Updated May 15, 2012
ANG pagdaklot, paglilitis, at pagpaslang kay Gat Andres Bonifacio y de
Castro, pangunahing nagtatag at nagpalakas ng, at Supremo ng
Kataastaasang Kagalanggalangang Katipunan nang manga Anak nang Bayan ang isa sa mga pinakapangit at kasuklam-suklam na bahagi ng kasaysayan ng Pilipinas/Tagalog/Taga-Ilog/Mah
arlika.
Paano nga naman nangyari na ang namuno ng rebolusyon, ang 'Ama ng
Himagsikan' laban sa Kastila, ang pangunahing naghangad ng, at kumilos
upang makamit, ang ating kasarinlan at pagkabansa ay nilitis at
hinatulan ng kamatayan?
M
asalimuot ang usaping ito at maraming
papasok na mga katanungan. 1) Pasok dito kung lehitimo ang resulta ng
halalan sa Tejeros Convention na sinasabi ng kampo ni Aguinaldo na
nagbigay ng kapangyarihan sa kanya upang maging "Pangulo" ng itinatag
nitong "Republika ng Pilipinas" bilang paghalili daw sa posisyon at
kapangyarihan ng Supremo at (pamahalaan ng) Katipunan. Nagkadayaan sa
Tejeros, ayon sa Kabitenyo at opisyal ng Katipunan na si Diego Mojica at
kay Hen. Artemio Ricarte, at bukod pa dito ay pinawalang-saysay ni
Bonifacio, na presiding officer ng Tejeros, ang naturang halalan. 2)
Pasok din kung bakit patraydor ang pagdaklot sa magkapatid na Andres at
Procopio Bonifacio at pagpaslang sa isa pang kapatid na si Ciriaco.
Bukod sa 'dead or alive' ang utos ni Aguinaldo sa mga tauhan nito ay
patraydor pa ang 'paghuli' kina Supremo na mainit pang tinanggap ang mga
ito na mainit ilang oras bago sila atakihin, ayon kay Hen. Santiago
Alvarez. 3) Pasok din kung bakit mas malinaw.sa.hindi na lutong makaw
ang Hukom Militar na naglitis sa magkapatid: Si Aguinaldo ang bumuo ng
korte; ang pinsan niyang si Baldomero Aguinaldo ay court auditor; at si
Hen. Mariano Noriel, ulo ng hukom na ito, ay sa umpisa pa lang ng trial
already asked the "Most Respected and Distinguished President" Aguinaldo
to judge the extent of the evil and treacherous intentions of Andres
Bonifacio; AT, maliban sa ilan pang iregularidad sa court proceedings,
ang binigay na 'defense lawyer' na si Placido Martinez ay hinusgahan
pang may sala at masama ang Supremo. 4) Bakit din pinabayaan--o
isinagawa--ang makahayup na pagtrato sa angkang Bonifacio. Pinatay si
Ciriaco; binaril at sinaksak si Gat Andres; tinangkang halayin, o talaga
daw nahalay si Gregoria de Jesus; at itinapon sa isang madilim at
maliit na bartolina ang magkapatid na Bonifacio na pinagbawalan ang
pagbisita, hindi ginamot ang mga sugat (ni Supremo) at halos hindi
pinakain at kung pinakain man ng kaunti, ito ay "pagkaing hindi na dapat
sabihin," ayon sa paglalarawan ni Hen. Alvarez.
Subali't sa
kasalukuyan, ang maaring pinakamainit na mga katanungan ay may kinalaman
sa mismong araw ng pagkitil nila ng buhay ng magkapatid na Bonifacio.
Ano nga ba ang mga nangyari noong ika-10 ng Mayo 1897. Dito, ang may
potensyal maging pinaka.nakakagimbal ay kung paano nga ba talaga pinatay
ng kampo nila Aguinaldo sina Supremo?
 |
"Ang Wakas ni Andres Bonifacio" ni Carlos Valino Jr.
Nanalo sa 1963 Andres Bonifacio Centennial Art Contest
Pinagkunan: Tragedy of the Revolution (akda ni Adrian E. Cristobal) via Prop. Michael Chua |
Tulang Putol-Putol
ANDRES BONIFACIO
ATAPANG NA TAO
A putol a paa, di dadapa
a putol a tenga, di bibingi
a putol a kamay, di papasma
a putol a ulo, di tatakbo
a putol a buho, di kakalbo
a putol a sinturon, di huhubo
a putol a itak, di iiyak
a putol a buhay, di mamamatay
Ang nasa itaas ay ang unang bahagi ng tula na may dalawang klase ng
bersyon. Ilang bersyon na nito ang nalabas, sumikat sa loob ng
mahaba-habang panahon, mga ilang dekada na. Sa pagaala.ala ng
historyador na si Prop. Danilo Aragon ng Unibersidad ng Pilipinas, noong
1960s pa ay naririnig na niya ito at lumaganap pa raw noong dekada 70s;
maaring dati pa ay naririnig na ito. Masasabing dalawang klase lamang
silang lahat--isang puno ng paggalang at isang may kabastusan sa huli.
Anupaman, nakakapagtaka ang tema ng tulang ito ukol sa Ama ng
Himagsikan, ang Supremo ng Katipunan na si Gat Andres. Putol-putol.
Bakit pinaguusapan ang pagtadtad ng katawan ng tao, ang pagtadtad kay
Supremo??? Ang mga Katipunero ba noong panahon ng liderato ni Bonifacio
ay pinagpuputol-putol ang katawan ng kalaban? Ang pagputol-putol ba ang
itinurong istilong militar ng Supremo sa mga Katipunero??? Oo nga at ang
ilan/karamihan sa mga naghimagsik na Katipunero ay walang mga baril
kaya bolo, itak ang gamit at sa ganitong uri ng malapitang labanan ay
hindi maiiwasan kung minsan na may natatapyas siguro ng bahagi ng
katawan--ang mga tinatawag na extremities lalo na. Subalit hindi naman
iyon ang layunin mismo--hindi na lang naiiwasan kung minsan. Nagkaroon
man ng grupong Tadtad na kalahating manghihimagsik at kalahating kulto o
ano man, ito naman ay nangyari sa bahaging Visayas at hindi talaga
noong Himagsikan kundi noong pakikipagdigma natin laban sa
imperyalistang Amerikano. Ang malinaw, walang patakarang pagtatadtad na
ginawa ang mga Katipunero sa panahon ni Bonifacio.
