

Naisip ko lang, pagkatapos kaya ng Biyernes Santong penitensya ay bumabalik din sa bisyo ang mga kalalakihang ito? Masasabing tanggap sa kulturang Pilipino ang pambabae--balik din kaya sa ganitong gawi ang mga nagpepenitensyang ito kung mayroon mang ganyang masamang bisyo ang ilan o marami sa kanila???

Dahil ginagaya din naman nila si Hesukristo na isang Celibate o Sexually moral na tao/Diyos ayon sa turo ng Simbahan, bakit kaya hindi nila isama sa Panata ang SEXUAL PENITENCE o kung hindi man ay Sexual Discipline/FIDELITY sa buong taon. Mas mahirap marahil subali't mas maka-Diyos at maka-tao, maka-Asawa.

Mainam din namang sa mismong Biyernes Santo ay inaalala ang buhay at kamatayan ng pinaniniwalaang Poong Hesukristo. Subali't kung ang mga nagpepenitensyang ito ay magiging malinis sa kama, matapat sa mga asawa o kasintahan sa buong taon ay mas lalo sigurong matutuwa si Bathala. Magiging maganda pa silang halimbawa sa ibang mga kalalakihan at baka sakaling dumami pa ang tribong TAPAT sa kalupaan ng Pilipino/Tagalog/Taga-Ilog.

____

Photo Credit:

http://farm6.static.flickr.com/5101/5648346880_e8bb6db79f.jpg

Friday, March 22, 2013

Iwasto ang Dayaang Tejeros Convention, Iboykot ang mga Halalang PCOS

22 ng Marso. Kumbensyon ng Tejeros. 1897. Ito ang unang nagtampok sa pambababoy, pagtapak, pagbabale-wala sa tunay na tinig ng bayan--nagpatalsik at nagbigay daan sa walang katarungang paglilitis at pagpatay sa Supremo Andres Bonifacio. Dahil sa Tejeros Convention na nagbigay momentum sa kasulasulasok na pambabasura sa napakahalagang sangkap ng demokrasya, ang halalan, hanggang ngayon ay dala-dala ito ng ating sistema pulitikal, naging kaugalian na yata ang pandaraya at pagtanggap dito. Kaya naman parang bale-wala ang krimeng conspiracy ng mga epal nang patalsikin ang hindi nandayang si Pangulong Erap Estrada, nang dayain ni Gloria Arroyo si Fernando Poe, Jr. noong 2004, nang dayain si Erap ng sabwatan nina BS Aquino, Arroyo, at CIA noong 2010. Kaya naman ang mga kampo ng mga mismong kumundina o biniktima ng mga halalang nabanggit ay kataka-takang sumasabak na naman sa halalan ngayon.

Ano po ba mga kuya at ate, nagkaroon nga po ba ng dayaan sa 2 huling eleksyon? Tatlong bagay lang ang magpapaliwanag ng muling pagtakbo ng kampo nila Poe, Jamby Madrigal, Jc de los Reyes, Erap, at Kaliwa. Una (1), nalito lamang sila sa kanilang alegasyon noon. Pangalawa (2), nagsinungaling lamang sila na nagkadayaan--na wala naman yata sa pagkatao nila. Pangatlo (3), meron silang alam na kanilang inililihim sa bayan.

Tejeros - Unang Pandaraya

Balik muna po tayo sa kauna-unahang madayang halalan sa bayang palaban na upang makamtan ang kalayaan... Ang araw na ito, Marso 22, 116 taon na ang nakakaraan, ang Unang Madayang Halalan sa ating bayan. Hindi unang halalan ng Bayan, ng ating lahi dahil ang maituturing na una ay ginanap noong Agosto 1896 nang binuo ang manghihimagsik na pamahalaan ng Katipunan, ang Pamahalaang Tagalog (Pilipinas/Taga-Ilog/Maharlika). Subalit ang Kumbensyong Tejeros ang unang nagtampok ng pambabasura sa boto ng mga Pilipino.

Maaring tawagin itong coup d'etat, ayon sa salita ng historyador na Dok Zeus Salazar, na ginamitan ng elemento ng pandaraya. Bago pa man magsimula ang Kumbensyong Tejeros, inulat na ni Diego Mojica, isang opisyales ng Katipunan, Magdiwang, na may mga nakasulat nang mga pangalan sa balota na dapat ay blanko. Lumabas na nanalo raw pangulo si Emilio Aguinaldo at kahit lumabas din ang pangalan ng Supremo ay ginulo ito ng isang Daniel Tirona taliwas sa napagkasunduan kaya dineklara itong bale-wala ni Bonifacio.

