Showing posts with label Kongreso. Show all posts
Showing posts with label Kongreso. Show all posts

Wednesday, June 09, 2010

Katinuan ng Bayan--Isuko sa Dilaw?



Maliban sa pagnakaw ng pwesto ng pagka-Pangulo kay Joseph "Erap" Estrada, ang mga pwersang nagpipilit iluklok ang DILAWANG BULAAN at HUWAD  ay tumatawag na ating ISUKO ang KATINUAN ng ating isip--ang katinuang nagsasabi kung kailan tayo inuuto, ginagago, niloloko, o tinatapakan.



Ang ating bait na lamang ang mayroon tayo. Ang bayan ay kanilang nang hawak--ang ating mga likas na yaman at mga pambansang ari-arian, ang dilaw na media, ang militar, ang kapulisan, ang Comelec, ang Korte Suprema, ang mga lokal na pinunol, ang buong Ehekutibo, ang Kongreso at mukhang pati ang Senado.





Ano pa ang mayroon tayo kundi ang katinuan ng isip na nagsasabi kung ano ang TUNAY na tama at mali. Sa loob ng mahigit na dalawang dekada, itong katinuang ito ang pilit na dinudurog ng mga mabuktot at lapastangang Dilaw.

O aking mga kababayan, mula sa lahi na nagtatatag ng dakilang Kataastaasang Kagalanggalang Katipunan ng mga Anak ng Bayan, mula sa lahi na lumaban ng buong kagitingan noong Digmaang Pilipino-Amerikano, tayo ba ay dapat magpadala ngayon sa panghihina ng loob at isip? Ang talipandas na "Daang Matuwid" ba ay atin na lamang lulunukin?


Paaanod na lamang ba tayo sa mapaminsalang dagat ng kadilawan? Masisikmura ba nating patuloy na magpailalim sa nananaig na pwersa ng kasamaan?  Ang KATINUAN ba ng bayan ay ating ISUSUKO na lamang?

Sa ngalan ng ating mga tunay na bayani na nagbuwis ng kanilang buhay para makamtan ang isang bayang sadyang malaya at matuwid, namanikluhod ako sa pagsusumamo: Gumising ka, o aking Inang Bayan!


_____________

Popular Posts