Bakit nga may Putol-Putol?
Kung ganoon ay bakit putol-putol ang tema ng tula na nakapaskil sa
museo ng pinagdausan ng paglilitis nila Supremo sa ilalim ng 'kangaroo
court' na Hukom Militar? Bumalik tayo sa putol-putol... kung walang
ganitong polisiya o istilo ang KKK, eh bakit tadtaran ng katawan ng nga
tao ang usapan sa tulang ito, na sumikat-sikat pa nga raw. Sa totoo,
kahit ako ay natatandaan ko na noong maliit ako naging sikat o kasabihan
ang tulang may bahaging "Andres Bonifacio, atapang a tao" (o dili kaya
ay "Andres Bonifacio, atapang na tao"?).
Kung hindi gawain ang
pagtadtad ng katawan ng kaaway noong Himagsikan sa panahon ng Supremo,
ang pinahihiwatig kaya ng tulang iyan ay si Bonifacio ang
pinagputol-putol??? Ito nga mismo ang kontrobersyal na thesis ng ilang
historyador sa tunay at kasuklam-suklam na ginawa ng kampo ni Aguinaldo,
o ng mga berdugo ng Heneral ng Magdalo, sa Ama ng Himagsikan.
Sa usapin ukol sa pagpatay kay Supremo, ang natural na sisiyasatin ay
ang mga nakakita--ang mga pumatay mismo, ang mga berdugo, at mga testigo
o nakakita. Sa kaso nila Gat Andres at Procopio Bonifacio, walang ibang
nakakita--at least officially--kundi ang mga berdugo lamang. Dito ang
susi ay sina Major Lazaro Makapagal at apat daw na kawal na kasama
nitong nagpatupad ng utos na pagpatay ng hukom ni Aguinaldo. Si
Makapagal ay siya ring inatasan bilang Kalihim ng naglitis na Hukom
Militar nila Aguinaldo. Sa kwento ni Alvarez, ayon daw kay Makapagal ay
tumanggap siya ng utos na magdala ng kasamang kawal at dalhin ang
magkapatid na Bonifacio, at huminto sa paanan ng bundok (Buntis) upang
basahin ang nakaselyadong sulat na naglalaman ng susunod pa nilang mga
gagawin.
Berdugong 'Maawain,' Nangmaltrato at Sinungaling!
Hindi isa, hindi dalawa, kundi tatlo ang bersyon ng kwento ni Lazaro
Makapagal ukol sa pagberdugo niya sa magkapatid na Bonifacio--at dahil
sa ang mahahalagang bahagi ay nagkokontrahan ang mga ito at hindi tugma
sa pagkatao ng Supremo ay mapagdududahan ng maigi hindi lang ang mga
kwento kundi ang nagkuwento mismo.
Bihira siguro, kung meron
man, sa isang moral na tao na makakaya ang trabaho ng berdugo na
pagkitil ng buhay ng tao--maliban na lamang kung ito ay pusong bato,
likas na matigas ang loob, ika nga. Subali't batay sa kanya mismong
sariling paglalarawan ng pagtupad daw niya sa kautusan ni Aguinaldo at
ang naghusgang military 'kangaroo' court kung saan isang opisyal din ang
isa pang dugong Aguinaldo, siya raw, si Makapagal, ay maawain. Siya raw
ay naawa ng lubos sa magkapatid na Bonifacio nang sila ay papatayin na.
Sa unang bersyon ni Makapagal, ayon sa pagkakakwento kay Hen. Alvarez
(na serialized, unang nalathala noong 1927), nanangis daw si Procopio
samantalang tumulo daw ang luha ng Supremo. Ganito daw:
...tumanggap [si Makapagal] ng utos na magsama ng mga kawal; pag-ingatang mabuti at dalhin ang Magkakapatid sa bundok ng Buntis... Sumapit sila sa paanan ng bundok... mahigpit na pinaguutos na barilin ang magkapatid... nanangis na payakap ang Procopio sa Andres at anya: "Kuya, paano tayo?" Ang Andres ay di nakakibo. Tumungo na lamang at humik na umaagos ang mapapait na luha sa dalawang mata, samantalang siya ay tumalikod sa di mabantang kababagan; bagay na nang mapaharap ay tapus na ang putok ng kanyang mga kawal; bulagta at patay ang kaawa-awang Magkapatid na Bonifacio, ...iginalang [ni Lazaro] at pinagyama sa paraang magagawa ang mga bangkay.
 |
Maj. Lazaro Makapagal, Berdugo |
|
Iginalang at
pinagyama daw ni Makapagal ang mga bangkay ng magkapatid na Bonifacio sa
unang bersyo ng kanyang kwento at nang baguhin niya ang kwento niya sa
susunod na bersyon ay naging maawain pa rin daw siya. Sa pangalawang
bersyon nitong si Makapagal kung saan pinakikita na naman niya na
nadurog raw ang puso sa kanyang habag kina Gat Andres at Procopio,
humingi pa raw siya ng tawad sa Supremo matapos unahing patayin si
Procopio ayon na rin sa utos: "I replied that I was sorry, but it was my
military duty to follow the order," sabi daw ni berdugo.
Mahirap paniwalaang si Makapagal, ang berdugo o pinuno ng mga berdugo,
ay naging maawain sa magkakapatid na Bonifacio dahil bilang bahagi ng
Hukom Militar i ay minaltrato nila ang Supremo at kapatid nito, maliban
pa nga na hitik ito sa pagsisinungaling sa kanyang mga bersyon. Kung
talagang kinaawaan niya ang mga Bonifacio, sana ay gumawa siya ng
paraaan, kinausap niya ang Hukom na ipagamot ang mga sugat ni Gat
Andres, pakainin sila ng maayos at bigyang karapatang tumanggap ng
bisita. Walang ganitong nakatala kahit sa records ng Hukom nila.
