Sunday, May 13, 2012

The HACKING of the SUPREMO, Unang Bahagi (Bonifacio Series VII)

Updated May 15, 2012

ANG pagdaklot, paglilitis, at pagpaslang kay Gat Andres Bonifacio y de Castro, pangunahing nagtatag at nagpalakas ng, at Supremo ng Kataastaasang Kagalanggalangang Katipunan nang manga Anak nang Bayan ang isa sa mga pinakapangit at kasuklam-suklam na bahagi ng kasaysayan ng Pilipinas/Tagalog/Taga-Ilog/Maharlika. Paano nga naman nangyari na ang namuno ng rebolusyon, ang 'Ama ng Himagsikan' laban sa Kastila, ang pangunahing naghangad ng, at kumilos upang makamit, ang ating kasarinlan at pagkabansa ay nilitis at hinatulan ng kamatayan?

Masalimuot ang usaping ito at maraming papasok na mga katanungan.  1) Pasok dito kung lehitimo ang resulta ng halalan sa Tejeros Convention na sinasabi ng kampo ni Aguinaldo na nagbigay ng kapangyarihan sa kanya upang maging "Pangulo" ng itinatag nitong "Republika ng Pilipinas" bilang paghalili daw sa posisyon at kapangyarihan ng Supremo at (pamahalaan ng) Katipunan. Nagkadayaan sa Tejeros, ayon sa Kabitenyo at opisyal ng Katipunan na si Diego Mojica at kay Hen. Artemio Ricarte, at bukod pa dito ay pinawalang-saysay ni Bonifacio, na presiding officer ng Tejeros, ang naturang halalan.  2) Pasok din kung bakit patraydor ang pagdaklot sa magkapatid na Andres at Procopio Bonifacio at pagpaslang sa isa pang kapatid na si Ciriaco. Bukod sa 'dead or alive' ang utos ni Aguinaldo sa mga tauhan nito ay patraydor pa ang 'paghuli' kina Supremo na mainit pang tinanggap ang mga ito na mainit ilang oras bago sila atakihin, ayon kay Hen. Santiago Alvarez.  3) Pasok din kung bakit mas malinaw.sa.hindi na lutong makaw ang Hukom Militar na naglitis sa magkapatid: Si Aguinaldo ang bumuo ng korte; ang pinsan niyang si Baldomero Aguinaldo ay court auditor; at si Hen. Mariano Noriel, ulo ng hukom na ito, ay sa umpisa pa lang ng trial already asked the "Most Respected and Distinguished President" Aguinaldo to judge the extent of the evil and treacherous intentions of Andres Bonifacio; AT, maliban sa ilan pang iregularidad sa court proceedings, ang binigay na 'defense lawyer' na si Placido Martinez ay hinusgahan pang may sala at masama ang Supremo.  4) Bakit din pinabayaan--o isinagawa--ang makahayup na pagtrato sa angkang Bonifacio. Pinatay si Ciriaco; binaril at sinaksak si Gat Andres; tinangkang halayin, o talaga daw nahalay si Gregoria de Jesus; at itinapon sa isang madilim at maliit na bartolina ang magkapatid na Bonifacio na pinagbawalan ang pagbisita, hindi ginamot ang mga sugat (ni Supremo) at halos hindi pinakain at kung pinakain man ng kaunti, ito ay "pagkaing hindi na dapat sabihin," ayon sa paglalarawan ni Hen. Alvarez.

Subali't sa kasalukuyan, ang maaring pinakamainit na mga katanungan ay may kinalaman sa mismong araw ng pagkitil nila ng buhay ng magkapatid na Bonifacio. Ano nga ba ang mga nangyari noong ika-10 ng Mayo 1897. Dito, ang may potensyal maging pinaka.nakakagimbal ay kung paano nga ba talaga pinatay ng kampo nila Aguinaldo sina Supremo?




"Ang Wakas ni Andres Bonifacio" ni Carlos Valino Jr.

Nanalo sa  1963 Andres Bonifacio Centennial Art Contest
Pinagkunan: Tragedy of the Revolution (akda ni Adrian E. Cristobal) via Prop. Michael Chua



Tulang Putol-Putol
ANDRES BONIFACIO
ATAPANG NA TAO
A putol a paa, di dadapa
a putol a tenga, di bibingi
a putol a kamay, di papasma
a putol a ulo, di tatakbo
a putol a buho, di kakalbo
a putol a sinturon, di huhubo
a putol a itak, di iiyak
a putol a buhay, di mamamatay

Ang nasa itaas ay ang unang bahagi ng tula na may dalawang klase ng bersyon. Ilang bersyon na nito ang nalabas, sumikat sa loob ng mahaba-habang panahon, mga ilang dekada na. Sa pagaala.ala ng historyador na si Prop. Danilo Aragon ng Unibersidad ng Pilipinas, noong 1960s pa ay naririnig na niya ito at lumaganap pa raw noong dekada 70s; maaring dati pa ay naririnig na ito. Masasabing dalawang klase lamang silang lahat--isang puno ng paggalang at isang may kabastusan sa huli.

Anupaman, nakakapagtaka ang tema ng tulang ito ukol sa Ama ng Himagsikan, ang Supremo ng Katipunan na si Gat Andres. Putol-putol. Bakit pinaguusapan ang pagtadtad ng katawan ng tao, ang pagtadtad kay Supremo??? Ang mga Katipunero ba noong panahon ng liderato ni Bonifacio ay pinagpuputol-putol ang katawan ng kalaban? Ang pagputol-putol ba ang itinurong istilong militar ng Supremo sa mga Katipunero??? Oo nga at ang ilan/karamihan sa mga naghimagsik na Katipunero ay walang mga baril kaya bolo, itak ang gamit at sa ganitong uri ng malapitang labanan ay hindi maiiwasan kung minsan na may natatapyas siguro ng bahagi ng katawan--ang mga tinatawag na extremities lalo na. Subalit hindi naman iyon ang layunin mismo--hindi na lang naiiwasan kung minsan. Nagkaroon man ng grupong Tadtad na kalahating manghihimagsik at kalahating kulto o ano man, ito naman ay nangyari sa bahaging Visayas at hindi talaga noong Himagsikan kundi noong pakikipagdigma natin laban sa imperyalistang Amerikano. Ang malinaw, walang patakarang pagtatadtad na ginawa ang mga Katipunero sa panahon ni Bonifacio.


Bakit nga may Putol-Putol?

Kung ganoon ay bakit putol-putol ang tema ng tula na nakapaskil sa museo ng pinagdausan ng paglilitis nila Supremo sa ilalim ng 'kangaroo court' na Hukom Militar? Bumalik tayo sa putol-putol... kung walang ganitong polisiya o istilo ang KKK, eh bakit tadtaran ng katawan ng nga tao ang usapan sa tulang ito, na sumikat-sikat pa nga raw. Sa totoo, kahit ako ay natatandaan ko na noong maliit ako naging sikat o kasabihan ang tulang may bahaging "Andres Bonifacio, atapang a tao" (o dili kaya ay "Andres Bonifacio, atapang na tao"?).

Kung hindi gawain ang pagtadtad ng katawan ng kaaway noong Himagsikan sa panahon ng Supremo, ang pinahihiwatig kaya ng tulang iyan ay si Bonifacio ang pinagputol-putol??? Ito nga mismo ang kontrobersyal na thesis ng ilang historyador sa tunay at kasuklam-suklam na ginawa ng kampo ni Aguinaldo, o ng mga berdugo ng Heneral ng Magdalo, sa Ama ng Himagsikan.

Sa usapin ukol sa pagpatay kay Supremo, ang natural na sisiyasatin ay ang mga nakakita--ang mga pumatay mismo, ang mga berdugo, at mga testigo o nakakita. Sa kaso nila Gat Andres at Procopio Bonifacio, walang ibang nakakita--at least officially--kundi ang mga berdugo lamang. Dito ang susi ay sina Major Lazaro Makapagal at apat daw na kawal na kasama nitong nagpatupad ng utos na pagpatay ng hukom ni Aguinaldo. Si Makapagal ay siya ring inatasan bilang Kalihim ng naglitis na Hukom Militar nila Aguinaldo. Sa kwento ni Alvarez, ayon daw kay Makapagal ay tumanggap siya ng utos na magdala ng kasamang kawal at dalhin ang magkapatid na Bonifacio, at huminto sa paanan ng bundok (Buntis) upang basahin ang nakaselyadong sulat na naglalaman ng susunod pa nilang mga gagawin.


Berdugong 'Maawain,' Nangmaltrato at Sinungaling!

Hindi isa, hindi dalawa, kundi tatlo ang bersyon ng kwento ni Lazaro Makapagal ukol sa pagberdugo niya sa magkapatid na Bonifacio--at dahil sa ang mahahalagang bahagi ay nagkokontrahan ang mga ito at hindi tugma sa pagkatao ng Supremo ay mapagdududahan ng maigi hindi lang ang mga kwento kundi ang nagkuwento mismo.

Bihira siguro, kung meron man, sa isang moral na tao na makakaya ang trabaho ng berdugo na pagkitil ng buhay ng tao--maliban na lamang kung ito ay pusong bato, likas na matigas ang loob, ika nga. Subali't batay sa kanya mismong sariling paglalarawan ng pagtupad daw niya sa kautusan ni Aguinaldo at ang naghusgang military 'kangaroo' court kung saan isang opisyal din ang isa pang dugong Aguinaldo, siya raw, si Makapagal, ay maawain. Siya raw ay naawa ng lubos sa magkapatid na Bonifacio nang sila ay papatayin na.

Sa unang bersyon ni Makapagal, ayon sa pagkakakwento kay Hen. Alvarez (na serialized, unang nalathala noong 1927), nanangis daw si Procopio samantalang tumulo daw ang luha ng Supremo. Ganito daw:

 ...tumanggap [si Makapagal] ng utos na magsama ng mga kawal; pag-ingatang mabuti at dalhin ang Magkakapatid sa bundok ng Buntis... Sumapit sila sa paanan ng bundok... mahigpit na pinaguutos na barilin ang magkapatid... nanangis na payakap ang Procopio sa Andres at anya: "Kuya, paano tayo?" Ang Andres ay di nakakibo. Tumungo na lamang at humik na umaagos ang mapapait na luha sa dalawang mata, samantalang siya ay tumalikod sa di mabantang kababagan; bagay na nang mapaharap ay tapus na ang putok ng kanyang mga kawal; bulagta at patay ang kaawa-awang Magkapatid na Bonifacio, ...iginalang [ni Lazaro] at pinagyama sa paraang magagawa ang mga bangkay.


Maj. Lazaro Makapagal, Berdugo
Iginalang at pinagyama daw ni Makapagal ang mga bangkay ng magkapatid na Bonifacio sa unang bersyo ng kanyang kwento at nang baguhin niya ang kwento niya sa susunod na bersyon ay naging maawain pa rin daw siya. Sa pangalawang bersyon nitong si Makapagal kung saan pinakikita na naman niya na nadurog raw ang puso sa kanyang habag kina Gat Andres at Procopio, humingi pa raw siya ng tawad sa Supremo matapos unahing patayin si Procopio ayon na rin sa utos: "I replied that I was sorry, but it was my military duty to follow the order," sabi daw ni berdugo.

Mahirap paniwalaang si Makapagal, ang berdugo o pinuno ng mga berdugo, ay naging maawain sa magkakapatid na Bonifacio dahil bilang bahagi ng Hukom Militar i ay minaltrato nila ang Supremo at kapatid nito, maliban pa nga na hitik ito sa pagsisinungaling sa kanyang mga bersyon. Kung talagang kinaawaan niya ang mga Bonifacio, sana ay gumawa siya ng paraaan, kinausap niya ang Hukom na ipagamot ang mga sugat ni Gat Andres, pakainin sila ng maayos at bigyang karapatang tumanggap ng bisita. Walang ganitong nakatala kahit sa records ng Hukom nila.

Bakit hindi nila naisip na ipagamot si Gat Andres samantalang may mga malubha itong sugat? Ang tunay na maawain, hindi pababayaang hindi malunasan ang malulubhang sugat ng kahit sinong nasa ilalim ng poder nito. kahit na nga pa 'preso' ito. Liban na lamang kung alam nilang masasayang lang ang paglunas dahil alam na nila noong una pa na papatayin na din lang naman ito dahil nga moro-moro lang ang palabas na paglilitis. In which case, then, Makapagal was certainly no kind-hearted executioner but a power-grabbing, kangaroo-court-martial conspirator.

Taong 1928 lumabas sa Philippine Free Press ang ikalawang bersyon ni Lazaro kung saan sinabi nito na isa lang ang sugat ni Bonifacio: "Procopio and Andres were not taken to Tala hill bound but free. Andres had only one wound, in one of his arms."  Isa lang ang sugat? Itong puntong ito ay tahasang kumokontra sa opisyal na court martial records kung saan nakalagay na may malubhang sugat si Bonifacio sa bandang lalamunan: "However they killed one brother of the "Supremo" and left the latter in the tribunal (town-hall) at Yndang in a serious condition as a result of wounds received in the larynx."  Kung ang bersyon ng kampo nila na pinalalabas na nanlaban sina Bonifacio at hitik sa pasimpleng pagiinsulto sa Ama ng Himagsikan (na laging may kasamang quote-unquote marks ang pagsulat sa "Supremo") ay nagsasaad na tinamaan ng masama sa larynx si Gat Andres, ibig sabihin ay huling-huling na nagsinungaling ang hepe ng berdugo.

