Aguinaldo was captured by imperialist American soldiers through a vile scheme involving trickery and the use of traitorous local mercenaries and two Philippine Republic army officers turned turncoats. Frederick Funston led the Bald Eagles who posed as prisoners of local Macabebe scouts who, in turn, pretended to form the reinforcements sent by Gen. Baldomero Aguinaldo and Gen. Urbano Lacuna in Palanan, Isabela. This method used by the U.S. military would be condemned by the Anti-Imperialist Americans, notably novelist Mark Twain who referred to Funston as having employed means "which would disgrace the lowest blatherskite that is doing time in any penitentiary."
Dapat alalahanin na sa Giyerang Pilipino-Amerikano noong nakaraang siglo ay nagpamalas ang mga kaaway na Kalbong Agila ng kanilang kahayupan. Noong una ay binubuhay pa ng mga Kano ang mahuhuling Pilipino pero kinalaunan nang ayaw magpa-awat ang magigiting na freedom fighters na Pinoy ay pinagpapapatay na lang nila ang natatalo nilang sumagupa sa kanila. Gumamit din sila ng brutal na torture tulad ng water torture, pagpatay kahit sa mga bata, concentration camps, at masaker kabilang sa mga Muslim sa Timog. Ang Samar, Batangas, at ang bundok ng Dajo ang tatlo sa mga piping lugar na nakakita ng kagimbal-gimbal na pagkitil ng buhay ng mananakop na Amerikano. Hindi nakakapagtakang siyam na Amerikanong sundalo ang naglabas ng open letter na nagsasabing: “the time has come to break the silence so that you will see the folly of ...fighting these people who are defending their country against the cruel American invasion....”
Maraming nag-aakala na ang mga Hapon noong Pangalawang Digmaang Pandaigdig ang tunay na malupit sa mga sumakop sa ating bayan. Kung isa-sang-alang-alang ang masidhing rasismo ng mga mga Amerikano, na tinawag pa tayong mga "savages" at mababa pa sa mga African American, ay mas barbaro sa kalupitan ang Kalbong Agila. Kahit papano ay hindi tayo tinuring na uncivilized na lahi ng mga Hapon. Kahit sabihin pang hindi lahat ng sundalo o opisyal na Amerikano ay rasista sa mga Pilipino, pinatupad ng imperyalista ang polisiyang pag-insulto sa ating lahi in the bid to justify its immoral, undemocratic conquest of our lands. Bald Eagle exponent of imperialism Sen. Albert J. Beveridge had the racist nerve to describe us as "not of a self-government race," and no less than fatso US President William Mckinley rationalized their conquest by claiming Filipinos are "unfit for self-government."
Sa mga hindi nakakaalam, ang Digmaang Pilipino-Amerikano (1899-1914), na sa matagal na panahon ay pilit na minamaliit ng Kalbong Agila bilang isang lamang "insureksyon" (nguni't napilitang itinama rin noong bandang 1980s sa records ng U.S. Library of Congress bilang "Philippine-American War), ay isa sa mga PINAKAMAHABA at PINAKAMALAKING giyerang pinasok nito labas sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ito ay kung pagbabasehan ang katotohanan na sa kasagsagan ng giyera ay nasa three quarters ng buong puwersa ng militar ng Amerika ay naka-deploy sa Pilipinas at umalis lamang ng buo ang mga sundalong Amerikano noong 1914.
Maliban pa sa walang dangal na trickery ginamit ng Kalbong Agila, ang naging reaskyon ni Aguinaldo sa paghuli sa kanya ay nakakasulasok din. Instead of fighting the enemies to death if necessary as any military leader of a fighting nation is honorably expected to, he rather easily yielded to the imperialists. Ang masama pa, wala pang isang linggo mula nang mahuli ay sumumpa na ito katapatan sa kaaway na Estados Unidos.
Aguinaldo & Funston |
Then again, his capture and swift swearing of fealty to the enemy only revealed Aguinaldo's true colors. A power-grabbing "leader" driven more by personal ambition and who coveted, and tried to maintain his hold on, the presidency by hook or by assassinating crook. By the way, Aguinaldo's full capitulation to the imperialist Americans got him handsomely paid--at least 300 hectares of choice friar lands that adjoin his Imus, Cavite hometown.
