Wednesday, February 08, 2012

Pebrero 8--Kaarawan din ng Nasyonalistang si CLARO M. RECTO

HINDI lang pala si "President" B.S. Aquino de Hocus Pcos at ang manghihimagsik, pangunahing nagtaguyod ng CPP-NPA-NDF na si Ka Jose Maria "Joma" Sison ang may kaarawan ngayong araw. Kaarawan din ngayon, Pebrero 8, ng pinagpipitagang nasyonalista at statesman ng nagdaan panahon, si CLARO RECTO y Mayo na naging pangulo ng 1934 Constitutional Commission.

Ipinanganak si Claro M. Recto noong ika-8 ng Pebrero 1890 sa Tiaong, Tayabas (o ngayon ay Quezon province). Siya ay galing sa edukado at medyo elit na pamilya. Ipinangalang siya sa kanyang ama na si Claro Recto [Sr.] at ang kanyang ina naman ay si Micaela Mayo na tubong Lipa, Batangas.


Achievements

Isang abodago, jurist, manunula, plawyright, at essayist, at politiko si Recto. Tiningala siya bilang isa sa mga pinakamatalas ang isip ng kanyang henerasyon. Nanalong mambabatas ng ikalawang distrito ng Batangas noong 1919 at naging minority floor leader hanggang 1925.  Naging kasapi siya ng American Bar noon 1924 at nagbiyahe rin sa Kalbong Agila bilang kasapi ng Independence Mission. Pansamantalang namahinga sa mundo ng pulitika, ini.appoint siya ng Pangulo ng Estados Unidos, Franklin Delano Roosevelt, bilang Associate Justice ng kolonyal na Korte Suprema noong 1935. Noong taon ding iyon, siya na nahalal bilang pangulo ng asembliya na sumulat ng draft ng Saligang Batas ng (kolonyang) Pilipinas.

Claro Recto y Mayo
Naging Commission of Education, Kalihim ng Ugnayang Panlabas (Foreign Affairs) naging senador na tumanggap ng pinakamalaking boto noong 1941 at dalawang beses pang muling nahalal na senador. Nakuha ni Recto na muling maging senador noong 1950s kahit na tinira niya ang Simbahang Katolika sa impluwensya at paggamit nito ng koersyon sa mga botanteng Pilipino noong halalang 1953 at 1955.

May isang sinulat si CM Recto na masasabing kontrobersyal. Sinulat o ginawa niya ang "The Filipinos' greatest jurist" na binasa niya sa isang opisyal na okasyon kung saan binibigyang pugay niya si Cayetano Arellano, ang unang Punong Hukom ng Pilipinas noong panahon ng imperyalistang Amerikano. Tandaan na si Arellano ay isang maagang collaborator ng Kalbong Agila na tinanggap ang appointment bilang pinuno ng isang reorganisadong kolonyal na Korte Suprema wala pang isang taong pumuputok ang Digmaang Pilipino-Amerikano (1899-1914). Ang ginawang ito ni Arellano ay mariing matatawag na pagtataksil hindi lamang dahil Pilipino siya kundi naging opisyal siya ng Republika ng Pilipinas sa ilalim ni Emilio F. Aguinaldo. Si Arellano ay naging Kalihim ng Ugnayang Panlabas at naging delegado ng Kongreso ng Malolos na ratipika ng kalayaan ng Pilipinas na idineklara noong Hunyo 12, 1898. Worse, Arellano was responsible for affirming the death sentence handed to the great anti-imperialist hero, Gen. Macario Sakay, President of the Katagalugan Republic who continued to fight the enemy Bald Eagle invaders and surrendered only in 1906 after the vile American officials conned him with promises of amnesty and the establishment of a congress of elected Filipino representatives.

Anupaman, sinulat ni Recto ang nasabing talumpati noong 1922 noong bata-bata pa siya, noong ordinaryong kasapi pa siya ng Kongreso. Dagdag pa, maaring hindi na tiningnan ni Recto ang naging kataksilan ni Arellano at bagkus ay tumuon lamang ito sa ipinakita raw na "strict principles, his sterling qualities, and his humble and simple life" ni Arellano (baka nakonsensya sa pagtataksil niya sa Republika kaya nagtino?).


Nasyonalista

Sa dami ng kanyang mga naging posisyon at katanyagang nakamit, sa saling-lahi ngayon ay mas tanyag si Recto bilang isang nasyonalista. Specifically, later generations would hold Recto in high esteem for his anti-U.S. Military Bases stance and his bold criticisms of "America's anti-industrialization policy for the Philippines."

Recto became an outspoken nationalist and critic of the United States Military Bases, attacking the 1947 Military Bases Agreement and the 1951 Mutual Defense Treaty. Additionally, he condemned and the Tydings Rehabilitation Act requiring the controversial and inimical-to-the-Filipinos Parity Rights amendment to the 1935 Charter.