It's extremely difficult to believe any of Lazaro Makapagal's three accounts of the killing of the Supremo and brother Procopio because of the myriad of lies as shown by the glaring conflicts in in all three of his shifting stories. It is even more difficult to believe his claim that he was an executioner who presented a soft heart to Gat Andres and Procopio for the simple reason that he was part of the Aguinaldo camp that maltreated the Bonifacios during their seizure, imprisonment, and trial. Additionally, details on his stories do not jibe even with the records of their very own military court.


Kasinungalinangang Paninira sa Supremo

Marami pang hindi tugma sa iba't-ibang kwento ni Makapagal ukol sa kanyang pagpaslang ss Supremo kaya talagang mahirap seryosohin ito subalit kahit ibai.ba ang bersyon ay hawig ang tulis ng mga ito pagdating sa paninira sa pagkabayani ni Bonifacio. Ang unang bersyon ng kuwentong berdugo ito ay naglalarawan na duwag o hanggang iyak na lang si Bonifacio subali't ang ikalawa at susunod pang ikatlong bersyon nito ilang dekada matapos ang kanyang pag.berdugo ay lubusang sumisira sa matapang na pangalan ni, o pagkakakilanlan bilang manghihimagsik na pinuno kay, Supremo.

Sa pangalawang bersyon ni Makapagal, hindi lang ala-talunang umiyak si Bonifacio kundi tinangka pa raw nitong umeskapo! Sa bersyon nitong si Makapagal kung saan pinakikita na naman niya na nadurog raw ang puso sa kanyang habag kina Gat Andres at Procopio, ito rin ang isa sa dalawang bersyon na lalong nagpapakita na duwag daw sa pagharap sa kamatayan ang Supremo. Ayon kay Makapagal ay una nilang pinatay si Procopio sa pamamagitan ng pagbaril sa likod. Nang isusunod na daw ang Supremo ay:

Andres Bonifacio tried to escape, but he could not go far because of the thick shrubbery around. One of the soldiers reached him, firing at him from behind and shooting him in the back. After digging one more grave with our bayonets and bolos, we buried Andres in it.

Sobrang taliwas ang bahagi ng kwentong ukol sa reaksyon ng Supremo nang papatayin na siya kung ihahambing sa orihinal na kwento ni Makapagal. Malinaw na may pagsisinungaling sa isa sa bersyon nito, kung hindi man sa lahat ng tatlong bersyon niya... Unang-una, paano makakatakbo ang Supremo samantalang sobrang hina na nito dahil nasaksak nga sa lalamunan at nabaril at hindi nga ginamot. Hindi nga iilan sa nag.a.analisang mga historyador at eksperto ang natatawa sa pagiging imposible ng bahaging nakatakbo pa raw si Gat Andres. Ang pagdala sa Supremo at kapatid nito sa bundok Buntis (o Tala) noong Mayo 10, 1897 ay nakita ng ilang mga testigo ayon sa ilang ulat kaya mahirap bilhin ang kwento ni Makapagal na parang pinalakad nila ang Supremo. Isipin na lamang na kung ang sugatang si Gat Andres ay dinala papunta sa Naik para sa isang pre-trial hearing sakay ng isang duyan ay lalong ganoon din ang nangyari nang papatayin na siya makaraan ang ilang linggo dahil hindi naman siya pinagamot... at ginutom pa nga daw ayon kay Hen. Alvarez. Lohiko na lamang ang paandarin at makikita ang kabuktutan ng uncorroborated na mga salaysay ni Makapagal.

At hindi sa pangalawa nagtatapos ang bersyon ng kwento ng berdugo dahil may isa pa. Itong bersyon na ito ay pandagdag detalye daw sa 1928 na bersyon subali't ibang iba na naman ang bahagi ukol sa pagtanggap ng Supremo sa napipintong pagpatay sa kanya. Masama pa, sobrang gustong palabasin ni Makapagal na sukdulan sa karuwagan si Bonifacio at nagmakaawa pa raw sa kanya! Dito daw sa ikatatlong bersyon niya na binigay niya matapos ang isang taon ay hindi lang takbo kundi pagluhod pa raw ang ginawa ng Supremo upang magmakaawang buhayin siya! Dito sa bersyon ito ng berdugo, kahit isa ay wala nang kumagat.


Imposible Duwag si Supremo

Sa mga loopholes at pagpapalit-palit ng kwento, malinaw na nagsisinungaling si Makapagal at layon lamang nitong sirain ang matayog na pangalan ni Bonifacio... liban na lamang siguro kung nag.uulyanin na si Makapagal noon o kaya naman ay pinaluwag ng kanyang 'demons' ang mga turnilyo ng kanyang isip. Subali't dahil walang ulat na nag.uulyanin na o di kaya ay nagde.delusyon si Makapagal nang panahon iniba nito ang kanyang mga sumunod na pahayag, mas lohikal na isiping nagsinungaling ito sa isa o lahat ng pahayag niya tungkol sa kontrobersyal na papel niya sa pagkitil ng buhay ng ni Gat Andres Bonifacio (partikular sa reaksyon ng magkapatid na Bonifacio sa pagpatay sa kanila).

Bakit kanyo? Unang una, consistent siya sa pagpapakita na naawa siya sa magkapatid subali't palala pa nang palala ang pagsasalarawan niya ng reaksyon ni Gat Andres sa napipintong pagpapatupad na 'execution' na hatol ng korte ni Aguinaldo. Kita ang intensyon sa paiba-ibang kwento: siyang berdugo ang maawain at si Supremo ay duwag sa harap ng kamatayan. Sa pagaa.analisa ni Prop. Aragon, hindi kapani-paniwala ang pagiging mahabagin daw ni Makapagal dahil noong nagkita sila ni Gat Gregoria de Jesus matapos na nilang patayin ang Supremo, ang sinabi nito sa huli ay kaya daw dala niya ang damit ng Supremo ay upang malabhan ito. Malala pa, nang hirap na hirap na ginalugod ng Lakambini ng Katipunan ang kabundukan upang makita ang labi ng asawa nito, sana ay nahabag si Makapagal at itinuro na nito ang pinaglibingan nila kay Supremo.

Pangalawa, taliwas sa matapang, sobrang tapang, na imahe ng Supremo ang mga salaysay ni Makapagal lalo na ang huling dalawa. Paano namang nangyari na ang pangunahing nagumpisa at nagplano ng marahas na pamamaraan upang humiwalay ang bayan sa nanakop na Kastila ay naging duwag? Legendary nga ang tapang ni Bonifacio na humarap sa maraming labanan at nauna nga mismong sumalang sa pakikipagdigma sa pagsiklab ng Himagsikan. Halos ibuwis din nito ang kanyang buhay mailigtas lang ang kaibigan niyang si Gat Emilio Jacinto. May kuwento si Alvarez ukol sa kahandaang mamatay ng Supremo para sa pakikibaka sa Inang Bayan. Isang beses na naglalakbay sila sa kabundukan ng Maragondong sakay ang kani.kanilang mga kabayo ay kakatwang nahulog si Bonifacio sa kabayo dahil sa pag.iwas sa mga nakaharang na mga sangay na kahoy--kahit na siya ang may pinakamababang kabayo. Napagisip daw silang lahat kung paano nangyari ang gayun samantalang dali.dali daw tumayo si Gat Andres at sinambit ang sumusunod:

Ito'y pamahiin ng Matatanda sa pagkatalo. Marahil kung tayo'y kulanging.palad na talunin ng mga Kaaway, at hanggan sa dakong ito'y usigin, dito na ako mamamatay at mababaon.

Si Bonifacio na sumusugod dala ang gulok at baril at tinawag ng pahayagang El Renacimiento na "El Marat Filipino" ay isang duwag? Malayo sa katotohanan. Ang sabihin ni Makapagal, kung hindi lang nasugatan nila si Supremo ay baka kinailangang igapos nila ito bago patayin dahil baka may madali itong isa sa kanila bago nila ito mapabagsak.

It is very hard to believe someone who gives an account whose description of the object of his 'execution' is completely antithetical to the known character of the latter. This is especially so when he has been found to be lying in other details, when all of his accounts virtually conflict with each other and that the changes he made in his subsequent accounts occured twice within only some two years (Makapagal could have narrated his original story to Alvarez years before its publication in 1927). Note that the shifts his stories zero in on the point of Bonifacio's reaction to his impending 'execution' amidst the former's selective consistency on the point of his supposed pity for the Supremo and Procopio. Kung maraming kasinungalingan at nag.iiba ang mahalagang bahagi sa iba't ibang bersyon ng pangunahing berdugo, ang ibig sabihin lang nito, maliban sa halatang layuning paninira sa bayaning pangalan ni Bonifacio, may pilit itinatago itong si Makapagal.


Ang Pagtadtad sa Supremo?

Sa bahagi nang pagharap ni Supremo sa kamatayan, angat ang kasinungalingan ni Makapagal kaya ito ring marahil bandang bahagi ng pagpatay ang naglalaman ng kung anong masidhing itinatago. Balik tayo sa tula (o naging lumang awit pa nga raw yata, ayon sa isang may beterano at retiradong historyador) na may temang putol-putol. Ang pilit kayang pinagtatakpan ni Makapagal sa mga kasinungalingan at hindi.tugma.sa.realided na mga mahahalagang puntos sa kanyang tatlong bersyon ay ang maaring katotohanan ng kagimbal-gimbal at mala-hayup na pagkatay na ginawa nilang pagpatay sa Supremo?


Masangkay Team Forensics


Newspaper clipping on exhumation of  Bonifacio bones
Ang talagang unang naglabas, o nagpasikat, na pinatay daw ang Supremo hindi sa pagbaril kundi sa pagkatay ay si Hen. Guillermo Masangkay, kaibigan ni Bonifacio at nagsilbing militar na hepe noong Katipunan. Ayon kay Masangkay, dalawang sundalong tauhan ni Makapagal (na sa pamamahagi ng historyador na si Prop. Michael Charlestone Chua, ay kasama sa berdugo team)  ang nagsakay sa noon-aymalubha-na-ang-lagay na si Bonifacio  sa duyan at pinatay gamit ang bolo at bayoneta. Noong 1918, bumuo ng forensic team si Masangkay at si Epifanio de los Reyes at naghukay ng pinaniniwalaan nilang mga buto ng Supremo ayon sa mga detalyeng itinuro ng testigo o pinagkwentuhan ng testigo. Sinuri ang mga buto ng mga doktor na sina Sixto de los Angeles, Fidel Cuanjunco at Augusto Atenas sa Unibersidad ng Pilipinas. Wala pa namang DNA testing noon at batay sa best available science sa bansa, ang pag.describe sa mga buto na may mga tama ng bayoneta at bolo at may fractured skull ayon na rin sa sumbong sa kanya, ay nagkumbinsi kina Masangkay na talagang kay Bonifacio nga ang mga buto.

Pinaniwalaan din ng nakakabatang kapatid ng Supremo na si Esperidiona na tunay nga ang mga buto batay sa mga ngipin na hasa. Naisulat daw noong Nobyembre 28, 1926 na isyu ng dyaryong "Pagkakaisa" na kinukumpirma ni Esperidiona na naghahasa ng ngipin ang kanyang kuya Andres gamit ang tapayan at ito ay tugma sa "maliit at makinis" na natagpuang babang ngipin sa harap ng mga incisors. Tugma rin ang isang basag na ngipin na nakita sa bangkay dahil ayon kay Esperidiona ay may nabasag na ngipin ang Supremo habang nililinis ang baril nito.


Makapagal Refutes the Bones of Contention, Ambeth Seconds the Motion


Hen. Masangkay at ang pinaniniwalaang
bungo ni Supremo Bonifacio

Hindi nakakapagtaka, pinabulaanan ni Lazaro Makapagal na iyon nga ang mga buto ni Gat Andres. Ang nakakapagtaka, mas binigyang halaga ni Ambeth Ocampo, kolumnista at dating pinuno ng National Historical Institute (ngayon ay National Historical Commission of the Philippines) ang mga paiba-iba at uncorroborated na kwento ni Makapagal. Kesyo daw hindi naman fully confirmed ng medico-legal na kay Supremo daw iyon samantalang malaking tulong na ang pagsusuri noon sa pagkakakilanlan sa mga buto at dahil nga wala pang DNA testing noon. Na kesyo bakit daw hindi ipinaalam ang lakad nina Masangkay sa balo nito--samantalang may bagong asawa at mga anak na noon si Gat Gregorio de Jesus at may tatalo pa ba sa kapatid sa pagkilala ng remains lalo't mas matagal nakasama ni Esperidiona si Gat Andres kung ihahambing sa asawa nito. Kesyo kung totoo daw na buto ni Supremo iyon ay bakit daw hindi rin nakita ang mga buto ni Procopio, na isang bagay na kakatwang tinatanong ng isang maraming alam sa kasaysayan dahil alam niyang nasa bundok Nagpatong ang historical marker ni Bonifacio--ibig sabihin, posibleng nilipat lamang ang mga buto ng Supremo, na talagang sinusulat naman ng ibang historyador. Na kesyo mas 'authoritative' daw si Lazaro dahil nandoon siya mismo--hello, mahirap bang makita na batay sa motive principle, hindi maasahan na ituro ng isang berdugo kung alin o saan talaga naroroon ang mga buto ng pinatay nito lalo na't pinagsusupetsahan na pakatay, imbes na pabaril, ang ginawa nito. Na kesyo hindi raw medico.legal experts sina Masangkay at EDSA--isa pang 'hello,' kasi po ay naroroon ang dalawa bilang history experts/resource persons AT kaya nga may mga doktor na nagsuri sa mga buto eh.

