Pages

Friday, December 30, 2011

Heroe/Hero o Bayani: Rizal o Bonifacio



Itong sampaksaan ukol sa kaibahan nila Gat Andres Bonifacio at Gat Jose Rizal, kung sino sa kanila ang dapat tanghaling Pambansang Bayani/National Hero, ay nakapaikot sa kaibhan ng mga konseptong HEROE (Spanish for "hero"/hero ay isang Kanluraning konsepto ng martir) at BAYANI mula sa dalawa sa pinakamagaling na historyador na ating panahon. Napakaganda ng sinabi dito nina Dok Zeus Salazar at Dok Milagros Guerrero bilang sagot sa tanong na kung si Rizal ba o si Boni ang kanila, o dapat, na tinatanghal bilang pambansang bayani. (Ang hero ay isang banyagang konsepto na ang ibig sabihin ay isang tao with exceptional courage and nobility and strength or who fights for a cause kailangan subali't walang nakalagay na dapat kasama ang bayan.......unlike our katutubo concept of "bayani, bagani, wani, ihi, berani," etc).

Ipinaliwanag nila Salazar at Guerrero dito sa talakayang naganap ng nakalipas na Nobyembre 26 sa National Teachers' College sa Manila ang kaibahan ng "heroe" (Kastila ng 'hero') sa "bayani." (Maaring kumilos ang HEROE with his compatriots in mind) subali't mag-isa ang kilos nito. Sa kabilang banda, ang BAYANI ay kumikilos bilang tugon sa pangangailangan ng bayan at kasama ang bayan o representatives o ilang kasapi nito. In English, the BAYANI responds to a collective need and seeks/musters collective effort to address the need of the people/state (liberation from oppression, material/etc. needs)

BAYANI, hindi kailangan o hindi martir, dahil kumikilos kaisa ang bayan.... Si Jose Rizal ay HEROE, martir, (madalas) nag-iisa, nag-iisang kumilos (para sa akin, nagtatag ng La Liga subali't umalis/tumakbo para magsilbi sa Espana sa Cuba at itinakwil ang Himagsikang 1896). Si Andres Bonifacio ay BAYANi dahil kaisa niya ang taumbayan/Katipunero sa paglutas ng kolonyal na suliranin (pagbubusabos ng Kastila sa atin) upang mabigyang ginhawa ang bayan....Kaya nga ang pagtawag sa mga OFW bilang mga "bagong bayani" ay tugma raw, ayon kay Dok Salazar, ay dahil kahit delikadong mangibang bayan ay sumige pa rin ang mga OFW upang makatulong magbigay kaginhawahan sa bayan.

Ayon kay Dok Guerrero, walang pagtatalo--si Jose Rizal ay HERO/E samantalang si Andres Bonifacio ay BAYANI.....(kasi nga ang hero ay isang banyagang konsepto na ang ibig sabihin ay isang tao with exceptional courage and nobility and strength or who fights for a cause kailangan subali't mag-isa ang kilos nito). Sa kabilang banda, si Bonifacio ay BAYANI na batay sa katutubo/Austronesian na konsepto ay kumikilos bilang tugon sa pangangailangan ng bayan at kasama ang bayan o representatives o ilang kasapi nito. 

Ang maaring mas makakakumbinsing katibayan ng kaibhan na ito ay ang katotohanang sinulat ni Rizal ang kanyang dalawang obra maestra (Noli Me Tangere at El Filibusterismo) sa wikang Kastila......Ibig sabihin, wala o kakaunti lamang ang nakakaintindi sa kanya sa kanyang panahon. Ipinaliwanag ni Dok Guerrero na kahit mga translations o salin ng mga libro ni Rizal ay hindi tugmang -tugma because they cut down his works dahil sila rin mismo ay hindi lubusang naintindihan si Rizal.