Naglabas kaagad ng deklarasyon na nagkadayaan sa Tejeros si Hen. Artemio Ricarte, na sa mga sumunod na araw, ayon kina Hen. Santiago Alvarez, ay tinakot upang manumpa sa 'pamahalaan' ni Aguinaldo. Naglabas ng pangkontrang Acta de Tejeros sila Bonifacio kahit na nagkaroon pa rin ng mga pag-uusap ang dalawang kampoo paksyon ng KKK sa Kabite (pinahiram pa nga ng Magdiwang ng mga sandata ang balasubas na Magdalo sa paglaban sa Kastila). Sumunod, nag-utos si Aguinaldo na daklutin, patay o buhay ang Supremo, ayon pa rin sa ulat ni Alvarez. Nilitis na salat sa katarungan si Bonifacio at kapatid nito at patagong pinatay sa bundok ng Kabite, baka tinadtad pa. 



Dayaan Noon, Dayaan Hanggang Ngayon


Kaya naman dahil siguro sa momentum, o kaya ay sa buto ng kasamaan sa halalan na itinanim nina Aguinaldo, hindi na bago ang pandaraya sa Pilipinas na lumala pa sa panahon ng mga Dilaw. Kahit ang 1907 halalan noong Philippine Assembly [salin: kolonyal na instrumentong legislatiba ng imperyalista] ay madaya--by design o dahil sinadyang hindi pinaboto ang masa at nasa 1.5% lamang ng populasyon ang nakaboto--yaong ang mga may lupa o nakakapagsalita lamang ng wikang Kastila (at Ingles) ang pwede. Pero usapang Kalbong Agila na yan.

Sa panahon ng mga Dilaw lalo na ang huling dalawang dekada lumala ang pandaraya dahil pangmalakihan na ang sistemang gamit, hindi lamang ang 'tradisyonal' na pagboto ng patay o maramihang beses o pagpalit ng ballot boxes. Sa panahon ni Arroyo na bahagi ng Kanan at kasabwat ang Simbahan at ang Kaliwa sa pagpapatalsik kay Estrada noong EDSA 2, niluto ang halalan sa pagmanipula sa boto sa Maguindanao gamit ang Komisyoner ng COMELEC, katulong ang mga kampon nito sa Kongreso. Kinawawa si FPJ noong 2004, nagreklamo ng pandaraya ang kanyang kampo bago inatake.

Noong 2010, automated pa ang dayaan, ang boto ng buong bayan ay niluto, malinaw sa pwestong Pampanguluhan at naluklok si Abs Aquino, tinalo daw si Estrada na pumangalawa. Bago mag-concede si Erap ay tinira ng kampo niya ang pandaraya. Sila ang nagpauso ng 'HOCUS-PCOS' na tumutukoy sa automated electoral cheating. Ang mga tumakbo rin sa pampanguluhan na sina Sen. Jamby Madrigal at Konsehal Jc de los Reyes, kasama si G. Nicanor Perlas, ay kahanga-hangang nag-concede pero hindi kay BS Aquino dahil matapang nilang itinuro at kinundina ang pandaraya sa halalan gamit ang mga makinang PCOS. Kahit nga si Bro. Eddie Villanueva ay nagsalita rin kahit paano laban sa dayaang 2010. Ang kampong Kaliwa sa pamamagitan ni Prop. Joma Sison naman ang nagsiwalat ng mekanismo at naging pagplaplano ng dayaan--nagusap nga daw at nagplano ang tagong magkakakulay na si Arroyo, ang kapatid ni Abs na si Pinky Aquino.Abellada, at ang napakasamang Central Intelligence Agency ng bansang Kalbong Agila upang lutuin ang halalang Mayo 10, 2010 gamit ang PCOS na mga makina.




Eh Bakit Sumasali pa sa Halalang 2013?


Nakakapagtakang ngayong 2013 ay sumasali na naman sa halalan ang mga kampong ito. Ang anak ni FPJ na si Grace Poe Llamanzares ay tumatakbo pa sa ilalim ng Team Dilaw na kinabibilangan ng Liberal Party na may mga kasapi, kundi man ang buong party, na gumawa ng paraan sa Kongreso upang hindi mabilang ang kwestyunableng mga COCs o certificates of canvass. Sa 'Hello Garci' tapes ni Arroyo ay sinabi nitong may mga kakuntsaba siya sa Senado, atbp. na malamang ay kabilang si Sen. Kiko Pangilinan. Si Kiko na ni hindi naipanalo ang posisyong Kongresista sa Quezon City, na nanalo lamang gamit ang asawang si Sharon Cuneta, ay sirang-sra sa pagsasabi ng "NOTED" upang barahin ang kampo ni FPJ na nais lamang mabuksan ang COCs upang mapatunayan ang pandaraya sa halalan.