Sa madaling salita, nakakapagtakang mas pinaniniwalaan ni Ocampo ang paiba.iba, walang suporta, at sinungaling o puno.ng.loopholes na mga kuwentong berdugong at may vested interest pa na si Makapagal. Samantala, ang forensic team nila Masangkay at EDSA ay may mga ebidensya o suportang family history at mga eksperto pa... subali't minenos lang ni Ocampo pabor kay Makapagal. Dagdag pa, maliban sa mga butong nahukay at pagsusuri dito ay may mga magsasaka ring testigo sa pagkatay daw na pagpatay sa Supremo, ayon sa libro daw ni Adrian Cristobal. Hindi lohikal na tingnan na kapani.paniwala si Makapagal kung kaya hindi na rin siguro nakakagulat na nawala na lamang ang mga butong nahukay, na kasama raw nabomba noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, sa poder ng pang.kasaysayang mga ahensya ng pamahalaan.


Pag.aaral ni Aragon


Sa pananaliksik ni Aragon sa isyu, gumamit siya ng metodolohiyang batay o ayon sa tinatawag na oral history. Local oral history to be exact because his interviewees all came from Maragondon, Cavite. Dalawa sa apat na kinapanayam niya ay nagkuwento na batay sa kanilang mga ninuno/magulang at "kwentong bayan" ay pinahirapan ang Supremo: sina Potenciano Villaran, edad 64; Sonny Villaran, 46; Guillermo Quini-quini, 83; at Lauro Abayon, 35.

Ayon kay Sonny Villaran batay sa kwento ng kanyang ama at sa kwentong bayan sa panahon ng lolo niya na nabuhay noong panahon ni Bonifacio, pinutol muna ang tainga at kamay ng Supremo at pinahirapan daw bago pinatay. Pagkapatay daw ay itinali sa kawayan ang natirang katawan (at sa isang bersyon ay nakasakay pa rin sa duyan) at nilipat sa Bundok Nagpatong. Dinagdag niya na hindi naman daw talaga nagkaroon ng paglilitis ang magkapatid na Bonifacio. Ayon naman kay Abayon, na hango rin sa kwentong bayan at sa mga sinabi noon ng kanyang lolo na ipinanganak ng mga 1910, ay pinahirapan nga ang Supremo at kahawig nang kwento ni Potentiano Villaran, ay inilipat din ang katawan nito na nakatali sa kawayan ang mga paa at kamay (na parang baboy); si Quini-quini, na pinakamatanda, ay may mga hindi na matandaan. Lahat ay nagkuwento na kung hindi sa bundok Buntis ay banda rito pinatay at para sa tatlo ay malinaw na nilipat lamang ang mga labi sa bundok Nagpatong dahil may nakakita ng krimen. Dagdag pa, sa pangkalahatan, lumabas na kaya kumilos sina Aguinaldo laban kay Bonifacio ay dahil may bantang na.perceive ang una, na 'masasapawan' o 'matatalo' ng pangkat ng Supremo ang una.

Napansin ni Aragon na ang iba sa kanyang nakapanayam ay parang takot magsalita. Sa pakiwari niya, maaring may makuha pa siyang impormasyon sa iba pa sa kanila kung wala lang siguro silang mga takot sa dibdib dahil sa sinapit ni Bonifacio. Herein, it is worth noting that Aragon's interviewees harbored some fear of expressing themselves despite the fact that Aragon himself is a Caviteno.


Tulang Bonifacio Putol-Putol bilang Pagtatama ng Kasaysayan?

Nasabi ko na na dalawa ang klase ng mga bersyon ng tulang putol-putol, ayon na rin kay Prof. Aragon. Narito ang medyo bastos na bersyon:

ANDRES BONIFACIO
A TAPANG A TAO
A putol a kamay, di tatakbo
a putol a ulo, di tatakbo
a putol a tenga, di tatakbo
a putol a uten, takbo a tulin.

Makikita sa bersyon na ito na putol-putol at katapangan pa rin ang ikinuwento. Ang salitang "uten," nga pala, ay isang pang-kantong salita na ang ibig sabihin ay ang ari o sekswal na bahagi ng lalaki. Kahit na medyo bastos ang bersyon na ito ay ipinalalabas pa rin na, sa normal na pangyayari (hindi kasama ang uten), ay walang duda ang katapangan ni Supremo Bonifacio. Pinagtatadtad na nga ay hindi pa rin daw tumakbo si Gat Andres. Kung iisipin, kung totoo man ang pagputol-putol sa Ama ng Himagsikan, hindi naman maaring makatakbo pa ito dahil nga malubha ang kalagayan niya dahil sa tinamong baril at saksak na hindi naman ginamot. Ang pinapalabas siguro dito at doon sa mas magalang na bersyon ay sa sobrang katapangan ni Gat Andres, kahit na pinagtatadtad siya ng mga tantads na berdugo ay hinarap niya ito ng buo ang loob, hindi umiyak, hindi nagmakaawa, ni hindi siguro tumalikod sa harap ng matatalas at malulupit na hagupit ng mga itak.

Subalit maaring may isa pang gustong ipahiwatig ang mga bersyon ng tulang Bonifacio putol-putol--ang pabulaanan ang mga kasinungalingan ni Lazaro Makapagal, hepe ng mga berdugo ng Mayo 10, 1897. Nasa 1960s nagumpisa ang tulang iyan at maaring mas maaga pa. Ang lahat ng bersyon ni Makapagal ukol sa paspaslang nila sa Supremo ay na.imprenta nang patapos na ang 1920s. Dahil mabagal pa ang pagkilos ng commication ng panahon na iyon dahil wala pang internet, low-tech at mabagal pa ang paglilimbag at kulang o mahina pa ang mass media, maaring inabot ng dekada ang pagkalat ng mga sinungaling o twisted na kwentong berdugo ni Makapagal. Nang kumalat na ang mga ito ay saka siguro nag.react sa pamamagitan ng tula ang isa o ilan sa mga nakasaksi o napagkwentuhan nito/nila upang pabulaanan ang kabulastugang kwento ni Lazaro.

Kung hindi man ang mga tunay na nakasaksi mismo, maaring ang isa o ilan sa mga anak nila o kapamilya, kapuso, o (batang) kapatid ang gumawa ng tula bilang tanging paraaan upang iparating sa madla hindi lamang ang kahindik-hindik na paraan ng pagpatay sa Supremo kundi pati na ang kahanga-hangang katapangang ipinamalas ni Bonifacio sa kabila ng malupit na karahasang ipinataw sa kanya. Marahil, kung sino man ang gumawa o mga gumawa ng unang tula na Bonifacio putol-putol ay natakot lumantad dahil umiwas magantihan dahil simpleng tao lamang siya/sila. Nakikita ang kaparehong takot sa kaso ng testigong kinapamayam ni Aragon. Natakot siguro dahil alam na ang kampo ni Aguinaldo ay malakas pa rin o may kapit sa kapangyarihan. Si Hen. Aguinaldo nga mismo ay lalo pang yumaman ng bigyan gantimpala ito ng Kolonyal na Pamahalaang Amerikano ng maraming hektaryang lupain sa Cavite. Maari ring kaya na kaya hindi sila lumantad upang isinawalat ang nakitang pagpatay kay Supremo ay dahil natakot mismo kay Makapagal, na baka sila ay tadtarin din nito kung ganoon nga. Marahil naisip nila na dahil tanging si Makapagal ang nagkukuwento sa kamatayan ni Bonifacio ay baka ipinaligpit na nito ang mga tauhan ka-berdugo niya. Maari rin kaya na isa/ilan sa mga nakapanayam ni Aragon sa Maragondon, o mga ninuno nito, ang nagpauso ng tula?...... Pero ang sabi nga ni Masangkay ay kasama raw sa berdugo team ni Makapagal ang umamin sa kanya tungkol sa pananadtad na ginawa sa Supremo. Kung totoo na kasamang berdugo ang nagsiwalat kay Hen. Masangkay, maari kayang sila ang nagpaumpisa ng tulang Bonifacio putol-putol?????

Batay sa pag.aaral ni Aragon ay medyo tugma sa oral history ang tula kahit na hindi naman talaga pinagputol.putol ang katawan ng Supremo at bagkus ay may ilang bahagi lamang na pinutol daw. Tama rin naman ng bahagya ang tungkol sa bahaging ulo ng tula dahil kahit hindi sinabing pinutol ito ayon sa lokal na impormasyon na nakalap ni Aragon, ay may katamaan ito dahil fractured nga raw ang bungong nahukay ng Masangkay team kung sakaling tama ang conclusions nila. Then again, it seems that the 'somewhat indecent' version seems to be accurate based on a combination of Aragon's oral history and Masangkay forensic reports--tinapyas nga daw ang tenga at kamay ng Supremo at may tama bayoneta o tama nga daw sa ulo.

Tungkol sa 'a putol a uten,' paano naman tayo nakakasiguro na wala nang ibang ginawa sina Makapagal pagkatapos sa bundok Buntis? How sure are we that, assuming the hacking did occur in Mt. Buntis, Aguinaldo's men did not continue with further desecration/hacking of the body of the Supremo? After all, Lazaro and 'executioner' cohorts did not bother to transfer Bonifacio's dead body to Mt. Nagpatong (where a historical marker is located) just to bury him there, right? Maski sabihing nilakbay ang katawan ni Supremo ng malayo upang itago ang kahayupang ginawa rito, hindi pa rin tayo nakakasiguro na hindi pinagpatuloy nila Makapagal ang pagtaga sa katawan nito. Pero siyempre, ang maaring magsilbing ebidensya dito ay ang nahukay na mga buto nina Hen. Masangkay noong 1918 na nawawala o nasira na daw sa pambobomba noong Pangalawang Digmaang Pandaigdig. Nasaan nga ba ang sipi ng mga dokumentasyon ng forensic report ng UP Manila sa hinukay na pinaniniwalaang Bonifacio bones?


"Assassination," NOT "Execution"

Ang konteksto ng pagpatay o paraan ng pagpatay sa magkapatid na Bonifacio ay nakapaloob sa kaduda-dudang paraan ng 'execution' na inatas ng Hukom Militar daw ng "Republika ng Pilipinas" ni Aguinaldo. Kung talagang nagkaroon ng tunay na paglilitis at execution nga ang hatol, bakit sinadyang ikinubli, dinala pa sa bundok ang pagpatay kina Supremo? Ang execution, tulad ng nangyari kay Jose Rizal, ay isang bukas na gawain dahil pagpapatupad ito ng bukas na gawaing paglilitis.
 
Bakit itinago, ikinubli, nilayo ang pagpaslang sa magkapatid na Gat Andres at Procopio? Kung idadahilan na panahon iyon ng labanan dahil tinutukan na nga ng pwersang Kastila ang Cavite, eh hindi ba mas malaking trabaho, mas matagal, at delikado pa na ilakbay ang papataying magkapatid? Tandaan na ang totoo ay mahinang.mahina na si Supremo noon at kinailangang pang buhatin ito sa duyan. Gaano ba kahirap na doon mismo sa kuta nila Aguinaldo ay palabasin lahat ang mga tao, at tumawag siguro ng ilang sibilyan kung wala, at ihilera ang magkapatid at madaliang barilin ng ilang beses. Kung sasabihing natatakot silang magkaroon ng dissension pag nakitang binaril ang Supremo, aba eh akala ko ba ay nanalo sa halalang Tejeros si Aguinaldo? Kung talagang ibinoto siya ng mga Katipunero noong Marso 1897 ay wala siyang dapat ipag.alala dahil malugod na tatanggapin ang hatol ng korteng kanyang binuo dahil may suporta siya.

Ito marahil patagong pagpatay sa Supremo ang dahilan kung bakit ang iba ay lutong makaw ang tingin sa paglilitis na ginawa sa kanila at kung bakit "assassination" at hindi "execution" ang tawag ni Gat Apolinario Mabini sa pagpatay kina Supremo. Kung asasinasyon ang utos, maari kayang pagpatay sa taga rin ang inatas kay Makapagal?

Ang sabi raw ng nagbunyag kay Hen. Masangkay, kaya raw dinaan sa taga ang Supremo ay upang makatipid sa bala. Parang hindi kapani.paniwala na ang pangunahing nagbuo at nagumpisa ng Katipunan ay titipirin sa bala--maliban nalang if it was done out of contempt or hatred and pure seditious evil. Kung talagang 'nagtitipid' lamang, ano na iyon pukpukan ng malakas ng isang beses ang nanghihina nang si Gat Andres at ibaon na sa libing? Bakit pahihirapan sa pamamagitan ng pananaga? Sinadyang iutos sa mga tauhan na tumutupad lamang sa dikta na "tipirin" sa bala bilang huling pagyurak, pag.insulto, pagbaboy sa tinitingala ng marami na si Supremo dahil sa takot nilang manaig, mapagisang muli ang pwersang Katipunan na hinati nila gamit ang dayaan sa halalang Tejeros.