Bakit hindi nila naisip na ipagamot si Gat Andres samantalang may mga
malubha itong sugat? Ang tunay na maawain, hindi pababayaang hindi
malunasan ang malulubhang sugat ng kahit sinong nasa ilalim ng poder
nito. kahit na nga pa 'preso' ito. Liban na lamang kung alam nilang
masasayang lang ang paglunas dahil alam na nila noong una pa na
papatayin na din lang naman ito dahil nga moro-moro lang ang palabas na
paglilitis. In which case, then, Makapagal was certainly no kind-hearted
executioner but a power-grabbing, kangaroo-court-martial conspirator.
Taong 1928 lumabas sa Philippine Free Press ang ikalawang bersyon ni
Lazaro kung saan sinabi nito na isa lang ang sugat ni Bonifacio:
"Procopio and Andres were not taken to Tala hill bound but free. Andres
had only one wound, in one of his arms." Isa lang ang sugat? Itong puntong ito ay tahasang
kumokontra sa opisyal na court martial records kung saan nakalagay na
may malubhang sugat si Bonifacio sa bandang lalamunan: "However they
killed one brother of the "Supremo" and left the latter in the tribunal
(town-hall) at Yndang in a serious condition as a result of wounds
received in the larynx." Kung ang bersyon ng kampo nila na pinalalabas
na nanlaban sina Bonifacio at hitik sa pasimpleng pagiinsulto sa Ama ng
Himagsikan (na laging may kasamang quote-unquote marks ang pagsulat sa
"Supremo") ay nagsasaad na tinamaan ng masama sa larynx si Gat Andres,
ibig sabihin ay huling-huling na nagsinungaling ang hepe ng berdugo.
It's extremely difficult to believe any of Lazaro Makapagal's three
accounts of the killing of the Supremo and brother Procopio because of
the myriad of lies as shown by the glaring conflicts in in all three of
his shifting stories. It is even more difficult to believe his claim
that he was an executioner who presented a soft heart to Gat Andres and
Procopio for the simple reason that he was part of the Aguinaldo camp
that maltreated the Bonifacios during their seizure, imprisonment, and
trial. Additionally, details on his stories do not jibe even with the
records of their very own military court.
Kasinungalinangang Paninira sa Supremo
Marami pang hindi tugma sa iba't-ibang kwento ni Makapagal ukol sa
kanyang pagpaslang ss Supremo kaya talagang mahirap seryosohin ito
subalit kahit ibai.ba ang bersyon ay hawig ang tulis ng mga ito
pagdating sa paninira sa pagkabayani ni Bonifacio. Ang unang bersyon
ng kuwentong berdugo ito ay naglalarawan na duwag o hanggang iyak na
lang si Bonifacio subali't ang ikalawa at susunod pang ikatlong bersyon
nito ilang dekada matapos ang kanyang pag.berdugo ay lubusang sumisira
sa matapang na pangalan ni, o pagkakakilanlan bilang manghihimagsik na
pinuno kay, Supremo.
Sa pangalawang bersyon ni Makapagal, hindi
lang ala-talunang umiyak si Bonifacio kundi tinangka pa raw nitong
umeskapo! Sa bersyon nitong si Makapagal kung saan pinakikita na naman
niya na nadurog raw ang puso sa kanyang habag kina Gat Andres at
Procopio, ito rin ang isa sa dalawang bersyon na lalong nagpapakita na
duwag daw sa pagharap sa kamatayan ang Supremo. Ayon kay Makapagal ay
una nilang pinatay si Procopio sa pamamagitan ng pagbaril sa likod. Nang
isusunod na daw ang Supremo ay:
Andres
Bonifacio tried to escape, but he could not go far because of the thick
shrubbery around. One of the soldiers reached him, firing at him from
behind and shooting him in the back. After digging one more grave with
our bayonets and bolos, we buried Andres in it.
Sobrang
taliwas ang bahagi ng kwentong ukol sa reaksyon ng Supremo nang
papatayin na siya kung ihahambing sa orihinal na kwento ni Makapagal.
Malinaw na may pagsisinungaling sa isa sa bersyon nito, kung hindi man
sa lahat ng tatlong bersyon niya... Unang-una, paano makakatakbo ang
Supremo samantalang sobrang hina na nito dahil nasaksak nga sa lalamunan
at nabaril at hindi nga ginamot. Hindi nga iilan sa nag.a.analisang mga
historyador at eksperto ang natatawa sa pagiging imposible ng bahaging
nakatakbo pa raw si Gat Andres. Ang pagdala sa Supremo at kapatid nito
sa bundok Buntis (o Tala) noong Mayo 10, 1897 ay nakita ng ilang mga
testigo ayon sa ilang ulat kaya mahirap bilhin ang kwento ni Makapagal
na parang pinalakad nila ang Supremo. Isipin na lamang na kung ang
sugatang si Gat Andres ay dinala papunta sa Naik para sa isang pre-trial
hearing sakay ng isang duyan ay lalong ganoon din ang nangyari nang
papatayin na siya makaraan ang ilang linggo dahil hindi naman siya
pinagamot... at ginutom pa nga daw ayon kay Hen. Alvarez. Lohiko na
lamang ang paandarin at makikita ang kabuktutan ng uncorroborated na mga
salaysay ni Makapagal.
At hindi sa pangalawa nagtatapos ang
bersyon ng kwento ng berdugo dahil may isa pa. Itong bersyon na ito ay
pandagdag detalye daw sa 1928 na bersyon subali't ibang iba na naman ang
bahagi ukol sa pagtanggap ng Supremo sa napipintong pagpatay sa kanya.
Masama pa, sobrang gustong palabasin ni Makapagal na sukdulan sa
karuwagan si Bonifacio at nagmakaawa pa raw sa kanya! Dito daw sa
ikatatlong bersyon niya na binigay niya matapos ang isang taon ay hindi
lang takbo kundi pagluhod pa raw ang ginawa ng Supremo upang
magmakaawang buhayin siya! Dito sa bersyon ito ng berdugo, kahit isa ay wala nang kumagat.