Bale ang mga Kastila lang halos ang nakaintindi kay Rizal (kaya ginusto at isinakatuparan ng mga ito na patayin siya) at HINDI ang mga Indio/Pilipino/Tagalog/Taga-ilog ....... samantalang si Bonifacio ay pinagsumikapang mapukaw ang pag.aalab ng mga Indio upang lalong mahalin at ipaglaban ang kapakanan ng bayan pamamagitan ng tatlong tanong sa seremonya ng pagsapi sa Katipunan.
  • Tanong 1: Ano ang kalagayan ng bansa noong sinaunang panahon?
    • (Sagot 1: Bago dumating ang mga Espanyol, matiwasay ang pamumuhay ng mga mamamayan, maayos ang kalakalan at may sapat na yaman at ari-arian na tangan ang bawat isa)
  • Tanong 2: Ano naman ang kalagayan nito ngayon?
    • (Ang mga di mabilang na pang-aabuso at di makatarungang pamamahala ng mga Espanyol sa Pilipinas.)
  • Tanong 3: Ano ang magiging kalagayan nito sa hinaharap?


Sa pagpapaliwanag ni Dok Guerrero, sa pamamagitan ng pang-historiograpiyang tatlong tanong na ito, napagigting ni Bonifacio ang pag-aalab ng mga tao na mag-alay ng kanilang sama-samang pagkilos upang maisaayos ang bayan. Dagdag pa, naituro rin dito ni Supremo na alamin ang kasaysayan ng bayan, partikular bago dumating ang dayuhang mananakop.

**************

Insights: 

Kaya nga siguro identified si Supremo Bonifacio sa masa ay dahil siya ay isang tunay na bayani in the native/Austronesian sense. Isa siyang tunay na bayani/bagani/wani/ihi/berani na kasama o katuwang ang, at pumupukaw sa damdamin ng, taumbayan sa kanyang pagkilos upang matulungan o mabigyang kaginhawahan ang bayan ng walang hinihinging kapalit. Tandaan na ang identification ni Bonifacio sa masa ay ay naganap o nagaganap sa kabila ng katotohanang 1) siya ay may dugong Kastila, at 2) naglalaro sa middle- to lower-middle class ang kanyang antas sa lipunan (silang magkakapatid ay may maliit na negosyo ng tungkod at pamaypay).


Sa kabilang banda, ang isang puna kay Jose Rizal ay isa itong bayani na elit/ilustrado at para sa nasa kapwa niya mataas na antas ng lipunan. Tama ang napansin ni Dok Salazar na sa mga pagsasalarawan kay Rizal ay lagi itong nag-iisa, partikular ang mga monumento nito. Sa mga litrato o pagguhit paminsan-minsan ay nakikita rin si Rizal na kasama ang kapwa niya propagandista na sina Marcelo H. del Pilar, Graciano Lopez-Jaena at si Antonio Luna. Subali't iilan lamang ang ganitong pagsasalarawan at walang dudang kaunti pa rin ang kanyang kasama.


Maaring sabihin na kaya nag-iisa ang pagsasalarawan kay Rizal ay dahil pagbibigay galang ito o pagkilala sa kanyang tanging kagalingan. Ang tanong eh mainam o tama ba ang ganyang klaseng pagkilala--veneration on a pedestal??? Ang sagot dito ay "oo" kung ang Kanluraning konsepto ng hero/heroe ang pinaguusapan...and this is exactly the polarity between the bayani and the hero, the sharp contrast between Bonifacio and Rizal.


While Bonifacio was inseparable from the people, from the Himagsikan that the Indios/Filipinos/Taga-Ilog voluntarily organized and launched through the democratic Katipunan secret-society-turned-revolutionary government, Rizal had a disconnect from the people. Apart from not being able to directly discourse with the people on the critical topic of revolution owing to the Spanish language of his Noli and  works, Rizal actually shunned the Himagsikan ng mga Anak ng Bayan, even lambasting it and calling it "highly absurd."