Conclusion


Mahina nang Supremo, pinahirapan,
 pinatay sa pananaga at pananaksak, hindi sa pagbaril
Tandaan na walang nag.corroborate sa kwento ni Lazaro ukol sa paraan ng pagpatay nila sa magkapatid na Bonifacio kahit kailan. Ni isa sa mga kasama nitong sundalo ay walang sinulat o walang kilalang naipasang kuwento ng pagpapatotoo sa mga kaanak nito, apparently. Nakakapagtakang lumipas ang panahon ay walang ibang nagpatotoo sa kwento ni Makapagal. Kung sakaling lahat ng apat daw na berdurong kasamahan nitong sundalo ay nangamatay noong Himagsikan at Digmaang-Pilipino Amerikano (1899-1914), bakit mukhang walang napagkuwentuhang ang mga ito upang maging mabagi man lang ng oral history ng bahaging iyon ng Katipunan? May pinagtatakpan o itinatago ba at walang ibang nagsalita tungkol sa pangyayari kundi ang pinuno ng mga berdugo na si Makapagal?

Ang naglabas ng kwento mula sa dalawang sundalo daw ni Makapagal ay si Hen. Masangkay at hindi ito nag.co.corroborate sa shifting na kuwento ng hepe ng mga berdugo kundi tahasang kumokontra pa. Kung susuriin ang pagiging lone ranger at kawalan ng ibang dokumentasyon/pagpatotoo ni Makapagal; pagkontra nito sa sarili sa iba.ibang mga bersyon niya; malalaking loopholes sa mga pahayag niya ukol sa kwento ng pagberdugo sa dalawang magiting na magkapatid na Katipunero, ang malamang matanto ay may mga tinatago si Makapagal at marahil ay ang buong kampo ni Aguinaldo.

Sa paglalagom, makikita na patungkol sa mga pangyayari noong Mayo 10, 1897:

  1.  Maraming pagsisinungaling si Lazaro at iba-iba pa--tatlong bersyon--ang mga kwento nito ukol sa pagberdugo nila;
  2. Iginigiit ng tatlong iba't ibang bersyon ni Makapagal na siya ay maawain subalit hindi ito tugma sa pagkakaroon niya ng papel sa Hukom Militar na nagmaltrato sa mga Bonifacio, kabilang ang hindi paggamot sa malubhang sugat ng Supremo at halos paggutom sa magkapatid;
  3.  Pilit isinasalarawan din sa magkakaibang kwentong berdugo ni Makapagal ang nakakahiyang karuwagan daw ng Supremo sa harap ng kamatayan, isang bagay na halatang paninira lamang dahil sobrang taliwas sa dokumentadong katapangan ni Bonifacio;
  4. Malamang na ang dahilan sa mga kasinungalingan at paiba-ibang kwentong berdugo ni Makapagal--na ni isa ay walang mag.corroborate--ay dahil may tinatago itong kagimbal.gimbal sa bandang bahaging pagpatay kina Supremo;
  5. Ang tulang Bonifacio putol-putol, na ang isang kopya ay kakatwang naka.display pa sa Maragondon courthouse, ay nagpapahiwatig ng pagkatay na paraan ng pagpatay sa Supremo at maari ring ito ay paraan ng pagwawasto ng sukdulang paninira ni Makapagal na kesyo sobrang duwag daw si Gat Andres sa harap ng kamatayan;
  6. Na may mga kwentong hindi pinatay sa pamamaril ang Supremo kundi sa pananaga, at nauna na ngang naglabas nito si Hen. Masangkay matapos magsumbong daw ang dalawang kasamang  berdugo at nagsabing 'nagtitipid' daw sa bala kaya ginanoon ang Supremo;
  7. Noong 1918, ang forensic team nila Masangkay at EDSA ay nahukay ang pinaniwalaan nila at ni Esperidiona Bonifacio na buto ng Supremo batay sa best available forensic science sa bansa noong panahong iyon at inihambing sa family history ng Supremo;
  8. Na batay sa oral history na nakalalap sa Maragondon, Cavite, nasaksihan at naikuwento sa bayan na pinahirapan bago pinatay at maaring, may pinutol na ilang bahagi ng katawan ng Supremo at inilakbay papuntang bundok Nagpatong na nakatali ang paa't kamay sa kawayan;
  9. Kung pagsasamahin ang Maragondon oral history report ni Aragon at Masangkay report, tumutugma ito sa medyo bastos na Bonifacio putol.putol na tula;
  10.  Dagdag pa, kung totoo ang sumbong kay Hen. Masangkay na kaya raw tinaga ay upang 'makatipid' daw sa bila, ginawa iyon dahil inutos bilang huling pagyurak, pag.insulto, at pagbaboy kay Supremo dahil natakot silang manaig at mapagisang muli nito ang pwersang Katipunan na hinati nila gamit ang madayang halalang Tejeros.

Mukhang talagang may nangyaring katago-tago, kahindik-hindik sa mga bundok ng Maragondon noong Mayo 10, 1897. Hindi simpleng pagpatay, hindi 'execution,' kundi malamang ay asasinasyong de putol sa Supremo. Naghihintay pa rin ng ng pagsisiwalat, ng katarungan para sa Manghihimagsik... para sa bayan.


__________


Mga Batis:

ARAGON, DANILO. Isang Panimulang Pagsisiyasat sa Ibang Bersyon ng Pagpatay (Pagputol-Putol kay Andres Bonifacio). 2001.

Ang Madilim na Bahagi ng Kasaysayan.
http://jaredramos.tumblr.com/post/13525670805

Alvarez, Santiago. The katipunan and the revolution: memoirs of a general : with the original Tagalog text. Paula Carolina S. Malay. Trans. Ateneo de Manila University Press, 1992.
http://books.google.com/books/about/The_katipunan_and_the_revolution.html?id=F3q-krDckHwC 


 Guerrero, Milagros, Emmanuel Encarnacion, and Ramon Villegas. Andres Bonifacio and the 1896 Revolution. In Sulyap Kultura. National Commission for Culture and the Arts, 1996. NCCA Site. 16 June 2003. http://www.ncca.gov.ph/about-culture-and-arts/articles-on-c-n-a/article.php?i=5&subcat=13

 Artemio Ricarte Declaration date 24 March 1897. Filipiniana.net. http://www.filipiniana.net/publication/artemio-ricarte-declaration-dated-24-march-1897/12791881635983

Kalaw, Teodoro. The Courtmartial of Andres Bonifacio.
http://www.filipiniana.net/publication/the-courtmartial-of-andres-bonifacio/12791881583874/1/0

Ocampo, Ambeth. Bonifacio’s teeth, Rizal’s breath. Inquirer.net. March 9, 2012.
http://opinion.inquirer.net/24571/bonifacio’s-teeth-rizal’s-breath

Ocampo, Ambeth. The execution of Bonifacio. Inquirer.net. May 15, 2009.
http://opinion.inquirer.net/inquireropinion/columns/view/20090515-205102/The-execution-of-Bonifacio

Ocampo, Ambeth. Urban Legends. Inquirer.net. March 13, 2012.
http://opinion.inquirer.net/24903/urban-legends

Retana, Wenceslao. "El Marat Filipino," El Renacimiento, 26 de Marzo 1908


____


Tungkol sa Kuwadrong "Ang Wakas ni Andres Bonifacio":

Isang nakakapanghilakbot na obra maestra ng historikal na pintor na si Carlos Valino Jr. na nagwagi ng unang gantimpala sa 1963 Andres Bonifacio Centennial Art Contest. "Ang Wakas ni Andres Bonifacio" ay masusulyapan ngayon sa Bulwagang Katipunan ng Manila City Hall."
-- Prop. Michael Charlestone Chua


Pasasalamat ng Malaki kay Prop. @MICHAEL CHARLESTONE CHUA ng  De La Salle University, Manila para sa pagbibigay sipi ng kuwadro  at sa pagbibigay ng sipi ng papel ni Prop. Daniel Aragon! :)

....

Saturday, May 05, 2012

Austronesyo at Arkipelagong PAGTUTOL sa Moro SUBSTATE

Mapa ng Pilipinas, pag hinati sa 'Bangsamoro'

BAKIT ba kailangang pang ihiwalay ang ating mga kapatid na Muslim sa pagtatayo ng MORO SUBSTATE???? Bakit gagamitin na namang panghiwalay ang relihiyon sa ating bayan? Bago naman dumating ang Islam (at naunang Hinduism, atbp.) ay iisang AUSTRONESYOng lahi na tayo. Ano ba ang meron? Usapang Base Militar, Yamang Lupa at baka pati Lumang Ginto ba????


Substate Batay sa Relihiyon!

Hindi maikakaila na relihiyon, ang Islam, ang basehan ng napagkasunduan o fina.finalize na substate ni "Pangulong" B.S. Aquino de Hocus Pcos at ang rebeldeng grupong maghahari.harian dito kung sakali, ang Moro Islamic Liberation Front (MILF). Ayon sa mga ulat, kasama sa napagkasunduan daw na 'preliminary decision points' ng GRP o pamahalaan ng Pilipinas at ng MILF  "that the people should be actively engaged in 'determining the role of Shariah courts and the Islamic principles of justice and fairness in the region to promote the efficient administration of justice.'" Ang ipinahihiwatig nito ay magkakaroon ng sariling judiciary ang substate--kahit labag sa 1987 na Konstitusyon--at ito ay magiging batay sa Islam.

Hindi kailanman lehitimong basehan ang relihiyon upang humiwalay dahil unang-una, sa Saligang Batas ng Pilipinas ay may 'separation of the church and the state.' Pangalawa, ang pag-sangayon sa Moro substate ay maaring maging precedent upang sumunod ang ibang grupo, mga lumad siguro, hanggang halos wala nang matira sa Republika... dahil sa relihiyon o kung ano pa man. 

Walang nagsasabi na wala, o na hindi dapat igalang, ang ilang mga pagkakaiba ng mga Muslim at iba't ibang mga grupong etniko sa bansa. Subalit hindi dapat pinalalaki ang pagkakaiba sa relihiyon o ginagawang dahilan para paghiwalayin tayo dahil ang kaibhan ng mga Pilipinong Muslim at Kristiano ay para lang ding kaibhan ng mga Lumad sa mga Kristiano o Muslim na kababayan natin. Natural lamang ang ganyan dahil ang pagkakaroon ng iba't ibang relihiyon ay kaganapang makikita sa alinmang sulok ng mundo. 

Kaya nga mayroon tayong Autonomous Region of Muslim Mindanao (ARMM) ay upang ma.accommodate ang anumang pagkakaiba ng pamumuhay o kultura. Hindi na kailangang bumuo ng ilegal o katraydurang substate na magpapalayo pa sa ating mga kapatid na Muslim. Dagdag pa, nakakatakot ang substate dahil statehood na ang susunod na antas nito. In other words, DISMEMBERMENT of the Republic looms if this Substate materializes.


Austronesyong Lahi at Kalinangan

Sa video sa ilalim ay makikita na ang mga buhay na pruweba ng ating common Austronesian heritage--mga elemento ng kalinangang Austronesyano na makikita mula Hilaga hanggang Timog ng Pilipinas (at iba pang kalahi natin sa Timog Silangang Asya, kontinental Asya, at Oceania/Dagat Pasipiko). Pangunahin sa mga elementong ito ay ang WIKA kung saan hawig ang pagbilang ng mga numero ng mga Ifugao, Tagalog region, Cebuano/a, at mga Maranaw, atbp. Ang magandang Vinta naman ng ating mga kapatid na Moro ay kasing ganda at kahawig ng mga bangka sa Iloilo at maging ng mga taga Indonesya, Tailandiya, Kiribati, at Micronesya.

Ang may akda ng isa sa mga batis ng video na naturan ay si Dok Zeus Salazar, iginagalang na historyador at antropologo, na nagsulat din ukol sa pagdating ng mga ninuno nating mga Austronesyano noong h-k. 7,000/5,000 BK h-k. 800 BK. May nauna nang sinaunang Pilipino noon, ang mga unang tao sa arkipelago, subalit ang mga Austronesyo ay mas culturally advanced na homo sapiens sapiens at siyang  nagdala ng  "mga kagamitan, kaalaman at kasanayan sa iba’t ibang larangan ng pamumuhay [na] magiging pinakabatayan o haligi ng uusbong na kalinangang Pilipino."


Merong nga bang Bangsamoro?

Ang argumento ng ilan na dapat pabayaan na lang humiwalay ang mga Muslim sa Timog dahil sila raw ay may sariling mundo o identidad ay masasabing walang basehan. Ayon nga kay Dok Salazar, may mga pagkakaiba rin ang iba't ibang mga tribo o grupong Muslim sa Mindanao:
Yung [sinasabing] "sariling mundo at identiy" kahit ngayon ay wala pa, kahit na nga sa relihiyon (liban siguro sa ilang nakapag-aral sa ibayong dagat na Muslim). Kahit ngayon ay may sariling pagkakalinlan (at marahil kakanyahan pa nga) ang mga Maranaw, Magindanaw, Samal at Tausog; walang duda rito. Yung mga aktibidad ng mga grupong natagurian ng mga Kastila na "Moro" ay gawa ng mga datu ng bawat grupong etnolingguwistikong "Muslim" o "nagiging Muslim". Hindi lahat ay mula Sulu. Nagsasalitan sa pagitan nito at ilang mga datu ng Kanlurang Mindanaw, kasama na ang mga Subanen at ilan pa...