Si Pangulong Erap ay tumatakbo ngayong mayor sa Manila. Nagconcede na nga mismo kay BS Aquino at naging taga-suporta pa nito pero hindi maikakailang tinira noon ng kampo niya ang dayaan gamit ang PCOS. At madalas din nitong tinitira ang naging pandaraya kay FPJ, katulad noong kampanya ng 2010.

Si Madrigal naman ay isa pang ala-Grace Poe na tumatakbong senador ngayon doon pa sa ilalim ng partido ni BS Aquino. Malinaw na itong si Abs and kanyang tinira, kasama nga sina de los Reyes at Perlas, hanggang ilang buwan matapos itong umupo ng Malakanyang. Itong lang naman po ang sinabi ni Madrigal noong Hunyo 19, 2010 sa isang pitong-oras na forum, na matagal-tagal din niyang pinanindigan:

We wake up one day and the votes are set and we do not even know how our votes were counted. I think we owe it to ourselves to look for the truth. And we thank you for being here in search of the truth, so that each and every one of us can make our own conclusions, but we should not let democracy be assaulted if there is any question of the 2010 elections being fraudulently conducted.

Si de los Reyes ay tumatakbo ring senador, ngunit hindi sa ilalim ng dilaw kundi sa maprinsipyo niyang partidong Kapatiran. Isa ito sa naunang nag.concede kay BS Aquino subalit madalian niya itong binawi nang malaman ang mga pandaraya. Matagal-tagal ding tinira ni de los Reyes, kasama si Madrigal at Perlas, ang madayang halalan.

Sa panig naman ng Kaliwa, hindi tumatakbo si Ka Joma subalit ang mga kapanalig niya sa Pilipinas sa pangunguna ni Rep. Teddy Casino ng Bayan Muna. May mga humikayat sa kanya, o napagusapan ba nila, na ibokyot ang halalan subalit sumige pa rin.



Nalito, Nagsinungaling, o Ano ang Sikretong Meron?

Tulad nang nauna kong sinabi, may posibilidad na mga nalito o mga nagsinungaling lang ang mga kampong ito tungkol sa mga pandaraya noong 2004 at 2010 (may nagtuturo ng pagkakasabwat ng partido ng Dilaw, ni Aquino, sa pandaraya noong 2004). Subalit maari bang ang lahat ng mga ito ay mga sinungaling? Malamang sa oo ay hindi dahil si JC de los Reyes, at kahit papaano si Jamby din, kasama ang Kaliwa, ay kilalang mga mapriprinsipyo. Kahit si FPJ nang nagreklamo siya sa pandaraya, ay kilalang malinis pagdating sa bayan dahil unang una ay baguhan ito sa politika at sa pagkakaalam ng marami ay nakumbinsi lamang dahil sa pagmamahal niya sa bayan. Si Pangulong Erap naman ay kilalang hindi marunong mandaya pagdating sa halalan. Isa pa, patungkol sa halalang 2010, sabay-sabay bang nalito o nagsinungaling sina Jc, Jamby, (Perlas), at Ka Joma, at sa maikling panahon, si Erap? Lalo na si Ka Joma na pasok pa ang CIA sa kanyang pagsisiwalat. Malabo yatang mga nalito o nanloko, at nagkwentong kutsero sabay-sabay sila.

Ang mas may katuturang dahilan ng kanilang pagsali ngayon sa halalan kahit na maingay nilang tinira ang mga pandaraya ng 2004 (mukhang kasabwat ang Dilaw) at 2010 ay may alam, o plano kaya, sila na hindi sinasabi sa atin. Maari kayang nangako si A_Noy Aquino na ngayon ay hindi magkakadayaan at sa pampanguluhan lang iyon dahil alam na nga ng marami na kung ano ang gusto ng imperyalistang Amerika, iyon ang nasusunod dito sa Pinas. Sinabi sigurong ayaw lang kasi ng Kalbong Agila kay Erap dahil lumaban ito sa base militar at dahil ayaw din ng elit dito kaya dinaya nila ito noong 2010.

O maari kayang sinabihan ni Abs ang ilan sa mga tumatakbo ngayon sa partido niya na 'promise, babawi ako sa inyo sa naging pandaraya ko noong 2010 (o pagtatakip ng partido ko noong 2004) at ngayon ay sisiguraduhin kong panalo kayo.' Ngek!