Imposible Duwag si Supremo
Sa mga loopholes at pagpapalit-palit ng kwento, malinaw na
nagsisinungaling si Makapagal at layon lamang nitong sirain ang matayog
na pangalan ni Bonifacio... liban na lamang siguro kung nag.uulyanin na
si Makapagal noon o kaya naman ay pinaluwag ng kanyang 'demons' ang mga
turnilyo ng kanyang isip. Subali't dahil walang ulat na nag.uulyanin na o
di kaya ay nagde.delusyon si Makapagal nang panahon iniba nito ang
kanyang mga sumunod na pahayag, mas lohikal na isiping nagsinungaling
ito sa isa o lahat ng pahayag niya tungkol sa kontrobersyal na papel
niya sa pagkitil ng buhay ng ni Gat Andres Bonifacio (partikular sa
reaksyon ng magkapatid na Bonifacio sa pagpatay sa kanila).
Bakit kanyo? Unang una, consistent siya sa pagpapakita na naawa siya sa
magkapatid subali't palala pa nang palala ang pagsasalarawan niya ng
reaksyon ni Gat Andres sa napipintong pagpapatupad na 'execution' na
hatol ng korte ni Aguinaldo. Kita ang intensyon sa paiba-ibang kwento:
siyang berdugo ang maawain at si Supremo ay duwag sa harap ng kamatayan.
Sa pagaa.analisa ni Prop. Aragon, hindi kapani-paniwala ang pagiging
mahabagin daw ni Makapagal dahil noong nagkita sila ni Gat Gregoria de
Jesus matapos na nilang patayin ang Supremo, ang sinabi nito sa huli ay
kaya daw dala niya ang damit ng Supremo ay upang malabhan ito. Malala
pa, nang hirap na hirap na ginalugod ng Lakambini ng Katipunan ang
kabundukan upang makita ang labi ng asawa nito, sana ay nahabag si
Makapagal at itinuro na nito ang pinaglibingan nila kay Supremo.
Pangalawa, taliwas sa matapang, sobrang tapang, na imahe ng Supremo ang
mga salaysay ni Makapagal lalo na ang huling dalawa. Paano namang
nangyari na ang pangunahing nagumpisa at nagplano ng marahas na
pamamaraan upang humiwalay ang bayan sa nanakop na Kastila ay naging
duwag? Legendary nga ang tapang ni Bonifacio na humarap sa maraming
labanan at nauna nga mismong sumalang sa pakikipagdigma sa pagsiklab ng
Himagsikan. Halos ibuwis din nito ang kanyang buhay mailigtas lang ang
kaibigan niyang si Gat Emilio Jacinto. May kuwento si Alvarez ukol sa
kahandaang mamatay ng Supremo para sa pakikibaka sa Inang Bayan. Isang
beses na naglalakbay sila sa kabundukan ng Maragondong sakay ang
kani.kanilang mga kabayo ay kakatwang nahulog si Bonifacio sa kabayo
dahil sa pag.iwas sa mga nakaharang na mga sangay na kahoy--kahit na
siya ang may pinakamababang kabayo. Napagisip daw silang lahat kung
paano nangyari ang gayun samantalang dali.dali daw tumayo si Gat Andres
at sinambit ang sumusunod:
Ito'y pamahiin ng Matatanda sa
pagkatalo. Marahil kung tayo'y kulanging.palad na talunin ng mga Kaaway,
at hanggan sa dakong ito'y usigin, dito na ako mamamatay at mababaon.
Si Bonifacio na sumusugod dala ang gulok at baril at tinawag ng
pahayagang El Renacimiento na "El Marat Filipino" ay isang duwag? Malayo
sa katotohanan. Ang sabihin ni Makapagal, kung hindi lang nasugatan
nila si Supremo ay baka kinailangang igapos nila ito bago patayin dahil
baka may madali itong isa sa kanila bago nila ito mapabagsak.
It is very hard to believe someone who gives an account whose
description of the object of his 'execution' is completely antithetical
to the known character of the latter. This is especially so when he has
been found to be lying in other details, when all of his accounts
virtually conflict with each other and that the changes he made in his
subsequent accounts occured twice within only some two years (Makapagal
could have narrated his original story to Alvarez years before its
publication in 1927). Note that the shifts his stories zero in on the
point of Bonifacio's reaction to his impending 'execution' amidst the
former's selective consistency on the point of his supposed pity for the
Supremo and Procopio. Kung maraming kasinungalingan at nag.iiba ang
mahalagang bahagi sa iba't ibang bersyon ng pangunahing berdugo, ang ibig
sabihin lang nito, maliban sa halatang layuning paninira sa bayaning
pangalan ni Bonifacio, may pilit itinatago itong si Makapagal.
Ang Pagtadtad sa Supremo?
Sa bahagi nang pagharap ni Supremo sa kamatayan, angat ang
kasinungalingan ni Makapagal kaya ito ring marahil bandang bahagi ng
pagpatay ang naglalaman ng kung anong masidhing itinatago. Balik tayo sa
tula (o naging lumang awit pa nga raw yata, ayon sa isang may beterano
at retiradong historyador) na may temang putol-putol. Ang pilit kayang
pinagtatakpan ni Makapagal sa mga kasinungalingan at
hindi.tugma.sa.realided na mga mahahalagang puntos sa kanyang tatlong
bersyon ay ang maaring katotohanan ng kagimbal-gimbal at mala-hayup na
pagkatay na ginawa nilang pagpatay sa Supremo?
Masangkay Team Forensics
 |
Newspaper clipping on exhumation of Bonifacio bones |
Ang talagang unang naglabas, o nagpasikat, na pinatay daw ang Supremo
hindi sa pagbaril kundi sa pagkatay ay si Hen. Guillermo Masangkay,
kaibigan ni Bonifacio at nagsilbing militar na hepe noong Katipunan.
Ayon kay Masangkay, dalawang sundalong tauhan ni Makapagal (na sa
pamamahagi ng historyador na si Prop. Michael Charlestone Chua, ay kasama
sa berdugo team) ang nagsakay sa noon-aymalubha-na-ang-lagay na si Bonifacio sa duyan at pinatay gamit ang bolo at bayoneta. Noong 1918,
bumuo ng forensic team si Masangkay at si Epifanio de los Reyes at
naghukay ng pinaniniwalaan nilang mga buto ng Supremo ayon sa mga
detalyeng itinuro ng testigo o pinagkwentuhan ng testigo. Sinuri ang mga
buto ng mga doktor na sina Sixto de los Angeles, Fidel Cuanjunco at
Augusto Atenas sa Unibersidad ng Pilipinas. Wala pa namang DNA testing
noon at batay sa best available science sa bansa, ang pag.describe sa
mga buto na may mga tama ng bayoneta at bolo at may fractured skull ayon
na rin sa sumbong sa kanya, ay nagkumbinsi kina Masangkay na talagang
kay Bonifacio nga ang mga buto.