Kahit ang mga rebeldeng grupong Muslim--ang naunang Moro National Liberation Front (MNLF) at ang MILF na siyang maghahari sa maaring matayong substate ay hindi naman iisa ang 'mundo,' ika nga at imbes ay may mga sari-sariling kalinangan at ideolohiya pa siguro. Nagkakatunggali din ang dalawang rebeldeng grupong Muslim na mga ito at matatandaan na ang MNLF ay tinanggap ang autonomy noong administrasyon ni Pangulong Fidel Ramos. Ayon nga kay Dok Salazar, "Kahit ngayon, may elementong 'etnolingguwistiko' ang pagkakaiba ng MNLF (Tausog) at MILF (Magindanaw)." Malalimang kaalamang pangkasaysayan ang kailangan. Ayaw kong pasukin ito dahil mas importante ang pagkakaisa at pagbubuklod..." 

Kahit  may mga ilang pagkakaiba man ang mga grupong etniko na Muslim sa Mindanao, at gayundin tayong mga Kristiano ang nakalakihan at mga Lumad ay may mga matingkad na pagkakapare-pareho rin. Tulad nga ng nasabi nang ating Austronesyong base race na makikita sa ating kaanyuan, wika, at artifacts. Ang isa pang mahalagang elemento na nagbubuklod sa mga mamamayan ng bayan ito na naghihiwalay naman sa atin sa iba nating kapitbahay na kapwa Austronesyo ay ang ating lupang tinubuan, ang ating arkipelago.


Bayang Hinubog din ng Geology

Ang geological na mga pangyayari libong taon na ang nakakalipas ay nagpapakita na nabuo ang ating kapuluaan nang mula sa malayong karagatan ay humantong sa bahaging ito ng Asya o Dagat Pasipiko at nag.INTEGRATE nang higit sa iba pang arkipelago sa mundo.
Around 54 million years ago, Manila and the rest of Luzon were underwater, located near where Australia is, he said. Mindanao, Palawan and Visayas were where Papua New Guinea is. But because of plate tectonic movements, the Philippines has become more integrated than any archipelago in the planet. The main islands of Luzon, Visayas and Mindanao came together, enabling the Philippines to develop a diversified geology, and such variety made it an area of accumulation for different species.
 

Malinaw dito na kung usapang Bathala, Creation/Paglikha, o kahit Evolution ang nais, malinaw sa mga hindi bulag na iisa at buklod ang kapuluan natin. Kung kaya nga batay sa atin Austronesyong lahi at kalinangan at nabuong kapuluan, dapat panatilihin ang Integridad ng REPUBLIKA ng Pilipinas/Tagalog/Taga-Ilog/Maharlika.


'Bangsamoro' bilang Panghati ng Kanluran

Itinatanggi nguni't kitang-kita ang kamay ng Kanluranin, pangunahin ang Kalbong Agila, sa   pagtutulak ng Moro substate upang hatiin ang Republika. Isinawalat ito ni dating Pangulong Joseph Estrada at marami pang ebidensyang na makikita tulad sa Wikileaks at mga ulat mismo ng front groups ng imperyalista. The Daily Tribune's Ninez Cacho-Olivares sums it up when she wrote in a recent editorial:
 ... both the US and the European Union — want the country to grant the MILF a substate that is even independent of the Philippines, as they can rely on the Muslim group, under a substate, for them to exploit the resources in the country without going through the high court... Gloria [Arroyo], in her time, was pressured by these foreign governments to forge an agreement with the MILF, providing them with an independent substate. She did, and the accord was voided by the SC.

Mga Pruweba ng Kuko ng Kalbong Agila

Sinabi ni Estrada noong 2010 na nasa likod nga ng MILF ang Estados Unidos dahil gusto nitong hatiin ang bansa dahil sa interes nito sa yamang mineral ng Mindanao at upang makapagtayong muli ito ng base militar dito sa bahaging ito ng mundo. Matatandaan na sa  panahon ni Arroyo ay nagkaroon ng pagdanak ng dugo nang magkaroong ng maliit na giyera dahil nagalit ang MILF nang ibasura nga ng Korte Suprema ang precursor ng substate,ang Memorandum of Agreement on Ancestral Domain o MoA-AD.

Ang ginawang pagsisiwalat ni Estrada ay suportado mismo ng ulat ng isang quasi-governmental organization ng Kalbong Agila. Sa Pebrero 2008 na ulat ng United States Institute of Peace (USIP), inamin nito ang naging papel nila sa "peace process" sa Mindanao sa ilalim ni Arroyo. “In 2003 the US State Department …engaged the [USIP] to facilitate a peace agreement between the government of the Republic of the Philippines (GRP) and the MILF.” Ang USIP, dapat tandaan, ay nagsisilbi talagang instrumento ng foreign policy ng Estados Unidos dahil pinopondohan ito ng kanilang Kongreso at kabilang sa ex-officio na kasapi nito ay ang noon ay US State Secretary Condoleezza Rice at Defense Secretary Robert Gates.

Nang si Aquino na ang umupo ay binuhay ang MOA-AD sa pormang substate at tamang-tamang may mga panibagong ebidensya na lumabas na nagpapatibay sa gahamang interes ng U.S. at pagni.ninong nito sa MILF. Naglabas ang Wikileaks ng ulat na ang Kalbong Agila ay sobrang interesado sa Mindanao, partikular ang Liguasan Marsh sa Cotabato Basin na may  288,000 hektarya ang lawak at kontrolado ng MILF.Sa estimates daw ng U.S. ay nagkakahalaga ng mula $840 bilyon - $1 trilyon ang hindi pa nagagalaw na yamang mineral sa bahaging iyon ng Pilipinas.

Sa kasamaang palad, ang MILF, sa suporta marahil ng mga elit at nabubulagang 'patriotiko' na Muslim, ay nagpapagamit sa damuhong Kalbong Agila  sa pag.asang mabibigyan sila ng konting grasya ng imperyalista. Ayon sa ulat ng Philippine Center for Investigative Journalism, historically ay talagang may mga Moro na yumayakap sa kolonyal na puti, sa Estados Unidos, at ipinagkanulo pa ang kapwa Pilipinong Muslim nila. Makikita ito sa panahong itinutulak ang MOA-AD:
After faintly making noise about the U.S. military activities in Mindanao last February, for example, the MILF turned quiet after a visit from U.S. Ambassador Kristie Kenney. A number of influential Moros, many of them among those who have benefited from U.S. patronage, have unsurprisingly come out in support of U.S. military intervention in Mindanao.

LUZVIMINDA, ating Pilipinas/Taga-Ilog/Tagalog/Maharlika 

Huwag nating pabayaang mawasak ang Republika batay sa relihiyon o dahil sa pagtututa sa imperyalista. Huwag nating hayaang makialam ang Kanluranin, partikular ang Kalbong Agila, ang rasista at masidhing-pumatay na kaaway natin noong Digmaang Pilipino-Amerikano (1899-1914), mga bully na bansa, sa usaping autonomiya ng kapatid nating mga Moro.  Bukod pa nga sa pagiging katrayduran at labag sa 1987 na Saligang Batas ang nilulutong Substate.   

Kahit ang agham ng Geology na, sa mga nanniwala sa Diyos ay galing din naman sa taas, ay nangungusap na hindi dapat mahati ang Pilipinas, hindi dapat mawala ang Mindanao o bahagi nito sa Republika, hindi tayo dapat maghiwa-hiwalay. Kay Lumad, Muslim o Kristiano, pare-pareho tayong may DUGO at KALINANGANG AUSTRONESYANO at iisa ang ating KAPULUAN, ang pinagbuklod na higit na 7,000 mga isla ng Pilipinas/Tagalog/Tagailog/Maharlika.




 ____


Mga Batis:

Ang Pamanang Austronesyo (FILIPINO VERSION). http://www.youtube.com/watch?v=Y0hV-AVOfTg&feature=player_embedded#!

Deni Rose M. Afinidad, Staff Writer. The Philippines: The real origin of species? The Daily Tribune. 09/29/2011. http://www.tribuneonline.org/life/20110929lif1.html

Ninez Cacho-Olivares. Carving up the Republic. 04/26/2012. The Daily Tribune. http://www.tribuneonline.org/commentary/20120426com2.html

Philippine Center for Investigative Journalism. The U.S. and the Bangsamoro Struggle: Selfish determination vs Self-determination. 1 Sept. 2008. http://pcij.org/blog/2008/09/01/the-us-and-the-bangsamoro-struggle-selfish-determination-vs-self-determination


Salazar, Zeus. Kasaysayan ng Kapilipinuhan: Bagong Balangkas. 2004. http://bagongkasaysayan.multiply.com/journal/item/2?&show_interstitial=1&u=%2Fjournal%2Fitem

Sison, Joma. US Ambassador Kenney is Lying about US Involvement in MOA-AD Sham. http://www.josemariasison.org/?p=923

Bernardo, Jesusa. Salamat sa Pagtutol ni Erap sa Moro Substate. http://jesusabernardo.blogspot.com/2011/08/salamat-sa-pagtutol-ni-erap-sa-moro.html 


....

Thursday, May 03, 2012

Paano na ang Masaker ng EDSA TRES (3)?

KAHIT ANUMAN and politikal na Kulay o Pinanggalingan o Antas ng Buhay, Edukasyon, o Ideolohiya (malalim man o 'mababaw), lahat ho ay may karapatang mag.protesta, marinig ang boses, mag.EDSA, at mabigyang proteksyon ang kanilang Karapatang Pantao. Mabilang ang tinig na sa tunay na demokrasya ay nailalabas sa boto pag eleksyon at hindi mayurakan o mabalewala ang botong iyon.  Hindi mabubuo kailanman ang bayan kung "class" n'yo lamang ang may karapatan at ang iba ay wala. 

Kaya nakakapagtaka, kung hindi man nakakasulasok, kung bakit pilit ibinabaon sa kasaysayan ng bayan ang EDSA 3 "People Power." Labing-isang (11) taon na mula ang madugong pagpatay sa ilang nag-protesta noong EDSA 3 na sumiklab nang arestuhin ang tinanggal nila sa pwesto na si Pangulong Joseph Erap Estrada noong ika-25 ng buwan ng Abril 2001. Limang araw at gabi tumagal ang Ikatlong EDSA, April 26-Mayo 1, 2001. Mas marami pa ngang hindi hamak ang taong nagpunta sa EDSA Shrine bilang pagsuporta kay Erap at sa Saligang-Batas subali't bakit pilit na minemenos ang EDSA 3 at kinalilimutan pa ang mga NAMASAKER dito? Ano, sub-Filipino, sub-human mga nag.EDSA 3 at kayo lang ang may K????.... Kawikaan nga sa KATIPUNAN ni Supremo Andres Bonifacio y de Castro, lahat tayo ay magKAKAPATID, kaya lahat ay may Karapatang Pantao, karapatang mabilang at hindi mayurakan ang boto, karapatang mag.protesta, at karapatang mag.EDSA na hindi ma.masaker....

EDSA TRES (3)...for journalist Herman Tiu-Laurel, is:
...an event that many seem to desire to forget, many seem to want to erase from our the pages of Philippine history. It was a day when the masses of the Filipino people genuinely, the massses of the Filipino people expressed themselves and let their voice be heard. This is not just the laboring class. This is not just the general population. This was what it called itself the "Poor People Power." You still remember that? That was EDSA 3. And so we will not let this month pass and the date May 1 pass without recalling those crucial events that led to the EDSA 3 march-protest and, in fact, some would say "massacre." Do you still remember the blood that was shed on that day? Many people want us to forget but we will not forget.... a dozen or more died without being remembered.

The March & Massacre

The unsuccessful EDSA 3 of May 2001, a real revolution that aimed to rectify the fallacy of the EDSA 2 power grab but which pathetically failed because the elites arrogated unto themselves the exclusive claim to EDSA. Buried in history, its importance was both undermined and misread by the elites and the Left. Hitik sa suporta ng tao ang Ikatatlong EDSA. Walang binatbat ang pangalawa na nais nitong itama. Ayon sa nakasaksi at tumutok pa: "...yung ulo, lumanding na sa J.P. Laurel, yung buntot, naka.curve pa doon sa kanto ng... Aurora-Gilmore-Granada. Ganoong kahaba." 

Subali't hindi naging panangga laban sa pang-iinsulto at masaker ang dami ng "Poor People Power" na ito. Blood was let from the bodies of unnamed, unaccounted for fatal victims of EDSA 3. Lampas isang dekada na subali't wala pa ring katarungan at pilit inililibing sa kasaysayan ng bayan. Ni hindi nga alam kung ilan exactly ang namatay--mga labingdalawa (12) ang minimum na estimate pero marami ang nagsasabing higit pa. WALA kasing imbestigasyon sa masaker. Ganoon na lang. Wala.

Makikita dito sa video na EDSA 3 REVISITED na malinaw na may isang namamaril gamit ang .45 na baril at maraming dugo ang dumanak sa isang pa lamang na lugar na nakuhanan ng camera. May mga snipers pa! Ayon sa paglalahad ni Ronald Lumbao ay sa Sta. Mesa pa lang ay una na silang pinaputukan at doon unang dumanak ang dugo ng EDSA 3. Pagdating ng mga marcher.protesters sa Mendiola, nang nagdarasal sila ay nagpaulan ulit ng baril ang pulis o anu pang elementong kasama nila. It's not clear how many EDSA 3 supporters were exactly killed but I remember Sen. Edgardo Angara lamenting on TV why no investigation was made into the deadly operation. Bakit ganoon? Bakit walang katarungan at pilit bang binubura ang mga pangyayari. Ano yan, pag hindi ninyo tipo, pag hindi class, pag hindi mabango, pag hindi malalim daw ang idelohiya ay bale wala ang mga buhay ng mga pinatay ng estadong nang-agaw ng kapangyarihan walang dayang ibinigay ng karamihan sa taumbayan????