The World Encyclopedia sums up Recto's legacy as of prime importance to the Filipino nation:

In perspective, Recto revived the tradition of the radical dissenter fighting against feudal backwardness, clericofascist authoritarianism, and neocolonial mentality and imperialism. He strove to reawaken the consciousness of the Filipinos to the greatness of their revolutionary heritage and emphasized the need to transform the character of the national life by reaffirming their solidarity as a sovereign, free people.


CIA Recto murder plot operative
US Ambassador Admiral Raymond Spruance 
Sinabotahe, Pinagplanuhang Patayin ng CIA

Mainam sana kung ang isang Claro M. Recto ay nanalong pangulo ng bansa. Sa sinamaang palad ay hindi nangyari ito. Tinangka niyang makuha ang pinakamataas at pinakamahalagang posisyon sa bansa subali't hindi ito natupad. Ang isang dahilan (o maaring pangunahing dahilan) ay ang ginawang pagsabotahe ng kinatatakuang Central Intelligence Agency o CIA ng imperyalistang Kalbong Agila.

During a Cold War period when clandestine CIA operations were marked by intervention, deception, psychological warfare, instigations of military coup d'état and even the assassinations of foreign political leaders such as Chile's Salvador Allende (contained in the 1975 Church Committee Report of the US congressional investigations), the price of displeasing Uncle Sam was tough. Nationalist Filipino Senator Claro M. Recto would run for president during the November 12, 1957 Philippine elections but would pay the price with having to endure a bag of dirty tricks propaganda, and later, with his life.

For having actively opposed the military presence of the US in his country, his presidential campaign was immorally and deviously sabotaged by the CIA. This agency-apparatus of US imperialism ran foul operations that included the distribution of holed condoms sealed in packages labeled with "Courtesy of Claro M. Recto--the People's Friend." During a more conservative era, just the condom themselves would have repulsed Filipinos, and having them holes would have been seen as most obscene.

Centennial stamp for CM Recto
The CIA work on Recto apparently did not end there. On October 2, 1960, Recto 'mysteriously' died of heart attack in Rome, Italy while on a cultural mission on the way to Spain. Before he died, Recto was visited by "two Caucasians" donned in business suits. The possible involvement of the CIA in his death came to light following the subsequent release of US government documents revealing that CIA Chief of Station Ralph Lovett and US Ambassador to the Philippines Admiral Raymond Spruance had discussed the murder of Recto with a vial of poison.

Sinasabing naghahanda si CM Recto ng ilunsad ang kanyang Filipinist na krusada sa tradisyon ng Propaganda Movement noong dekada 1880 nang siya ay mamatay sa "sakit sa puso." Hanggang ngayon, sa kabila ng paglabas ng murder plan laban kay Recto ng CIA, ay wala pang imbestigasyon sa tunay na pangyayari sa pagkamatay ng pinagpipitagang nasyonalista.


Mga Batis:

http://www.nhi.gov.ph//index.php?option=com_today_in_history&th_days=30&th_month=7&Itemid=1&thAction=thDetailView&th_id=1096

http://www.filipiniana.net/ArtifactView.do?artifactID=SE0000000002

http://www.philstar.com/Article.aspx?articleid=398995

Encyclopedia of World Biography. http://www.bookrags.com/biography/claro-m-recto/

Claro M. Recto. http://en.wikipedia.org/wiki/Claro_M._Recto


Elbaum, Max. Vivid Images Bring Hidden History to Light. Book Review of The Forbidden Book: The Philippine American War in Political Cartoons, by Abe Ignacio, Enrique de la Cruz, Jorge Emmanuel and Helen Toribio. http://www.revolutionintheair.com/histstrategy/forbidbk.html

G. R. No.  3621. July 26, 1907.] THE UNITED STATES, Plaintiff-Appellee, vs. MACARIO SAKAY, JULIAN MONTALBAN, LEON VILLAFUERTE, and LUCIO DE VEGA, Defendants-Appellants. http://www.chanrobles.com/cralaw/1907julydecisions.php?id=8

Memorabilia Room, Chief Justices' List. http://elibrary.judiciary.gov.ph/index3.php?justicetype=Chief+Justice&justiceid=a45475a11ec72b843d74959b60fd7bd645550260501c1

Pforr, Chris. The Philippines is a Neocolonial State. http://www.chrispforr.net/row2/chrisphil7/neocolonial/neocolonial.htm

Simbulan, Roland. Covert Operations and the CIA's Hidden History in the Philippines. 18 Aug. 2000. Retrieved March 17, 2009,http://www.derechos.org/nizkor/filipinas/doc/cia.html.