Pinaniwalaan din ng
nakakabatang kapatid ng Supremo na si Esperidiona na tunay nga ang mga
buto batay sa mga ngipin na hasa. Naisulat daw noong Nobyembre 28, 1926
na isyu ng dyaryong "Pagkakaisa" na kinukumpirma ni Esperidiona na
naghahasa ng ngipin ang kanyang kuya Andres gamit ang tapayan at ito ay
tugma sa "maliit at makinis" na natagpuang babang ngipin sa harap ng mga
incisors. Tugma rin ang isang basag na ngipin na nakita sa bangkay
dahil ayon kay Esperidiona ay may nabasag na ngipin ang Supremo habang
nililinis ang baril nito.
Makapagal Refutes the Bones of Contention, Ambeth Seconds the Motion
 |
Hen. Masangkay at ang pinaniniwalaang
bungo ni Supremo Bonifacio
|
Hindi nakakapagtaka, pinabulaanan ni Lazaro Makapagal na iyon nga ang
mga buto ni Gat Andres. Ang nakakapagtaka, mas binigyang halaga ni
Ambeth Ocampo, kolumnista at dating pinuno ng National Historical
Institute (ngayon ay National Historical Commission of the Philippines)
ang mga paiba-iba at uncorroborated na kwento ni Makapagal. Kesyo daw
hindi naman fully confirmed ng medico-legal na kay Supremo daw iyon
samantalang malaking tulong na ang pagsusuri noon sa pagkakakilanlan sa
mga buto at dahil nga wala pang DNA testing noon. Na kesyo bakit daw
hindi ipinaalam ang lakad nina Masangkay sa balo nito--samantalang may
bagong asawa at mga anak na noon si Gat Gregorio de Jesus at may tatalo
pa ba sa kapatid sa pagkilala ng remains lalo't mas matagal nakasama ni
Esperidiona si Gat Andres kung ihahambing sa asawa nito. Kesyo kung
totoo daw na buto ni Supremo iyon ay bakit daw hindi rin nakita ang mga
buto ni Procopio, na isang bagay na kakatwang tinatanong ng isang
maraming alam sa kasaysayan dahil alam niyang nasa bundok Nagpatong ang
historical marker ni Bonifacio--ibig sabihin, posibleng nilipat lamang
ang mga buto ng Supremo, na talagang sinusulat naman ng ibang
historyador. Na kesyo mas 'authoritative' daw si Lazaro dahil nandoon
siya mismo--hello, mahirap bang makita na batay sa motive principle,
hindi maasahan na ituro ng isang berdugo kung alin o saan talaga
naroroon ang mga buto ng pinatay nito lalo na't pinagsusupetsahan na
pakatay, imbes na pabaril, ang ginawa nito. Na kesyo hindi raw
medico.legal experts sina Masangkay at EDSA--isa pang 'hello,' kasi po
ay naroroon ang dalawa bilang history experts/resource persons AT kaya
nga may mga doktor na nagsuri sa mga buto eh.
Sa madaling
salita, nakakapagtakang mas pinaniniwalaan ni Ocampo ang paiba.iba,
walang suporta, at sinungaling o puno.ng.loopholes na mga kuwentong
berdugong at may vested interest pa na si Makapagal. Samantala, ang
forensic team nila Masangkay at EDSA ay may mga ebidensya o suportang
family history at mga eksperto pa... subali't minenos lang ni Ocampo
pabor kay Makapagal. Dagdag pa, maliban sa mga butong nahukay at
pagsusuri dito ay may mga magsasaka ring testigo sa pagkatay daw na
pagpatay sa Supremo, ayon sa libro daw ni Adrian Cristobal. Hindi
lohikal na tingnan na kapani.paniwala si Makapagal kung kaya hindi na
rin siguro nakakagulat na nawala na lamang ang mga butong nahukay, na
kasama raw nabomba noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, sa poder ng
pang.kasaysayang mga ahensya ng pamahalaan.
Pag.aaral ni Aragon
Sa pananaliksik ni Aragon sa isyu, gumamit siya ng metodolohiyang batay
o ayon sa tinatawag na oral history. Local oral history to be exact
because his interviewees all came from Maragondon, Cavite. Dalawa sa
apat na kinapanayam niya ay nagkuwento na batay sa kanilang mga
ninuno/magulang at "kwentong bayan" ay pinahirapan ang Supremo: sina
Potenciano Villaran, edad 64; Sonny Villaran, 46; Guillermo Quini-quini,
83; at Lauro Abayon, 35.
Ayon kay Sonny Villaran batay sa
kwento ng kanyang ama at sa kwentong bayan sa panahon ng lolo niya na
nabuhay noong panahon ni Bonifacio, pinutol muna ang tainga at kamay ng
Supremo at pinahirapan daw bago pinatay. Pagkapatay daw ay itinali sa
kawayan ang natirang katawan (at sa isang bersyon ay nakasakay pa rin sa
duyan) at nilipat sa Bundok Nagpatong. Dinagdag niya na hindi naman daw
talaga nagkaroon ng paglilitis ang magkapatid na Bonifacio. Ayon naman
kay Abayon, na hango rin sa kwentong bayan at sa mga sinabi noon ng
kanyang lolo na ipinanganak ng mga 1910, ay pinahirapan nga ang Supremo
at kahawig nang kwento ni Potentiano Villaran, ay inilipat din ang
katawan nito na nakatali sa kawayan ang mga paa at kamay (na parang
baboy); si Quini-quini, na pinakamatanda, ay may mga hindi na matandaan.
Lahat ay nagkuwento na kung hindi sa bundok Buntis ay banda rito
pinatay at para sa tatlo ay malinaw na nilipat lamang ang mga labi sa
bundok Nagpatong dahil may nakakita ng krimen. Dagdag pa, sa
pangkalahatan, lumabas na kaya kumilos sina Aguinaldo laban kay
Bonifacio ay dahil may bantang na.perceive ang una, na 'masasapawan' o
'matatalo' ng pangkat ng Supremo ang una.
