Pages

Sunday, July 31, 2011

Musings on Gat Jose Mercado Rizal

 (Reprinted from Jesusa Bernardo, less impersonal)


MAYROONG isang artikulo sa isang dilaw na pahayagan na nagsasabing si Gat Jose Mercado Rizal daw ay isang "serial suitor of women around the world." Ewan kung totoo talaga iyon pero nakapagdulot iyon ng mga reaksyong ang dating sa akin ay parang hagikgik na para bang nakakatawang mainam na bagay ang sinasabing yaon.

Nakita ko ang nasabing link sa isang online friend ko sa isang social networking website. Hindi ko napigilang magkomento ng ganito (bilang reaksyong pangkalahatan sa mga naunang komento pero lalo na sa komentong nagsaad na "Si Ka Pepe pala ay: : "every port, REPORT!"". Eto ang aking naging tugon:

"is that a good thing [Rizal]  being playboy? another way of putting "every port, REPORT" is SEAMANLOLOKO, right? ooops...."

Naisip ko tuloy na kung sakaling totoo na babaero si Rizal ay ipinapakita lang nito na mas may moral discipline si Bonifacio na hindi napabalitaang naging salawahan kailanman. However, to the credit of Rizal, it seems that he was a very understanding man who was beyond the sexist beliefs of his time. There were later talks that his wife, Josephine Bracken had some sexual relationship with his adoptive father of supposedly dubious character, George Taufer. An American engineer, Taufer adopted Bracken as a baby who was supposedly illegitimately born to a Chinese woman and a British soldier. Worse, Taufer, who was syphilitic, is said to have given girls "in various ways...a grim time" and that he "clearly tried to seduce" Bracken. If such insinuations by historians now are true, that Rizal still loved and married in Bracken in Church rites is admirable and reveals the breadth and depth of the hero's sensibility.

Anu't anupaman, hindi naman sa kinakabitan ko ng "bisyo" si Rizal subali't nakita ko ang mga larawang ginawa kong mosaic na nagpapakita na ang isa sa ating pambansang bayani (si Andres Bonifacio ang isa; walang opisyal na pambansang bayani pero dahil may Rizal Day at Bonifacio Day tayo ay maituturing silang mga pambansang bayani) ay naging tema ng mga balat ng sigarilyo. Mga ilang taon din sigurong ginawang disenyo ng mga balat ng  sigarilyo ang tema ni Rizal noong pagpalit ng ika-20 na siglo.




Ipinakikita ng mga larawang ito kung gaano kasikat at hinahangaan si Rizal ng mga Pinoy noon. Nakatulong siguro dito na ang unang Rizal Day ay idineklara noong 1897/1898 pa (ni Hen. Emilio Aguinaldo, ang umagaw/humalili sa panghimagsikang kapangyarihan ni Supremo Andres Bonifacio). At pagkatapos ay ginawa si Rizal na pambansang bayani ng mananakop na Kalbong Agila. We should note that during that time, cigarette smoking was likely not considered a "vice" yet.

Tungkol kay Rizal at ang Himagsikan, naisip ko lang paano kaya ang nangyari kung ang mga Kastila ay hindi pinapatay si Rizal--dahil itinatwa na naman nito ang Himagsikan nina Bonifacio? Nakarating sana ito sa Cuba at ginagawa ang gusto niyang misyong medikal habang lumalaban ang mga manghihimagsik. Ano kaya ang nangyari kung sakali? Sasali pa rin kaya ang mga may kaya sa himagsikan? Malakas pa rin kaya ito? Nagkaroon kaya ng "class divide" na ang mga nasa mababang antas lang ng lipunan ang sumali sa rebolusyon?

Kung nangyaring hindi pinapatay si Rizal dahil nga mas ginusto nitong magpunta sa Cuba ay siguradong mas mahina ang himagsikan. Subali't malamang ay aatras na sina Aguinaldo sa himagsikan kung kaya't wala na ring magtratraydor at mangaagaw ng kapangyarihang panghihimagsik kay Supremo Bonifacio.

Malamang ay mas madali tayo sigurong nakuha ng Kalbong Agila. At maari ring sisihin si Rizal dahil hindi nito sinuportahan ang himagsikan. Nangyari na ang mga nangyari. Ang gusto siguro ni Bathala ay ipagpatuloy na lang sa ibang panahon ang hindi natapos ng Himagsikang Pilipino noong paglipat ng ika-20 na siglo. Siguro, ang ating saling-lahi ngayon ang dapat magpatuloy nito?

______


Raw photo credit:

http://pinoykollektor.blogspot.com/2011/06/rizal-on-cigarette-wrappers.html


References:

*Selection and Proclamation of National Heroes and Laws Honoring Filipino Historical Figures. *From the Reference and Research Bureau Legislative Research Service, House of Congress. NCCA Site.
http://www.ncca.gov.ph/about-culture-and-arts/culture-profile/culture-profile-nationalhero.php

Valdez, Et Al. Doctor Jose Rizal and the writing of his story. Rex Bookstore, Inc., 2007. http://books.google.com/books?id=ixcoCv2o2NoC&pg=PT117&dq=%22josephine+bracken%22+taufer&hl=en&ei=3GL_TdfFD4X0vQPqpPyyAw&sa=X&oi=book_result&ct=result&resnum=2&ved=0CCwQ6AEwAQ#v=onepage&q=%22josephine%20bracken%22%20taufer&f=false

No comments:

Post a Comment