Thursday, April 28, 2011

Ang Pagdaklot kina Supremo Bonifacio




ANG "Ama ng Katipunan"--si Supremo Andres Bonifacio y de Castro (Maypagasa), kasama ang kanyang nakakabatang kapatid, si Procopio (Pisaw), ang nagtatag at nagtaguyod ng Himagsikang Pamahalaan ng KKK. Dinakip ngayong araw, Abril 28, 114 taon na ang nakakakalipas, ng nang-agaw ng panghimagsikan kapanyarihan, ang kampo Magdalo ni Capitan Emilio Aguinaldo y Famy (sa pamamagitan ng madayang Kumbensyon sa Tejeros). The President of the Supreme Nation Katagalugan (Pangulo ng Haring Bayang Katagalugan [Philippines]), along with his beloved brother Procopio, will be subjected to kangaroo court martial, and in two weeks will ultimately be murdered via execution on a tragic Monday in May 10, 1897.


Ang Kahayupang Ginawa kina Supremo

Paano nahuli sina Bonifacio ng kampo nila Aguinaldo? Base sa sinulat ni Luis Camera Dery, ayon sa mga pahayag nina Hen. Artemio Ricarte, Kap. Antonio Guevara, Mariano Salvador at Francisco Carreon ay nilansi ng mga kaaaway sina Bonifacio kaya napasok at nagapi sila. Nagkunwari daw na mga kapanalig at kaibigan sina Kol. Bonzon, isa sa mga tauhan ni Aguinaldo, kaya nakapasok sa kampo nina Bonifacio.

Ayon kay Francisco Carreon (ang magiging Pangalawang Pangulo ni Macario Sakay sa Republika ng Katagalugan), binaril ng mga kumatok na tauhan nina Aguinaldo ang isa pang kapatid ni Supremo, si Ciriaco Bonifacio. Nang bumaba si Supremo nang marinig ang putukan, ito ay ay pinaputukan ni Kol. Paua na noon ay nasa tulay na. Tinamaan  ang bisig ang Supremo at hindi pa natapos dito, siya ay sinugod at sinaksak ng hawak na balaraw sa leeg ni Kol. Intong. Pagkatapos ay pinagsusunggabanan siya pati ang kapatid na si Procopio at mga kawal nila.

Hindi nalalayo ang kwento ni Kap. Mariano Salvador, kasamahan nila Bonifacio, na nagpahayag na sa braso at tiyan binaril ang Supremo at sinaksak sa lalamunan na dahilan upang bumulagta ito. Si Ciriaco ay binaril ng sabayan at tinamaan sa dibdib at ulo kung kaya't humandusay sa gitna ng daan sa Bo. Limbon.

May idinagdag na kwento si ni Hen. Santiago Alvarez--tinangka daw gahasain ang ginang ng Supremo na si Gregoria de Jesus!

Sa ibang detalye ay hindi naglalayo ang sanaysay ni Alvarez: binaril ng mapangahas na Bonzon ang Supremo sa pamamagitan ng rebolber at sinaksak naman ng Intsik na si Pawa ang leeg na siyang ikinahilo ng Supremo sa salumpit ng kanyang sariling dugo. (May ibang pahayag na ang malubhang sumaksak at sumugat sa Supremo sa kanang leeg nito ay si Komandante Florencio La Vina).
Isinakay sa duyan ang Supremo at iginapos nang mahigpit si Procopio, ayon pa rin kay Alvarez:
Itinuloy ng Naik, at doon ang magkapatid na Bonifacio's inilagay sa isang silid na makipot at madilim, sa ilalim ng hagdan ng asyenda ng mga pari sa nabanggit na Bayan; ipininid ng mahigpit ang pintong makapal na tabla ng barong kulungan, saka pinabantayan sa mahihigpit na kawal at mabubuting mag-ingat ng utos. Inalisan pa rin ang dalawang bilanggo ng dalaw at pakikipag-usap at sa loob ng tatlong araw na pagkakulong, ay makalawa lamang pinakain, mga dina dapat sabihin...