Napansin ni Aragon na
ang iba sa kanyang nakapanayam ay parang takot magsalita. Sa pakiwari
niya, maaring may makuha pa siyang impormasyon sa iba pa sa kanila kung
wala lang siguro silang mga takot sa dibdib dahil sa sinapit ni
Bonifacio. Herein, it is worth noting that Aragon's interviewees
harbored some fear of expressing themselves despite the fact that Aragon
himself is a Caviteno.
Tulang Bonifacio Putol-Putol bilang Pagtatama ng Kasaysayan?
Nasabi ko na na dalawa ang klase ng mga bersyon ng tulang putol-putol,
ayon na rin kay Prof. Aragon. Narito ang medyo bastos na bersyon:
ANDRES BONIFACIO
A TAPANG A TAO
A putol a kamay, di tatakbo
a putol a ulo, di tatakbo
a putol a tenga, di tatakbo
a putol a uten, takbo a tulin.
Makikita sa bersyon na ito na putol-putol at katapangan pa rin ang
ikinuwento. Ang salitang "uten," nga pala, ay isang pang-kantong salita
na ang ibig sabihin ay ang ari o sekswal na bahagi ng lalaki. Kahit na
medyo bastos ang bersyon na ito ay ipinalalabas pa rin na, sa normal na
pangyayari (hindi kasama ang uten), ay walang duda ang katapangan ni
Supremo Bonifacio. Pinagtatadtad na nga ay hindi pa rin daw tumakbo si
Gat Andres. Kung iisipin, kung totoo man ang pagputol-putol sa Ama ng
Himagsikan, hindi naman maaring makatakbo pa ito dahil nga malubha ang
kalagayan niya dahil sa tinamong baril at saksak na hindi naman ginamot.
Ang pinapalabas siguro dito at doon sa mas magalang na bersyon ay sa
sobrang katapangan ni Gat Andres, kahit na pinagtatadtad siya ng mga
tantads na berdugo ay hinarap niya ito ng buo ang loob, hindi umiyak,
hindi nagmakaawa, ni hindi siguro tumalikod sa harap ng matatalas at
malulupit na hagupit ng mga itak.
Subalit maaring may isa pang
gustong ipahiwatig ang mga bersyon ng tulang Bonifacio putol-putol--ang
pabulaanan ang mga kasinungalingan ni Lazaro Makapagal, hepe ng mga
berdugo ng Mayo 10, 1897. Nasa 1960s nagumpisa ang tulang iyan at
maaring mas maaga pa. Ang lahat ng bersyon ni Makapagal ukol sa
paspaslang nila sa Supremo ay na.imprenta nang patapos na ang 1920s.
Dahil mabagal pa ang pagkilos ng commication ng panahon na iyon dahil
wala pang internet, low-tech at mabagal pa ang paglilimbag at kulang o
mahina pa ang mass media, maaring inabot ng dekada ang pagkalat ng mga
sinungaling o twisted na kwentong berdugo ni Makapagal. Nang kumalat na
ang mga ito ay saka siguro nag.react sa pamamagitan ng tula ang isa o ilan
sa mga nakasaksi o napagkwentuhan nito/nila upang pabulaanan ang
kabulastugang kwento ni Lazaro.
K
ung hindi man ang mga tunay na
nakasaksi mismo, maaring ang isa o ilan sa mga anak nila o kapamilya,
kapuso, o (batang) kapatid ang gumawa ng tula bilang tanging paraaan
upang iparating sa madla hindi lamang ang kahindik-hindik na paraan ng
pagpatay sa Supremo kundi pati na ang kahanga-hangang katapangang
ipinamalas ni Bonifacio sa kabila ng malupit na karahasang ipinataw sa
kanya. Marahil, kung sino man ang gumawa o mga gumawa ng unang tula na
Bonifacio putol-putol ay natakot lumantad dahil umiwas magantihan dahil
simpleng tao lamang siya/sila. Nakikita ang kaparehong takot sa kaso ng
testigong kinapamayam ni Aragon. Natakot siguro dahil alam na ang kampo
ni Aguinaldo ay malakas pa rin o may kapit sa kapangyarihan. Si Hen.
Aguinaldo nga mismo ay lalo pang yumaman ng bigyan gantimpala ito ng
Kolonyal na Pamahalaang Amerikano ng maraming hektaryang lupain sa
Cavite. Maari ring kaya na kaya hindi sila lumantad upang isinawalat ang
nakitang pagpatay kay Supremo ay dahil natakot mismo kay Makapagal, na
baka sila ay tadtarin din nito kung ganoon nga. Marahil naisip nila na
dahil tanging si Makapagal ang nagkukuwento sa kamatayan ni Bonifacio ay
baka ipinaligpit na nito ang mga tauhan ka-berdugo niya. Maari rin kaya
na isa/ilan sa mga nakapanayam ni Aragon sa Maragondon, o mga ninuno
nito, ang nagpauso ng tula?...... Pero ang sabi nga ni Masangkay ay
kasama raw sa berdugo team ni Makapagal ang umamin sa kanya tungkol sa
pananadtad na ginawa sa Supremo. Kung totoo na kasamang berdugo ang
nagsiwalat kay Hen. Masangkay, maari kayang sila ang nagpaumpisa ng
tulang Bonifacio putol-putol?????
Batay sa pag.aaral ni Aragon
ay medyo tugma sa oral history ang tula kahit na hindi naman talaga
pinagputol.putol ang katawan ng Supremo at bagkus ay may ilang bahagi
lamang na pinutol daw. Tama rin naman ng bahagya ang tungkol sa bahaging ulo
ng tula dahil kahit hindi sinabing pinutol ito ayon sa lokal na impormasyon na
nakalap ni Aragon, ay may katamaan ito dahil fractured nga raw ang
bungong nahukay ng Masangkay team kung sakaling tama ang conclusions
nila. Then again, it seems that the 'somewhat indecent' version seems to
be accurate based on a combination of Aragon's oral history and
Masangkay forensic reports--tinapyas nga daw ang tenga at kamay ng
Supremo at may tama bayoneta o tama nga daw sa ulo.
