Pages

Thursday, December 30, 2010

Rizal, Bonifacio, at ang "Pahimakas" ("Mi Ultimo Adios")

by Jesusa Bernardo

PATRIOT Jose P.  Rizal inspired nationalist Gat Andres Bonifacio y de Castro and the rest of the Filipino/Taga-ilog revolutionaries. Despite the fact that Rizal in the end disowned the revolution, his writings, particularly El Filibusterismo and Noli Me Tangere, formed an invaluable inspiration that helped allow or allowed the Supremo to push for the Philippine Revolution against colonial Spain.


We credit and laud Gat Rizal for crystallizing and popularizing the idea of independence and although he did shun it ultimately, it was only because he wanted the revolution to occur under ideal circumstances which he believed was best for the people.

We credit and laud Supremo Bonifacio for organizing and strengthening under very difficult colonial circumstances the Kataastaasan Kagalang-galang na Katipunan ng mga Anak ng Bayan (KKK), that noble society that aimed to liberate the country from the yoke of Spanish colonization.

Rizal provided a great inspiration for a nationwide assertion of independence. Bonifacio gave national life and force to Rizal's "filibuster" Elias character. Gat Rizal was being prudent disowning the Philippine Revolution of 1896. Supremo Bonifacio had the incredible historical foresight to push through with it despite initial lack of arms.

Imagine if the Bonifacio did not do what he did? No Philippine Revolution. The imperialist United States could then have all the right to call us "insurectos" & colonized. No claim to a Filipino-American WAR  (instead of "insurrection" as imperialist North America used to claim) . There would not even be a "President Emilio F. Aguinaldo," no matter that the hero-murderer grabbed power from, and  had the Supremo executed.

Wala sana tayong maipagmamalaking pagkabansa patungkol sa ika-19 na siglo. Kahit na nagapi tayo, naipagmamalaki pa rin natin na isa na tayong bansa na lumaban sa mga mananakop na Kalbong Agila.

The following is the Tagalog translation of Gat Rizal's "Mi Ultimo Adios" ("Last Farewell"), translated no less by Supremo Bonifacio. Written on the eve of Rizal's execution under the hands of the cruel, unjust Spanish colonizers, Mi Ultimo Adios (originally untitled) is considered by some to be his last will and testament to the country. That the Supremo of the Philippine Revolution translated the poem, despite Rizal's opposition to the Himagsikan ng 1896 is proof of Bonifacio's high respect for the inspiration of his independentist ideas and struggle.

Ang "Pahimakas," na salin ni Gat Bonifacio ng Mi Ultimo Adios ni Gat Rizal:


PAHIMAKAS NI DR. JOSE RIZAL
(salin sa wikang Tagalog ni Gat Andres Bonifacio)


Pinipintuho kong Bayan ay paalam,
lupang iniirog n~g sikat n~g araw,
mutiang mahalaga sa dagat Silan~gan,
kalualhatiang sa ami'y pumanaw.

Masayang sa iyo'y aking idudulot
ang lanta kong buhay na lubhang malungkot;
maging marin~gal man at labis alindog
sa kagalin~gan mo ay akin ding handog.

Sa pakikidigma at pamimiyapis
ang alay n~g iba'y ang buhay na kipkip,
walang agam-agam, maluag sa dibdib,
matamis sa puso at di ikahapis.

Saan man mautas ay di kailan~gan,
cípres ó laurel, lirio ma'y patun~gan
pakikipaghamok, at ang bibitayan,
yaon ay gayon din kung hiling n~g Bayan.

Ako'y mamatay, n~gayong namamalas
na sa silan~ganan ay namamanaag
yaong maligayang araw na sisikat
sa likod n~g luksang nagtabing na ulap.

Ang kulay na pula kung kinakailan~gan
na maitim sa iyong liway-way,
dugo ko'y isabog at siyang ikinang
n~g kislap n~g iyong maningning na ilaw.

Ang aking adhika sapul magkaisip
n~g kasalukuyang bata pang maliit,
ay ang tanghaling ka at minsan masilip
sa dagat Silan~gan hiyas na marikit.

Natuyo ang luhang sa mata'y nunukal,
taas na ang noo't walang kapootan,
walang bakás kunot n~g kapighatian
gabahid man dun~gis niyong kahihiyan.

Sa kabuhayang ko ang laging gunita
manin~gas na aking ninanasa-nasa
ay guminhawa ka ang hiyaw n~g diwa
pag hin~gang papanaw n~gayong biglang-bigla.

Ikaw'y guminhawa laking kagandahang
ako'y malugmok, at ikaw ay matanghal,
hinin~ga'y malagot, mabuhay ka lamang
bangkay ko'y masilong sa iyong Kalan~gitan.