Tragedy of the Katipunan: Supremo's Murder via Execution

It was a tragically unfortunate ending that the supreme Taga-Ilog/Filipino patriot and his beloved brother be murdered via an elaborate power grab scheme under the hands of the men of his own Katipunan inductee, Aguinaldo. He who powered the 1896 Revolution, the occupant of the Office of the Supreme President, Government of the Revolution (Kataastaasang Panguluhan, Pamahalaang Panghihimagsik), betrayed and murdered by Tejeros Convention poll cheats.

Sabi nga mismo ni Gat Apolinario Mabini y Maranan, nang tagapayo at Punong Ministro ng naging pamahalaan ni Aguinaldo:
When it is considered that Mr. Aguinaldo (the elected leader) was primarily answerable for insubordination against the head of the Katipunan of which he was a member; when it is appreciated that reconciliation was the only solution proper in the critical state of the Revolution, the motive for the assassination cannot be ascribed except to feelings and judgments which deeply dishonor the former; in any case, such a crime was the first victory of personal ambition over true patriotism.
http://www.univie.ac.at/Voelkerkunde/apsis/aufi/history/mabini08.htm


Si Pangulong Bonifacio pa rin ang lehitimong pinuno ng pamahalaang Himagsikan dahil nilabas ito ang Acta de Tejeros na nagpapawalang-bisa sa kumbensyon sa Tejeros. Si Hen. Ricarte, ay nagpatotoo sa karumihan at kadayaan ng Tejeros Convention kung saan siya mismo ay inihalal bilang Punong Heneral.

The March 1897 convention had proved to be scandalous and was declared invalid and fraudulent by the Supreme President Andres Bonifacio*, who earlier agreed to chair the convention despite the fact that the Katipunan was already a revolutionary body in his patriotic bid to unite the warring Magdiwang and Magdalo Katipunan factions in Cavite province. This, despite hearing prior reports that the Imus crowd in the province wanted only men from their pueblos to be elected and that pre-filled ballots carrying Magdalo names were distributed. Bonifacio ended up being insulted by Daniel Tirona who scandalously disrespects the balloting by questioning the Supremo's credentials and asking the crowd to elect another man in his place.

Besides, the oath-taking of the Magdalo victors took place surreptitiously--not unlike the 2004 break-of-dawn-oathtaking of 'Hello Garci' President Gloria Macapagal Arroyo! Ricarte, Emilio F. Aguinaldo and Mariano Trias took their oath in a ceremony kept hidden from the Magdiwang, with the controversial Tirona as one of only two or three witnesses, and with Bonifacio not having been invited. Iligal kaya nagtago.

The tragic conclusion of  Gat Andres Bonifacio and his brothers. It was power grab sealed with a kangaroo justice. Meron ba namang korte ng hustisya kung saan ang abogado mismo ay hinusgahan na at tinuligsa ang kanyang dapat ipinagtatanggol? The "lawyer" assigned by Aguinaldo's camp,  Placido Martinez, had the evil temerity to say that: "“The word to defend or protect, does not seem to apply remotely to Mr. Andres Bonifacio..." and then at the end of his speech,  asks for divine forgiveness for his client! Ain't that using the name of god in kangaroo court martial vain while reneging on his lawyer duty?

Hustisya para kay Supremo, Procopio at Ciriaco Bonifacio. Abril 28/Mayo 10, 1897. Balikan ang Katipunan.


#########

*No less than Baldomero Aguinaldo, first cousin of Emilio Aguinaldo and the head of the Magdalo chapter of the Katipunan in Cavite, in a March 21, 1897 letter, referred to Supremo Andres Bonifacio as Mr. President, recognizing the Bonifacio's Katipunan national government as "Kgg na pulungan ng hihimacsic (Gobierno revolucionario)” [Honorable revolutionary council (Revolutionary government)].
http://cliofilipinas.multiply.com/journal/item/4



