Pages

Sunday, December 23, 2012

Batong Pinampukpok ng Simbahan Katolika sa Sariling Ulo

SIMBANG GABI 2012. Nega sa Malacanang ang homily ng kaparian. Malapit o kasing nega ng homily 12 taon na ang nakakaraan noong kapanahuang Simbang Gabi 2000 nang pinapatalsik nila Cardinal Jaime Sin si Pangulong Joseph "Erap" Estrada (dahil kesyo raw korap ito, ayon kay D.O.M. warlord, tax-evader at mambubugbog-asawang si Chavit Singson). Ngayong 2012, ang administrasyon ni "Pangulong" A_Noy Aquino y Hocus Pcos ang tinitira dahil sa pagtutulak nito sa RH o Reproductive Health Bill.

Walang tinag ang pamahalaan ni Abs Aquino. Tinakot na nga ng Simbahang Katolika ng Pilipinas na mangangampanya laban sa mga sumusuporta sa RH bill ay matigas pa rin at puro media feelers pa na ipapasa na nga raw talaga ang noon ay panukalang batas. Sabi pa nga ni Kongresista Lagman, alipores ng mga dilaw mula kay Gloria Arrobo hanggang kay Abs Aquino, pag naipasa na ang RH bill ay susuportahan din daw ito ng Simbahan katulad daw sa nangyari sa ibang bansa. At nakakagulat na ipinasa nga ang RH Bill kahit ang tagal at ang lakas ng ingay ng Simbahan laban dito.

Magtataka ba tayo na mukhang wala nang takot ang pamahalaang Dilaw sa Simbahan ngayong HOCUS PCOS na ang botohan? Ano pa nga naman ang ipangtatakot ng Simbahan eh kakuntsaba ito sa pagpapauso na balewalain ang tinig ng mamamayan at daanin sa gawa-gawang surveys, paghawak sa media at pagdoktor ng boto ang paglagay ng bataan nila sa Malacanang. Nag-boomerang nga lang sa mga wala-sa-lugar-makialam na mga Obispo.

Ang Simbahan na mula panahon ng Kastila, mula walang-basehang Treaty of Paris ng imperyalistang Kalbong Agila hanggang 'magsarili' daw ang Pilipinas...ang pangunahing layunin yata ay kontrolin ang Malacanang. Ang Simbahan nitong nakaraang tatlong dekada (kung isasama ang EDSA 1), ay masyadong pumapel sa pamahalaan ng Pilipinas. Pakikialam na pangunahing kasama ang usaping integridad sa botohan. 


2000/2001Oplan Excelsis/EDSA 2

Tama ba ang ginawa ng Simbahan na kasama sa pagplaplanong tangggalin ang tunay-na-ibinotong si Estrada via Oplan Excelsis na binuo noong bandang 2000 pa? Sabagay, sina Cardinal Vidal at Fr. Sonny Ramirez ay mukhang tutol sa ginawa nila Cardinal Sin subalit sa pangkalahatan ay kakuntsaba ng seditious, kontra-Erap na mga elemento ang Simbahan. Kasama si Cardinal Sin sa kampanya nina Gloria Arrobo,  Fidel 'Tabako' Ramos, at Cory Aquino na pababain si Erap, sampu ng maraming madre at mga pribadong paaralang Jesuita/Katolika, atbp. na inutusang pumunta sa EDSA ang mga mag-aaral nito.

2004 Hello Garci

Iwinasto ba ng Simbahan ang mali at seditious na ginawa nito noong 2000/2001 laban kay Erap nang ipiniliit na iluklok ng Kongreso si Arrobo noong 2004 at "Noted" lamang at hindi binilang ang mga (certificates of canvass) botong kinuwestyon ni Fernando Poe Jr. (FPJ)? Sabihin pa ay ibinunyag nina National Bureau of Investigation Deputy Director Samuel Ong ang 'Hello Garci' na pandaraya laban kay FPJ subalit patuloy pa ring sinuportahan ng Simbahan ang pamahalaang Arroyo? Bakit noong 2001, isang dirty old man na tax-evader at warlord na si Chavit lang ang 'nagbunyag' ng katiwalian daw ay tinarbaho na nila pagpapatanggal sa malinis na umupong si Erap samantalang sa "Hello Garci" na expose ay may tape recording pa ng pandaraya ni Arrobo ay nagpasya silang huwag makialam?

2010 HOCUS PCOS

Sinuportahan ba ng Simbahan ang kampanya nila G. JC de los Reyes, masugid na tagasunod pa naman nito, sa kampanya (noon) laban sa HOCUS PCOS 2010. Kabilang sa kampanya ang mga iginagalang na si G. Nicanor Perlas, si Sen. Jamby Madrigal, mga computer programmers at si Ka Joma Sison na nagbunyag nga na kakuntsaba ng mga Aquino si Arrobo at CIA. Lohiko na lamang ang gamitin kung nagkadayaan nga noong 2010--kung ang pag-withdraw lang ng P200 sa ATM kailangan ng digital signature, Pcos na pagboto pa kaya?


Ang Simbahan at Politikal na (Im)Moralidad


Akala ng Simbahang Katolika sa bansa natin na may basbas sila ni Bathala upang yurakan, balewalain, paglaruan ang tunay na tinig ng taumbayan. Hindi ba binabasa ng mga Obispong Katoliko ang Bibliya kung saan nakalagay na 'Ibigay kay Caesar ang dapat sa kanya' o malapit dito? Ang alam ko sa relihiyon ay moralidad ang itinuturo at dito sa lupa, may tatatas pa bang moralidad sa paggalang sa pangkalahatan/maramihang tinig ng bawat isa, maliit o mataas?

Masama ang magpatalsik ng nakaupong Pangulo na malinis na ibinoto ng taumbayan at ni hindi pa nangangalahati sa termino subalit ginawa ito ng Simbahan noong EDSA 2 Power Grab. Masama rin ang sumuporta sa bukas na nandaya ng boto, katulad ni Arrobo noong 2004 Hello Garci pero ginawa rin ito ng Simbahan. Nitong huling 2010 na halalan ay tikom na tikom ang bibig ng Simbahan kahit na mga mapapagkatiwalaang mga tao at grupo ay umalma na may dayaan Hocus Pocos.

Kapag hindi napag-init ng Simbahan ang mga tao laban sa kapapasang batas na RH, baka unti-unti nang mawawala ang impluwensya nito sa bayang Pilipino/Tagalog/Taga-Ilog/Maharlika. Aral ito na matagal nang dapat natutunan ng Simbahang inilagak dito ng banyagang Kastila apat na siglo na ang nakakaraan. Ang gumamit ng mali o masamang paraan sa kahit mainam pang layunin, babalik sa taga-gawa. Marami ring malilinis na kasapi ang Katolisismo sa bansa subalit sa kanaisan ng mga namumuno sa Simbahan na hawakan o impluwensyahan ang Malacanang, mukhang napukpok ito sa ulo ng sariling bato...

karma de hocus pcos, de hello garci, de oplan excelsis....

_________


Mga Batis/Iba Pang Basahin:


Look Back: 'Oplan Excelsis' plot to oust then-RP President Joseph Estrada hatched in 2000. http://jesusabernardo.newsvine.com/_news/2009/10/10/3369444-look-back-oplan-excelsis-plot-to-oust-then-rp-president-joseph-estrada-hatched-in-2000

Manalo, Charlie V. and Baldo, Gerry. House Passes RH on Final Reading, 133-79. The Daily Tribune. 18 Dec. 2012. http://www.tribune.net.ph/index.php/headlines/item/8297-house-passes-rh-on-final-reading-133-79

Perlas, Nicanor. Unelected and Illegal Government. 1 July 2010. Nicanor Perlas Site. http://blog-by-taga-ilog-news.blogspot.com/2010/07/unelected-and-illegal-government-of.html

Perlas, Nicanor. Beware and Overcome [YELLOW] Media Manipulation. May 2010. http://blog-by-taga-ilog-news.blogspot.com/2010/05/beware-and-overcome-yellow-media.html

In Search of the Truth of the May 10, 2010 Philippine Polls. http://jesusabernardo.newsvine.com/_news/2010/06/27/4572236-in-search-of-the-truth-of-the-may-10-2010-philippine-polls

The Ghost of FPJ: Beware the Liberal Party? http://jesusabernardo.newsvine.com/_news/2009/11/07/3472672-the-ghost-of-fpj-beware-the-liberal-party

The Impunity of the Pro-Noynoy SWS Survey. http://jesusabernardo.newsvine.com/_news/2010/07/26/4753863-the-impunity-of-the-pro-noynoy-sws-survey

Will the Filipino bishops undo an Arroyo wrong? August 2006. Published at Sobriety for the Philippines Blog 4 May 2007. http://forthephilippines.blogspot.com/2007/05/archived-article-august-2006-will.html

______

Raw photo credit (Katedral ng Manila):


http://en.wikipilipinas.org/images/c/c8/Manila_%28Cathedral%294.jpg

Friday, November 30, 2012

Pagwawasto sa 8 Mito Patungkol kay Supremo at sa Katipunan (Bonifacio Series VIII)

IKA-30 Nobyembre 2012. Kaarawan na naman (kahapon) ni Supremo Andres Bonifacio y de Castro, ang tunay na Unang Pangulo ng bayang Pilipinas/Tagalog/Maharlika/Taga-Ilog.  Sa susunod na na taon na nga ang malaking paggunita ng ika-150  kapanganakan ng pinakamagiting at pinakamatayog na bayaning lumaban para sa ating kalayaan at pagkabansa. Subalit bakit ba tila napakarami ang hindi tunay na nakakakilala sa kanya, o maling-mali ang kaalaman ukol sa kanyang pagkatao at mga ginawa, at ginawa sa kanya noong huling buwan ng kanyang buhay? Sa panahon niya ay may mga nagkalat ng paninirang propaganda ukol sa Supremo subalit hindi ba dapat na naiwasto na ang mga kasinungalingang iyon sa ngayon? Ang nangyari pa nga ay lumawak pa ang mga paninira na tila ba buhay at kumikilos pa ang mga kagaya ni Daniel Tirona ng Magdalo...

Lampas isang siglo na mula nang kanyang itatag, sampu ng iba pang mga dakilang nagtaguyod, ang samahang naghanda ng paglaban para sa kalayaan at bumuo ng Pamahalaang Himagsikan, ang Kataastaasang Kagalanggalangang Katipunan nang manga Anak nang Bayan o KKK. Matagal nang nalimbag ang mga sulatin ng tatlo sa mga patas at mas mapapagkatiwalaang mga "primary sources" ukol sa Katipunan at sa Supremo--mula kay Hen. Santiago Alvarez, at Gat Apolinario Mabini, at sa limitadong antas, kay  Hen. Artemio Ricarte. Nailabas na rin ang mga sulat ni Bonifacio kay Gat Emilio Jacinto na nagbubunyag ng mga sigalot sa pagitan ng sangguniang Magdiwang at Magdalo sa Kabite. Subalit bakit namamayagpag ang mga maling kaalaman ukol sa Supremo sa ating sistemang pangedukasyon at mainstream na media.