The Worst Book of 2002. Review of The Savage Wars of Peace: Small Wars and the Rise of American Power, by Max Boot. 2003. http://www.main.nc.us/books/books.cgi?theworstbookof2002.



Transcript from Philippine Senate Resolution No. 121, September 16, 2008, http://www.senate.gov.ph/14th_congress/resolutions/resno121.pdf

Photo credits:

Philatelist blog. http://vincemd.blogspot.com/

Wikipedia

Friday, January 06, 2012

Si Tandang Sora at ang Manghihimagsik na Pamahalaang Katipunan

 (Updated January 7, 2010)


MELCHORA Aquino. Ang bayaning tinatawag  na "Ina ng Katipunan." Ipinanganak noong 1812 sa ganitong araw, Enero 6, sa barrio Banlat, Caloocan. Ika-200 Taon ng Kapanganakan niya ngayon.

Walungpu at apat (84) na taon na si "Cabezang Melchora" (mas kilala ngayon bilang "Tandang Sora") nang naging buhay na testigo siya sa Sigaw ng Balintawak, sa pagpupunit ng manghihimagsik na Katipunero/a ng mga sedula. Nakasalamuha niya at pinatuloy sina Supremo at iba pang mga Katipunero/a  nang dumating sa Balintawak ang mga manghihimagsik. Ang kanyang kamalig ang naging lugar kung saan binuo ang Panghimagsikang Pamahalaan mula sa tagong samahan ng Kagalanggalangang Katipunan nang manga Anak nang Bayan.

Masasabing ang Katipunan na yugto ng buhay ni Melchora Aquino ay nagsimula noong bandang kalagitnaan ng Agosto 1896 nang pumunta ang mga pinuno ng Katipunan sa Kangkong, Balintawak at pinatawag dito ni Supremo Andres Bonifacio ang mga jefes generales ng Hukbo ng Katipunan, kabilang sina Mariano Llanera, Manuel Tinio, Aurelio Tolentino, Valentin Diaz, at Miguel Malvar.

Ang Balintawak ay hindi nakakapagtakang naging kampo ng mga Katipunero/a dahil hindi ito masyadong malayo sa Tondo at dahil may mga kamag-anak si Supremo Andres Bonifacio sa Caloocan. Maliban pa dito ay tago ang Balintawak noon dahil sa makapal na halamanan o kagubatan. Ang pinakamahalaga, maraming mga Katipunero/a ang nasa bandang hilaga ng Manila malapit dito--Caloocan, Montalban, at San Mateo. Ang unang pansamantalang pinagkutaan nina Bonifacio sa Balintawak (mula looban ng Caloocan) ay ang bahay ng mayaman na si Apolonio Samson sa Kangkong.

Photo Art: JB



Mga Naging Papel ni Tandang Sora sa Katipunan

Ano ang naging papel ni Tandang Sora sa Katipunan? Nakatira malapit sa Pook Kangkong sa Balintawak, partikular sa Pasong Tamo, si Tandang Sora (ayon kay Soledad Borromeo). Nang magpasya si Bonifacio na lisanin ang lugar ni Samson sa Kangkong sa takot na mahuli ng mga Kastila, lumipat sila sa Bahay Toro (Pasong Tamo) sa lugar ni Melchora Aquino.

Naging napakamakabayan at matulungin ni Melchora Aquino kahit na matanda na siya. Marami ang nakakaalam ngayon na nagpakain, nagpatuloy, nagbigay damit, at tumulong manggamot si Tandang Sora sa mga Katipunero/a. Itinago rin niya ang mga Katipunero/a sa mga kaaway na Kastila. Ayon kay Hen. Santiago Alvarez, si Cabesang Melchora ay naging kasing mapagbigay katulad ni Samson. "Like him, she also opened her granary and had plenty of rice pounded and animals slaughtered to feed us, " sinulat ni Alvarez.

Bukod pa sa mga nabanggit, si Tandang Sora ay sumali sa mga pulong ng Katipunan. Nagpupunta siya mismo sa katabing Kangkong para sa mga pulong at upang magbigay na rin ng mga pagkain at ibang pangangailangan ng manghihimagsik. Sa pagbubukas niya ng pinto kina Supremo Bonifacio, sa manghihimagsik na Katipunan, naging makasaysayan din ang kanyang kamalig sa tala ng ating pagkabansa.


Pamahalaang Manghihimagsik

Ayon kay Alvarez at bagong pagsasaliksik nila Milagros Guerrero, sa kamalig ni Cabezang Melchora noong bandang Agosto 24, 1896 naganap ang mahahalagang pasya at pagbabago/ transformation ng Katipunan mula isang tagong samahan na naghahangad na palayain ang bansa mula sa kolonyal na banyagang pamahalaan patungo sa isang panghimagsikang pamahalaan. Kabilang sa mga mahahalagang pangyayari sa lugar ni Melchora Aquino ay ang pagpapasya na umpisahan ang giyera ng kalayaan sa Agosto 29; ang pag-organisa ng panghimagsikang hukbo sa ilalim nila Aguedo del Rosario, Vicente Fernandez, Ramon Bernardo, at Gregorio Coronel; at ang ang pagplaplano ng taktika ng apat na brigadier generals.