Sa panig naman ng Kaliwa at ni Jc de los Reyes ay maari sigurong gusto lang nilang gamitin ang mikropono ng kandidatura para maitulak ang mga makabayan nilang hangarin. Ewan din natin. Sana nga ganoon lang at wala nang ibang tagong pakikipag-usap sa mga epal na Dilaw.




Iwasto ang Tejeros... Boykot!... Itanghal ang KKK


Subalit hindi pa rin siguro tama na magbulag-bulagan o isangtabi na lamang ang KRIMENG pangdaraya ng Kampo ng Dilaw. Paano na ang katotohanan, ang katarungan, ang tunay na nais ng taumbayan?

Siguro kung makakausap lamang tayo ngayon nina Supremo Andres Bonifacio, Sek./Hen. Emilio Jacinto, Tandang Sora, Gregoria de Jesus, sampu ng mga bayani sa mga Katipunero, sasabihin nilang balikan at itakwil ang Kumbensyong Tejeros at lahat ng dayaang sumunod dito. Magumpisa tayong muli, balikan at itanim at pagyamanin ang mga aral ng Katipunan na nagtuturo ng Kapatiran, Kagandang-Asal, at Wagas na Pagmamahal sa Bayan. Linisin ang sistema ng pamahalaan at ating mga kaisipan dahil sa pagtataguyod ng Bayan na malinis lamang maayos ang daan, mga dumadaan at malamang, ang kahihinatnan.

Siguro, sasabihin nina Bonifacio at tunay na Unang (Manghihimagsik) na Pamahalaan na iwasto ang Kumbensyong Tejeros at talikuran ang naging paguugaling pandaraya or pagwalang-bahala sa pandaraya sa halalan. Sasabihin siguro nilang mas mainam na IBOYKOT ang halalan 2013 at mga susunod pa hanggang luminis, tumayo ang Bagong Bansang tunay na demokratiko at Bayan ang pinaghahari.

_____

Mga Batis:

Alvarez, Santiago. The katipunan and the revolution: memoirs of a general : with the original Tagalog text. Paula Carolina S. Malay. Trans. Ateneo de Manila University Press, 1992. http://books.google.com/books/about/The_katipunan_and_the_revolution.html?id=F3q-krDckHwC

Artemio Ricarte Declaration date 24 March 1897. Filipiniana.net. http://www.filipiniana.net/publication/artemio-ricarte-declaration-dated-24-march-1897/12791881635983

The “Acta de Tejeros”. http://kasaysayan-kkk.info/docs.adt.230397.htm

The Assassination of Bonifacio and Antonio Luna. Exerpts from Julio Nakpil's 'Apuntes Sobre La Revolucion Filipina' (Notes on the Philippine Revolution). http://www.oocities.org/valkyrie47no/himno.htm

Bonifacio, Andres. “Letters to Emilio Jacinto.” In The Writings and Trial of Andres Bonifacio, trans. Teodoro A. Agoncillo and S. V. Epistola. Manila: Antonio J. Villegas; Manila Bonifacio Centennial Commission; University of the Philippines, 1963. 13-22. http://bonifaciopapers.blogspot.com/2005/09/bonifacio-andres_112726277825094355.html

21 May. http://philippines-islands-lemuria.blogspot.com/2012/05/21-may.html

In Search of the Truth of the May 10, 2010 Philippine Automated Elections. http://forthephilippines.blogspot.com/2010/06/in-search-of-truth-of-may-10-2010.html

Foreign Powers Coercing the Filipino Masses for a Noynoy "Presidency"?
http://forthephilippines.blogspot.com/2010/05/foreign-powers-coercing-filipino-masses.html

The Tragedy of the Katipunan: The Supremo's Assassination-cum-Executio
n (Bonifacio Series IV). http://jesusabernardo.newsvine.com/_news/2011/05/10/6619505-the-tragedy-of-the-katipunan-the-supremos-assassination-cum-execution-bonifacio-series-iv

Andres Bonifacio, Unang Pangulo ng 'Pilipinas': Setting the Historiographic Record Straight (Bonifacio Series VI). http://forthephilippines.blogspot.com/2011/12/andres-bonifacio-unang-pangulo-ng.html

The HACKING of the SUPREMO, Unang Bahagi (Bonifacio Series VII). http://forthephilippines.blogspot.com/2012/05/hacking-of-supremo-unang-bahagi.html

Monday, February 04, 2013

FIL-AM WAR 114 Digmaang Pilipino-Amerikano

ISANG siglo at 14 na taon na ang nakakalipas. FIL-AM WAR 114. Limot ng karamihan dahil sadyang pinalimot. Matagal na nga, matagal nang nangyari subalit wala pa ring opisyal na 'closure' dahil walang modo o pagkadisente ang umatakeng bansa upang ito ay humingi man lamang ng tawad sa may 1.5 milyong Pilipinong pinatay nito sa labanan, torture, o gutom at sakit sa reconcentration camps, atbp. 