Ang mga maling kwentong ito ukol kay Supremo ay nakahalo sa mga iba pang kaalaman ukol sa kanya at madalas pa nga ay mas nangingibabaw dahil mukhang hawak ng mga kontra-Bonifacio ang mga ahensyang pangkaalaman--ang edukasyon at ang media. Ayon sa historyador na si Prop. Michael Charlestone Chua, "mga pwersang panlipunan na ayaw maituro ang mga aral nina Bonifacio at ng Katipunan." Pinakamainam ngang paraan para mabara ang pagpapahalaga sa Katipunan ay siraan ang pangunahing nagtaguyod at nagpalakad nito. Anu-ano ba itong tinutukoy kong pangit na propaganda ukol sa Supremo? Narito ang mga pangunahing maling kaalaman na masasabing nakakapanggigil dahil sa sobrang pagkataliwas o paninira nito sa pagkatao at naging buhay ni Bonifacio.



I.  Wala raw pinag-aralan o mahina daw ang ulo ni Supremo.

Mukhang walang sariling mga bait ang naniniwala dito dahil may mangmang bang 1.) nakapagtatag at nakapagpalakas ng tagong samahan sa ilalim ng mapanikil na kolonyal na pamahalaan, at 2.) nakapagbasa ng mga librong nasa ibang wika (Les Miserables at Biography of American Presidents)? Bukod pa sa kanyang magagandang makabayang sulatin tulad ng Pag-Ibig Sa Tinubuang Lupa, Dekalogo, Dapat Mabatid ng Mga Tagalog, atbp.  Talas ng isip sa pagplaplano at mga taktika upang ma-utakan o ma "outwit" ang kalaban ang ginamit ni Bonifacio. Sila ngang mga nagsasabi nito baka sa barangay lang nila magtatag ng panghimagsikang samahan ay huli na agad sila.:)

Kailangang banggitin na kung ihambing si Bonifacio kay Hen. Emilio Aguinaldo y Famy ay akala mo 'no read, no write' ang una at nakatapos ang huli. Ang katotohanan ay medyo nakakagulat sa mga nauto ng pwersang dilaw sa kasaysayan at media: self-educated ang Supremo at nakatuntong lamang sa high school itong si Aguinaldo.

Mas marunong pa nga pagdating sa mataas na kaalamang pangpamahalaan itong si Bonifacio kaysa kay Aguinaldo. Kitang-kita ang kamangmangan ni Aguinaldo pagdating sa usapang pamahalaan noong "Republika ng Biak na Bato" na itinatag nito bago tinalikuran ang Himagsikan at tumakbo sa Hong Kong (hanggang makipagusap sa mga Amerikano). Ang Saligang Batas ng Biak na Bato ay halos buong-buong kinuha sa Konstitusyon ng Cuba--99.9% plagiarized, ika nga. Nakakahiya. Ihambing ito sa ginawang pagtutol ni Bonifacio sa Saligang Batas na inihain ni Hen. Edilberto Evangelista sa kanya noong bandang Disyembre 1896. Batay sa sinulat ni Hen. Alvarez, tinanggihan ni Bonifacio na gamitin ang konstitusyon para sa pamahalaang Katipunan dahil nakita niyang malapit ito sa gawa ng Kastilang si Antonio Maura. 

Sabi nga ni Mabini, si Bonifacio ay isang "sagacious" na pinuno at "had no less schooling than any of those elected in the aforesaid assembly."  Tinutumbok dito ni Mabini ang kontrobersyal na Tejeros Convention kung saan nakaikot ang hindi lang isang malaking kasinungalingan ukol kay Bonifacio.

II. "Natalo" daw ni Aguinaldo si Bonifacio sa Kumbensyong Tejeros.

Maaring natalo sa bilangan ngunit hindi sa tunay na halalan ang Supremo dahil ang Tejeros Convention ang pinakaunang madayang halalan sa kasaysayan ng ating pagkabansa. Ang unang HOCUS-PCOS, unang 'Hello Garci' kumbaga.  Nakasulat kina Ricarte, Alvarez, at sa mga sulat ni Bonifacio ang pandarayang naganap sa halalan.

Bago pa man simulan ang halalan sa Tejeros ay nagsumbong kay Bonifacio si Diego Mojica, isang opisyal ng Katipunan, Magdiwang, ukol sa may mga laman nang mga balota, ayon sa memoirs ni Alvarez. Pre-filled ballots, ika nga. Matapos ang halalan ay agad na gumawa ng deklarasyon si Ricarte na nagkaroon ng dayaan at kahit nahalal siya ay ayaw sana niyang magkaroon ng bahagi sa "pamahalaang" iyon. Sinulat din ni Alvarez na patagong sumumpa sa tungkulin sina Aguinaldo, at sa harap pa ng isang Kastila, o turuan-ng-Kastila na pari. Nakasulat din mismo ang pandarayang ito sa mga sulat ni Bonifacio kay Jacinto.

III. Kaya daw nag-walk out si Bonifacio sa halalan sa Tejeros ay dahil hindi nito matanggap ang "pagkatalo" kay Aguinaldo at ito ay lumayo na.

Napakalaking kasinungalingan nito sa dalawang kadahilanan. Una, nagalit si Bonifacio dahil ayaw kilalanin ni Tirona ang kanyang pagkapanalo bilang Kalihim na Pang-loob (Interior Secretary) samantalang iginiit niya bago umpisahan ang halalan na dapat igalang ng lahat ang anumang kakalabasan nito, na sinanggayunan naman ng mga delegado. Ininsulto siya ni Tirona na kesyo hindi bagay maging Kalihim dahil hindi nakatapos o hindi ito abogado (Ngek! Ano naman kaya yung high-school level na si "Pangulong" Aguinaldo?). Ito ay malinaw na nagpapakita ng kawalang paggalang nila Tirona sa boses ng tao--kung ipapalagay na hindi nagkaroon ng dayaan.

Karaniwang punto ng maling propaganda sa panahong kasalukuyan ay kesyo ang pagkagalit ni Bonifacio ay nagpapakita ng pagkainsulto niya, ng kanyang pagkapikon. Subalit kahit naman kanino mangyari ang pangit na taktikang iyon ay maiinsulto. Kailangang isa-alang-alang ang pagkatao nitong si Tirona. May nauna nang kasalanan itong si Tirona na itinuturong nagpakalat ng mga mapanirang poison letters laban kay Supremo noong huling bahagi ng Disyembre 1896, ayon sa mga sinulat ni Alvarez. Dagdag pa, si Tirona ay isang kalahating traydor na sumuko sa mga Kastila dalawang linggo lang makalipas ang Tejeros.

Pangalawa, ang totoo ay ilang pag-uusap at pakikipagtulungan pa ni Bonifacio kay Aguinaldo ang nangyari matapos ang Tejeros. Noong unang linggo ng Abril ay tinanggap pa nga ni Bonifacio sa kanyang opisina sa Naic itong sina Emilio at Baldomero Aguinaldo, ayon pa rin kay Alvarez. Binendisyunan pa nga kamo ni Bonifacio ang pagpapahiram ng Magdiwang, kung saan malapit si Bonifacio, ng mga armas nang hilingin ng Magdalo upang gamitin daw sa pakikipaglaban sa Kastila.

IV. Talunang pinunong militar daw itong si Bonifacio samantalang magaling daw si Aguinaldo.

Hindi totoong walang naipanalo si Bonifacio dahil ang mga naunang labanan ng mga Katipunero ay naipanalo nito. Ngayon, kung bakit hindi naging matagumpay ang Pangkalahatang Pag-aalsa noong Agosto 29/30 ng 1896 ay maisisisi sa ilang mga kadahilanan kabilang ang hindi pagsulpot ng grupo ni Aguinaldo, partikular ang pinamumunuan ni Fernandez. Kung baga, nasira ang plano.

Kasinungalingan ding basta-basta sabihin na mas magaling si Aguinaldo kay Bonifacio bilang heneral. Bakit kanyo? 1.) Manila, na sentro ng kapangyarihang kolonyal, ang hinawakan ni Bonifacio, na ang ibig sabihin ay mas mahigpit ang depensa dito at mas malakas ang pwersa ng kalaban dito. Mahirap talagang ipanalo. Samantala, 2.) si Aguinaldo nga ay nanalo sa labanan sa Imus noong Setyembre 1896 subalit nang ibinaling na ng Kastila sa Kabite ang pwersa nito ay kumaripas ng takbo itong si Aguinaldo papunta sa pagsuko/pakikipagkasundo sa Biak-na-Bato sa huling bahagi ng 1897.

Idagdag din na 3.) maliit na bahagi ng Kabite ang hawak ng Magdalo ni Aguinaldo kung ihahambing sa sakop ng Magdiwang nila Alvarez. Sa unang bagsak ng pagbaling ng Kastila sa Kabite noong Pebrero 1897 ay mas maraming mga bayan ang nalagas sa teritoryo ng Magdalo na umatras pa nga patungo, at nagkanlong, sa mga nasasakupan ng Magdiwang. Sa katunayan, sa panahong isinailalim sa kanggarong korte militar si Bonifacio ay tumatakbo noon ang Magdalo mula sa pagsalakay ng Kastila.

Ang totoo ay 4.) may taal na katalinuhang pulitiko-militar ang Supremo, ayon sa historyador at antropologong si Dok Zeus Salazar. May pangkalahatang plano ng Himagsikan si Bonifacio na binubuo ng apat na kaisipan. Ito ay ang a) mabilisang paghihimagsik na pupugot sa ulo/sentro ng banyagang kapangyarihan; b) pagsasama-sama ng bayan upang mapatupad ang pagsakote sa Maynila; c) sakaling mabigo ang paghihimagsik, ang pag-atras ng mga rebolusyonaryo sa mga 'real' o ilihan, o mga kampong "komunidad na may tanggulan malapit sa bayan"; d) sa maramihan, ang mga ilihan ay pabaitang na lunsaran ng ala-gerilya na pag-atake mula sa kanayuhan patungo sa militar na ulo ng Kastila na epektibong ginamit ng maraming heneral at mismong sumalo kay Aguinaldo sa Real ng Biyak na Bato.

V. Ang Katipunan daw ay samahan lamang, si Aguinaldo raw ang unang Pangulo ng bansa (at hindi daw si Bonifacio).

Ito marahil ang pinakamalaking kalokohang kasinungalingan patungkol sa naging pagkatao, nagawa at tagumpay ni Bonifacio. Ang totoo: bago inilunsad ang Pangkahalatang Pag-aaklas laban sa Kastila ay ginawang Panghimagsikang Pamahalaan ang Katipunan, kabilang ang pagtatatag ng hukbong sandatahan nito, at paghalal ng mga opisyal sa pamumuno ni Pangulong Bonifacio. May watawat pa nga at pambansang awit na inihanda, ang Marangal na Dalit ng Katagalugan na kinomisyon ng Supremo kay Julio Nakpil y Garcia.


Nakakapagtakang hindi kinikilala sa opisyal na kasaysayan (na tinuturo sa mga paaralan at binabangit ng media) ang halalan sa Katipunan na nagluklok kay Bonifacio bilang pinuno ng bansang naghihimagsik. Ito ay ibinalita sa Kastila-Amerikanong pahayagang "La Ilustración Española y Americana" (1897, Vol. I) kung saan pinakita pa ang larawan ni Bonifacio na may caption na "'Presidente' de la Republica Tagala." Sinulat din ito sa kaparehong taon ng Kastilang historyador na si Jose M. del Castillo. Nilagay nito sa kanyang "El Katipunan" or "El Filibusterismo en Filipinas" ang kinalabasan ng halalan sa Katipunan kung saan napili si Bonifacio bilang Supremo/Pangulo, si Jacinto bilang State Secretary, at iba pa.

