Walang tinag ang pamahalaan ni Abs Aquino. Tinakot na nga ng Simbahang Katolika ng Pilipinas na mangangampanya laban sa mga sumusuporta sa RH bill ay matigas pa rin at puro media feelers pa na ipapasa na nga raw talaga ang noon ay panukalang batas. Sabi pa nga ni Kongresista Lagman, alipores ng mga dilaw mula kay Gloria Arrobo hanggang kay Abs Aquino, pag naipasa na ang RH bill ay susuportahan din daw ito ng Simbahan katulad daw sa nangyari sa ibang bansa. At nakakagulat na ipinasa nga ang RH Bill kahit ang tagal at ang lakas ng ingay ng Simbahan laban dito.
Magtataka ba tayo na mukhang wala nang takot ang pamahalaang Dilaw sa Simbahan ngayong HOCUS PCOS na ang botohan? Ano pa nga naman ang ipangtatakot ng Simbahan eh kakuntsaba ito sa pagpapauso na balewalain ang tinig ng mamamayan at daanin sa gawa-gawang surveys, paghawak sa media at pagdoktor ng boto ang paglagay ng bataan nila sa Malacanang. Nag-boomerang nga lang sa mga wala-sa-lugar-makialam na mga Obispo.
Ang Simbahan na mula panahon ng Kastila, mula walang-basehang Treaty of Paris ng imperyalistang Kalbong Agila hanggang 'magsarili' daw ang Pilipinas...ang pangunahing layunin yata ay kontrolin ang Malacanang. Ang Simbahan nitong nakaraang tatlong dekada (kung isasama ang EDSA 1), ay masyadong pumapel sa pamahalaan ng Pilipinas. Pakikialam na pangunahing kasama ang usaping integridad sa botohan.
2000/2001Oplan Excelsis/EDSA 2
Tama ba ang ginawa ng Simbahan na kasama sa pagplaplanong tangggalin ang tunay-na-ibinotong si Estrada via Oplan Excelsis na binuo noong bandang 2000 pa? Sabagay, sina Cardinal Vidal at Fr. Sonny Ramirez ay mukhang tutol sa ginawa nila Cardinal Sin subalit sa pangkalahatan ay kakuntsaba ng seditious, kontra-Erap na mga elemento ang Simbahan. Kasama si Cardinal Sin sa kampanya nina Gloria Arrobo, Fidel 'Tabako' Ramos, at Cory Aquino na pababain si Erap, sampu ng maraming madre at mga pribadong paaralang Jesuita/Katolika, atbp. na inutusang pumunta sa EDSA ang mga mag-aaral nito.
2004 Hello Garci
Iwinasto ba ng Simbahan ang mali at seditious na ginawa nito noong 2000/2001 laban kay Erap nang ipiniliit na iluklok ng Kongreso si Arrobo noong 2004 at "Noted" lamang at hindi binilang ang mga (certificates of canvass) botong kinuwestyon ni Fernando Poe Jr. (FPJ)? Sabihin pa ay ibinunyag nina National Bureau of Investigation Deputy Director Samuel Ong ang 'Hello Garci' na pandaraya laban kay FPJ subalit patuloy pa ring sinuportahan ng Simbahan ang pamahalaang Arroyo? Bakit noong 2001, isang dirty old man na tax-evader at warlord na si Chavit lang ang 'nagbunyag' ng katiwalian daw ay tinarbaho na nila pagpapatanggal sa malinis na umupong si Erap samantalang sa "Hello Garci" na expose ay may tape recording pa ng pandaraya ni Arrobo ay nagpasya silang huwag makialam?
2010 HOCUS PCOS
Sinuportahan ba ng Simbahan ang kampanya nila G. JC de los Reyes, masugid na tagasunod pa naman nito, sa kampanya (noon) laban sa HOCUS PCOS 2010. Kabilang sa kampanya ang mga iginagalang na si G. Nicanor Perlas, si Sen. Jamby Madrigal, mga computer programmers at si Ka Joma Sison na nagbunyag nga na kakuntsaba ng mga Aquino si Arrobo at CIA. Lohiko na lamang ang gamitin kung nagkadayaan nga noong 2010--kung ang pag-withdraw lang ng P200 sa ATM kailangan ng digital signature, Pcos na pagboto pa kaya?
Ang Simbahan at Politikal na (Im)Moralidad
Akala ng Simbahang Katolika sa bansa natin na may basbas sila ni Bathala upang yurakan, balewalain, paglaruan ang tunay na tinig ng taumbayan. Hindi ba binabasa ng mga Obispong Katoliko ang Bibliya kung saan nakalagay na 'Ibigay kay Caesar ang dapat sa kanya' o malapit dito? Ang alam ko sa relihiyon ay moralidad ang itinuturo at dito sa lupa, may tatatas pa bang moralidad sa paggalang sa pangkalahatan/maramihang tinig ng bawat isa, maliit o mataas?
Masama ang magpatalsik ng nakaupong Pangulo na malinis na ibinoto ng taumbayan at ni hindi pa nangangalahati sa termino subalit ginawa ito ng Simbahan noong EDSA 2 Power Grab. Masama rin ang sumuporta sa bukas na nandaya ng boto, katulad ni Arrobo noong 2004 Hello Garci pero ginawa rin ito ng Simbahan. Nitong huling 2010 na halalan ay tikom na tikom ang bibig ng Simbahan kahit na mga mapapagkatiwalaang mga tao at grupo ay umalma na may dayaan Hocus Pocos.
Kapag hindi napag-init ng Simbahan ang mga tao laban sa kapapasang batas na RH, baka unti-unti nang mawawala ang impluwensya nito sa bayang Pilipino/Tagalog/
karma de hocus pcos, de hello garci, de oplan excelsis....
_________
Mga Batis/Iba Pang Basahin:
Look Back: 'Oplan Excelsis' plot to oust then-RP President Joseph Estrada hatched in 2000. http://
Manalo, Charlie V. and Baldo, Gerry. House Passes RH on Final Reading, 133-79. The Daily Tribune. 18 Dec. 2012. http://www.tribune.net.ph/
Perlas, Nicanor. Unelected and Illegal Government. 1 July 2010. Nicanor Perlas Site. http://
Perlas, Nicanor. Beware and Overcome [YELLOW] Media Manipulation. May 2010. http://
In Search of the Truth of the May 10, 2010 Philippine Polls. http://
The Ghost of FPJ: Beware the Liberal Party? http://
The Impunity of the Pro-Noynoy SWS Survey. http://
Will the Filipino bishops undo an Arroyo wrong? August 2006. Published at Sobriety for the Philippines Blog 4 May 2007. http://
______
Raw photo credit (Katedral ng Manila):
http://