Tungkol sa
'a putol a uten,' paano naman tayo nakakasiguro na wala nang ibang
ginawa sina Makapagal pagkatapos sa bundok Buntis? How sure are we that,
assuming the hacking did occur in Mt. Buntis, Aguinaldo's men did not
continue with further desecration/hacking of the body of the Supremo?
After all, Lazaro and 'executioner' cohorts did not bother to transfer
Bonifacio's dead body to Mt. Nagpatong (where a historical marker is
located) just to bury him there, right? Maski sabihing nilakbay ang
katawan ni Supremo ng malayo upang itago ang kahayupang ginawa rito,
hindi pa rin tayo nakakasiguro na hindi pinagpatuloy nila Makapagal ang
pagtaga sa katawan nito. Pero siyempre, ang maaring magsilbing ebidensya dito ay ang nahukay na mga buto nina Hen. Masangkay noong 1918 na nawawala o nasira na daw sa pambobomba noong Pangalawang Digmaang Pandaigdig. Nasaan nga ba ang sipi ng mga dokumentasyon ng forensic report ng UP Manila sa hinukay na pinaniniwalaang Bonifacio bones?
"Assassination," NOT "Execution"
Ang konteksto ng pagpatay o paraan ng pagpatay sa magkapatid na
Bonifacio ay nakapaloob sa kaduda-dudang paraan ng 'execution' na inatas
ng Hukom Militar daw ng "Republika ng Pilipinas" ni Aguinaldo. Kung
talagang nagkaroon ng tunay na paglilitis at execution nga ang hatol,
bakit sinadyang ikinubli, dinala pa sa bundok ang pagpatay kina Supremo?
Ang execution, tulad ng nangyari kay Jose Rizal, ay isang bukas na
gawain dahil pagpapatupad ito ng bukas na gawaing paglilitis.
Bakit itinago, ikinubli, nilayo ang pagpaslang sa magkapatid na Gat
Andres at Procopio? Kung idadahilan na panahon iyon ng labanan dahil
tinutukan na nga ng pwersang Kastila ang Cavite, eh hindi ba mas
malaking trabaho, mas matagal, at delikado pa na ilakbay ang papataying
magkapatid? Tandaan na ang totoo ay mahinang.mahina na si Supremo noon
at kinailangang pang buhatin ito sa duyan. Gaano ba kahirap na doon
mismo sa kuta nila Aguinaldo ay palabasin lahat ang mga tao, at tumawag
siguro ng ilang sibilyan kung wala, at ihilera ang magkapatid at
madaliang barilin ng ilang beses. Kung sasabihing natatakot silang
magkaroon ng dissension pag nakitang binaril ang Supremo, aba eh akala
ko ba ay nanalo sa halalang Tejeros si Aguinaldo? Kung talagang ibinoto
siya ng mga Katipunero noong Marso 1897 ay wala siyang dapat ipag.alala
dahil malugod na tatanggapin ang hatol ng korteng kanyang binuo dahil
may suporta siya.
Ito marahil patagong pagpatay sa Supremo ang
dahilan kung bakit ang iba ay lutong makaw ang tingin sa paglilitis na
ginawa sa kanila at kung bakit "assassination" at hindi "execution" ang
tawag ni Gat Apolinario Mabini sa pagpatay kina Supremo. Kung
asasinasyon ang utos, maari kayang pagpatay sa taga rin ang inatas kay
Makapagal?
A
ng sabi raw ng nagbunyag kay Hen. Masangkay, kaya
raw dinaan sa taga ang Supremo ay upang makatipid sa bala. Parang hindi
kapani.paniwala na ang pangunahing nagbuo at nagumpisa ng Katipunan ay
titipirin sa bala--maliban nalang if it was done out of contempt or
hatred and pure seditious evil. Kung talagang 'nagtitipid' lamang, ano
na iyon pukpukan ng malakas ng isang beses ang nanghihina nang si Gat
Andres at ibaon na sa libing? Bakit pahihirapan sa pamamagitan ng
pananaga? Sinadyang iutos sa mga tauhan na tumutupad lamang sa dikta na
"tipirin" sa bala bilang huling pagyurak, pag.insulto, pagbaboy sa
tinitingala ng marami na si Supremo dahil sa takot nilang manaig,
mapagisang muli ang pwersang Katipunan na hinati nila gamit ang dayaan
sa halalang Tejeros.
Conclusion
 |
Mahina nang Supremo, pinahirapan,
pinatay sa pananaga at pananaksak, hindi sa pagbaril |
Tandaan na
walang nag.corroborate sa kwento ni Lazaro ukol sa paraan ng pagpatay
nila sa magkapatid na Bonifacio kahit kailan. Ni isa sa mga kasama
nitong sundalo ay walang sinulat o walang kilalang naipasang kuwento ng pagpapatotoo sa
mga kaanak nito, apparently. Nakakapagtakang lumipas ang panahon ay
walang ibang nagpatotoo sa kwento ni Makapagal. Kung sakaling lahat ng
apat daw na berdurong kasamahan nitong sundalo ay nangamatay noong
Himagsikan at Digmaang-Pilipino Amerikano (1899-1914), bakit mukhang
walang napagkuwentuhang ang mga ito upang maging mabagi man lang ng oral
history ng bahaging iyon ng Katipunan? May pinagtatakpan o itinatago ba
at walang ibang nagsalita tungkol sa pangyayari kundi ang pinuno ng mga
berdugo na si Makapagal?
A
ng naglabas ng kwento mula sa dalawang
sundalo daw ni Makapagal ay si Hen. Masangkay at hindi ito
nag.co.corroborate sa shifting na kuwento ng hepe ng mga berdugo kundi
tahasang kumokontra pa. Kung susuriin ang pagiging lone ranger at
kawalan ng ibang dokumentasyon/pagpatotoo ni Makapagal; pagkontra nito
sa sarili sa iba.ibang mga bersyon niya; malalaking loopholes sa mga
pahayag niya ukol sa kwento ng pagberdugo sa dalawang magiting na
magkapatid na Katipunero, ang malamang matanto ay may mga tinatago si
Makapagal at marahil ay ang buong kampo ni Aguinaldo.