Kung tutuusin ay dapat na tingnan bilang  malakas na pagbakas sa pagka-Pangulo ni Bonifacio at pagiging pamahalaan (na pang-Himagsik) ng Katipunan ang dalawang Kastilang batis na ito. Kung titingnan mula sa teoryang 'national perspective,' dapat si Aguinaldo na nakipagkasundo sa kanilang pamahalaang (Kastila) ang kilingan nila at hindi si Bonifacio na siyang puno't dulo ng Rebolusyon. Kung bakit itinatatwa ito ng mainstream na kasaysayan ng Pilipinas ay lubhang nakakapagtaka, taliwas sa lohiko.

Sabihin pa, may pagpapatibay din ito mula sa mga lokal na batis. Isinulat ni Alvarez na noong pinipilit nila Baldomero Aguinaldo na magtatag ng (bagong) pang-himagsikan pamahalaan ay sinagot nina Bonifacio na hindi ito kailangan dahil pamahalaan na ang Katipunan. Ipinahiwatig din ni Mabini na ang Katipunan ay pamahalaan sa ilalim ni Bonifacio nang sinulat niya sa kanyang memoirs na kriminal na insubordinasyon ni Aguinaldo ang pag-utos na "asasinasyon" (pagpatay) sa Supremo.

VI. May karapatan daw hatulan ng kampo ni Aguinaldo si Bonifacio na kanila daw isinailalim sa 'hustisya.'


Isang nakakapangilabot na pares ng kasinungalinan. Mula umpisa ay pagligpit na sa Supremo ang pakay ng kampo ni Aguinaldo. Isinulat ni Alvarez na 'dead or alive,' patay o buhay, ang utos na pagdukot kay Bonifacio. Ang mga inutusan ni Aguinaldo--sina Kol. Agapito Bonzon o alyas Intong, Felipe Topacio, at Jose Paua o Instik Pawa (may kasalukuyang historyador ang nagsasabing kasama si Lazaro Makapagal)--ay malugod pa nga ilang tinanggap (bilang mga kapatid sa Katipunan) ni Bonifacio ngunit patraydor na binaril at sinaksak nila ang Supremo sa tinuluyan nito sa Indang, Kabite.

Patraydor na pagdaklot ang ginawang panghuli sa Supremo dahil walang legal na kapangyarihan ang "pamahalaan" kuno ni Aguinaldo. Bakit ko nasabi ito?  1.) Walang bisa ang halalang Tejeros dahil una (a), pinawalang bisa ito ni Bonifacio na presiding officer ng kumbensyon. Pangalawa (b), nagkaroon ng dayaan sa Tejeros batay sa ulat ni Mojica at sa deklarasyon ni Ricarte na nagsabing nagkaroon ng "dirty or shady practices in the manner" ng halalan at napilitan lamang siyang sumumpa sa nakuhang posisyon na Pinuno ng Himagsikang Hukbong Sandatahan dahil tinakot siyang papatayin, ayon na rin sa kanyang deklarasyon. Pangatlo (c), kung kinikilala ng karamihan ang pagka-"panalo" ni Aguinaldo, sana ay hindi ito patagong nanumpa bilang "Pangulo." Pang-apat (d), naglabas din si Bonifacio at apatnapung iba pang Katipunero ng Acta de Tejeros na nagpapawalang bisa sa marumi at ma-anomalyang Kumbensyong Tejeros isang araw matapos ang halalang ito. Maaring may ilang pumirma na bumaligtad at kumampi kay Aguinaldo, katulad ni Hen. Pio del Pilar, subalit hindi nawala ang bisa nito dahil mas marami ang nanatili at nagkapirmahan nga.

2.) Sa yugto ng panghuli at pagkulong, at paglilitis ay walang hustisyang natamo sina Bonifacio. Pagmaltrato ang natamo si Supremo at kapatid na lalaki nitong nabuhay (noong dinaklot sila) na si Procopio. Pinagbawalan ang pagbisita sa makipot at madilim na bartolina, hindi nilapatan ng lunas ang mga sugat, at kung pinakain man ay "pagkaing hindi na dapat sabihin" ang binigay, ayon kay Alvarez. Ma-anomalya rin at patago ang ginawang 'paglilitis' kay Bonifacio. Kangaroo court martial, ika nga. Tumataginting na lutong makaw ang makikita ng kahit sinong may wisyo na makakabasa ng tala ng paglilitis, kahit yung 'opisyal' na bersyon pa at kahit hindi alam ang 'dead or alive' na utos ni Aguinaldo.

Meron ba naman patas na hukom na ang a) presiding officer (Mariano Noriel) ay pinangunahan ang kalalabasan at tinawag na ang intensyon ni Bonifacio ay "evil and treacherous," at ang b) abogadong itinakda nila sa Supremo, defense attorney (Placido Martinez), ay hinusgahan rin ang nasasakdal at sinabi ring "evil" daw ang binalak nito? Idagdag pa na ang auditor ng hukom militar ay si Baldomero Aguinaldo na pinsan ng biktima raw ng planong pagpatay ng Supremo.

VII. Duwag daw sa harap ng kamatayan ang Supremo.


Hindi iilan ang kumakagat o medyo kumakagat sa malaking kalokohang ito kahit na alam ng madla ang katapangan ng bayaning naglakas ng loob na pangunahan ang humawak ng balisong at baril upang wakasan ang pagkaalipin ng bayan at ilunsad ang bagong umaga nito bilang isang bansa. Sukdulang taliwas sa pagiging "El Marat Filipino," ika nga ng El Renacimiento--matapang na manghihimagsik, mapusok na patriotiko--ang pagiging duwag daw ng Supremo nang papaslangin na siya. Talaga nga yatang natatalo rin ang wisyo ng paulit-ulit na pagbigkas o paglimbag ng kasinungalingan.

Walang kredibilidad kung tutuusin ang pinagmulan ng mga pahayag na ito--ang berdugong si Lazaro Makapagal. Walang kredibilidad ang kanyang mga pahayag ukol sa mga huling sandali ng Supremo hindi lang dahil siya ang pinuno ng berdugong inatasan ng kampo ni Aguinaldo kundi dahil 1.) paiba-iba ang pahayag niya sa mga pangyayari; 2.) wala sa mga kapwa berdugo niya ang nagpatotoo sa mga kwento nito; at 3.) taliwas ang ilang mga detalye niya doon mismo sa tala ng kanilang kampo ukol sa paglilitis sa Supremo.

Nagmakaawa raw, umiyak, o sinubukang tumakbo mula sa kanyang kapalaran si Bonifacio nang papatayin na siya. Tatlong magkakasalungat na pahayag na ito ang pinakawalan ni Makapagal ng mga huling taon ng dekada 1920 sa mga naging panayam kay Alvarez (inilabas ng 1927), sa Philippine Free Press (1928), at kay Jose P. Santos (1929). Halimbawa, sa pangalawang bersyon nito ay sinabi niyang nang dinala nila sa bundok ang Supremo ay may isang sugat lamang ito, sa braso--isang litaw na kasinungalingan dahil kahit sa opisyal na tala ay nakalagay na may sugat sa lalamunan si Bonifacio dala ng pagkakasaksak dito noong dinaklot ito.

Kung paano nangyari na ang mga imposibleng pahayag na ito ay binibigyan diin sa mga aklat pangkasaysayan o sa media ay isang malaking katanungan. Ang mas kapani-paniwala siguro ay ang isang kwentong magsasabing sinubukan silang agawan ng armas at patayin ng Supremo dahil sa kanilang paglapastangan sa Katipunan at tunay na katarungan.

Subalit ang katawan ni berdugo Makapagal ay walang sugat, walang tanda ng paglaban ng Supremo. Masasagot ng pagwawasto ng isa pang mito ukol kasaysayan ni Bonifacio ang puntong ito.

VIII. Pinatay daw sa "execution" gamit ang pagbaril si Supremo.

Lubos na nakakapagtaka na ito ang kwentong kumalat at pinalaganap sa loob ng maraming dekada, malamang kasabay ng mga kalokohang pahayag ni Makapagal, samantalang si Mabini, na naging malapit kay Aguinaldo, ay ASASINASYON ang tawag sa ginawa ng kampo ni Aguinaldo kay Bonifacio. Pag sinabing execution, ito ay dapat bukas sa madla dahil bunsod ito ng paglilitis, ng proseso ng bukas na paghahanap ng katarungan. Ang ginawa ay Bonifacio ay hindi execution dahil patago ito, mula pa sa paglilitis kung kailan ipinagbawal ang anumang pagbisita sa kanya at Procopio, hanggang sa dalhin sila sa bundok ng Buntis sa Kabite. Inilayo pa, sinadyang pinaslang ang magkapatid na Bonifacio kung saan walang makakasaksi. Kahit idahilang itinago nila ito mula sa Kastila, gaano ba kahirap magtawag ng magiging tagapanood at madaliang ipatupad ang hatol--sa mismong kuta pa nila para maiwasang mahuli ng mga Kastila?

Hindi execution kundi asasinasyon dahil patraydor ang pagpaslang. Bakit kaya? Dahil takot na maaring magdulot ng pagkakawatak-watak ng mga rebolusyonaryo ang tagpong pagpatay sa Supremo? Kung talagang nanalo sa Tejeros si Aguinaldo at malinis ang paglilitis at may kasalanan ang Supremo, walang dapat kinatakutan. Mayroon pa kayang itinago?

Walang duda na hindi execution kundi asasinasyon. At ang mas nakakahindik pang kasinungalinang na dapat itama ay kung anong armas ang ginamit ng mga berdugo.

"A putol a paa, di dadapa// a putol a tenga, di bibingi..." o malapit dito na naglalaman ng mga linyang nagbabanggit ng mga putol na bahagi ng katawan ng Supremo. Kakatwang kwento ukol kay Bonifacio dahil hindi polisiya ng Katipunero ang sadyang putol-putulin ang katawan ng kalaban; sumikat ilang dekada na ang nakakaraan at may bersyon pa nga nitong matatagpuan mismo sa Maragondon court house. Noong 1918 ay inilabas ang forensics na ulat ng mga doktor mula sa Unibersidad ng Pilipinas at nila Hen. Guillermo Masangkay (isa sa mga opisyal ng Katipunang pamahalaan) at Epifanio de los Santos ukol sa natagpuang buto na dineklara nila na kay Bonifacio batay sa best available science ng panahon na iyon. Tumutugma din ang katangian ng mga butong nahukay sa family history ng mga Bonifacio, kabilang ang kakaibang gawi ng Supremo: ang mga ngipin ay "maliit at makinis" na akala mo kinikil--na tugma sa kagawian ni Bonifacio na paghasa sa kanyang mga ngipin sa baba katapat ng incisors, ayon na rin sa pahayag ng kapatid nitong si Esperidiona. Ang nagbunsod kay Masangkay na hanapin ang Supremo ay ang sumbong ng ilan sa mga dating tauhan ni Makapagal na pinatay daw sa pagtataga ang Supremo na  nakasakay sa duyan at mahina na. Ang natagpuan nilang buto sa Kabite ay tugma rin sa sumbong sa kanya batay sa tama ng bayoneta at bolo at pagkakaroon ng biyak sa bungo. Huling dekada ng siglo 1900s ay nagsaliksik gamit ang oral history approach si Prop. Daniel Aragon mula sa Unibersidad ng Pilipinas ukol sa putol-putol na kwento. Lumalabas sa kanyang pag-aaral na kwentong bayan--batay sa saling-kwento ng mga Kabitenyong nakakita sa berdugo team ni Makapagal o nakasilip sa aktwal na pagpaslang sa magkapatid na--pinahirapan bago pinatay at maaring pinutulan ng ilang bahagi ng katawan si Supremo at inilakbay upang ilipat (malamang nakatali ang paa't kamay sa kawayan mula Bundok Buntis papuntang Nagpatong).