Backgrounder: EDSA 2 Power Grab

Earlier in January of the same year, a conspiracy of political, business, and military elites with connivance of the Catholic Church in general as well as the Left, extra-constitutionally deposed then-sitting President Estrada. They accused him of massive corruption, supposedly taking jueteng kickbacks and then forced into motion the impeachment of Erap. When it became clear that the Senate impeachment court would clear Erap of charges, the prosecution walked out and the conspirators abandoned the legal process. In the words of Chief Justice Cecilia Munoz Palma: 
The 1987 Constitution suffered. This happened when the ongoing impeachment trial of President Joseph Estrada, was unceremoniously disrupted and discontinued, and the issues on hand were brought to the streets. The rule of law was set aside and the rule of force prevailed.

Na ang EDSA 2 na nagpatalsik kay Estrada ay isang masamang kuntsabahan ay malinaw na lumabas makaraan ang samu't saring pag-aaral ng sari-saring mga entities at manunulat. No less than veteran journalist and former dean of University of the Philippines College of Mass Communications Luis Teodoro exposed that. Ayon kay Teodoro: "Gloria Macapagal -Arroyo came to power in 2001 with the help of the US and its local allies in the Church, the military and the business community." Former President Fidel V. Ramos, whom the Erap administration was chasing over the Centennial Expo and PEA-AMARI corruption scandals, is notorious for hating Erap and was found to have actually schemed to prevent the presidency of Estrada.  In 1999, a Senate Blue Ribbon investigation produced the testimony indicating that the people at the Centennial Exposition project were asking contractors for LAKAS campaign contributions because they were "desperate in (sic) coming up with all means and money to prevent Erap from winning in the elections."

Nang taon ding iyon ay lumabas ang mga ulat ni Emil Jurado ng Manila Standard na may nilulutong destabilization na pagkilos laban kay Estrada at gamit ang ilang media o media people dito. Pagkatapos, sa sumunod na taon ay naglabas ang Daily Tribune ng  balitang niluto sa palasyo ng Archbishop ng Manila ang  planong pagpapatalsik kay Erap. According to the 2000 report, "representatives of business groups and Catholic Church leaders as well as representatives of celebrated personalities, came together and met formally early this month to fine tune the plan to "constitutionally" oust President Estrada under "Oplan Excelsis."

Ang mga Kontra-Masa at Nagbulag-bulagan sa Masaker noong EDSA 3

Sinasabing ang kakulangan ng military component ang nagpaiba (at nagpatalo) sa EDSA 3 kung ihahambing sa dalawang naunang EDSA "People Power." Subali't may isa pang mahalagang elemento na kaiba sa EDSA 3-- sa naunang People Power ay HINDI ginamitang ng DAHAS ng nakaupo ang mga nagprotesta samantalang sa EDSA 3 ay walang puso ginamitan ng kamay na bakal, ng nagmasaker na kamay na bakal ang mga nagprotesta. Dito makikita kung sino talaga ang moral, ang kahit papaano ay may pagmamahal sa bayan at/o paggalang sa demokrasya.

Civil Evil Society

Maliban kay Gloria Arroyo, Fidel V. Ramos, Cory C. Aquino, Jaime Cardinal Sin, mga heneral ng militar at kapulisan na sina Larry Mendoza at Angelo Reyes, ang mga Ayala's at iba pang seditious business people, ang evil Civil Society at pati ang Kaliwa ay may sala hindi lamang sa kuntsabahan na patalsikin ang tunay na hinalal na bayan kundi sa Pagpatay o Hindi Paghingi ng katarungan sa mga minasaker noong EDSA 3. The evil civil society people are also murderous in the sense that they looked the other way when Arroyo's government killed unnumbered pro-Erap protesters on May 1, 2001. They put the blame on the protesters and did not seek investigation on the deaths. Insultong umaatikabo pa nga ang pinukol sa masa ng EDSA 3. Pangisi pa ngang sinabi sa TV nitong si Alex Magno, guro sa Departamento ng Kasaysayan ng Unibersidad ng Pilipinas, na ang 'People Power' daw ng mga masa ay simpleng 'devoid of political power.'

Yellow Media

Kasama dito sa evil Civil Society ang Dilaw na mainstream media. Despite the sacrifice of blood let from the dispersal of Edsa 3, the media generally dismissed the urban revolution of the masses. Such media snootiness (if not heartlessness) against Erap's masa supporters is perhaps best represented by veteran journalist Rowena Carranza's article with a title that says it all: "Excuse me, Please Don't call it People Power III."

Activist and EDSA 3 leader Ronald Lumbao said articulated it well:

Doon nga sila nagkaroon ng galit sapagkat hindi natin makita ang fairness doon sa mga media na talagang nagpakita noong Ikalawang EDSA na iyon na raw ang totoong tinig ng nakakaraming mamamayan sa ilalim ng demokrasya. Kung kaya't parang gusto rin nating silang tanungin: ngayon na nagpapakita rin ng kanyang kapangyarihan at opinyon ang masang mamamayan na naka.tsinelas lamang, ang iba nakahubad nguni't Pilipino pa rin. Iyon bang pagiging makahirap namin ay kasalanan at iyon ba ay hindi na dapat na pakinggan sapagkat kami ay hindi nagkaroon ng balat na maputi, hindi maganda ang aming amoy, at wala kaming magandang damit at hindi kami nakasapatos na maganda at wala kaming kotse.
 
Misguided Left/Leftists

Even the leftist segment of the civil society did not bother to assail the violent dispersal at sa totoo ay kasama pa sila sa tangkang PAGHARANG sa mga EDSA 3 supporters na nag.martsa papuntang Malacanang. Ayon sa kuwento nina Ka Mentong, Larry Alcuaz, at Ronald Lumbao, sa San Beda patagong nagkumpol sina Randy David, Constantino, atbp. (at sina Satur Ocampo base sa sarili nitong ulat). Noong EDSA 2 Power Grab ay kasama sina Ocampo, et al. sa nagmartsa sa Malacanang na may halo pang pananakot sa pamahalaan ni Estrada. Bakit, sila lang ba ang may karapatang magmartsa sa Malacanang? Pag Poor People Power walang K?

Sabihin pa, lumabas na nagpagamit ang mga anti-EDSA 3 na grupo sa San Beda, nagpagamit sa pamahalaang Arroyo, kay Mike Arroyo na nagplanong mag.mobilize ng dating EDSA. Ayon kay Alcuaz, isang instigator ng EDSA 2, kumilos ang mga Arroyo para gamitin sa mobilization na pantapat sa EDSA 3 ang mga maiingay noong EDSA 2.


Sinful Church

 
Malakas na elemento ng EDSA 2 Power Grab na nanginsulto na pro-Erap na masa at, malala pa, ay walang pakialam sa minasaker noong EDSA 3, ay ang Simbahang Katokika dito sa Pilipinas. Sinful Cardinal Sin categorized them as the "great unwashed" not eligible for the holy Latin privilege of "vox populi, vox dei." Ang isang kuwarto mismo sa EDSA Shrine mismo ay ginamit ng mga power grab participants noong EDSA 2 subali't matapos ang EDSA 3 ay pinagbawal na ang pag-rally sa Shrine para hindi na raw maulit ang ginawa noong EDSA 3. Oo nga pala, ang mga eskwelahang nasa ilalim ng impluwensya ng Simnbahan katulad ng Ateneo University ay pinilit ang ang mga mag-aaral nito na pumunta sa EDSA 2 at may mga puwedeng magpatototo niya. Anupaman, ang Ateneo University at iba pang Katoliko raw na paaaralan ay sumigaw ba ng katarungan para sa mga namasaker noong EDSA 3?
 


Sino Nga Ba ang Hindi Alam ang Kanilang Ginagawa?

Ang isang madalas gamiting basehan kung bakit OK lang daw maliitin ang EDSA 3 (and by extension, the massacre) ay dahil hindi daw alam ng milyon kataong nagpunta doon ang kanilang ginagawa. Kesyo dahil daw kulang sa pinag-aralan ang karamihan ng nagpunta roon ay mga nagamit lang daw o hindi raw naiintindihan talaga ang isyu. Talaga lang ha?

Those who were gullible enough to join EDSA 2—at least those who were not part of the conspirators who aimed for nothing but power grab—had no idea that the "People Power" 2 power grab was cooked up early enough during Erap’s term--that Ramos' camp expressed plan to use Centennial Expo funds to block Erap's election, that the elites and Cardinal Sin cooked up the Erap-ouster plan Oplan Excelsis, that the imperialist United State at least gave the blessing to coup plot, that the texting messages to go to EDSA was centralized.

Moreover,the gullible mob and fans of EDSA 2 also amazingly buy the storyline that their "People Power" was "bloodless." Hanggang ngayon, marami sa kanila ang hindi alam o hindi matanggap na tinakot ng mga conspirators ang kampo ni Pangulong Erap na dadanak ng dugo at sina D._.M. “whistle-blower” Chavit Singson, First Gentle—g at seditious na mga pinunong militar ay may napakadugong Plan B kung sakaling magmatigas ang nakaupo. Kung ito man ay naging bloodless ito ay dahil nagparaya o/at umalis ng Malacanang si Estrada dahil ang pwersang nagluto ng EDSA 2 ay handang pumatay.

Hindi kaya dahil sa ang karamihan ng taga-EDSA 2 ay middle class ay mas malaki ang consumption nila ng propaganda material ng dilaw na media kung kaya ay mas madali silang napaikot ng mga manggaagaw ng kapangyarihan? Ayon sa Amerikanong linguist, cognitive scientist, pilosopo at aktibista na si Noam Chomsky, ang mga mas mataas ang pinag.aralan ay mas maraming propagandang tinatanggap sa pangkahalatan dahil mas madalas silang magbasa. Chaomsky's 'Manufacturing Consent' theory is essentially saying that (mainstream) media content is structured to restrict the expression of dissenting voices as part of a system of indoctrination under a supposed 'democratic' free press. Nakita ito sa Vietnam War. Sinulat ni Chaomsky:
Even at the peak of opposition to the U.S. war, only a minuscule portion of the intellectuals opposed the war out of principle—on the grounds that aggression is wrong. Most intellectuals came to oppose it well after leading business circles did—on the “pragmatic” grounds that the costs were too high.
Sino nga ba ang talagang estups o napaikot o hindi alam ang kanilang ginagawa? Ang taga-EDSA 3, na karamihan ay masang Pilipino/a, na nagtatanggol lang ng tunay at walang daya nilang inihalal at ayaw lumabas ng mga prosesong nakasaad sa Saligang Batas, nga ba? O ang taga EDSA 2 na inabandona ang impeachment process at nagluklok ng  sinasabing “Most Corrupt President in Philippine History,” na nagumpisa ng ‘culture of impunity at nagbigay sa Pilipino ng isa sa pinakamataas na electric power rates sa buong mundo?


The Forgotten, Unnamed Poor People Power Martyrs

EDSA 3, the more genuine People Power, not schemed by powerful conspirators only out to grab power. EDSA 3, the People Power that was more massive--in terms of EDSA street coverage and Filipinos amassed--that tried to undo the sacrilege of the pretender People Power, but was not allowed to. Nagprotesta sa EDSA 3 ang milyong Pilipino, na may suporta ng mas higit pa labas ng nasabing kalsada, dahil hindi sila natuwa na tinanggal si Erap hindi sa pamamagitan ng prosesong legal, ng impeachment court na kanilang inabandona, kundi sa pamamagitan ng kuntsabahan (ng mga political elites, Simbahan, business elites at mukhang pati Kalbong Agila) at paggamit sa hindi dapat nakikialam na militar. Ayon kay Lumbao:  
Kaya noong siya [Pangulong Erap] ay inaresto, nagalit ang mga mahihirap na nagdepensa ng matagal na panahon...  Nakita natin iyong mga pangyayari sa Middle East ngayon, unang-unang nagpakita ng kapangyarihan ang mga mahihihirap na talagang kung sino ang dapat na nakakarami ay siyang pakinggan sa lipunan. Nguni't parang hindi ganoon ang pangyayari dito sa ating bansa. Kaya pinilit nilang inaresto si Pangulong Erap dahil ito ang tanging hustipikasyon para siya maalis. At noong hindi na mapiligan ng masang mamamayan, ng masang mahihirap ang galit, doon nga lumabas na ang EDSA 3.

Ang EDSA 3 ay ang pagkilos na naglayong sanang itama ang kriminal na EDSA 2 Power Grab, ang extra.constitutional de 'stupid mob' na pang.aagaw ng lehitimong kapangyarihang mula sa malinis na boto ng taumbayan na binigay kay Pangulong Joseph Ejercito Estrada noong Halalan ng 1998. Nabigla ang taga-EDSA 2 sa pinakitang lakas ng pwersa ng EDSA 3. Sinubukang tapatang subali't hindi kinaya. Hinamak, ininsulto, walang raw "K," sabi ng mga pa-class, pa-intellectual, pa-powerful na power grabbers at hunghang na mga sumunod sa kanila noong EDSA 2. 