POSTSCRIPT

That the Katipunan transformed itself into a revolutionary body is proved and established by surviving contemporary documents and accounts. Beyond the communication between Bonifacio and Emilio Jacinto (and Julio Nakpil) that a certain Glenn May ridiculously tried to dismiss through his preposterous reject thesis (rejected by the Ateneo de Manila Publishing), beyond Baldomero Aguinaldo's letter acknowledging the position and office of Bonifacio as President, another proof comes from an unlikely source--the imperialist records of the invading government of the Bald Eagle. John Rodgers Meigs Taylor, the military historian of the 20th century imperialist United States, records the revolutionary governmental nature of the Katipunan headed by Bonifacio. No doubt, the Katipunan as of the breakout of the Philippine Revolution was a revolutionary national government, and Bonifacio the first President of the country:
The Katipunan came out from the cover of secret designs, threw off the cloak of any other purpose, and stood openly for the independence of the Philippines. Bonifacio turned his lodges into battalions, his grandmasters into captains, and the supreme council of the Katipunan into the insurgent of the Philippines.

Within this context of President Bonifacio's supreme leadership of the Katipunan and amidst the (1) reported fraud of the Tejeros Convention acknowledged no less by Gen. Ricarte, and (2) the surreptitious circumstances of the oath-taking of  'elected' Tejeros officials, many questions come to mind as to the seeming anomaly, illegality, and criminality of the capture, kangaroo court martial, and killing of the Supremo.

Ilan sa mga tanong na ito ay inilahad ni G. Tony Donato, isang artist, blogger, mag-aaral ng kasaysayan, at dating mananaliksik ng Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas. Ayon kay Donato:
Kung tunay na makatarungan at naaalinsunod sa batas ang pamahalaang Tejeros ni Aquinaldo, bakit binaliwala at ni hindi binigyan nang paganyaya na lumahok ang dating Supremo sa panunumpang ginawa sa mga nahalal. Hindi ba sana ay hinigan siya ng pormal na pagbibitiw ng tunkulin at nagproklama ng ibang Ministro ng Interior?

Nabanggit ko nga sa bandang unahan na patago pa nga ang ginawang panunumpa ng mga nanalo DAW sa Tejeros. Pwera sa sinadyang hindi ipaalam sa Supremo ay ITINAGO ito ng kampo Magdalo ng buong ingat sa Katipunerong Magdiwang. Halos ang testigo nga lamang yata sa panunumpang iyon ay si Daniel Tirona na iskandalosong bumaboy sa halalan sa Tejeros at sinasabing puno ng paninira sa Pangulong Bonifacio ilang buwan bago ang nasabing halalan. Ngayon sa mga librong pangkasaysayan ay ipinangangalandakan nila na ang mga pinuno daw ng panghihimagsik na pamahalaang ipinalit sa Katipunan ay batay daw sa Tejeros pero ang totoo ay patago ang naging panunumpa nila Aguinaldo noong 1897. Kahit sinong may tamang pag-iisip ay makikita agad ang anomalya ng Tejeros at kampo Magdalo nila Aguinaldo.

Narito pa ang ilan sa pinili kong mga katanungan ni Donato:

  •  Bakit nais ng samahang Magdalo (pangkat ni Aquinaldo), magkaroon ng [bagong] "PAMAHALAANG HIMAGSIKAN" kapalit sa itinatag na pamahalaan nang Katipunan, ganoong ang kalayaan ay hindi pa nakakamit?
  •  Bakit nangagailangang isali sa halalan ang Supremo, samantalang siya ang pinuno at inanyayahan lang siya upang magmasid at mamagitan sa nagtatalong samahan MAGDALO at MAGDIWANG?
  • Ayon pa rin sa mga 'memoirs' nila Heneral Ricarte at Santiago Alvarez, nang ipasa ang mga balota ni Daniel Tirona sa mga depotado, ang mga papel na iyon ay mayroon ng mga pangalan ng kandidato! Isang ginoo na nagmamalasakit kay Bonifacio, Diego Mojica ay binalaan na si Bonifacio sa dayaan na mangyayari, subalit ang Supremo ay hindi ito binigyan ng halaga.
  • Bago maghalalan sa Tejeros, ang Supremo ay nagsabi na... "Atin pagkasunduan na tayo ay susunod sa kagustuhan at ihahalal ng nakakarami, ano man ang katayuan sa lipunan ng isang kandidato" Subalit ito ay sinuway ni Daniel Tirona nang ihalal at manalo ang dating Supremo bilang Ministro ng Interior.
  • Hindi ba tama lang ang pagwawalang bisa ng Supremo [at lampas 40 pang Katipunero] ang halalang naganap kung ito'y tunay na hindi malinis, hindi patas, dayaan at mayroong pinapanigang kamaganak at kababayan?
  • Saan napapunta ang [orihinal na] nilagdaang kasulatan ng 45 na katao, kasama na dito ang Supremo na "Acta de Tejeros" na nagsasaad sa pagwawalang bisa nang halalan dahilan sa dayaang nangyari?
  • Nabigyan ba nang hustisya ang walang katuturan na pagpaslang sa kapatid ng Supremong si Ciriaco ng mga tauhan ni Aquinaldo sa Naik?
  • Kung tunay na hangarin ni Aquinaldo na dakpin at litisin ang Supremo, bakit pinaulanan ng punlo at paulit-ulit na pinagsasaksak. Hindi ba't sa ginawang ito kay Bonifacio siya ay pilit na dakpin patay man o buhay?
  • Bakit binaliwala ang katibayan sa akusadong Supremo na siyang nagpasimuno nang barilan, samantalang ang kaniyang baril ay puno pa rin ng punlo?
  • Bakit hindi pinahalagahan at siniyasat ni Aquinaldo kasama ng kaniyang pamahalaan ang salang panggagahasa sa kabiyak ng Supremo. Ang salarin ay hindi ordinaryong kawal, subalit isang opisyal ng militar sa ilalim ni Aquinaldo. Nasaan ang pinaalis ni Kol.Yntong na mga tao sa bahay na nakasaksi sa naganap na kaharasan?
  • Kung napatunayan ang paratang na sidisyon, malinis, makatarungan ang ginawang paglilitis at ang naging hatol ay kamatayan, BAKIT HINDI IPINAPATAY ANG MAGKAPATID SA PAMAMAGITAN NG "FIRING SQUAD" AT IPINAMULAT SA MADLA bilang isang masamang halimbawa?
  •  Bakit tila hindi malaman kung paano ang gagawin sa dali-dali at hindi maayos na eksekusyon na pagpatay na ginawa sa magkapatid? Bakit kailangang itago, ngayong ang paghuhukom ay ginawa sa Cavite, na poder ni Aquinaldo at samahang Magdalo? Bakit kailangang pataksil? Bakit ang eksekusyon sa magkapatid ay sa tago na liblib na gubat, palihim, hindi ibinalita, hindi ipinakita sa madla upang huwag tularan, 'di ba't ang kasalanang sidisyon sa kapanahunan ng himagsikan ay napakalaking pagkakasala?
http://katonynabanlawkasaysayan.blogspot.com/2010/12/ang-tunay-na-pangyayari-at-mga.html


Mabigat ang dalawang huling punto ni Donato. Tunay nga naman dahil PATAGO. PATAGO. Lahat ng ginawa nila kay Supremo at mga kapatid nito ay patago. Nilimas halos nila Aguinaldo at mga bataan nito ang buong pamilya Bonifacio nang patago. Kung naroroon siguro ang kapatid na babae ng Supremo ay hinalay pa ito bago sinunod na patayin. Patago ang panunumpa ng inihalal daw sa Tejeros. Patago ang pagkulong kina Gat Andres at Procopio dahil pinagbawal ang dalaw. Pati pagkain ay halos itinago mula sa dalawang dakilang magkapatid--sa loob ng tatlong araw na pagkakapiit ay dalawang beses lamang daw pinakain ang ating Supremo at si Procopio.