Tumutugma o may mga mahahalagang pagkakatugma ang kwentong putol-putol/pananaga sa sumbong kay Hen. Masangkay ng tauhan ni berdugo Makapagal, sa resulta ng 1918 forensics, at sa oral history mula sa Maragondon ukol sa patagang pagpaslang kay Bonifacio. Samantala, lumalabas na malaking kasinungalingan ang self-serving na mga paiba-iba at nagkokontrahang mga pahayag ni Makapagal, na taliwas rin sa dokumentadong katapangan ni Bonifacio at mismo sa ilang detalye ng opisyal na tala ng kanila court martial.

Hindi sa pagbaril kundi sa PAGTAGA winakasan ng mga berdugo nila Aguinaldo ang buhay ng magkapatid na bayaning Bonifacio. Pinahirapan ang hindi na makalaban-laban na nanghihina nang Supremo (dahil sa hindi nilunasang pagkaka-baril at pananaksak dito sa Indang), pinagtataga hanggang  maputol malamang ang ilang bahagi ng katawan, at pinagtakpan ang krimen sa pamamagitan ng paglipat sa ibang bahagi ng kabundukan.

Mas Patas at May Kredibilidad na mga Batis


Ang karamihan ng nalahad dito ay batay kina Hen. Alvarez, Hen. Ricarte, at Gat Mabini. Sina Mabini, Hen. Alvarez, at Hen. Ricarte ay mga pinagkaatiwalaan at dinadakilang mga personalidad na nakadaupang palad  mismo ni Pangulong Bonifacio. Kung sa patas ay patas ang tatlong ito dahil sa mga kapwa malalapit din kay Hen. Aguinaldo ang mga ito. Si Mabini, siyempre pa, ay naging Kalihim at tagapayo ni Aguinaldo. Si Alvarez ay naging kaibigan ng kontrobersyal na pinuno at kapwa Kabiteno pa nito. Si Ricarte naman ay tanyag sa prinsipyo nito laban sa imperyalistang Amerikano at sa pagdakila nito kina Rizal at Bonifacio habang naka-exile sa bansang Hapon kahit na may nagsasabing tuluyan daw itong kumampi sa kampo ni Aguinaldo at palihim pang nagpayo na tuluyang iligpit si Bonifacio noong 1897.

Ang tungkol sa mga pahayag ni berdugo Lazaro Makapagal, kapatid na babae ni Supremo, at paghukay sa mga buto ni Bonifacio ay mga nalathala sa pahayagan na kinalap ng mga mananaliksik ng Pambansang Komisyon (Suriang) Pangkasaysayan sa loob ng mahabang panahon (at inilabas na may kinikilingang opinyon ni G. Ambeth Ocampo, naging pinuno nito sa panahon ng administrasyon ni Gloria Macapagal Arroyo). Ang tungkol sa oral history naman ng mga taga-Maragondon, lalawigan ng Kabite ay mula sa pag-aaral ni Prop. Daniel Aragon, isang Kabitenyo. Sa madaling salita, ang mga primary sources ay mga patas at masasabi pa ngang kataka-takang hindi pumapanig sa kampo ni Aguinaldo. Ang mga lathain namang naglalaman ng mga pahayag mula 1920s at ang Kastilang website ay naglimbag lamang ng kanilang mga panayam o sipi (ng imahe ni Bonifacio mula sa lathaing "La Ilustración Española y Americana"). May iba ring pinagkunan, tulad ng mga libro o libro ng historyador na sina Milagros Guerrero at Dok Zeus Salazar, sinasabing 'Ama ng Pantayong Pananaw.'

Pagwawakas

Kung ano raw ang ating kainin, iyon tayo. Kung ano ang pinapakain sa atin o kinakain ng ating mga isip, iyon ang ating kamalayan. Sa terminolohiya ng information systems,  GIGO--garbage in, garbage out. Kung tahi-tahi at kathang-propaganda ang pagkakakilala sa mga bayani at kontra-bayani, lalabas na mito ang ating kamalayang pagkabansa.

Masidhi, malakas, at maimpluwensya ang mga nagpapakalat ng kasinungalingang paninira at pagmemenos sa Pangulong Bonifacio at sa Katipunan. Marami sila, hindi iilan, hindi lamang si Hen. Aguinaldo na hindi malayong napaikot din ng mas mapanggamit/mapanlinlang dito dahil wala pa itong edad 30 nang mga panahong inagawan niya ng kapangyarihan at pinapaslang ang Supremo. May mga pwersang panglipunan nga na ayaw maituro ang mga wasto o moral na mga aral ng Katipunan. Dagdagan ko pa na may mga pwersa sa ating lipunan na ayaw maparusahan sa mga kasalanan nila sa Supremo, sa Katipunan at mga turo at prinsipyo nito, at sa bayan.

Kung hindi tayo mag-iingat sa mga pinapayagaan nating pumasok natin sa kaisipan, magiging mga manikang pinapaikot lang tayo ng mga pwersang gahaman, makasarili at kalaban ng katotohanan. Hindi tayo makakarating sa kalagayang maayos kung saan buo ang ating kamalayang Pilipino at namamayani ang kapatiran, katarungan, kalayaang tunay, at kaunlarang nag-iingat sa kalikasan. Kung maiwawasto ang pagkakasulat sa kasaysayan ukol kay Supremo at Katipunan na pangunahing kumilos para sa ating kalayaan at pagkabansa, malamang ay maisunod na ang iba pa at maiwasto na rin sa wakas ang kasalukuyan nating kalahating-mitong historiograpiya. Sa ganoong paraan ay baka mapagkaisa na ang ating lahi sa kabansaang hindi tuta, bukas ngunit katutubo at makakalikasan, at makatarungan sa lahat.



HUWAG Hong Kalimutan, Pagtuntong ng Taon 2013 isang buwan mula ngayon ay BONIFACIO 150 NA! Magkita-kita ho tayong muli. :)


*********

Mainam din hong basahin ang mga piling iba pa sa Bonifacio Series:

The HACKING of the SUPREMO, Unang Bahagi (Bonifacio Series VII). http://forthephilippines.blogspot.com/2012/05/hacking-of-supremo-unang-bahagi.html

Andres Bonifacio, Unang Pangulo ng 'Pilipinas': Setting the Historiographic Record Straight (Bonifacio Series VI). http://forthephilippines.blogspot.com/2011/12/andres-bonifacio-unang-pangulo-ng.html

Tragedy of the Katipunan (Bonifacio Series IV). http://forthephilippines.blogspot.com/2011/05/tragedy-of-katipunan-assassination-cum.html

Gat Andres Bonifacio: The Anti-Colonial National Hero of the Philippines (Bonifacio Series I). http://forthephilippines.blogspot.com/2008/11/andres-anti-colonial-national-hero-of.html




***********

Mga Batis:

Alvarez, Santiago. The Katipunan and the Revolution: Memoirs of a General: with the original Tagalog text. Paula Carolina S. Malay. Trans. Ateneo de Manila University Press, 1992. http://books.google.com/books/about/The_katipunan_and_the_revolution.html?id=F3q-krDckHwC

Artemio Ricarte Declaration date 24 March 1897. Filipiniana.net. http://www.filipiniana.net/publication/artemio-ricarte-declaration-dated-24-march-1897/12791881635983

Chua, Michael Charlestone. XIAOTIME, 29 November 2012: UNDRESS BONIFACIO, Ang Supremo Bilang Pinunong Militar. http://xiaochua.wordpress.com/2012/11/29/xiaotime-29-november-2012-undress-bonifacio-ang-supremo-bilang-pinunong-militar/

Guerrero, Milagros, Emmanuel Encarnacion, and Ramon Villegas. Andres Bonifacio and the 1896 Revolution. In Sulyap Kultura. National Commission for Culture and the Arts, 1996. NCCA Site. 16 June 2003. http://www.ncca.gov.ph/about-culture-and-arts/articles-on-c-n-a/article.php?i=5&subcat=13

La Revolución filipina (1896-1898).  http://www.museo-oriental.es/ver_didactica.asp?clave=138&loc=0

Ocampo, Ambeth. Bonifacio’s teeth, Rizal’s breath. Inquirer.net. March 9, 2012. http://opinion.inquirer.net/24571/bonifacio’s-teeth-rizal’s-breath

Ocampo, Ambeth. The execution of Bonifacio. Inquirer.net. May 15, 2009. http://opinion.inquirer.net/inquireropinion/columns/view/20090515-205102/The-execution-of-Bonifacio

Ocampo, Ambeth. Urban Legends. Inquirer.net. March 13, 2012. http://opinion.inquirer.net/24903/urban-legends

Retana, Wenceslao. "El Marat Filipino," El Renacimiento, 26 de Marzo 1908

Salazar, Zeus A. Kasaysayan ng Kapilipinuhan: Bagong Balangkas. Lungsod ng Quezon. 2004 Disyembre. http://www.google.com.ph/url?

________________. Si Bonifacio bilang Pinunong Militar. http://blog-by-taga-ilog-news.blogspot.com/2012/05/si-bonifacio-bilang-pinunong-militar.html

Thursday, October 11, 2012

The Disapproved UP seal-- Look, no Bald Eagle!

ALAM n'yo bang hindi lang ang pamahalaan natin ang patuloy na nagdadala ng simbolo ng ating kolonyalismo--ang imahe ng Kalbong Agila--kundi pati ang "premier national university" na UNIBERSIDAD ng PILIPINAS (UP)? At alam n'yo din bang may nagpanukala nang palitan ito dahil nga naman "malaya" na daw tayo subalit ito ay hindi pinagbigyan ng MGA pwersang tutatsing???

Hanggang ngayon ang opisyal na seal ng bansa ay nagtataglay ng elemento ng 2 kanluraning bansang sumakop sa atin--ang Leon ng Espana at ang Kalbong Agila ng imperyalistang Estados Unidos. Tinanggal daw ito ng Kongreso noong 1998 pero hanggang ngayon ay kataka-takang hindi pa nagkaka-Plebisito para mapatupad ito.

Sa kaso ng UP, tampok sa kasalukuyang seal nito ang--hulaan ninyo--ang KALBONG AGILA na nakabuka ang pakpak at nakatingin sa kanan. Ang epal na Kalbong Agila na ito ay nakahapon sa isang shield na may mga icon na sumisimbolo sa agrikultura, engineering, at medisina at paikot ay nakasulat ang University of the Philippines at 1908, ang taong itinatag ang unibersidad na ito. (Nauna dito ay ginamit ang seal na nagtatampok ng mas maliit na Kalbong Agila, ang shield na sumisimbolo sa Manila, at ang 13 colonies ng Kano na naghimagsik sa Britanya). 