Higit sa panghahamak, ang iniluklok ng "peaceful" daw na EDSA 2, si Gloria Arroyo, ay ginamitan ng dahas ang walang kalaban-labang mga dukha na sumugod sa Malacanang--isang pagkilos na ginawa din naman ng  ng kampo nila noong Enero 2001. Ilan nga ba ang pinatay noong EDSA 3? Labindalawa o higit na higit pa? Sino-sino sila? Paano inilibing at saan? Alam ba ng mga pamilya nila? Baka tinakot pa ang mga pamilya ng mga biktima. Kasalanan ba nilang pinatay sila ng mga dmnyong pwersang nanaig noong EDSA 2? Ganoon na lang? Mga sub-humans, sub-Pilipino/a ba silang hindi na dapat bigyang katarungan? Kahit body count man lang, hindi n'yo ba kayang ibigay????





**********

Partial TRANSCRIPT of the Video "GNN/HTL EDSA 3 REVISITED" (URL: http://www.youtube.com/watch?v=sJ5QyUj0reI)

HERMAN TIU-LAUREL: "Let me paraphrase the oft-quoted saying that those who do not learn from history are doomed to repeat its mistakes. Recently we had May 1st, Labor Day. But there was another very significant event on that day ten years ago in our history... an event that many seem to desire to forget, many seem to want to erase from our the pages of Philippine history. It was a day when the masses of the Filipino people genuinely, the massses of the Filipino people expressed themselves and let their voice be heard. This is not just the laboring class. This is not just the general population. This is what it called itself the "Poor People Power." Do you still remember that? That was EDSA 3.

"And so we will not let this month pass and the date May 1 pass without recalling those crucial events that led to the EDSA 3 march-protest and, in fact, some would say "massacre." Do you still remember the blood that was shed on that day? Many people want us to forget but we will not forget.... a dozen or more died without being remembered."

DOCUMENTARY: President Erap Estrada Arrest, April 25, 2001... thousands of police in attendance outraged Filipinos who witnessed the spectacle converged at the EDSA Shrine in an unprecedented mass action. Yet against all consideration for their human rights, the hundreds of thousands of innocent Filipinos... parted this action were mercilessly and violently dispersed (EDSA 3, May 1, 2001 - camera zooms on ).

HTL: ...that was a one-minute clip but you could already sense, what I sensed I think as I was watching it in retrospect, the, the reality of the blood and the gruesome violence that was used against the poor who were unarmed, maybe(?) at worse, they had stones because they were compelled to pick up stones to fight back. But you saw the countless guns that barked (?) on that day. At sa totoo lang, hindi natin alam kung ilan ang talagang nasawi doon... Mayo 1 nagmartsa tungo sa Malacanang....

RONALD LIMBAO: Una, ang pinanggalingan naman talaga noon ay ang panggigipit nila kay Pangulong Estrada at iyong, ah, pagsasamasama ng naghaharing-uri, ng Simbahan at ng mayayaman para patalsikin si Pangulong Erap Estrada. Nakikita namin na yung kuntsabahan ay talagang isinagawa upang agawan ang masang mamamayan na naghalal kay Pangulong Erap ng kapangyarihan... na siyang may taglay at tangan noong si Pangulong Erap ang nanalo. Kung kaya't sa aming paniniwala, hindi nila inaasunto si Pangulong Erap o inaakusahan kung siya man ay may kasalanan o wala. Ang gusto lang talaga nila ay maalis si Pangulong Erap sapagkat hindi nila inaasahan na magkakaroon ng ganoong penomenon na ang mga mahihirap ay hindi na nila kayang madiktahan sa political process o sa, sa electoral process dito sa ating lipunan. Nagulat siguro sila at namangha na meron palang kapangyarihang ganoon ang mga mahihirap.

Kaya noong siya [Pangulong Erap] ay inaresto, nagalit ang mga mahihirap na nagdepensa ng matagal na panahon. Natatandaan mo siguro Ka Mentong [na] bago pa man nagkaroon sila ng EDSA 2 doon ay nagkaroon na ng pagdedepensa ang mga mamamayan. Nakita natin iyong mga pangyayari sa Middle East ngayon, unang-unang nagpakita ng kapangyarihan ang mga mahihihirap na talagang kung sino ang dapat na nakakarami ay siyang pakinggan sa lipunan. Nguni't parang hindi ganoon ang pangyayari dito sa ating bansa. Kaya pinilit nilang inaresto si Pangulong Erap dahil ito ang tanging hustipikasyon para siya maalis. At noong hindi na mapiligan ng masang mamamayan, ng masang mahihirap ang galit, doon nga lumabas na ang EDSA 3.

Limang araw kami doon sa EDSA [nagsimula sa Abril 25/26]. Limang araw na nandodoon kami. Nakita naman siguro ng lahat sa pamamagitan ng tanging media na nag.cover noon, na iyong bilang noon ay mas mahigit pa kumpara doon sa EDSA 2. Ang ikinagagalit ng mga tao noong panahon na iyon, kung kaya lumabas nang husto ang sobrang galit ay yung tanging nag.co.cover na media ay tinutukan pa ng tangke... ang Net 25, iyon ang nagbunsod ng matinding galit.

HTL: Ilang APC (Armore Personal Carrier) ang dumating doon? ...Eh yung mga malalaking media naman, ABS-CBN, GMA-7, ano naman ang reaksyon ng masa? Kasi importante rin iyon...

RL: Doon nga sila nagkaroon ng galit sapagkat hindi natin makita ang fairness doon sa mga media na talagang nagpakita noong Ikalawang EDSA na iyon na raw ang totoong tinig ng nakakaraming mamamayan sa ilalim ng demokrasya. Kung kaya't parang gusto rin nating silang tanungin: ngayon na nagpapakita rin ng kanyang kapangyarihan at opinyon ang masang mamamayan na naka.tsinelas lamang, ang iba nakahubad nguni't Pilipino pa rin. Iyon bang pagiging makahirap namin ay kasalanan at iyon ba ay hindi na dapat na pakinggan sapagkat kami ay hindi nagkaroon ng balat na maputi, hindi maganda ang aming amoy, at wala kaming magandang damit at hindi kami nakasapatos na maganda at wala kaming kotse.

HTL: Ronald, naalala ko, ewan ko kung ikaw... when I was in touch with you, hindi pa naman tayo masyadong magkakilala noon... sino kaya ang tine.text ko o tinatawagan ko na sabi ko 'bakit pa tayo mag.ma.martsa sa Malacanang, panalo na tayo, tagumpay na tayo dahil mas marami nga kaysa EDSA 2,' I don't think you were the one I was in touch with, ano? Hindi ko na maalala, but anyway, that was my reaction kasi, ah, nandoon ako noong unang araw, sabi ko hindi ito magtagagal so tawag ako sa bahay, pagka medyo mag.disperse na uuwi na ako. Eh nakatatlong araw na ako doon, palaki ng palaki pa eh. Noong panglimang araw, sabi ko panalo na ito, tapos na ito. Wala nang argumento yung EDSA 2. Tapos yun, nabalitaan ko na sa radyo, umuwi ako sandali, na nagma.martsa na, ang dami daw, patungong Malacanang... Anyway, what happened there?

RL: Noong gabi na iyon, nagkaroon ng pagpupulong ang political opposition kasama ako. At noong panahon na iyon, dinedesisyonan nila na itigil na ang protesta at pumunta na lamang sa eleksyon... sabi nga nila, wala naman daw suporta ang militar kung kaya't hayaan na lamang na ang eleksyon ang mag.resolba at magtapos ng isyu. Kaya lang, noong bumaba na ako, iyong haba ng nilakad ko mula doon sa building na pinanggalingan ko hanggang doon sa makapasok ako ulit sa stage, ang sabi sa akin ng mga tao: "Ka Ronald, pagka umalis pa tayo dito, hindi na kami maniniwala sa inyo. Kaya noong panahon na iyon, nakita ko na kung hindi magkakaroon ng tuldok ang ginawa noong panahon na iyon, matatalo pa siguro iyung political opposition during that time. Kinausap ko si Senator Enrile, 'Senator,' sabi ko 'baka po makaapekto pa po sa kampanya natin kapag hindi po kami gumawa ng desisyon.'

HTL: Dahil magkakaroon na ng eleksyon na noong taon na iyon, 2001, hindi ba? Senatorial [kampanya ng senatorial noong panahon na iyon within two weeks].

RL: Kaya nagpulong ang lahat ng leaders kung ano ang gagawin hanggang napagdesisyunan na tumulak papuntang Malacanang sapagka't iyon na rin naman talaga ang kagustuhan ng mga tao. Kasi para bang lumabas na pinahiya lamang kami, na nandoon ang masang mahihirap nang matagal na panahon, para bang tinakpan lang nila ang mukha nila, mata nila ng ganito [nagmustra ng takip-mata/mukha], at parang wala lang nangyari. So kung ang ibig sabihin, ang sinasabi nila ang demokrasya daw ay nakita doon sa, ang direct democracy ay nakita sa EDSA 1 at EDSA 2, ngayong [EDSA 3] ginawa ito ng mga mahihirap ay bakit hindi rin ito kilalanin kagaya ng pagkilala doon sa EDSA 1 at EDSA 2.

HTL: OK and last question before I go to Linggoy, iyong insidente na sa akin mahalaga, ah, sabi yung mga aktibista ng EDSA 2 ay nangharang pa sa martsa ninyo. Ikaw ba ay nandoon at nakita mo mismo? Sina Randy David, ah si Constantino ba daw kasama at ilan sa mga iyan, sa may San Beda raw.

RL: Noong paglapag namin, ng Mendiola, ay mayroon.... mga pulis na nagsabi sa amin. Sa totoo, iyong nagbukas mismo ng harang ay mga pulis na rin. Iyong pulis, nandodoon ako sa harapan, iyung pulis na rin mismo ang nagsabi sa akin: "Ronald, hindi namin kayo maaring papasukin pero para naman hindi kami mapahiya ay dumire-diretso na lang kayo, i.overpower n'yo na lang kami." I couldn't remember the name of that police...

HTL: and don't, hehe, he might get into trouble.

RL: And so, ang, pagkatapos na lumapag kami roon, sila na rin ang nagsabi na "Ka Ronald, sabihan mo na lang mga tao mo na huwag nang pakialaman ang mga nandoon sa San Beda na nagtatago." Sinabi nga niya kung sino-sino ang mga pangalan. Nag.announce naman ako sa microphone na kung meron mang kalaban doon, igalang na lang, hayaan na lamang....

Kaya lang, noong pinaputukan kami nang nag.open fire sila doon medyo... Ang unang putok doon sa may malapit sa PUP, iyon ang unang dugo ng EDSA [3]. Pagkatapos noong pagpasok namin...

HTL: PUP, so malayo pa sa Mendiola iyon. PUP nandoon pa sa Sta. Mesa... meroon nang unang putukan, ha?

RL: ...OO, doon ang putok, doon ang unang dugo, doon tinamaan. Pag baba namin doon sa may malapit na sa may papasok nang 7-11, binira na naman kami doon. Yung nakita ninyo [sa video clip] ah, .45 [caliber gun], naka.45 na pumuputok, doon iyon sa may lugar na iyon. Pumuputok siya. In fact, iyon, ang alam ko iyon ang tumestigo doon sa kaso ko na ang sinasabi niya ay inagawan daw siya ng baril at hindi naman daw siya pumuputok...

HTL: Eh siya nga ang nakahawak sa baril...

RL: Pagkatapos noon, pagbaba doon sa, naka, naka-landing na kami ng Mendiola, nagkakagulo doon sa may San Beda--iyon ang tinatanong mo sa akin--pero hindi na namin iyon inintindi. Ang ginawa, ang unang ginawa ko roon, doon pagkalapag na pagkalapag namin ay mamuno ng dasal. Hindi pa man natatapos ang dasal ko, binira na naman kami ng sunod-sunod na putok. Pagkatapos, binira na naman kami ng sunod.sunod na, na tear gas.

HTL: Ah, OK, bago tayo matapos sa ating unang bahagi, si Linggoy, anong recollection mo naman? Doon sa EDSA 2, instigador ka, with exclamation point and so on. And then noong EDSA 3, anong, ah... noong unang araw o unang gabi o pangalawang gabi, nag.text ako kay Linggoy dahil malapit kami, sabi ko bakit wala ka dito? Nandito talaga ang masang Pilipino. Akala ko para sa masa tayo. Iyon ang tinext ko kay Linggoy. Naalala mo yun? (Linggoy: "Oo."). Oh, anyway, magkuwento ka na doon from there...

LINGGOY ALCUAZ: Anyway, ganito, iyung punto ng tinatanong mo, iyung mga nasa San Beda, ito ang background noon. Ang backgrouond noon, before April 25 kung kailan inaresto si Pangulong Erap, nakipagpulong ako kay Marie xxx na anak ni Peping xxx. Ang sabi ko, nararamdaman ko, aarestuhin na si Erap. So dapat meron tayong contingency plan, so ang contingency plan namin, the moment na maaresto si Erap, that same night, magmi.meetng kami. Saan? Sa EDSA Shrine, kasi mayroong kuwarto roon, doon nag.mi.meeting noong EDSA 2. Unfortunately, noong inaresto si Erap, yung crowds ng Erap supporters na nandoon sa Club Filipino Ave., pumunta ng EDSA Shrine. So nag.meeting na lang kami, but not that night, the following day, doon po sa UP Parish, kay Fr. Robert Reyes.

