Wednesday, January 28, 2015

Ethnographic Map ng Tagalog/Maharlika/Taga-Ilog/Pilipinas

Ethnographic Map ng Tagalog/Maharlika/Taga-Ilog/Pilipinas

Mapang Nagtuturo ng Iba't-Iba nating mga Kapatid na Taal na Tagalog/Taga-Ilog* ("Katutubo"/"Indigenous People")

PAG-ARALAN ho natin itong mapang ito, kilalanin ang iba't-iba nating Taga-Ilog na tribu dahil may ilang panahon na laman ho tayo bago masira ang mapang ito, bago mawasak ang ating Bayan, ang ating Republika...

Walang pasasalamat sa mga Traydor na Dilaw at MILF, na ang nasa mga likod naman ay ang dmnyng Kalbong Agila at kakosang mga Kanluraning bansa. Dahil lagi namang naipipilit ni "Pangulo" BS Aquino de Hocus Pcos ang kontra.Bayan nitong naisin (kasi nakasandal sa imperyalistang pader), nagbabadya na ang Moro Substate at malapit nang magkawatak-watak ang Bansa. Kung makikita ng ating mga bayaning Katipunero/a ang kalagayan natin ngayon, baka magsisi pa silang ibinuwis nila ang kanilang buhay para sa ating 'Kalayaan.'






Ayon kina Supremo Andres Bonifacio y de Castro, Gat Emilio Jacinto y Dizon, at ng KKK, "lahat ng tumubo sa Sangkapuluang ito" ay Tagalog (Taga-Ilog) o mamamayan din ng bansa natin. Sa totoo, mas Taga-Ilog pa ang mga kapatid natin mula sa ating mga katribuhan dahil nagawa nilang ipagtanggol at ipagpatuloy ang kanilang kultura. Hindi sila nagpadala sa mga mananakop (noong panahon ng Kastila, namundok, lumayo, tinakasan nila ang kolonyal na kultura). Mas puro ang Austronesyanong kalinangan at lahi nilang sa matagal na panahon ay hindi napalabnaw ng Kanluraning dugo at paniniwala.

Napakarami ng ating mga grupong katribuhan dahil mga sub-groups ho ang iba.


*Kung gagamitin ang Pantayong Pananaw, hindi dapat "katutubo" ang itawag natin sa iba't ibang mga tribu natin dahil ang nagpasimula niyan ay ang mga taga-Kanluran at galing sa taga-labas na pananaw iyang terminong iyan.

_____

Pinanggalingan ng mapa:

Coalition for Indigenous Peoples' Rights and Ancestral Domains (CIPRAD)/International Labour Organization (ILO) / BILANCE- Asia Department, Guide to RA 8371, Manila, 2004
 — 

Popular Posts