May nagpanukala nang palitan ang seal ng kinikilalang Unibersidad ng Pilipinas ngunit dahil ang ating bayan ay wala na yatang katapusan sa pagiging tuta ay nabara ito ng kinakasangkapan ng tantads na Central Intelligence Office (o iba pang instrumento ng imperyalista). Noong panahon ng pagkapangulo ng UP ng magiting na si Salvador P. Lopez ay naglabas siya ng Memorandum Circular na may petsang Nobyembre November 13, 1971 na nagbubukas ng paligsahan para sa pag.disenyo ng bago at makabayang seal ng UP. Sabi ni SP Lopez:

“Just as a new seal was designed for the Philippines when it became independent in 1946, so a new seal for the University should have been designed and adopted at that time…. The eagle appears to be particularly inappropriate as the dominant element in the seal of the university.”

Ang nanalong disenyo (nasa larawan sa kanan) ay mula kay Galo B. Ocampo na direktor noon ng Pambansang Museo (National Museum). Subalit dahil ang ating kawawang bayan ay natarakan ng long-term-acting na hipnotismo tutatsing, ang plano ay binara at isinangtabi. Isipin n'yo na lang ang puwersang pumigil dito--mismong pangulo ng unibersidad at director ng pambansang museo ang pangunahing mga bida pero nasupalpal pa.

Malinaw pa sa mata ng kwago na dapat tanggalin ang elemento Kalbong Agila sa seal ng UP (at sa ating Republika) dahil itong animal na ito ay ang pambansang simbolo ng imperyalista, ng bansang Estados Unidos na nagnakaw ng ating ipinaglabang kalayaan, nanakop sa atin, at kumitil sa daang libong o lampas isang milyon nating mga magigiting na ninuno noong Digmaang Pilipino-Amnerikano (1899-1904). Higit isang siglo na ngang tapos ang digmaang iyon, ang ating pagkatalo, ang pag-water torture at reconcentration, ang paginsulto sa ating lahi, kulay, at kakayanan, atbp. (At napakatagal na ring panahong lumipas ay hindi pa tayo hinihingan ng patawad ng walang urbanidad na bansang iyan). Subalit magpi-pitong dekada na ring tayong "malaya" daw mula sa kuko ni Kalbong Agila. Papaalala ko lang sa mga humaling na humaling sa bansang imperyalista--Hulyo 4, 1946 daw tayo 'pinalaya' ng United States of America.

Kaya nga bakit HANGGANG ngayon ay dala-dala pa ng UP at ng ating "Republika" ang pambansang simbolo ng imperyalistang mananakop? Ano naman ang idadahilan ng mga pro-US (translation ng iba: tutatsing o zombies ba?) diyan sa tabi-tabi? 'For old times' sake retain the seal'--ganoon ba? O sasabihin kaya nila na 'Let it be because we owe it to the U.S. for giving us the system of free public education'? Talaga lang, ha? Kaya pala sa Kalbong Agila ngayon ay hindi iilan ang mga estudyante nagsa-sideline bilang prostitutes o call girls/call boys para lang makapagtapos ng kolehiyo. At dito naman sa mismong UP ngayon ay iilan na lamang ang mga scholars dahil sa privatization direction na pinatupad ng mga dilaw na pangulo matapos patalsikin si Pangulong Joseph Estrada ng mga dilaw sa tulong ng Amerika. Meron ngang socialized tuituion fee scheme (STFAP) subali't sa kasalukuyan ang default nito ngayon ay Bracket A o mga magbabayad ng libo-libo kada semester. Kung default ang millionaire's bracket, ang pinahihiwatig nito ay pinaghandaan nila ay kokonti lang na mga iskolars.

Huwag sabihin na si Pangulong Marcos lang ang may sala dahil kahit walang nangyari ay sa panahon niya nabuksan ito. Hirayain na 66 na taon na mula Hulyo 1946 ay nakatarak pa rin sa mga mag-aaral ng, at nagsipagtapos mula sa, UP ang imaheng Kalbong Agila. Matagal nang pinatalsik at patay si Marcos, at si SP Lopez at si G. Gamo subalit nakatago pa rin sa baul ang pagpalit ng seal. Deferred ng UP Board of Regents ang pagpapatupad ng pagpalit ng UP seal dahil 'pagaaralan ng mas maigi' daw. Hale, anong UP body ang nagaaral dito at anong klaseng non-scientific experiment ang kailangan magtagal ng 31 taon palakad?

Ganito na lamang kaya. Kung hindi kayo maawat sa paghanga sa ibong nakabuka ang pakpak, PALITAN na lang kaya ng PHILIPPINE EAGLE yung BALD EAGLE diyan sa UP seal para kahit papaano ay katutubo ang dating. Maari na kaya? Lol.

__________


MGA BATIS:

Si Fidel Ramos, ang 'Rizal Day Bombings' at ang Kalbong Agila. http://forthephilippines.blogspot.com/2012/07/si-fidel-ramos-ang-rizal-day-bombings.html

Quindoza-Santiago, Lilia. Philippine Literature during the American Period.
http://www.ncca.gov.ph/about-culture-and-arts/articles-on-c-n-a/article.php?igm=1&i=131

STAND UP. Road Map to Deeper Education. 4 July 2012. http://standupdiliman.com/road-map-to-deeper-education-crisis/

Symbols of U.S. Government: The Bald Eagle. http://bensguide.gpo.gov/3-5/symbols/eagle.html

The University Seal. http://www.up.edu.ph/index.php/about-up/the-up-seal

Thursday, August 23, 2012

PINOYCCHIO sa 2012 SONA PNoy Land, Lupain ng Pantasya

KAYA ho pala marami-rami ang nagandahan sa ika-3ng SONA ni "Pangulong" BS Aquino ay dahil bagay dito ang napakahabang ilong. Pumogi, dahil tumalab ho ang PINOYCCHIO principle, ika nga ng mamamahayag na si Jacinto 'Jing' Paras, dahil humaba ng humaba ang ilong ni "Pangulo" sa haba ng litanya ng kasinungalingang ulat nito sa isa't kalahating oras ba niyang SONA nitong nakaraang ika-23 ng Hulyo.

Numero uno sa kasinungalingan ni "Pangulong" BS y Hocus Pcos ay kawalang banggit sa nakakasulasok na paglabag sa Karapatang Pantao, pagpatay sa mga aktibista na pinipilit lamang namang itaguyod ang karapatan ng mga mamamayan kabilang ang pagtutol sa nakakalasong pagmimina. . Akala mo nasa lupain tayo ng pantasya dahil ni hindi nagpahiwatig si BS Aquino ng pagkilala ng problema ng mga napatay na mga aktibistang alagad ng simbahan, na kabilang pa ang ilang banyaga; ang sinasabing mga paghalay ng ilang opisyal na militar sa katutubong kabataan, atbp. Aba eh huwag sabihing nakalimutan na niya agad ang pagkamatay ni Fr. Fausto Tentorio, pinaslang noong Oktubre 2011, at ang Dutch national na si Willem Geertman na tatlong linggo pa lang napatay nang mag.SONA siya.




Kasinungalingan din ang mala-rosas na kuwento nito ukol daw sa ating maayos daw na peace and order. Ikaw nga ng mamamahayag na si Herman Tiu-Laurel, ang mga crime statistics na ginamit ni BS Aquino ay kumokontra sa pag-amin ng Hepe ng Kapulisan na si Nic Bartolome na na Metro ay tumaas pa nga ng malaki, ng 68% ang mga kaso ng krimen. Kahit nga si Pangulong Joseph Estrada na pumuro daw sa SONA ni BS Aquino ay pinuna sa isang panayam na hindi binanggit ang mataas o tumataas na mga krimen, patunay nga ang pagkakapatay sa kanyang dating tauhan, pinuno ng Philippine Tourism Authority na si Nixon Kua.

Isang mahalaga at nakakasukang kasinungalinan ni BS Aquino noong SONA ay tungkol sa kuryente. Wala raw o wala raw nangyaring krisis sa kuryente. Sabi nga ni Ka Mentong Laurel, bakit pinuri ba itong si Rene Almendras, Kalihim ng Enerhiya, samantalang responsable pa nga ito sa P65 bilyong suliraning sa enerhiya sa Mindanao. At dito sa Luzon ay kawawa ang mga tao dahil P13 kada kilowatt hour ang singil ng Meralco samantalang P5.76/kwh lang ang sa Iligan Light and Power Inc. na mas maliit pang kumpanya.

Pati ang ulat tungkol sa dengue ni "Pangulo" ay mali, kundi kasinungalingan, dahil ang ginamit na istatistika ay mula 2011 imbes na 2012.

Masasabi ring kasinungalingan ang pagpuri ni BS Aquino sa kanilang CCT o Conditional Cash Transfer bilang nakakatulong o mainam daw na programa. Hindi ba kasinungalingan iyon dahil wala pa namang komprehensibong pagaaral sa nagawa nitong CCT na ito, ang CCT na tinutuligsa bilang dole-out at pamumulitikang panghalalan na programa.

Isa pa ay ang pagsasabi na ang mga backlog daw sa kakulangan ng silid-paaralan, silya, at mga libro, NGUNIT walang binanggit sa problemang backlog na 132,000 na mga guro. Anong klaseng edukasyon ang binabalak niya dito? Ang pagkasyahin ang maraming mga mag-aaral sa mga silid o paiksiin ba ang oras ng pag-aaral ng mga bata, o patayin ba sa overtime ang mga kasalukuyang mga guro?

Ang pinakateknikal na kasinungalingan ni BS Aquino ay patungkol sa "creditor" status na daw ng Pilipinas. Maliban pa sa tayo mismo ay napakalaki ng external debt kaya mahirap sabihing creditor na tayo, ang totoo raw ay FOREIGN EXCHANGE lang naman ang pinahiram ng Bangko Sentral at hindi talaga sobrang pera ang ating pinahiram. Teknical na kasinungalingan ala Hocus Pcos na mahirap maintindihan ng hindi mahilig o kulang ang kaalaman sa concerned field. Ngayon, kung wisyo ang paiiralin sa paghusga sa bahagi ng ulat na ito ni "Pangulo," ay baka maging mas malinaw ang kasinungalingan--paano naman nangyari na ang isang bansa kung saan naatim o walang magawa ang pamahalaan sa ilan/maraming mga naghihirap nitong mamamayan sa kalunsuran ay kumakain na ng PAGPAG ay magiging tunay na "creditor" nation????

Kalahating kasinungalingan nakakapanlilang naman ang sinabi nito tungkol sa istatistika ng trabaho sa bansa. Milyon-milyo daw ang trabahong nagawa sa loob ng dalawang tao at tumaba daw ang unemployment rate. Ano ang kabuuang katotohanan? SEASONAL jobs ang nagawa niya subalit BUMABA naman ang Full-time na mga trabaho. Sabihin pa na hindi niya binanggit ang 5.5 milyon na batang trabahador mula sa pagitang ng 5-17 taon gulang kung saan lampas kalahati nito ay nagtratrabaho sa hazardous environments. Sa seasonal o part-time na mga trabaho ay mabubuhaya ba ang tao? Kailan kakain, kailangan magpapagamot o magpapaayos ng ngipin--kapag may trabaho lamang?

Kung totoong lampas 2 milyon ang nagawang maayos na trabaho sa panahon niya, bakit dumarami ang umaalis ng bansa at nag.ri.risk para kumita? Ayon sa Migrante
  • Lumobo sa 1.35 milyon mula 1.218 milyon ang Pilipinong napilitang mag.OFW, batay sa istatistika ng Oktubre 2011 kumpara sa naunang 12 buwan (Nasa 12-15 milyon na ang kabuuang Pinoy sa labas ng bansa).
  • Patuloy na pagbaba ng sahod sa pagtatapos ng 2011ang P426 minimim wage sa NCR ay 43% na lang ng P993 family living wage.
  • Karamihan ng pamilya sa NCR ay nabubuhay na lamang sa P22-P37 kada araw.
  • Sa kabila ng bilyong remittance mula sa OFW, halos walang serbisyo at proteksyong naasahan ang mga lumalabas na Pinoy sa pamahalaan--tinaas pa ang POEA processing fee mula P18,000 ay ginawang P26,000! (Bale tumataginting na P43.14 bilyon kada taon ang nakukulimbat ng pamahalaan kung 4,500 ang OFW na lumalabas bawa't araw).

