Wednesday, June 09, 2010

Katinuan ng Bayan--Isuko sa Dilaw?



Maliban sa pagnakaw ng pwesto ng pagka-Pangulo kay Joseph "Erap" Estrada, ang mga pwersang nagpipilit iluklok ang DILAWANG BULAAN at HUWAD  ay tumatawag na ating ISUKO ang KATINUAN ng ating isip--ang katinuang nagsasabi kung kailan tayo inuuto, ginagago, niloloko, o tinatapakan.



Ang ating bait na lamang ang mayroon tayo. Ang bayan ay kanilang nang hawak--ang ating mga likas na yaman at mga pambansang ari-arian, ang dilaw na media, ang militar, ang kapulisan, ang Comelec, ang Korte Suprema, ang mga lokal na pinunol, ang buong Ehekutibo, ang Kongreso at mukhang pati ang Senado.





Ano pa ang mayroon tayo kundi ang katinuan ng isip na nagsasabi kung ano ang TUNAY na tama at mali. Sa loob ng mahigit na dalawang dekada, itong katinuang ito ang pilit na dinudurog ng mga mabuktot at lapastangang Dilaw.

O aking mga kababayan, mula sa lahi na nagtatatag ng dakilang Kataastaasang Kagalanggalang Katipunan ng mga Anak ng Bayan, mula sa lahi na lumaban ng buong kagitingan noong Digmaang Pilipino-Amerikano, tayo ba ay dapat magpadala ngayon sa panghihina ng loob at isip? Ang talipandas na "Daang Matuwid" ba ay atin na lamang lulunukin?


Paaanod na lamang ba tayo sa mapaminsalang dagat ng kadilawan? Masisikmura ba nating patuloy na magpailalim sa nananaig na pwersa ng kasamaan?  Ang KATINUAN ba ng bayan ay ating ISUSUKO na lamang?

Sa ngalan ng ating mga tunay na bayani na nagbuwis ng kanilang buhay para makamtan ang isang bayang sadyang malaya at matuwid, namanikluhod ako sa pagsusumamo: Gumising ka, o aking Inang Bayan!


_____________

3 comments:

Jesusa Bernardo said...

i'm not at all surprised at all what's happening now.ang napwesto sa paraang walanghiya, puro kawalanghiyaan o kalokohan ang bagsak.

look at arrobo's reign. those wicked yellows/elites conspired to oust erap. ano binigay sa atin? reign of impunity.

itong si hocus pcos "President," reign of kaabnyan.

toto onato said...

The so-called "Daang Matuwid" of the Yellow government does not necessarily mean the righteous path that at the end of the day, would deliver us from lingering socio-economic deprivation.

Daang Matuwid is exclussive for the monopolistic/global yellow business sectors with CIA connections who's priveleged and elitist existence depends on how they manage to perpetuate their vested interest at people's expense.

This government is only for the yellow big businesses which means the uncontrolled gap widening between the rich and the poor. The yellow government will not serve the interest of the poor because their economic program is elitist and not intended for the common good.

J.V.A said...

Simula pa noong panahon ni Tita Cory, tumaas ang presyo ng krudo, langis at galunggong, naging mas masahol ang human rights record ni Tita Cory kaysa kay Manong Ferdie, kinontrol ng mga Ayala, Araneta, Consepcion, Lopez et.al ang ekonomiya ng bansa at pinabayaan niya ang usapin sa repormang agraryo na naging mitsa ng mga masaker sa Mendiola at Lupao kaya masasabing kabaligtaran ng Cory Magic ang mga nangyari, samakatuwid, lalong naghihikaos ang masa sa ilalim ng rehimeng Aquino. Pero may mga maganda ring ginawa si Tita Cory dahii sa inpluensya ng mga progresibo at makabayang elemente sa Gabinete tulad ni Teodoro Locsin Jr., Joker Arroyo, Jose Diokno tulad ng pagpapalaya sa mga lider-rebolusyonaryo na si Jose Maria Sison, Horacio Morales, Bernabe Buscayno at pagpasimula ng negosasyon sa pagitan ng NDF at GRP pero dahil sa Mendiola Massacre ay nasira ang prosesong pangkapayapaan. Minumulto pa rin siguro ng pagkakamali ni Cory si Pangulong Noynoy lalo na ung sa isyu ng repormang agraryo.

Popular Posts