Ok, so ganito ang nangyari: kami ni Marie ang nagsimula ng meeting. So somewhere in the middle, hinayjack ng ibang evil society at ganito ang nangyari. Iyon pala, may bumubulong, galing yata kay Mike Arroyo, ang gusto nila ay gamitin kaming panangga. So ang gusto nila, dahil meron nang Erap supporters sa [EDSA] Shrine, na iyung mga dating Edsa Dos, yung mga COMPHILDO, etc., i.mobilize din sa Malacanang. OK, pero sa meeting proper, na.defeat ang suggestion na iyon dahil sabi, eh yung pagharang, trabaho ng pulis iyon, hindi natin trabaho. Ang ginawa nila, minaniobra, pag.adjourn ng meeting, tinawag ulit yung meeting at minanipula na magkaroon ng mobilization doon sa Mendiola. Pero this is already Saturday afternoon.

Nguni't napakaliit ng mobilization, nagka.ano.ano,... mag.assemble sa NPC, etc., hindi gumanda iyong gusto ni FG [First Gentleman Mike Arroyo] na panangga, OK? Ah, by Sunday, ang rumors ay yung political opposition--ibig sabihin sina Senator Enrile--magpapakita ng solid mukha doon po sa EDSA at magkakaroon ng military-civilian component. Pero hindi po natuloy iyon noong Sunday.

HTL: OK, well, we have one minute before we take our break. Ah, your latest column on Opinyon is "EDSA 3 Ten Years Ago"... What's the gist of this column of yours?

LA: Hindi, ito po ang kuwento ko from my side. Kung ano ang nakikita ko. Basically, ang pinaka-importante ganito: No. 1, sa bilang ng tao, mas marami noong EDSA 3 kaysa EDSA 2; Pangalawa, pagdating sa lawak ng area, mas malawak kaysa noong EDSA 2; Pangatlo, kasi ako tinitingnan ko rin ang parking, ano, obviously, yung EDSA 2, medyo maraming middle class, mas maraming upper class, samantalang yung EDSA 3 ay talagang karamihan ay masa; OK, ngayon, finally, noong gabi noong April 30, in fact nasa Manila Peninsula kami, ang tumawag sa akin yung kapatid ko. Kasi ako kilala ko, ang kapatid ko hindi ko kamukha, siya ang pumapasok sa... yung gusto mong gawin ko, siya ang representative ko, nandoon siya, OK. Linggoy... huwag na kayong magpuyat, yung mga tao dito they don't look like puwede silang sumugod sa Malacanang. A few minutes later, siya naman umuwi na, a few minutes later nabalitaan namin na kumikilos na yung crowd sa EDSA Shrine patungong, hindi pa maliwanag. Kasi meroong papuntang Veterans, may pupuntang Ortigas, may Shaw Blvd. bago nagkaroon ng ano... Ngayon, yung kapatid ko saka ako, sinundan namin by, by car, yung martsa, ako sa kanan, siya sa kaliwa hanggang doon sa Sta. Mesa. And from there, I turned back. Ngayon, yung ulo, lumanding na sa J.P. Laurel, yung buntot, naka.curve pa doon sa kanto ng Gilmore at, sorry, Aurora-Gilmore-Granada. Ganoong kahaba.

HTL: We'll have to take our break but we'll have more, including the documentary, after this break... We are trying to compress a decade of history in just a little less than an hour. So bear with us, ah, we've showed the documentary clip on what happened during the march of EDSA 3 towards Malacanang, the gory details, and now, we're going to show the backgrouond that led to that EDSA 3... let's roll the documentary... beginning with the impeachment at the Senate and leading to the EDSA 3.

Documentary: ...that incriminating evidence was contained in the second envelope which was at the center of controversy of the trial. When the majority of the senator.judges voted to exclude the second envelope--correctly because it was not part of the formal complaint--"the No votes have it" [Chief Justice Hilario Davide speaks and pouts]... the prosecution... loses [much of Senate crowd walks out]. That was the signal for the conspiracy to close its ranks and marshall all its resources in the military, the church, business and media, to clinch the ouster.

It did so. And to avoid violence and..., he [President Estrada] quietly moved out of Malacanang [video shows Estrada and family waving farewell to supporters]. But he never once suggested that he intended to resign.

[in an interview, Davide speaks:] "I'll proceed to EDSA to administer the oath on the Vice-President as acting President... as acting President"

[Gloria Macapagal Arroyo oathtaking at EDSA Ave. reads:] I accept the privilege and responsibility to act as President... to act as President."

In the ensuing confusion, the conspiracy swore Gloria Arroyo into office against all tenets of the [1987] Constitution. The Constitution provides that the sitting President can be replaced only if he 1. resigns; 2. dies; 3. is incapacitated; or 4. is [successfully] impeached. Not one of these four conditions existed when the leader of the masses was uncemoniusly ousted.

Later in the (Feb. 21, 2001, Manila Peninsula) dinner hosted by her co-conspirators in the Council for Philippine Affairs or COPA, Arroyo paid tribute to those who helped make the power grab possible. Arroyo: "Maybe I should tell my version of some of the untold stories especially with regard to the military. And now that it can be told, I thing I should mention who they are. That group that I was meeting with since January was made up of General Larry Mendoza and Col. C.P. Garcia and retired Gen. Rios [applause] Art Carillo and he’s right there, [applause] Gen. Espinosa, whom everybody knows is my dear friend [applause] and ‘Spine’ is there, too, Gen. Braganza and actually ‘Boysie’ is another friend of mine….” [Video shows a newspaper headline that reads: GMA admists meeting military, defends Left."]

Leading luminaries in the international community condemned the ouster. Among others, Supreme Court Justice Cecilia Munoz Palma (Chairman, 1987 Constitutional Commission) said: The 1987 Constitution suffered. This happened when the ongoing impeachment trial of President Joseph Estrada, was unceremoniously disrupted and discontinued, and the issues on hand were brought to the streets. The rule of law was set aside and the rule of force prevailed."

Writing for the International Herald Tribune, Philip Bowring said: "Far from being a victory for democracy that is being claimed by leaders of the Anti-Estrada Movement such as Jaime Cardinal Sin, the evolution of [the Edsa 2] events have been a defeat for due process."

An Asiaweek editorial read: Again, therefore, whatever curious legal construction anyone may now attempt to put on the ouster of Estrada, he was ousted by a military coup, with the connivance of the leadership of the Roman Catholic Church and major business groups. One loser among the coup makers will be the Archbishop of Manila, Jaime Cardinal Sin, and his church."

Even the highly respected Lee Kuan Yew, interviewed by The Straits Times (January 26, 2001) weighed in with his thoughts: "The change of power in the Philippines was no boost for democracy because it was done outside the constitution…"

It has been confirmed that sin disobeyed the Vatican. (Video shows a newspaper headline that reads: "Sin oposed Vatican order, pushed Edsa II." Barely a month after the sealed second envelope was opned before the public on national television, revealing the owner of the controversial bank account to be businessman Jaime Dichaves and not the persecuted leader. (Video shows Malaya headline: "2nd envelope confirms Dichaves' 'Velarde' claim."

The conspiracy next resorted to blackmail and bribes in attempts to block an Estrada return and secure Arroyo's legitimacy. (Video shows newspaper news clip entitled "Erap free to leave RP, says DOJ). A Malacanang emissary in the person of Justice Secretary Hernando Perez offered first, a graceful exit in exchange for a signed resignation letter (Video shows Estrada clip where he says: "I will not resign." and a newspaper clip entitled "'Erap did not concede presidencel'"). And second, at a later date, a quiet back door exit with assurances... (Video shows a communication with the following highlighted: Perez asserted the government would no longer openly assist in the departure of the President but it would quietly do so. And like the first option, permission from the President to take out from the country such assets as he possessed or owned that were not under any claim of the government.") END OF VIDEO DOCU CLIP

HTL: And that back door exit that was offered to Erap, he was offered to take along everything, whatever he wants so long as he goes on exile. Erap refused that also and stayed to face the charges. Ah, we have to compress in the next 15 minutes all that we have to say about this. So I would... fast forward to... what are the lessons of history? After 2004, ah, Ronald Lumbao of Edsa 3, Linggoy Alcuaz of Edsa 2 got together in a new struggle against, now, the Gloria Macapagal regime.

AL: We'll try to have Edsa 4, 5, 6, Ok, that will never succeed... One lesson, on which side, the rebels or the status quo?

HTL: Both sides. As a nation, anong natutunan natin dito?

LA: ...hindi, praktikal ako eh. Sa status quo, yung gobyernong nakaupo, iyong incumbent, ang moral lesson, bago lumaki yung rally eh i.disperse mo na. Kasi ganoon po ang nangyari eh. Si Pangulong Erap, noong EDSA 2, hindi niya ginalaw yung rally noong... when it was small enough to disperse. Iyong EDSA 3, marahil kaya hindi na.disperse ay nasorpresa ang pamahalaan noong administrasyon ni Gloria nung yung mga supporter ni Erap na nandoon sa San Juan nang naaresto siya, tumuloy ng EDSA. Dahil ang akala nila, yung EDSA ay simbolismo iyon ng EDSA I, EDSA II. So they never expected na iyong mga supporters ni Erap doon pupunta... akala nila, sa Crame pupunta.

HTL: Ako before I go to... I'll bring out a few lessons. One, yung nagpapakita ng people power sa lansangan, napakahirap sabihin na iyon ang boses ng buong bansa kasi ang daming mga lugar at ang daming tao sa isang bansa at hindi magkakasya lahat kahit sa buong kahabaan ng EDSA, no? Second, napakahalaga ng media. And dapat talaga mabanggit iyan. So there are many more but with those two, I think two essentials are covered. So I now go to Ronald, anong lessons sa iyo?

RL: Siguro ang pinakamahalagang leksyon, na siya rin sigurong pinagmulan ng sobrang malaking problema sa korapsyon ay yung kapangyarihan ng militar na magdesisyun kung ang isa bang EDSA ay mananalo o hindi? Nakita natin iyan noong panahon ng EDSA 1 at panahon ng EDSA 2. Noong EDSA 3, eh talagang walang nagdesisyon na sumama. Naiintindihan natin ang dating Angie Reyes sapagkat eh wala pa siya halos na isang buwan doon sa puwesto ay... ibig sabihin, wala pa siyang pakinabang doon sa kanyang posisyon. Pero nakita natin pagkatapos dahil siya ang kinapitan ng husto ni Gng. Arroyo para manatili sila sa poder at hindi pansinin ang tinig ng taumbayan noong EDSA 3, nakita na lumabis naman ang pagmamalabis ng mga heneral na ginamit ni GMA para manatili siya sa poder ng kapangyarihan.

HTL: Dadagdag ko lang sa sinabi ninyong dalawa ito tapos dagdagan n'yo nang dalawa. Yung sinabi ni Ceclia Munoz Palma, the rule of force took over and the rule of law was set aside. Iyon ang nangyari sa EDSA 2, hindi ba? Na ang EDSA 3 nagprostesta subali't nang umasa sila na ang batas, yung batas iiral, hindi na nangyari at ang militar nga--yung sinasabi mo ngayon--ang nangibabaw....

____

MULI, NARITO PO ANG URL ng VIDEO na "GNN/HTL EDSA 3 REVISITED": http://www.youtube.com/watch?v=sJ5QyUj0reI

********






Mga Dagdag Batis:

 Carranza, Rowena. "Excuse me, Please Don't call it People Power III." Bulatlat. http://www.bulatlat.com/archive1/011excuse_me.htm


Chaomsky, Noam. Propaganda, American-style. http://www.zpub.com/un/chomsky.html

Key points in "Manufacturing Consent" a video about Noam Chomsky and American democracy. http://hope.journ.wwu.edu/tpilgrim/j190/Chomsky.summary.html


Florentino-Hofilena and Ian Sayson. Centennial Expo: Convenient Cover for Election Fundraising. (1999, June 14-16). Philippine Center for Investigative Journalism. http://www.pcij.org/stories/1999/expo.html

Rodis, Rodel. Estrada’s motive. Inquirer Global Nation. 09/24/2009. http://globalnation.inquirer.net/columns/columns/view/20090924-226724/Estradas-motive

Teodoro, Luis. The stake in our hearts. 13 Feb. 2009. http://www.luisteodoro.com/the-stake-in-our-hearts/

Cacho-Olivares. "Oust Estrada plot bared: Business, Church group behind 'Oplan Excelsis' "The Daily Tribune. 30 Oct. 2000. Originally posted in . Republished in http://www.network54.com/Forum/5345/viewall-page-213. Reposted further in Look Back: 'Oplan Excelsis' plot to oust then-RP President Joseph Estrada hatched in 2000. http://jesusabernardo.newsvine.com/_news/2009/10/10/3369444-look-back-oplan-excelsis-plot-to-oust-then-rp-president-joseph-estrada-hatched-in-2000?commentId=10000280



The Stupidity of the EDSA 2 “People Power” Gullibles Relived. http://jesusabernardo.newsvine.com/_news/2008/01/22/1246701-the-stupidity-of-the-edsa-2-people-power-gullibles-relived

The conspiracy of Edsa 2: how Gloria Arroyo managed not to let President Joseph Estrada finish his term. http://jesusabernardo.newsvine.com/_news/2008/02/25/1324358-the-conspiracy-of-edsa-2-how-gloria-arroyo-managed-not-to-let-president-joseph-estrada-finish-his-term



Photo credits:

Power Grab/EDSA 3 Documentary c/o GNN

BBC.com

Popular Posts

Recent Posts

Recent Posts from Jesusa Bernardo, less impersonal