May interesante ring kwento ng Katipunero/a na nangyari sa bahay ni Tandang Sora. Ayon kay Aurelio Tolentino, nang natutulog sina Bonifacio, Emilio Jacinto at iba pa sa bahay ni Melchora Aquino, may isang Katipunerong nanaginip ng isang mala.Birhen na babae kasama ang isang bata. Ang magandang babae ay nakasuot ng balintawak, isang native na damit at ang supling niya ay nakasaplot na ordinaryo o pangmasa, may hawak na bolo at sumigaw ng "kalayaan". Nilapitan ng Birhen ang taong nananaginip at nagbigay babala sa kung ano. Nagising ito at sinabi ang kanyang napanaginipan at kung kaya pinagpasyahang huwag agad tumuloy sa Manila. Ilang araw pa ay lumabas ang balita na ni.raid ng guardia civil ang imprenta ng Diario de Manila. Kung hindi daw dahil sa napanaginipan (sa bahay ni Tandang Sora), maaring nahuli si Bonifacio at pinatay/execute na ng Kastila, at hindi baka hindi natuloy o naantala ang rebolusyon.

Nang sumiklab na ang Himagsikan at hinahabol na ang mga Katipunero/a, tumulong si Cabezang Melchora sa pagtatago sa kanila. Sa kanyang maliit na tindahan daw tumatakbo ang mga Katipunero/a na kanyang ginagamot at pilit itinatago mula sa kaaway na Kastila.

Agad nahuli at pinahirapan daw si Tandang Sora ng mga Kastila bago pinatapon sa bandang Guam noong taong ding iyon. Pinilit siyang magsalita nguni't hindi niya kailanman pinagkanulo ang Himagsikan, ang Katipunan. Nasa ibang bansa man ang kanyang katawan, ang nasa isip niya ay ang kalayaan at ang mga Katipunero at Katipunerangng lumalaban upang makamit ito. Pinauwi siya ng bagong mananakop, ng imperyalistang Estados Unidos, noong 1903. Matanda at naging mahirap na si Melchora Aquino Binawian ng buhay ang Ina ng Katipunan noong Marso 1919 sa edad na 107.


*Ang Kangkong, Bahay Toro, Pasong Tamo, at Gulod ay pawang mga bahagi ng Balintawak na nasa loob naman ng Caloocan noong panahon ng Kastila

______

Mga Batis:

Alvarez, Santiago V. The katipunan and the revolution:
memoirs of a general : with the original Tagalog text. Ateneo de Manila University Press, December 1992.

Borromeo-Buehler, Soledad & Borromeo, Soledad Masangkay. The cry of Balintawak:
a contrived controversy : a textual analysis with appended documents. Ateneo de Manila University Press, 1998

Character Education. Rex Bookstore, Inc.


Donato, Tony. Sino ang Nakakatanda kay Tandang Sora.
http://banlawkasaysayan.multiply.com/journal/item/2?&show_interstitial=1&u=%2Fjournal%2Fitem

Guerrero, Milagros, Emmanuel Encarnacion, & Ramon Villegas. Andres Bonifacio and the 1896 Revolution. 2003, June 16.
http://www.ncca.gov.ph/about-culture-and-arts/articles-on-c-n-a/article.php?i=5&subcat=13

Duka, E. Struggle for Freedom' 2008 Ed. Rex Bookstore.


Ileto, Reynaldo Clemena. Pasyon and revolution:

popular movements in the Philippines, 1840-1910. Ateneo de Manila University Press, December 1979.

Language Arts for the Filipino Learners: An Intergrated Language and Reading Work-a-Text for Grade Four: Volume One. Rex Bookstore, Inc. 


 Paraiso, Bryan Anthony. Tandang Sora: Profile of A Courageous Mother. http://www.nhi.gov.ph/index.php?option=content&task=view&id=744


Raw Photo Credits:

http://www.bsp.gov.ph/bspnotes/evolution/BSPNotes/EnglishSeries.pdf 
http://philippinestamps.net/RP1969.htm

http://i685.photobucket.com/albums/vv219/flowingrhythms/IMG_0004-1.jpg

http://homebodyhubby.files.wordpress.com/2009/12/singko-at-diyes-02.jpg?w=470  
http://www.banknoteworld.com/banknotes/philippines/PhilippinesP139-100Pesos-L1949-donatedsb_f.jpg

Popular Posts