Iiwanan ko kayo ng excerpts mula sa SONA na nang mabasa ko (salin sa Ingles) ay naglaro ang isip ko sa pagitan ng iling de katakot-takot at kasiyahan at kasaganahang matatagpuan sa PNOY Pantasya Komiks siguro. Kayo na ho ang humusga:
Every town that has and will be lighted; the highways, bridges, airports, trains, and ports we have built; fair contracts; the peace in our cities and our rural areas; every classroom, desk, and book assigned to a child; every Filipino granted a future—all of these, we have achieved in just two years. We have advanced an agenda of reform in these last two years, a marked contrast to our suffering in the decade that came before.

Mabuti na lamang at nasa wikang Tagalog/Pilipino ang ika-3ng SONA ni "Pangulong" BS Aquino. Kahit papaano, kahit sa paraang pantasya, ay nakakatulong makabuo ng bansa. Lol. :)



_________


 Pinagkunan ng background na video:

RVTMalacanang, sa http://www.youtube.com/watch?v=sYmCfZ2aBpk&feature=related

Mga Batis:

(English translation) Benigno S. Aquino III, Third State of the Nation Address, July 23, 2012. http://www.gov.ph/2012/07/23/english-translation-benigno-s-aquino-iii-third-state-of-the-nation-address-july-23-2012/

Africa, Sonny. SONA 2012: Reporting housekeeping and half-truths. IBON. 27 July 2012. http://bulatlat.com/main/2012/07/27/sona-2012-reporting-housekeeping-and-half-truths/

Dutch Environmentalist Killed in Pampanga. http://bulatlat.com/main/2012/07/03/dutch-environmentalist-killed-in-pampanga/

Paras, Jacinto. Pnoycchio, The Boy with an Elongated Nose. The Daily Tribune. 29 July 2012. http://www.tribune.net.ph/index.php/commentary/item/2148-pnoycchio-the-boy-with-an-elongated-nose

Tiu-Laurel, Herman. 'Busung,' Cursed. 27 July 2012. The Daily Tribune. http://www.tribuneonline.org/index.php/commentary/item/2068-%E2%80%98busung%E2%80%99-cursed

Oliveros, Benjie. How to gauge Aquino’s third state of the nation address. Bulatlat. 26 July 2012. http://bulatlat.com/main/2012/07/26/how-to-gauge-aquino’s-third-state-of-the-nation-address/

__

Sunday, July 29, 2012

Si Fidel Ramos, ang 'Rizal Day Bombings' at ang Kalbong Agila

Matagal nang pangyayari ito, higit isang dekada na, subalit wala pa ring kapani-paniwalang kasagutan. MGA panatikong Muslim na terorista kaya ang may sala sa pagsabog ng Bus sa EDSA o si Dating Pangulong Fidel V. Ramos a.k.a. TABAKO, katulad ng F-I-D-E-L bombings noong Rizal Day 2000????

Ang mga pagsabog sa iba't ibang bahagi ng Metro Manila kabilang ang LRT noong Disyembre 30, 2000--kalagitnaan ng "Erap Resign" Movement na pinamumunuan nina dating Pangulong Ramos at Pangulo Cory Aquino, noon ay Bise-Presidente Gloria Arroyo at Cardinal Jaime Sin, at mga elit na negosyante at opisyal ng militar--ay kumitil sa buhay ng nasa 22 Pilpino at nagdulot ng kapinsalaan sa mahigit 100 pang katao. Ito ay dali-daling isinisi nila Ramos at Cory sampu ng "civil" evil society, ng mga nagpapatanggal kay Pangulong Joseph "Erap" Estrada sa administrasyon ng huli.




Ayon kay Herman Tiu-Laurel, mukhang ang talaga daw may pakana sa Rizal Day Bombings na sinisisi sa ilang Muslim na terorista ay si dating Pangulongf Fidel V. Ramos at mga puwersang anti-Erap.
When one tries to put together stories of the F-I-D-E-L bombings of nine years, other questions cannot help but be raised: Why were the anti-Erap forces seemingly anticipating some big thing during that period? Why were there not only fingerprints of the MILF, but also the AFP and PNP’s all over the operations of Al Ghozi and company, while FVR’s goodwill over these groups run the gamut of favors, including the Narciso Ramos Highway, which became the MILF’s turf? And why were juicy promotions given to major Edsa II police players, such as Ebdane and Mendoza, when all of them allegedly figured prominently in the mysteries that attended that day’s sinister conspiracy?
F-I-D-E-L bombings: Nine years later
http://www.tribuneonline.org/commentary/20091228com4.html


Nang mapatalsik na ng mga conspirators at mga estups sa EDSA 2 si Pangulong Erap ay matagal pa bago natukoy daw ng awtoridad kung sino ang may pakana ng krimen.  Bago naalis sa pwesto ang halal na si Estrada, lumabas sa imbestigasyon ng kanyang pamahalaan ng ang Moro Islamic Liberation Front (MILF). Sa sumunod na pamahalaan ni Arroyo ay inabot ng may maraming taon bago isinara ang kaso.Noong 2003 ay may nahuling isang kasapi ng special operations ng MILF at umaming may kinalaman sa isang antas ng mga pambobomba noong Rizal Day ng 2000. Kinasuhan ito ng maraming kaso ng pagpatay at tangkang pagpatay subalit' makaraan ang tatlong taon ay nilinis ng pamahalaan ni Arroyo ang pangalan ng MILF, gayun din ang MNLF, dahil ang teroristang grupong Jemaah Islamiyah raw ang may pakana talaga sa pambobomba. Tatlong kasapi ng grupo ang hinatulang may sala at pinarusahan ng hanggang 20 taon ng pagkakabilanggo noong 2009.

May hustisya nga kayang nakamit sa naging imbestigasyon at hatol ukol sa Rizal Day Bombings? Patuloy na may mga nagdududa kung taga Jemaah Islamiya nga ba ang may pakana ng karumal-dumal na mga pambobombang iyon. Bakit dalawang beses natukoy ang MILF sa magkaibang imbestigasyon ng pamahalaan, may umamin pa nga at sa huli ay napawalang-sala rin? Natatandaan ko na noong inilabas ng Philippine National Police sa ilalim noong ni PNP Chief Panfilo Lacson ang resulta ng imbestigasyon ay ibinalik pa ng MILF ang sisi sa pamahalaan ni Estrada na para bang synchronized sa mga gustong magpabagsak kay Erap noon. 

Subali't mukhang may mga  itinatagong katotohanan ukol sa Rizal Day Bombings. Mukhang may kinalaman ang ilang shadowy operators sa militar o pulis sa mga pangyayari dahil isang security guard ng LRT at tatay ng isa sa mga biktima, si Crisel Acusin, ang nagsabing isang linggo bago ang pangyayari ay biglang inalis ang serbisyo ng bomb-sniffing na mga aso.  Dagdag pa, sabi nga daw ng isang opisyal ng isang Muslim na non-governmental organization o NGO, mga "fall guys" daw ang hinuli, kinasuhan, at hinatulan sa kaso.

Nguni't ano ang kinalaman ni Fidel "Tabako" Ramos dito? Maaring ginamit nila Ramos ang pagsabog noong Araw ni Rizal para sa destabilization efforts sa pamahalaang Estrada. Si Ramos ay hinahabol ng pamahalaang Estrada doon in connection with the Centennial Expo Scam. Dagdag pa, si Ramos ay kilalang galit kay Erap. It is no secret how Ramos strongly disapproved of Estrada's ascendancy as President. In 1999, a Senate Blue Ribbon investigation produced the testimony indicating that the people at the Centennial Exposition project were asking contractors for LAKAS campaign contributions because they were "desperate in (sic) coming up with all means and money to prevent Erap from winning in the elections."

Tandaan na ang mga nagpatalsik kay Erap ay matatas na opisyal ng exehutibo, Korte Suprema, militar at pinamumunuan nga nina Ramos, Aquino, at Arroyo. AT may isa pang pwersang nasa likod ng sedisyon ng EDSA 2 at ito ay hindi basta-basta--ang Estados Unidos. Si Ramos ang Pangulong masasabing pinakamalapit sa imperyalista lIban kay Presidente Ramos Magsasay at maaring ito ang operator ng U.S. para mapatalsik si Erap.

Mayroong ilang pagtutukoy na makikita ukol sa papel ng Kalbong Agila sa EDSA 2. Isang iginagalang na mamamahayag ang nagsiwalat ukol sa kinalamang ng Kalbong Agila sa pagpapatalskik kay Estrada ay si G. Luis Teodoro, na isa ring dating dean ng College of Mass Communication ng Unibersidad ng Pilipinas. Ayon kay Teodoro: "Gloria Macapagal -Arroyo came to power in 2001 with the help of the US and its local allies in the Church, the military and the business community." Medyo nakakagulat, sa totoo, ang isinulat na ito ni Teodoro dahil siya ay kilalang galit o ayaw kay Estrada subali't beterano na sa pamamahayag, maraming "sources" at mapagkakatiwalaan ang ngayon ay kolumnista rin ng Business World at Bulatlat.

Ang isa pa ay ang kaduda-dudang sobrang accuracy ng 1999 na prediksyon ng isang Amerikanong private 'intelligence' firm, ang Stratfor (Strategic Forecasting) sa pagbagsak ng pamahalaang Estrada. Sinabi ba naman ng Stratfor na hindi raw makakatapos ng termino si Erap at ma-i-impeach daw ito. Ang predikson ng Stratfor na ito ay noong Nobyembre 1999 nang wala pang jueteng expose ni Chavit Singson at lalong wala pang impeachment court!  Mahirap paniwalaang 'intelligence' na kaalaman lamang ito dahil daig pa propeta sa pagiging bullsyes. Sabihin pa, makaraang ang dalawang taon mula pagpapatalsik kay Erap ay naglabas ng balita ang Daily Tribune (Abril 7, 2002) na nagtutukoy kina Ramos at dating national security adviser nito na si Jose Almonte ay "in the thick of providing Stratfor with the information predicting the fall of then President Estrada…” 

Maaring ang mismo pamahalaang ng Kalbong Agila, or at least the dreaded Central Intelligence Agency (CIA), ang gumamit sa Stratfor para mag.foment ng destabilization. Maari ri namang ang kampo lang ni Ramos ang gumamit dito. O kaya ay maaring maagkasabwat ang Estados Unidos at sina Ramos. Bakit kanyo? Dahil si Tabako, sabi nga ng isang retiradong militar na aking kaibigan sa isang social networking site, ay isang pasimpleng Amboy mula't sapul ng career o paghahasa sa military career nito. 