At hanggang ngayon ay narito pa rin ang mga pwersa ng Kalbong Agila sa bansang Pilipinas. Napatalsik nga ang mga Base Militar noon 1990s subali't ang mother treaty, ang RP-US Mutual Defense Treaty (MDT) [translation: really more of U.S. Imperialistic Defense] ay hindi ginagalaw. Kung kaya nga't nariyan pa rin ang Visiting Forces Agreement, ang tagong pakikialam tulad ng pagsira sa kandidatura at pagpatay kay Claro M. Recto at pagtutulak sa Moro substate, ang sinasabing tagong base militar sa Mindanao, ang panghahalay at pagpatay sa ilang mga Pilipina at Pilipino tulad ni Gregan Cardeño. Ang mga Aguinaldo ay hindi naman talaga nawala sa kapangyarihan o impluwensya kahit paano mula noon hanggang ngayon--pinaka-kilala na siguro si Cesar Virata, at hawak nila na naman ngayon ang lokal na kapangyarihan sa ilang bahagi ng Cavite.
At pati yung mga nauna nang yumakap sa kaaway na Amerikano mula sa kampo ni Aguinaldo, yang sina Pedro Paterno, Felipe Buencamino, at Cayetano Arellano--ang mga tulad nila ay namamayagpag pa rin. Ang pinakanakakasuka dito ay ang "Pangulo" B.S. Aquino na sinasabing iniluklok na patago ng--hulaan ninyo--Kalbong Agila sa pamamagitan ng kalokohang HOCUS PCOS na halalan noong Mayo 10, 2010 (nataong ika-113 na anibersaryo pa ng utos na pag-assassinate ni Aguinaldo sa inagawan-niya-ng-posisyon na si Supremo Andres Bonifacio)......... Ang nagsasabi lang naman na nakialam (na naman) ang Amerika sa halalan ng mga Pinoy ay ang rebolusyonaryong si Jose Maria Sison, ang Asian Nobel Prize recipient na si Nicanor Perlas, at ang napaka-ma.prinsipsyong at maka-simbahan na si JC de los Reyes.
Mukhang mawawala lamang ang damhong imperyalistang Kalbong Agila sa bayang ito pag ito ay bumagsak na. Ang ekonomiya niya ay medyo naghihingalo na kung kaya para na itong isang leong ulol de desperado na lahat ay gustong sakupin using puppet rebels in the guise of spreading and promoting "democracy" (yuk, our fallen freedom fighters should be tossing violently in their graves). Anupaman, hintay na lamang siguro tayong mga Pilipino/Tagalog/
_____
Mga Batis:
Duka, C. Struggle for Freedom. Rex Bookstore.
Filipino Dies inside US Army Camp in Marawi. http://
Ignacio, Abe, Enrique de la Cruz, Jorge Emmanuel and Helen Toribio. The Forbidden Book: The Philippine American War in Political Cartoons. T’Boli Publishing and Distribution, 2004 San Francisco. http://
Julio Nakpil (1877-1960). http://www.oocities.org/
JUSTICE for GREGAN CARDEÑO MOVEMENT: Findings of the Mission. http://
Mabini, Apolinario. The Philippine Revolution. http://www.univie.ac.at/
Mallari, Mario. Erap: Bangsa Moro substate a mistake. 08/16/2011. http://
Nicanor Perlas Biography. http://
Nicanor Perlas's Facebook Status. 24 May 2010. http://www.facebook.com/
Olivarez, N. Noynoy ‘Amboy’ Aquino. http://
Simbulan, Roland. Covert Operations and the CIA's Hidden History in the Philippines. 18 Aug. 2000. Retrieved March 17, 2009,http://www.derechos.org/
Twain, Mark. Mark Twain's Autobiography. 1924. http://gutenberg.net.au/
Salamat, Marya. After 60 years, US-RP defense pact ‘proved useless, disadvantageous to Philippines’. http://bulatlat.com/main/
Tiu-Laurel, H. The traitor class DIE HARD III Herman Tiu Laurel 08/08/2011. http://
Bernardo, Jesusa. Foreign Powers Coercing the Filipino Masses for a Noynoy Aquino Presidency? http://
_______. Salamat sa Pagtutol ni Erap sa Moro Substate. http://
_______. How Joma Sison first revealed the AQUINORROYO operations behind the May 10, 2010 automated poll fraud. How Joma Sison first revealed the AQUINORROYO operations behind the May 10, 2010 automated poll fraud
__________
Photo credits:
http://www.facebook.com/photo.php?fbid=1457117486591&set=t.100000402936380&theater
http://www.yonip.com/archives/history/history-000053.html
http://www.freewebs.com/philippineamericanwar/thewarin19001901.htm
http://ecx.images-amazon.com/images/I/31BXQQ1MZJL._SL500_AA300_.jpg
No comments:
Post a Comment