Nandi
to Pa ang Kalbong Agila

Matagal nang nangyari ang giyerang iyon subalit nandito pa rin sila. Pasimple na nga lang pero nandito pa rin, patuloy na nakikialam, paminsan-minsan na lang ang paghahalay, pagpatay ng makursunadahan, pero maraming Pilipino pa rin ang napapatay gamit ang mga pumalit sa "Philippine Scouts" (salin: mga tutang traydor) na tinuturuan ng 'counterinsurgency' killing/propaganda tactics.

Patuloy ang presenya ng barbarong imperyalista sa bansa, patuloy sa pakikialam sa pamahalaang binigyan daw nito ng 'independence' noong Hulyo 1946. Patuloy na nakikialam sa botohan ng pampanguluhan, nitong huli, nagtanggal ng hindi nais at nagluklok ng bataan nito. May balitang patago pang naghuhukay ng Yamashita. Mas masama ba, itinulak nito ang unang hakbang sa paghahati ng Republika, kasangkapan ang rebelde y traydor na MILF.

Sa tagal ng mga Amerikano dito, at sa galing sa propaganda, sa psy-war, sa pagpapaikot ay malakas ang nabuong colonial mentality ng mga Pilipino/a. Halos sambahin ang mga Kano--nakalimutan nang ito ay mga magnanakaw...ng kalayaan at pagkabansa; mga pumapatay ng tao kapag may nais makamkam; mga barbarong bihasa sa pagpapahirap o torture; mga manlalasing sinungaling; walang etikong hindi marunong umamin sa pagkakamali at humingi ng tawad, walang kibit balikat kung manghamak o gumawa ng pagtatahi-tahing mapanglait na kwento mabigyang dahilan lamang ang mga mali nitong ginagawa sa iba.



Huli sa Sariling Isda 


Bakit nasasabi ang ganitong pagsasalarawan sa imperyalistang Amerika? Kung babalikan ang nakaraan sa madaliaang usapan, makikitang nahuli sa sariling isda--o sa pagiging taliwas ng isda sa gawa--ang mga pinuno ng Kalbong Agila na unang nagpasya o lumusob sa atin noong Digmaang Pilipino-Amerikano (1899-1914).

Ang ating likas na yaman at strategic na kinalalagayan sa Pasipiko ang tunay na pinaglawayan ng Estados Unidos. Nanlasi, ikinubli muna ang gahamang pakay at pinalabas na sila raw ay mayaman na at hindi nagnanais magkaroon ng kolonya.

Ginamit ang pagiging demokratiko raw nila at ang rasismo laban sa atin upang pagtakpan ang masamang pakay. Ginamit din ang itinatagong barbarismo, kalupitan higit upang mapasakamay ang Pilipinas/Tagalog/Taga-Ilog/Maharlika. 



Ang mga Sinabi ng Kalbong Agila:




"[Filipinos] were unfit for self-government... nothing left for us to do but to take them all."
  • U.S. Pres. William McKinley
Batis:
http://books.google.com/books?id=TXE73VWcsEEC&pg=PA22&dq=mckinley+god+philippines&hl=en&ei=BklLTfvuCMTQcbe02fYL&sa=X&oi=book_result&ct=result&resnum=7&ved=0CEYQ6AEwBg#v=onepage&q=mckinley%20god%20philippines&f=false


"America is exceedingly well off as regards territory, revenue, & resources & therefore needs no colonies."
  • Gen. George Dewey
Batis:
http://philippineamericanwar.webs.com/emilioaguinaldoreturns.htm



We have lived as a nation122 years...never owned or desired a colony.”
  • Brig. Gen. Thomas Anderson
Batis:
http://philippineamericanwar.webs.com/usinfantryarrives.htm



"Kill everyone over ten."
  • Gen. Jacob H. Smith
Batis:
https://library.villanova.edu/Find/Record/743932/Reviews



"[F]ighting, having begun, must go on to the grim end."
  • Maj. Gen. Elwell Otis
Batis:
http://books.google.com.ph/books?id=MbtCmdnJrKkC&pg=PA200&lpg=PA200&dq=%22fighting,+having+begun,+must+go+on+to+the+grim+end%22&source=bl&ots=XoqhRnMAEc&sig=sOCYbrhXSSjCcmwyj3MBjflVG8E&hl=fil&sa=X&ei=84cPUc6oLYiXiAeI64H4AQ&ved=0CFIQ6AEwBg#v=onepage&q=%22fighting%2C%20having%20begun%2C%20must%20go%20on%20to%20the%20grim%20end%22&f=false