Kung sa libin~gang ko'y tumubong mamalas
sa malagong damo mahinhing bulaklak,
sa man~ga labi mo'y mangyaring ílapat,
sa kaluluwa ko halik ay igawad.

At sa aking noo nawa'y iparamdam,
sa lamig n~g lupa n~g aking libin~gan,
ang init n~g iyong pag hin~gang dalisay
at simoy n~g iyong pag giliw na tunay.

Bayaang ang buwan sa aki'y ititig
ang liwanag niyang lamlám at tahimik,
liwayway bayaang sa aki'y ihatid
magalaw na sinag at han~ging hagibis.

Kung sakasakaling bumabang humantong
sa cruz ko'y dumapo kahi't isang ibon
doon ay bayan humuning hinahon
at dalitin niya payapang panahon.

Bayaan ang nin~gas n~g sikat n~g araw
ula'y pasin~gawin noong kainitan,
magbalik sa lan~git n~g boong dalisay
kalakip n~g aking pagdaing na hiyaw.

Bayaang sino man sa katotong giliw
tan~gisang maagang sa buhay pagkitil:
kung tungkol sa akin ay may manalan~gin
idalan~gin Báyan yaring pagka himbing.

Idalan~ging lahat yaong nan~gamatay,
nan~gagtiis hirap na walang kapantay;
m~ga iná naming walang kapalaran
na inahihibik ay kapighatian.

Ang m~ga bao't pinapan~gulila,
ang m~ga bilangong nagsisipag dusa:
dalan~ginin namang kanilang mákita
ang kalayaan mong, ikagiginhawa.

At kung ang madilim na gabing mapanglaw
ay lumaganap na doon sa libin~gan't,
tan~ging m~ga patay ang nan~gag lalamay,
huwag bagabagin ang katahimikan.

Ang kanyang hiwaga'y huwag gambalain:
kaipala'y marin~gig doon ang taginting,
tunog n~g gitara't salterio'y mag saliw,
ako. Báyan, yao't, kita'y aawitin.

Kung ang libin~gan ko'y limót na n~g lahat
at wala n~g kruz at batóng mábakas,
bayang lina~gin n~g taong masipag,
lupa'y asarolin at kanyang ikalat.

At m~ga buto ko ay bago matunaw
máowi sa wala at kusang maparam,
alabók n~g iyong latag ay bayaang
siya ang babalang doo'y makipisan.

Kung magka gayon na'y aalintanahin
na ako sa limot iyong ihabilin
pagka't himpapawid at ang pan~ganorin
m~ga lansan~gan mo'y aking lilibutin.

Matining na tunóg ako sa din~gig mo,
ilaw, m~ga kulay, masamyong paban~gó,
ang úgong at awit, pag hibik sa iyo,
pag asang dalisay n~g pananalig ko..

Báyang iniirog, sákit niyaring hirap,
Katagalugang kong pinakaliliyag,
dingin mo ang aking pagpapahimakas:
diya'y iiwan ko sa iyo ang lahat.

Ako'y patutun~go sa walang busabos,
walang umiinis at verdugong hayop:
pananalig doo'y di nakasasalot,
si Bathala lamang doo'y haring lubos.

Paalam, magulang at m~ga kapatid
kapilas n~g aking kaluluwa't dibdib
m~ga kaibigan bata pang maliit
sa aking tahanan di na masisilip.

Pag pasalamatan at napahin~ga rin,
paalam estran~gerang kasuyo ko't aliw.
paalam sa inyo m~ga ginigiliw:
¡mamatay ay siyang pagkagupiling!
_________


References:

Cruz, Hermenegildo. Kartilyang Makabayan. Lupong Tagaganap" ng ARAW NI BONIFACIO, 1933. Project Gutenberg EBook #148822, January 28, 2005.
http://www.gutenberg.org/files/14822/14822-h/14822-h.htm

Guerrero, Milagros C., Emmanuel N. Encarnacion, & Ramon N. Villegas. Andres Bonifacio and the 1896 Revolution. 16 July 2003. http://www.ncca.gov.ph/about-culture-and-arts/articles-on-c-n-a/article.php?i=5&subcat=13

Photo credits:

http://philippineamericanwar.webs.com/
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEhFMjp4QMMkxfQ7vd6ssT58laZO3iwLrCHrQg-r1yefe2KfJ25If-gzHi4psqPHn1z8AAtAvX515kRTzJwD1sB0O7_k0SLc0jU1lG6N9SsgHNmNd5wF6bKZKfilQwrnhJKq6WaTWnK9LlM/s1600-h/book02.jpg
http://www.knowledgerush.com/kr/encyclopedia/Spanish-American_War/