Nag-aral at nagtapos ng apat na kurso si Fidel Ramos sa West Point (United States Military Academy) noong ang tatay nito ay Ambassador to the US. Tapos, bago bago pa lang ito sa Philippine Army ay pinadala na naman sa Estados Unidos para sa dagdag na pagdalubhasa-- mag-specialize sa SPECIAL FORCES nang ito ay magtapos ng Special Forces/Pay Operations/Airborne sa Fort Bragg, North Carolina (kung saan matatagpuan ang Psychological Warfare Center na ngayon ay (now U.S. Army Special Operations Command ). Pagkatapos niya dito ay binuo niya ang Philippine Army Special Forces Company (Airborne) noong Hunyo 1962,  na isang elit na paratroop unit na bihasa hindi lang sa 'community development' kundi sa paglaban sa mga rebeldeng komunista. 

Kaya nga itong si Tabako ang 'Father of Special Forces' at maging ng 'Jungle Fighters' sa buong Hukbong Sandatahan ng Pilipinas hanggang maging Chief of Staff ito. Kasama at "bayani" pa nga raw ito ng Philippine Expeditionary Forces to Korea (PEFTOK) na isang Cold War na contingent ng Kalbong Agila noong Korean War. Isa pang pagtututang pagsisilbing ginawa nito para sa imperyalistang Estados Unidos ay bilang kasapi ng Philippine Civic Action Group, Republic of Vietnam (Second PHILCAGV) noong Vietnam War. Dagdag pa, naging kasapi o kasapi rin itong si Ramos ng tinatawag na CARLYLE Group, ang isa sa pinakamalaking defense contractor ng Estados Unidos na may interes sa Asia. Ayon sa manunulat na si Dan Briody: "Carlyle has established itself as the gatekeeper between private business interests and U.S. defense spending. And as the Carlyle investors watched the World Trade towers go down, the group's prospects went up."

Sa madaling salita, maaring si Ramos ang operator o isa sa mga pangunahing operator ng Estados Unidos upang mapadali ang pagpapatalsik kay Estrada mula 1999 (o mula pagkakaupo pa siguro nito matapos ang halalan ng 1998). Ang Rizal Day Bombings ay isa sa mga pangyayaring naghasik daw ng takot sa mga foreign investors, maliban pa sa mga Pilipino mismo, noong kasagsagan ng seditious na pagkilos upang tanggalin si Erap sa puwesto. Subali't malalaman pa kaya ng taumbayan kung sino talaga ang may pakana ng karumal-dumal na terorismong iyon taon pa naman sa kabayanihan ni Gat Jose Rizal? Sabi nga ni Ka Mentong:
In the final analysis, the question that matters is “Cui bono?” or “Who benefits?” It is clear that all the Edsa II players benefited and to this day do not want the real questions answered. No wonder mainstream media are also silent about this....XXXX

Will we ever get to the truth while an Edsa II government remains in power?


F-I-D-E-L bombings: Nine years later
http://www.tribuneonline.org/commentary/20091228com4.html






_________


Ilang mga Batis: 

Rizal Day bombings. http://en.wikipedia.org/wiki/Rizal_Day_bombings

Lone suspect in Rizal Day bombings ordered freed by court. http://www.philstar.com/Article.aspx?articleId=89959

Teodoro, Luis. The stake in our hearts. 13 Feb. 2009. http://www.luisteodoro.com/the-stake-in-our-hearts/

"History of Fort Bragg, 1950s". http://www.bragg.army.mil/ Fort Bragg’s online website. http://www.bragg.army.mil/Directorates/Directorate-of-Public-Works/Environment-Division/Forestry/Documents/INRMP(01-05).aspx

Florentino-Hofilena and Ian Sayson. Centennial Expo: Convenient Cover for Election Fundraising. (1999, June 14-16). Philippine Center for Investigative Journalism. http://www.pcij.org/stories/1999/expo.html

Is PGMA Being Unfair To The Afp And Pnp?
http://www.rpdev.org/Default/Ramos_Legacy/Articles?performAction=Display&article_id=4

 
Tuazon, Bobby. Current US Hegemony In Asia Pacific. http://www.converge.org.nz/abc/pr28-84.html

Briody, Dan. Carlyle's way: Making a mint inside "the iron triangle" of defense, government, and industry. 8 Jan. 2002. http://www.ratical.org/ratville/CAH/linkscopy/CarlylesWay.html

Why Gloria Denied Superferry 14 Was A Terrorist Attack. 29 May 2006. http://philippinecommentary.blogspot.com/2006/05/why-gloria-denied-superferry-14-was.html

 Fuller, Ken. Stratfor hacked. Daily Tribune. http://www.tribuneonline.org/commentary/20120306com5.html

Friday, July 13, 2012

Isang Paglalarawan ng American Colonial MisEducation

Unang inilimbag noong Mayo 2012, inayos


HINDI ko rin minsan masisi kung bakit may ilan/marami sa tabi-tabi na pag nakakanti ang imperyalistang Kalbong Agila ay na.hi-highblood, nagagalit, minsan ay nagmumura pa... Balikan po natin ang mga itinuro sa atin noong American Colonial Period.

The emblem of Bald Eagle IMPERIALISM. The primary tool of imperialism--COLONIAL misEDUCATION.... Sa ginawang Brainwashing sa ating mga ninuno o mga lola at lola, magtataka pa ba tayo na hindi alam ng iba/marami diyan ang Philippine-American WAR (1899-1914) at ang alam lang ay Filipino-American "FRIENDSHIP"????




Ang Watawat daw ba naman nila--mga Amerikano--ay itinurong siyang Atin din, ayon sa kaliwang bahagi ng larawan sa itaas.... Matapos madugo nilang nakawin ang ating kasarinlan gamit ang nakakasuka de kakatwang Treaty of Paris at rasista de malupit nilang militar na kumitil sa lampas milyong Pilipino/Pilipina (directly & indirectly). Kabilang lang naman po sa mga biktima ng kasamaan at kasakiman sa yamang lupa/tubig/teritoryo ng imperyalista ay sina Hen. Macario Sakay, Hen. Lucio San Miguel, at Hen. Gregorio del Pilar noong Digmaang Pilipino-Amerikano. Makaraang magpatupad ang Estados Unidos ng FLAG Law of 1907 na nagbabawal sa paglantad ng bandila ng Republika (ni Aguinaldo) o ng Katipunan, ituturo na ang Stars & Stripes daw ang ating bandila!!!???

Kasama sa pang-uuto sa atin ay ang pagtuturo ng kanilang BANYAGANG WIKA. Sinasabi nga ng linguistic determinism theory: worldview is determined/influenced by verbal language and/or a language's structures grammar-wise, inherent ontologies, and distinctions semantics-wise. Dagdag pa ay patriarchal ang wikang ito, di tulad ng ating wikang Pilipino/Tagalog na patas sa kababaihan kahit papaano. Opo, patriarchal dahil sa wikang Ingles ay ang lalaking kasarian ang 'norm'-- "chairman," "mankind," atbp. Kahit hanggang ngayon ay inirereklamo ng mga feminista ang patuloy na sexism ng wika/lipunang Amerika. Sa madaling salita, dahil wikang Ingles ang pinagamit sa atin (at hanggang ngayon ay isa sa opisyal na wika), worldview ng mga Kano ang nananaig sa atin imbes na ang sa atin, kabilang ang pagiging taliwas sa ating kalinangang at kulturang mabait o patas sa kababaihan.

Ang Pilipinas/Tagalog/Taga-Ilog/Maharlika ang kauna-unahang malayang bansa na biniktima ng malupit na militar nito. May mga nauna nang sinakop ang Estados Unidos katulad ng Hawaii subali't ang ating bayan ang unang lumaban ng todo at nang may kagitingan (kahit may mga traydor mula Appari hanggang Jolo). And that United States has NOT yet apologized for their Fil.Am war crimes--stealing of our independence and our land, the rapes of Filipinas, the water cure tortures, reconcentration camps, the racist insults, the genocidal murders. Ang mga nasa ilalim ng patuloy na kontrol ng Kalbong Agila--ang mga colonial-minded, ika nga, walang alam kundi ihambing ang U.S. sa bansang Hapon na kesyo mas malupit daw, mas maraming pinatay, atbp. Hindi natin masisisi ng lubos kung bakit hindi nila makita o hindi alam na ang Hapon ay humingi na ng tawad sa mga ginawa nitong noong Ikalawang Digmaan Pandaigdig samantalang ang Amerika ay hindi pa? Ang Hapon ay nagbayad pa nga ng reparation sa atin kahit papaano. Japan, which was A.bombed by that imperialist nation, had the decency to apologize to the Filipinos. ... Wonder who are the real barbarians....

Dahil sa continuing o entrenched na colonial miseducation ay marami sa atin ang 'docile' o yumakap ng husto sa Amerika. Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig daw ay nagulat nga daw si Hen. Artemio Ricarte sa sobrang pro.Kano ng utak ng ating mga kababayan samantalang noong Fil.Am War ay kaaway na mananakop ang tingin sa Kalbong Agila...... Hanggang ngayon, dahil sa pamamagitan ng mga elit na traydor o walang pagpapahalaga sa bayan ay hawak nila ang, o malakas ang impluwensa nila sa, sistema, kabilang ang mahalagang educational system na makikita sa mali o baluktot na kasaysayang tinuro sa atin.... Fil.Am War na lamang, glossed over at justified na pananakop ng Amerika ang bersyong itinuro sa atin ng mainstream education subali't napakarami palang atrocities, napakasinungaling at mang.uuto pala ng Imperyalista.

Imulat po natin ang ating mga mata. Mahalin ang ating sariling wika, watawat, lahi, kasaysayang tunay. Sa atin hong mas mulat, subukan ho nating labanan ang patuloy na colonial miseducation gamit hindi lamang ang mga paaralan kundi pati ang yellow mainstream media. Alamin ang ating kasaysayan, ang kasaysayan ng ating relasyon sa "stateside" na bansa.


______


 

Celoza, Albert. Ferdinand Marcos and the Philippines: The Political Economy of Authoritarianism. Greenwood Publishing Group, 1997

Schirmer, Daniel B. and Stephen Rosskamm Shalom. The Philippines Reader: A History of Colonialism, Neocolonialism, Dictatorship, and Resistance. South End Press, 1987. Pages:


_____

Raw Photo Credit:
Paolo Paddeu

Saturday, June 30, 2012

Kawawang Syria naman ang Bagong Pilipinas, Vietnam, Iraq, Libya

MARAHIL nagulat o nabigla kayo sa pagkurap at pagatras ni "Pangulong" A_Noy y Hocus Pcos sa isyu ng pinagtatalunang mga teritoryo sa South China Sea. Aba eh pagkatapos kahulan ng kahulan ang Tsina na parang asong retarded, nitong huli ay nagsinungaling sa mga mamamayan at sinabing umalis na raw ang mga barko ng People's Republic of China sa lugar...... Huwag na hong pagtakhan dahil tumalima lang ho si BS Aquino sa munstra ng kanyang among imperyalista. Malamang sa hindi ay time-out lamang ho iyan dahil aatupagin lang daw ho muna ng masamang Kalbong Agila ang SYRIA at saka na ang pag-pivot nito sa Asya-Pasipiko. At saka na rin tatahol na muli ang iniluklok ng CIA na si "Pangulong" BS.