"Philippines are ours forever... The power that rules the Pacific... rules the world....”
  • Sen. Albert Beveridge
Batis:
https://www2.bc.edu/~weiler/imperialismdocs.htm



Philippine-American War as a “small but peculiarly trying and difficult war” upon which turned “not only the honor of the flag [but] “the triumph of civilization over forces which stand for the black chaos of savagery and barbarism."
  • U.S. Pres. Theodore Roosevelt
Batis:
http://dh.oxfordjournals.org/content/30/2/169.extract


Thursday, January 31, 2013

BONI 150 at ang "Republika ng Filipino" (a.k.a ni Miong?)

NOONG isang linggo ay idinaos ang ika-114 Guning-taon ng Promulgasyon ng sinasabing Unang Saligang-Batas at Unang Republika ng Pilipinas (Malolos) sa Simbahan ng Barasoain sa Bulakan. Bonggang pagdiriwang noong Enero 23 dahil nandoon pa yata* si "Pangulong" A_Noy Cojuangco-Aquino at nauna pa ngang inihayag sa unang pagkakataon na pista ospisyal ang araw na ito bilang "Araw ng Republikang Filipino" (sa probinsya ng Bulakan o lamang). May dalawang isyu maipupukol sa deklarasyong ito. Una ay ang pilit minamaliit ngunit naglalagablag na katanungan na si Emilio Aguinaldo nga ba at ang pamahalaan nito ang "Unang" Pangulo/Republika? Pangalawa ay ang medyo nakakapagtakang timing ng deklarasyon ng pagka pista-opisyal ng Enero 23--tinapat pa naman talaga sa BONI 150--ang mahalagang taong paggunita sa kapanganakan ng pinakamatayog na maghihimagsik na bayani ng bayan, si Supremo Andres Bonifacio--na pinapatay ni Aguinaldo.

Taong 1899, Enero 21 ay inihayag ang saligang-batas na binuo sa loob ng apat na buwan ng Kongreso ng Malolos. Makalipas ang dalawang (2) araw, Enero 23, ay opisyal na inihayag naman ang Repulika ng Malolos (Pilipinas) at si Aguinaldo bilang Pangulo. Ang mga pangyayaring ito ay nakapaloob, o nakagitna, sa pagitan ng Himagsikan laban sa mga epal na Kastila (Agosto 1896 - Julyo/Setiembre 1898[?[) at sa giyera sa lalong mas epal na mga mananakop, ang Labanang Pilipino-Amerikano (Pebrero 4, 1899 - 1914).




KKK, Unang Pamahalaan; Bonifacio, Unang Pangulo

Sinasabi ng nangingibabaw/dilaw na kasaysayan na si Aguinaldo daw ang unang Pangulo, at ang kanyang pamahalaan ang unang republika, ng bayan. Itong matagal nang itinuturo sa atin ay taliwas sa mga totoong kasaysayan, isang pagmamaniobra sa pagsusulat ng mga tunay na pangyayari. Isang higanteng panloloko. Si Bonifacio ang tunay na Unang Pangulo ng Himagsikang Pamahalaan ng bayan. Bakit kanyo?

Narito ang mga kadahilanan:

1. Ang titulo niyang Supremo ng Katipunan (KKK) na binuo upang makalaya tayo sa pagtatanikala sa atin ng mga Kastila ay kasingkahulugan ng Pangulo o Presidente (Pangulo nga ang tawag sa naunang pinuno ng KKK at pinalitan lamang ito ni Bonifacio)

2. Ang Katipunan ay iniangat, ginawang isang Maghihimagsik na Pamahalaan (Revolutionary Government), at si Bonifacio ang pinuno, noong Agosto 1896 nang napagpasyahang ilunsad na ang Himagsikan.

a. Isinulat/inulat ito, kasama ang naging halalan ng Katipunan, ng dalawang banyaga, isang historyador at isang mamamahayag na kontemporaryo sa ating mga bayani ng Himagsikan. Sa pahayagang 'El Ilustracion Espanoya y Amerikano' (1897) nga ay tinawag si Bonifacio bilang Pangulo ng Pilipinas samantalang Heneral lamang ang bansag kay Aguinaldo. Nakatala din ang tawag na Pangulo kay Bonifacio sa mga dokumentong naitabi ni Epifanio de los Santos. Nakita at napatunayan rin ito sa pagsasaliksik ng mga kasalukuyang historyador na sina Milagros Guerrero, Zeus Salazar, atbp.