At ang paglilitis--sino-sino ba ang nakaalam nito nang mabilisang ginanap at tinapos ito sa loob lamang ng ilang araw? Patago o itinago/ipinagkait din ang hustisya sa kangaroo court martial nila Pangulong Bonifacio dahil ang abogadong binigay ay sukdulan sa langit ang pagtalikod sa sinumpaang tungkulin na ipagtanggol at hindi husgahan at idiin ang kanyang kliyente.

At ang pagpaslang ay sobrang itinago. Pagpaslang na malayo sa "execution" kundi isang MURDER. Kahit ang mga mapang-aping Kastila at maging ang sumunod na imperyalistang Kano ay  ipinakita sa madla ang pagpataw ng parusang kamatayan. Kung walang itinatagong mali at kahindik-hindik, bakit hindi tunay na execution style, tulad ng firing squad, ang ginawa sa dakilang magkapatid na Bonifacio? Kahina-hinalang patagong pagpataw daw ng parusa kina Supremo. Patagong... PAGKATAY pa yata ang ginawa kay Pangulong Bonifacio batay sa thesis ni Prof. Peewee Aragon ng Unibersidad ng Pilipinas.....

_______


Batis:

Dery, Luis Camara. Bantayog ni Inang Bayan: Panibagong Pagbibigay Kahulugan kay Andres Bonifacio.

Donato, Tony. Ang tunay na pangyayari at mga katanungan ukol sa paglilitis sa Bayaning Gat Andres Bonifacio. 4 Dis. 2010. http://katonynabanlawkasaysayan.blogspot.com/2010/12/ang-tunay-na-pangyayari-at-mga.html

Alvarez, Santiago V. The Katipunan and the revolution: memoirs of a general : with the original Tagalog text. Trans. Paula Carolina Malay.Ateneo de Manila University Press, 1992. http://books.google.com/books?id=F3q-krDckHwC&dq=%22procopio%20bonifacio%22&source=gbs_similarbooks

Guerrero, Milargros C., Emmanuel N. Encarnacion, and Ramon N. Villegas. Andres Bonifacio and the 1896 Revolution. 16 June 2003. http://www.ncca.gov.ph/about-culture-and-arts/articles-on-c-n-a/article.php?i=5&subcat=13
Mabini, Apolinario. The Philippine Revolution. http://www.univie.ac.at/Voelkerkunde/apsis/aufi/history/mabini08.htm

Taylor, John M. The Philippine Insurrection against the United States: a compilation of documents with notes and introduction, Vol. 1. Eugenio Lopez Foundation, 1971. http://books.google.com/books?id=gmZwAAAAMAAJ&dq=editions:LCCN73171805
http://kasaysayan-kkk.info/docs.adt.230397.htm

http://www.filipiniana.net/ArtifactView.do?artifactID=K00000000048&query=%20Emilio%20Jacinto

http://www.filipiniana.net/publication/artemio-ricarte-declaration-dated-24-march-1897/12791881635983


http://bonifaciopapers.blogspot.com/2005/09/bonifacio-andres_112726277825094355.html

http://books.google.com/books?id=4wk8yqCEmJUC&pg=PA146&dq=tejeros+convention&hl=en&ei=zcSITbvCOcTZrQfRteHBDg&sa=X&oi=book_result&ct=result&resnum=7&ved=0CEcQ6AEwBg#v=onepage&q=tejeros%20convention&f=false

http://books.google.com/books?id=F3q-krDckHwC&pg=PA89&dq=SANtiago+alvarez+tejeros+forced&hl=en&ei=_2eLTbu1DcfprAfG6u3BDg&sa=X&oi=book_result&ct=result&resnum=1&ved=0CCgQ6AEwAA#v=onepage&q=the%20following%20took%20their%20oaths%20of%20office&f=false

http://lavidalawyer.blogspot.com/2005/11/placido-martinez-counsel-of-andres.html


______


Pingkunan ng hilaw na larawan: 

http://kasaysayan-kkk.info/gallery.kkk.htm


Pasasalamat: Prop. Michael Charleton Briones Chua  


Photo Art: Jesusa Bernardo

.

Popular Posts