Sa paglalagom, makikita na patungkol sa mga pangyayari noong Mayo 10, 1897:
- Maraming pagsisinungaling si Lazaro at iba-iba pa--tatlong bersyon--ang mga kwento nito ukol sa pagberdugo nila;
- Iginigiit ng tatlong iba't ibang bersyon ni Makapagal na siya ay
maawain subalit hindi ito tugma sa pagkakaroon niya ng papel sa Hukom
Militar na nagmaltrato sa mga Bonifacio, kabilang ang hindi paggamot sa
malubhang sugat ng Supremo at halos paggutom sa magkapatid;
- Pilit isinasalarawan din sa magkakaibang kwentong berdugo ni Makapagal
ang nakakahiyang karuwagan daw ng Supremo sa harap ng kamatayan, isang
bagay na halatang paninira lamang dahil sobrang taliwas sa dokumentadong
katapangan ni Bonifacio;
- Malamang na ang dahilan sa mga
kasinungalingan at paiba-ibang kwentong berdugo ni Makapagal--na ni isa
ay walang mag.corroborate--ay dahil may tinatago itong kagimbal.gimbal
sa bandang bahaging pagpatay kina Supremo;
- Ang tulang
Bonifacio putol-putol, na ang isang kopya ay kakatwang naka.display pa
sa Maragondon courthouse, ay nagpapahiwatig ng pagkatay na paraan ng
pagpatay sa Supremo at maari ring ito ay paraan ng pagwawasto ng
sukdulang paninira ni Makapagal na kesyo sobrang duwag daw si Gat Andres
sa harap ng kamatayan;
- Na may mga kwentong hindi pinatay sa
pamamaril ang Supremo kundi sa pananaga, at nauna na ngang naglabas
nito si Hen. Masangkay matapos magsumbong daw ang dalawang kasamang berdugo at nagsabing 'nagtitipid' daw sa bala kaya ginanoon ang Supremo;
- Noong 1918, ang forensic team nila
Masangkay at EDSA ay nahukay ang pinaniwalaan nila at ni Esperidiona
Bonifacio na buto ng Supremo batay sa best available forensic science sa
bansa noong panahong iyon at inihambing sa family history ng Supremo;
- Na batay sa oral history na nakalalap sa Maragondon, Cavite,
nasaksihan at naikuwento sa bayan na pinahirapan bago pinatay at
maaring, may pinutol na ilang bahagi ng katawan ng Supremo at inilakbay
papuntang bundok Nagpatong na nakatali ang paa't kamay sa kawayan;
- Kung pagsasamahin ang
Maragondon oral history report ni Aragon at Masangkay report, tumutugma
ito sa medyo bastos na Bonifacio putol.putol na tula;
- Dagdag pa, kung totoo ang sumbong kay Hen. Masangkay na kaya raw tinaga
ay upang 'makatipid' daw sa bila, ginawa iyon dahil inutos bilang
huling pagyurak, pag.insulto, at pagbaboy kay Supremo dahil natakot
silang manaig at mapagisang muli nito ang pwersang Katipunan na hinati
nila gamit ang madayang halalang Tejeros.
Mukhang talagang may
nangyaring katago-tago, kahindik-hindik sa mga bundok ng Maragondon
noong Mayo 10, 1897. Hindi simpleng pagpatay, hindi 'execution,' kundi
malamang ay asasinasyong de putol sa Supremo. Naghihintay pa rin ng ng
pagsisiwalat, ng katarungan para sa Manghihimagsik... para sa bayan.
__________
Mga Batis:
ARAGON, DANILO. Isang Panimulang Pagsisiyasat sa Ibang Bersyon ng Pagpatay (Pagputol-Putol kay Andres Bonifacio). 2001.
Ang Madilim na Bahagi ng Kasaysayan. http://jaredramos.tumblr.com/post/13525670805
Alvarez, Santiago. The katipunan and the revolution: memoirs of a
general : with the original Tagalog text. Paula Carolina S. Malay.
Trans. Ateneo de Manila University Press, 1992. http://books.google.com/books/about/The_katipunan_and_the_revolution.html?id=F3q-krDckHwC
Guerrero, Milagros, Emmanuel Encarnacion, and Ramon Villegas. Andres Bonifacio and the 1896 Revolution. In Sulyap Kultura. National Commission for Culture and the Arts, 1996. NCCA Site. 16 June 2003. http://www.ncca.gov.ph/about-culture-and-arts/articles-on-c-n-a/article.php?i=5&subcat=13
Artemio Ricarte Declaration date 24 March 1897. Filipiniana.net. http://www.filipiniana.net/publication/artemio-ricarte-declaration-dated-24-march-1897/12791881635983
Kalaw, Teodoro. The Courtmartial of Andres Bonifacio. http://www.filipiniana.net/publication/the-courtmartial-of-andres-bonifacio/12791881583874/1/0
Ocampo, Ambeth. Bonifacio’s teeth, Rizal’s breath. Inquirer.net. March 9, 2012. http://opinion.inquirer.net/24571/bonifacio’s-teeth-rizal’s-breath
Ocampo, Ambeth. The execution of Bonifacio. Inquirer.net. May 15, 2009. http://opinion.inquirer.net/inquireropinion/columns/view/20090515-205102/The-execution-of-Bonifacio
Ocampo, Ambeth. Urban Legends. Inquirer.net. March 13, 2012. http://opinion.inquirer.net/24903/urban-legends
Retana, Wenceslao. "El Marat Filipino," El Renacimiento, 26 de Marzo 1908
____
Tungkol sa Kuwadrong "Ang Wakas ni Andres Bonifacio":
Isang nakakapanghilakbot na obra maestra ng historikal na pintor na si
Carlos Valino Jr. na nagwagi ng unang gantimpala sa 1963 Andres
Bonifacio Centennial Art Contest. "Ang Wakas ni Andres Bonifacio" ay
masusulyapan ngayon sa Bulwagang Katipunan ng Manila City Hall."
-- Prop. Michael Charlestone Chua
Pasasalamat ng Malaki kay Prop. @MICHAEL CHARLESTONE CHUA ng De La Salle University, Manila
para sa pagbibigay sipi ng kuwadro at sa pagbibigay ng sipi ng papel ni Prop. Daniel Aragon! :)
....