b. Kumpleto sa mga karaniwan o standard na elemento ang Pamahalaang Katipunan.

      i.) May pangunahing watawat na itinaas ni Bonifacio noong ilunsad ang Himagsikan (maraming mga watawat ng ginagamit ng mga lupon noon dahil ang kagawian noon ay magtaas o magladlad ng bandera bago maglabanan). ii.) May pambansang awit din, ang "Marangal na Dalit ng Katagalugan" na binuo ni Julio Nakpil.

       iii.) May mga heneral din, at kabilang dito si Hen. Guillermo R. Masangkay ng Maynila, na siyang makakakita sa mga labi ni Bonifacio na itinago ng mga pumatay ditong alipores ni Aguinaldo, at sa Kabite, sina Hen. Mariano Alvarez at si Aguinaldo. May mga heneral at siyempre mga sundalo, ang mga karaniwang Katipunero, dahil binuo nila Bonifacio ang pambansang militar ng Agosto 1986 nga kahit hindi masyadong ayos dahil biglaan nga ang pagputok ng rebolusyon.

       iv.) Pati Saligang-Batas, sa pormang mga batas, Kartilya at Dekalogo, ay mayroon ang Katipunan. Tinanggihan nga ni Bonifacio ang ipinrisinta ni ni Hen. Edilberto Evangelista noong bandang Disyembre 1896 (bilang representate ng kampo ni Aguinaldo/Magdalo) na 'konstitusyon' dahil plagiarized ito. Ayon kay Bonifacio na maalam sa batas, ay masyadong hango ang proposed constitution sa isang Kastilang batas at dahil nga rin may mga batas na ang KKK ay hindi niya ito pinayagan.


"Republica Filipino" o BONI 150?

Tungkol naman sa parang nanunuyang timing ng pagdeklara opisyal sa Enero 23 (1899) bilang "Araw ng Republika Filipino," eh bakit nga ba itinapat pa sa mahalagang BONI 150 samantalang itong si Aguinaldo Pangulo daw ng pamahalaang iyo ay napakalaki ng kasalanan sa Supremo at sa bayang Pilipinas/Tagalog/Taga-Ilog/Maharlika?

Inagawan ng posisyon pinuno ng Himagsikan, pinadaklot 'dead or alive,' nilitis pa-moro-moro, at pinapatay lang naman ni Aguinaldo ang mahal na Supremo. At si Hen. Santiago Alvarez, isang Kabitenyo, kapwa kaibigan ni Miong at Andres, ang pangunahing sumulat tungkol sa mga ginawang kabalbalan ni Aguinaldo: ang pandaraya noong halalan ng Kumbensyon Tejeros noong Marso 1987; ang pagutos kina Intsik Paua na daklutin o kidnapin si Bonifacio buhay o patay; ang pagbaril/pagsaksak at pagmaltrato sa kulungan kina Supremo at kapatid nitong si Procopio; at ang karumaldumal na 'kangaroo court' na paglilitis at pagpataw ng kamatayan sa magkapatid na bayani.

Si Hen. Santiago Alvarez, uulitin ko, ay isang tumataginting na Kabitenyo at kapwa kaibigan ni Bonifacio at Aguinaldo. Siya ang bayaning kontemporaryo na pangunahing sumulat sa kasaysayan ng Katipunan, kabilang ang mga nakakasukang kasalanang ginawa ni "Pangulo" Aguinaldo laban sa Katipunan, laban sa Supremo.

Ang mga Dilaw nga naman. Nagkataoon nga lamang ba? Hale nga, ang darating na Mayo 10, 2013, ang ika-116 taon ng pagpaslang sa Ama ng Himagsikang si Supremo Bonifacio sa mga kamay ng bataan ni Aguinaldo, ideklara n'yo nga ngayong taon bilang "Araw ng Pagluluksa ng Katipunan" o? :)


May Halaga rin ang 'Republikang Filipino'

Hindi ko naman sinasabing walang halaga ang 1899 'Republikang Filipino' o maging si "Pangulong" Aguinaldo. Nangyari naman talaga ito--hindi nga lamang talaga "Una" sa kasaysayan ng bayan--at may silbi ito sa pag-assert ng ating kalayaan at kasarinlan. Kahit papaano, si Aguinaldo ay hindi tulad ng mga kumaripas agad na mga collaborators tulad nina Cayetano Arellano (na magiging co-opted ng mga hnypak na Amerikano bilang Hukom ng Korte Suprema). Oo nga at nakita na ang interes talaga nito ay makamit ang pwesto sa itaas subalit lumaban pa rin ito kahit panandalian lamang dahil agad na niyakap ang kalabang imperyalista nang mahuli ito noong Marso 1901.