Katuwang ang menor de dmnyong mga kasapi ng NATO, kabilang ang Pransia, Britanya, at Turkey, the great War Architect & WMD Arms Dealer in Sheep's fake clothing that is the United States is doing a Libya on Syria. Nandoon ang kanilang puppet rebels, kantang 'HR violations,' ang paggamit sa United Nations, at sinungaling na Western corporate media. Nandiyan din ang kinamumuhian at kinatatutang CIA na palihin na nagbibigay ng armas sa mga "rebelde"........ Medyo naiba nga lang ng konti ang script para mas lalong mabili ng mga zombie ng mundo. Kung noon sa Libya ay nagparatang sila na inutos daw ni Premier Muhammar Qaddafi ang pagsasakatuparan ng aerial strike sa mga demonstrador (na pinabulaanan ng Rusya c/o satellite monitoring), ngayon naman ay pinabagsak daw ng Syria ang isang eroplano ng Turkey.

Sabi ni President Bashar Assad ay nasa kalagayang giyera na raw ang kanilang bansa. Naman, wala talagang patawad ang imeryalistang Amerika at resurging colonial powers sa NATO club. Wala pa namang isang taon mula nang sakupin ang Libya ay Syria naman ang mukhang inuumpisahan nang durugin, paghasikan ng lagim, at sa paraang tutatsing ng masamang pamahalaan ng Kalbong Agila.




Pilipinas bilang Unang Vietnam, Iraq, Libya... Unang Syria


Nakakaawa naman ang Syria. Dadadanak na naman ang dugo. Pagkatapos ay tuta na rin sila... Parang ginawa sa atin noong papasok na ang ika-20 siglo. Ang Pilipinas ang unang Vietnam, unang Iraq, unang Libya. Tayo ang unang sinampulan ng masama, magnanakaw.kalayaan, magnanakaw.kalupaan/katubigan, at mamamatay.taong Amerika. May mga nauna nang sinakop ang Estados Unidos katulad ng Hawaii subali't ang ating bayan ang unang lumaban ng todo at nang may kagitingan (kahit may mga traydor mula Appari hanggang Jolo) sa medyo matagal na panahon--lampas isang dekada talaga ang Digmaang Pilipino-Amerikano (1899-1914).

Tiyak na may magtatanggol sa Kalbong Agila, na kesyo ang pagpapalaganap lang daw ng "demokrasya" ang nais nito kaya gustong 'makialam' [translation: invade] sa Syria. Talaga lang ha? Para bang sa pananakop sa atin matapos lansihin sina Hen. Emilio Aguinaldo na igagalang daw ang ating kalayaan, matapos gamitin ang mga Pilipinong maghihimagsik laban sa Kastila. Isa na namang 1898 "Mock Battle of Manila" na bahagi ng "Peace Protocol" [translation: imperialists' game].

Materyal na bagay, yamang-lupa, yamang-dagat, at merkado lamang ang habol ng Estados Unidos at wala nang iba. At para makuha ito, lahat ay kayang gawin ng imperyalista. Inamin ito ni Sen. Albert Beveridge at iba pang mga mambabatas/opisyales ng Hilagang Amerika at maging ng media nila. Sa talumpati ni Beveridge sa Senado ng Kalbong Agila noong Enero 9, 1900 kung saan pinalabas niyang ang Pilipinas ay "forever" na  pag-aari ng kanyang bansa, pinagdiinan nito ang malaking kayamang lupa at tubig ng ating kapuluan:

No land in America surpasses in fertility the plains and valleys of Luzon. Rice and coffee, sugar and coconuts, hemp and tobacco, and many products of the temperate as well as the tropic zone grow in various sections of the archipelago.... The mineral wealth of this empire of the ocean will one day surprise the world. And the wood, hemp, copra [coconut husks], and other products of the Philippines supply what we need and cannot ourselves produce....

Hindi nagiisa sa pagkagahaman itong Amerikanong si Beveridge. Sinusugan ito ng hindi iilan niyang kababayan, kabilang ang (may-ari/mga editorng) isang maimpluwensya dyaryo noong kasagsagang ng Fil-Am War, ang San Francisco Argonaut:
We do not want the Filipinos. We want the Philippines. The islands are enormously rich, but unfortunately they are infested with Filipinos. There are many millions there, and it is to be feared their extinction will be slow.

Hindi lang basta giyera kundi paggamit ng torture at concentration camps. Ang banyagang naunang gumamit ng water torture, na water boarding na sa Guantanamo, laban sa Pilipino ay hindi ang mga Hapon kundi ang mga Amerikano. Nauna rin sa Hapon ang Kalbong Agila sa paggamit ng concentration camps sa atin. Nanghalay din ng mga Pilipina ang mga Kano. Ang mga menor de edad "over ten" ay hindi pinatawad at pinagpapatay. Noong umpisa lamang ng Digmaang Pilipino-Amerikano (1899-1914) sila kumuha ng preso dahil nang naipamalas na ng ating mga ninuno ang masidhing pagtatangol sa ating kasarinlan ay 'no prisoner' na polisiya na ang kanilang ipinatupad--ibig sabihin, masaker ang istilong giyera na ginawa na ng mga Kano. Kung hindi nagsisuko ang Pilipinong nagtanggol sa ating kalayaan at bayan ay malamang sa hindi ay inubos na ng mga kaaway na Amerikano ang ating lahi. Ang isa pa nilang pahayagan, ang "Baltimore American," ay umaming tinalo pa ng Estados Unidos ang kalupitan at mga krimeng kanilang ginawa laban sa ating lahi. Ayon dito: "we went to war to banish."

Sa atin unang ipinalasap ng Hilagang Amerika ang kanilang kawalang konsensya kapag sila ay sinuwag mo. At dahil sa kanilang napakatinding brainwashing techniques, ang colonial miseducation, tayo ngayong mga Pilipino ang pinaka-tutang bayan sa balat ng Mundo. Makikita ito sa ating malakas na colonial mentality na hangang.hanga sa mga bagay na 'stateside,' sa pagyakap sa wikang Ingles bilang 'language' of the educated and the elite daw, at sa pagtalima ng halos lahat ng naupo sa Malacanang sa mga nais ng imperyalistang Amerika lalo na sa mga polisiyang tungkol sa ugnayang panlabas. 


Pinababayaan din natin na para bang second nature na dapat ay may basbas, kung hindi man tahasang pakikialam, ng United States ang sinumang magiging Pangulo natin. May diretsong pakikialam ang kinatatakutang Central Intelligence Unit (CIA) sa pagkapanalo ni Pangulong Ramon Magsaysay at sa kasalukuyang "Pangulong" BS Aquino (ayon kay Ka Joma Sison ay niluto ng CIA, Gloria Arroyo at kampo ng mga Aquino ang Hocus Pcos). Kung ayaw sa iyo ng makapangyarihan de masamang Estados Unidos ay yayariin ka, tulad ng pagplano ng CIA na patayin si Sen. Claro M. Recto. Sa Kaso ni Pangulong Joseph Erap Estrada, ang pagkakatanggal dito noong EDSA 2 Power Grab ay naganap sa pakikipagsabwatan hindi lang ng mga elit sa pulitika, kalakalan, at simbahan at ng naligaw.yata na kaliwa kundi ng imperyalista mismo. Ayon kay G. Luis Teodoro, beteranong mamamahayag, dating dean ng College of Mass Communication ng Unibersidad ng Pilipinas at galit o ayaw kay Erap, "Gloria Macapagal -Arroyo came to power in 2001 with the help of the US and its local allies in the Church, the military and the business community." Isa pang pruweba dito ay ang kaduda-dudang sobrang accuracy ng 1999 na prediksyon ng isang Amerikanong private 'intelligence' firm daw, ang Stratfor (Strategic Forecasting) na 1999 pa ay nagsabi na hindi raw makakatapos ng termino si Erap at ma-i-impeach daw ito--samantalang wala bang jueteng exposo si Chavit Singson at lalong wala pang impeachment court.

Ewan ko ba pero sa tingin ko, bilang unang biktima at ngayon ay pinaka.tuta ng Estados Unidos, tayo ang magpapalaya sa sanlibutan. Kung makakaahon tayo sa ating kalagayang patay de buhay (zombie state), kung malilinis/ma.neutralize natin ang mga traydor sa ating hanay, kung magigising tayo sa katotohanan na hindi tayo tunay na itinuring na kaibigan kundi isang inaapi, pinapaikot, ininsulto, tinatapakan na bayan, kung magagawa natin lahat ito, palagay ko makakaya rin ng mundo na makawala sa mala.hipnotismong tanikalang pinalupot sa ating kamalayan ng pangunahin at g imperyalista, ang Agilang Kalbo.

_____


Mga Batis:


Assad: Syria in a state of war, UN: Mission impossible. RT.com. 27 June 2012. http://www.rt.com/news/un-monitors-syria-mission-828/

Documents on Imperialism. https://www2.bc.edu/~weiler/imperialismdocs.htm

Dumindin, Arnaldo. Philippine-American War. http://philippineamericanwar.webs.com/guerillawarfare1899.htm

Editorial Review of The Savage Wars of Peace: Small Wars and the Rise of American Power by Max Boot. http://www.main.nc.us/books/books.cgi?theworstbookof2002

Fuller, Ken. Stratfor Hacked. The Daily Tribune. 3 March 2012. http://www.tribuneonline.org/commentary/20120306com5.html

Jensen, Derrick. The Culture of Make Believe. Chelsea Green Publishing, 2004. http://books.google.com.ph/books?id=v2l39w5AtIMC&dq=unfortunately+infested+with+filipinos+philippines&source=gbs_navlinks_s

Kill Every One Over Ten Political cartoon by Homer C. Davenport published in William Randolph Hearst's New York Evening Journal on May 5, 1902, showing U.S. troops shooting Filipino children.
https://www.facebook.com/photo.php?fbid=424433376691&set=a.391693696691.166833.249283126691&type=3

Revealed: CIA secretly operates on Syrian border, supplies arms to rebels. RT.com. 21 June 2012. http://www.rt.com/news/cia-officers-turkey-syria-378/

Schirmer, Daniel and Stephen Rosskamm Shalom. The Philippines Reader: A History of Colonialism, Neocolonialism, Dictatorship, and Resistance. South End Press, 1987. http://books.google.com.ph/books?id=TXE73VWcsEEC&dq=philippine-american+war+%22first+vietnam%22&source=gbs_navlinks_s

Simbulan, Roland. G. Covert Operations and the CIA's Hidden History in the Philippines. 18 August 2000. http://www.derechos.org/nizkor/filipinas/doc/cia.html

Teodoro, Luis. Stake in Our Hearts. 13 February 2009. http://www.luisteodoro.com/the-stake-in-our-hearts/

Turkey's downed jet: NATO action in disguise? RT.com. June 2012. http://taga-ilog-news.blogspot.com/2012/06/turkeys-downed-jet-nato-action-in.html

Turning Yellow. The Daily Tribune. June 27, 2012. http://taga-ilog-news.blogspot.com/2012/06/turning-yellow-editorial-06272012.html



Raw Photo Credits:

 
http://www.warchat.org/pictures/vietnam_war_map.jpg

http://www.lib.utexas.edu/maps/middle_east_and_asia/iraq_pol96.jpg

http://pieceofmind.wordpress.com/2011/12/13/us-nato-to-invade-syria/

http://philosophers-stone.co.uk/wordpress/2012/06/syria-impending-false-flag-media-psyop-on-the-horizon/

http://3.bp.blogspot.com/-hOTF6bFj3hQ/TnvSR0ks41I/AAAAAAAACfk/mhqx2pi2dA0/s1600/map_of_libya.jpg


 http://commons.wikimedia.org/wiki/File:Harper%27s_Pictorial_History_of_the_War_with_Spain_Vol._II_Philippine_map.jpg