Walang duda na isang patriot na hero si Rizal na may malasakit sa kapakanan ng bayan at naniniwala naman sa isang hinaharap na idealistic na pag-aaklas ng taumbayan. Subali't dahil walang mapapagkatiwalaang batis na nagsasabing naging bahagi siya ng Katipunan, ng Himagsikan ng 1896, bukod pa sa tahasang kinastigo nga niya ito, hindi siya naging kaisa ng taumbayan sa manghihimagsik na paraan upang mabigyang kaginhawan ang bayan. In short, Rizal is not a bayani.
It is Bonifacio who is the bayani because the Supremo did not only work for the people but also with the people. Kasama niya ang tao sa Katipunan na kanyang pinalakas. Nakinig siya sa, at iginalang niya, ang taumbayan sa kapasyahang ilunsad ang Himagsikan. Matapos nabuking na ng mga Kastila ang Katipunan, hindi lamang ang Supremo ang nagpasya na ituloy na ang rebolusyon noong Agosto 24, 1896 kundi pati kapwa niya mga Katipunero sa pagpupulong ng Kataastaasang Kapulungan o National Assembly ng KKK.*


Rizal is a great patriot, no doubt. Rizal crystallized and helped popularized the idea of independence for the Filipinos through his masterpieces. Rizal became a martyr articulating but not really pursing this idea. While his execution is believed to have served to further fan the flames of the revolution, he did disown and publicly or officially condemn the Himagsikan of 1896. Hindi nakiayon at lalong hindi nakiisa si Gat Rizal sa pagkilos ng Mga Anak ng Bayan. Isipin na walang nakasulat sa anumang diksyunaryong Kanluranin na ang (banyagang konsepto na) "hero" ay dapat na kumikilos kasama ang taumbayan. Wala ngang pagtatalo, Rizal is a HERO.


Bonifacio is also a great patriot who was at least partly inspired by Rizal. Going beyond Rizal, beyond patriotism, the Supremo of the KKK gave life and blood to the idea of independence by calling upon the people to move, to band together, towards a national struggle to liberate the country from the yoke of three hundred years of colonial oppression. Sa kanyang walang imbot na pagpapalakas ng Katipunan, at paglulunsad ng Himagsikan, kasama ang rebolusyonaryong pamahalaan at sandatahang lakas ng Mga Anak ng Bayan, ipinakita ni Bonifacio ang kanyang pagiging BAYANI.


_______


Dagdag na mga Batis:
Guerrero, Milagros, Emmanuel Encarnacion, & Ramon Villegas. Andres Bonifacio and the 1896 Revolution. 2003, June 16. http://www.ncca.gov.ph/about-culture-and-arts/articles-on-c-n-a/article.php?i=5&subcat=13
Joaquin, Nick. Anatomy of the Anti-Hero. http://joserizal.info/Reflections/joaquin.htm
 

5 comments:

  1. Mahal na Jessie, maaari kayang ipadala ito kay Nelson Forte Flores o kaya itag ito; kung hindi posible, pakitag sina Xiao at Jobal para maipadala nila ito kay Nelson Forte Flores. Maraming salamat.

    ReplyDelete
  2. ok ho, dok. i.pm ko na lang ho si prop. xiao.

    ReplyDelete
  3. ang daming confounding associated with rizal. some people really want to turn him into their idea of whatever. let us honor him for what he achieved, the inspiration he gave the katipuneros, the revolutionaries, but let us not overdo or extrapolate or turn him into an image convenient for the status quo. kung ano ang ginawa niya, kung ano ang ayaw niyang gawin o hindi niya inaprubahan, let us all recognize them. sigurado ako kung buhay si rizal, hindi niya ipalalagay sarili niya sa pedestal na kulang sa basehan at kukunin ang lugar na para kay boni o iba pa. he was a great hero but he's not the end all and be all of our nationhood. we should accord him our appreciation and respect but let us not mythologize or deify him.

    ReplyDelete
  4. Pagpatay lamang ba ang paraan para makamit ang kalayaan?

    ReplyDelete
  5. magandang araw, anonymous.... tungkol sa tanong mo, aba eh kung ibibigay pa ng nanakop ang kalayaan ng walang pagdanak ng dugo ay bakit kailagang pumatay? kaso ang mga nanakop na unang pumatay para manakaw ang ating bayan ay hindi siguro ginawa iyon....

    unang-una ay kaakibat ng pag.aalsa ang malaking kapahamakan mula sa malakas, organisado, at well.armed na mananakop. hindi madaling pumasok sa pag.aalsa kaya kung may mapayapang paraan ay walang hindi susunggab muna doon kung feasible. :)

    ReplyDelete