Ipinagpatuloy kahit papaano ni Aguinaldo ang labang sinimula ni Bonifacio upang makamtan ang ating kalayaan kahit may duda kung nag-collaborate itong patago sa mga Kastila at nagpasyang lamang ipagpatuloy ang Himagsikan nang mabola ng mga epal na Kano. Oo, banyagang konsepto ng 'kasarinlan' ang itunulak ni Miong--nasa Kastila ang orihinal na "Lupang Hinirang" at ni-retain nito ang 'Filipinas' na tawag sa bansa ng mananakop, atbp. Subalit kahit papaano, dahil kinalaban din niya ang tantads na imperyalista, natatawag nating GIYERA ng kapwa bansa ang Labanang Pilipino-Amerikano (1899-1914).


Ang Mas Mahalaga, BONI 150!

Ang sinasabi ko ay itama ang pagsusulat at pagpapakalat ng kasaysayan at mas bigyan halaga ang tunay na 'Una'--Pangulong Andres Bonifacio, Pamahalaang Katipunan/Bansang Tagalog/Taga-Ilog/Maharlika (o di kaya para walang away sa terminolohiya ay BANSANG KATIPUNAN/KKK?). At nakakainsultong binuksan ang taong BONI 150 ng indirektong pagkilala kay Emilio Aguinaldo bilang Unang Pangulo ng bansa (dahil Unang Republika nga daw ang pamahalaan nito)... maliban na lamang kung babalansehin ito ng pagpapakalap ng ginawang kasalanan dito noong Mayo 1897. At kahit kinakilala natin na may ginawa rin si Aguinaldo, dapat na parusahan ito sa kasaysayan dahil sa mga mabibigat na kasalanan nito kay Bonifacio, sa KKK, at sa bayan.

Mabuhay ang Unang Pangulo ng Pilipinas/Tagalog/Taga-Ilog/Maharlika/KKK! Iwasto ang kasaysayan. Bigyang katarungan ang mga tunay na bayani. Itanghal ho natin ang wagas na makabayang pinuno, ang Supremo. BONI 150!



*Nagpadala lamang ng kinatawan si Aquino III

______


Mga Batis:


Álvarez, Santiago (1992), Malay, Paula Carolina S., ed., The Katipunan and the Revolution: Memoirs of a General, Ateneo de Manila University Press, ISBN 971-550-077-3. http://books.google.com/books/about/The_katipunan_and_the_revolution.html?id=F3q-krDckHwC 

Chua, Michael Charlestone. XIAOTIME, 29 November 2012: UNDRESS BONIFACIO, Ang Supremo Bilang Pinunong Militar. http://xiaochua.wordpress.com/2012/11/29/xiaotime-29-november-2012-undress-bonifacio-ang-supremo-bilang-pinunong-militar/

Enrile, Juan Ponce. Speech Of Senate President Juan Ponce Enrile: 
The First Philippine Republic. Jan. 23, 2009. http://www.senate.gov.ph/speeches/sp_fpr.asp

Guillermo R. Masangkay (1867-1963). http://www.nhcp.gov.ph/downloads/mp0104.pdf

Guerrero, Milagros; Encarnacion, Emmanuel; Villegas, Ramon (1996), "Andres Bonifacio and the 1896 Revolution", Sulyap Kultura (National Commission for Culture and the Arts) 1 (2): 3?12.

La Revolucion filipina (1896-1898).  http://www.museo-oriental.es/ver_didactica.asp?clave=138&loc=0

PNoy declares January 23 as ?Araw ng Republikang Filipino, 1899. http://iamjammed.com/news/january-23-declared-as-araw-ng-republikang-filipino-1899/

http://www.president.gov.ph/news/pres-aquino-declares-jan-23-as-araw-ng-republikang-filipino-1899/



Basahin din po sana:

Pagwawasto sa 8 Mito Patungkol kay Supremo at sa Katipunan (Bonifacio Series VIII). http://forthephilippines.blogspot.com/2012/11/pagwawasto-sa-8-mito-patungkol-kay.html

Andres Bonifacio, Unang Pangulo ng 'Pilipinas': Setting the Historiographic Record Straight (Bonifacio Series VI). http://forthephilippines.blogspot.com/2011/12/andres-bonifacio-unang-pangulo-ng.html

The HACKING of the SUPREMO, Unang Bahagi (Bonifacio Series VII).http://forthephilippines.blogspot.com/2012/05/hacking-of-supremo-unang-bahagi.html

Popular Posts

Recent Posts

Recent Posts from Jesusa Bernardo, less impersonal