Saturday, August 07, 2010

The song that candidly speaks of the ills of this generation: Awit ng Ating Panahon

This song by Rey Valera is a candid, if but poignant, articulation of what the country has become at this point in Philippine history--the time of Rey's and our generation. Listen to this song, which is banned from broadcast air playing,  for a reality check, all of you who have been acculturated to the immorality of society under the almost continuous string of yellow administrations. 



AWIT NG ATING PANAHON
by Rey Valera

Ang aking bayan
Mahal ng kalikasan
Palaging may araw
Maghapon ang kwentuhan

Sa aking panahon
May formalin na ang gulay
Mangidnap ng tao
Parang hanapbuhay

Mayro'n kaming Xerex
Gigisingin ka sa sex
Moral namin babang-baba
Nangre-rape pati bata

Ito ang bayan ko ngayon
Ito ang aking panahon
Kung maaalala mo kami
Ito ang aking panahon

Sikat ang Pinatubo
Umalis mga Kano
Nguni't ang isip namin
G.I. Joe pa rin

Pagkatapos mag-aral
Takbo ay Amerika
Tingin namin sa bayan
Ay walang pag-asa

Salitang pagkakaisa
Ay narinig na namin
Nguni't di alam ang gagawin
At ano'ng ibig sabihin

Ito ang bayan ko ngayon
Ito ang aming panahon
Kung maaalala n'yo kami
Ito ang aming panahon

Sa aking panahon
Uso ang mag-Saudi
Pag-uwi ay mayro'ng TV
May blue seal ang barkada

May ilang linggo
Magbebenta na ulit
Pinayaman ibang bayan
Pamilya'y iiwanan

Kung marami sanang
Maka-Diyos sa gobyerno
At hindi na Diyos and pera
Baka mayro'ng pag-asa

Ito ang bayan ko ngayon
Ito ang aming panahon
Kung maaalala n'yo kami
Ito ang aming panahon

Kung maaalala (sana nga)
N'yo kami(kabataan)
Ito ang aming panahon.




******

No comments:

Popular Posts